070

YURI

Sure, these past few days were okay. Nagagawa ko naman mag-focus sa mga activities ko sa college, nakakasama ko pa rin ang ilan sa mga boardmates ko, kaya lang noong umabot ng tatlong linggo, pakiramdam ko nakulangan ako.

Dati naman, nakakaya kong gawin lahat ng mga ginawa ni Edelynn nang mag-isa. Sumakay ng dyip, kumain sa labas, mag-aral... pero pagdating ng bahay at lumipas ng alas-diyes, hayan na.

Ang masaklap, nito ko lang napagtanto na hindi pa kami break ng girlfriend ko. Siguro hinahanap niya na ako sa meeting place namin. Nagtetext pa rin siya sa'kin kung pwede kami magkita kaso hindi ko nirereplayan dulot ng nangyari noon. Nagsosorry, nagsasabi na hindi niya na pwedeng ulitin, at nagpapamiss at the same time.

Ako naman, nagsisisi. Grabe ang sakit ng ginawa niya sa'kin kaya pati pananalita ko ay bumibigat dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niya dahil alam niya na may mali siya, hindi ba?

Siguro iyan ang downfall pagdating sa pagmamahal. Nagiging tanga ka na halos. Yes, I was cheated; but am I ready to forgive her that way?

Lakas talaga ng tama ko. Sa sobrang lakas ng tama pati itong nararamdaman ko na nananahimik ng tatlong linggo --- napana na naman ni Kupido for the second time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top