special chapter two | yuri
Somewhere, somehow, we will find each other
Broken pieces of our dreams won't fade away
- Fade, Orange and Lemons
*****
Dear Edelynn,
It's been weeks since we broke up. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakausad, tsaka hindi pa rin ako sigurado kung makakalimutan pa ba kita eventually. Time check: 10:12pm, yet here I am, still thinking about your smile --- no. About us. Isa pa, kahit ako 'yung bumitaw, ako pa rin ang mas nahihirapan. Ako 'yung unang taong nagkagusto sa'yo, pero ako rin pala ang makakapagsalba sa sarili ko. Aaminin ko sa'yo: nasasayangan ako sa mga memories nating dalawa. Nakakaya ko pa rin namang hindi alalahanin ang nangyari, pero kapag nakikita ko ang mga ginagawa ng mga kaibigan ko, maski mga kaklase ko na kasama ang mga jowa nila, naaalala ko kung paano natin ginawa iyon kahit pa naging tayo.
Sabi kasi nila, nasa Humanista ang true love. Iyan ang naging paniniwala ko noon, bakit? Kasi nandyan ka na. Hindi mabubuo ang mga araw at gabi ko na hindi kita nakakausap at iniisip man lang, at kapag natatanaw kita, makikita ko na lang ang sarili ko na kinikilig kahit nasa harap o likod ng upuan. Wala e, ang lakas talaga ng tama ko sa'yo. Kahit pa alam ng mga taga-HUMSS 11-04 ang sa'tin, at umabot iyon hanggang nitong nag-Grade 12 tayo. Iyan, in a relationship na tayong dalawa niyan. Kahit sina Robin at Jerome, alam naman nila iyon hindi ba?
Ganyan kita kagusto --- at ganyan din kita kamahal. Kaya ikaw ang naging insipiration ko kapag nag-aaral ako o gumagawa ng assignments at PTs, e. It's because of you.
Noong naging tayo, we cherished our moments together. Pinagmamasdan kita kapag natutulog ka, minsan kapag nagsasagot ka sa mga tanong ng mga advisers natin, chinicheer kita kapag naglalaro ka ng volleyball, tapos paminsan-minsan, pinapakinggan ko 'yung maganda mong boses na para mo na akong hinehele sa tuwing ginagawa mo iyon. Nakikita pa nga kitang ngumingiti kapag kausap mo sila Celica, tapos kapag nag-uusap tayo, gumagaan ang pakiramdam ko kahit nahihiya ako paminsan. Umaatras lagi sasabihin ko kapag nakikita kita at kapag kailangan mo ng makakausap, pero ngayon... mukhang hindi na talaga kita mahahagilap pa.
Maiba tayo ng usapan. Nahihirapan pa rin akong maka-usad. Araw-araw, gabi-gabi, umiiyak ako, ultimo hanggang campus iniiyakan kita habang nililingon ko bintana ng section namin. Kahit gusto kitang sundan mula building ng Educ galing sa'min sa Communication Arts, wala na akong magagawa pa. Tsaka, ano naman magiging pakinabang ko kung habulin pa kita, hindi ba? Ayokong maging katulad sa ginawa ko dati na nagbigay ng second chance dahil sa mahal pa rin kita. Nagsisi na ako roon, alam ko.
Ilang ritual na rin ang ginawa ko, makalimutan man lang kita nang saglitan. Nagpakalasing ako, minsan kasabayan kong uminom si Ike, tsaka, nag-focus ako sa mga academic tasks at PTs ko. However, just when I thought na okay na ako, wala pa man akong ginagawa ay inaalala na agad ng utak ko ang mga memories nating dalawa. Kahit paminsan-minsan ay iniisip kita bago ako matulog, at kahit sa panaginip ko ginusto ko na sana magparamdam ka kahit minsan lang.
Pero hindi ganoon ang nangyari. Habang tumatagal, 'yung mga memories nating dalawa, napapalitan ng mga bagay na ginagawa mo sa'kin --- specifically, panloloko mo. Putangina, you didn't know how much pain I've felt after I cut ties with you. Gabi-gabi akong umiiyak dahil pakiramdam ko, hindi mo deserve ang pagmamahal na meron ako para sa'yo. May mga araw na makikita ko na lang ang sarili ko na hindi kumakain, hindi makatulog, at ang mas masaklap, patuloy na magrereplay sa utak ko kung paano ko kayo nakitang naghahalikan noong second anniversary natin.
Ano bang laban ko sa inyong dalawa? I was your first love, but why did you cheat on me? Ano bang nakita mo kay Raigh na wala sa'kin? Did you fell out of love? O sadyang nahawa ka sa hate train --- whatever that is --- tungkol sa'kin? Edelynn, kilala kita. Sadyang nagpapapansin siya just to get you. In the end, you treat me as an option. But you left me with so many questions that are left unanswered!
And yet it's better to leave it as is. Iyon ang naging reality check ko sa sarili ko. Baka kasi kapag narinig ko iyon, mas masaktan pa ako lalo. If ever we could meet again, maybe those questions will be answered. Sa ngayon, iiyak muna ako. Hanggang ngayon nga, umiiyak pa rin ako habang sinusulat ko ang mga sasabihin ko sa'yo sa papel. Iyon lang kasi ang tanging paraan para mailabas ang mga hinanakit na bumabalot sa loob ko, kahit ngayon lang. Baka kasi mamaya hindi na ako makapagpigil at hanapin pa kita para mag-sorry.
Kahit ako pa mismo ang unang bumitaw sa'ting dalawa.
Enough of this conversation... for now. Marami pa akong gustong sabihin sa'yo, pero hanggang dito na lang siguro. I hope I could totally move on from you. Pero ang hirap, lalo pa't alam ko sa sarili ko na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na.
Until then,
Yuri
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top