073
YURI
"Ang ganda pa rin niya."
Ito ang binulong ng aking sarili habang pinagmamasdan ko si Edelynn, natutulog nang pagkamahimbing habang nakatitig sa'kin. Nasa tabi ko siya habang hinahaplos ang malambot na pisngi sa'king humahagod na kaliwang kamay, iniisip na pagkatapos ng lahat, siya pa rin ang gusto ng puso ko kahit marami ang magsasabi na, "I am a total jerk."
Yes, I really am. Pero nagpakamartyr pa rin ako alang-alang sa pagmamahal na mayroon kaming dalawa. Ganyan talaga siguro, ano? Dati kuntento na sa buhay na meron ako - payapa, walang crush na umaaligid, tsaka focus sa pag-aaral. Parang kailan lang sinabihan ko si Ike na hindi ako aaattach sa isang tao dahil totoo naman talaga, e.
At noong dumating si Edie, napapaisip ako: is this what love feels like? Ganito ba kapag first time ka nang naging attracted sa taong iyon?
Ngayon, masasabi kong okay na kaming dalawa, pero hindi ko maiwasan ang mag-isip. Mahal ko pa, oo. Minsan hindi ko siya nararamdaman dahil hanggang ngayon kinakatok ako ng nangyari sa park nitong dalawang buwan. Noong nagkabalikan kami, pinangako niya sa'kin na hindi niya ulit gagawin iyon dahil alam niyang mahal pa rin ako at hindi niya magagawang saktan ulit ako.
Or so I thought.
Panay ang tunog ng Messenger niya pero agad niyang pinatay ang cellphone para matapos na, ni hindi niya alam na may do not disturb na option, e. Agad akong tumayo sa tabi niya at hinanap ang phone sa kanyang shoulder bag. Hinard press ko ang gilid ng cellphone nang sa ganoon ay makita ko ang nilalaman niya (at ang rason kung bakit pinatay ang phone kanina). Tinignan ko ang taskbar para sa notifications, wala pa naman; mamaya magpaparamdam din iyon. I changed her phone to silent and turned on the wi-fi, and I even waited to blast those notifications while looking at her so deeply.
"I love you, Edelynn," bulong ng aking sarili, "pero pasensya na kung hanggang ngayon kinukutuban pa rin ako."
At tama nga ang mga kutob na iyon.
Dahil pagbukas ng kanyang cellphone at pindutin ang password nito, agad kong binuksan ang Messenger niya, at dito...
...sa pagbasa ng ilan sa mga conversations...
...ay siyang pagbalik sa mga alaalang hindi ko lubos maisip na mangyayari iyon sa ikalawang pagkakataon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top