065
YURI
Isang araw bago ang second anniversary namin, planado na ang lahat ng ireregalo para sa girlfriend ko. Nasa higaan ang bouquet of flowers na binili sa may bentahan ng bulaklak, kulay pink ng malaking teddy bear na may hawak na heart-shaped pillow sa tiyan, at ang handwritten letter na sinulat ko kagabi bago matulog. May nakadikit na sticker ng pulang puso sa pintuan ng envelope para makasiguro na madali niya nang mabubuksan kapag naibigay ko na iyon sa kanya, at panghuli, konti lang ang naibawas sa pera ko kaya pinamasahe ko na lang pauwi.
Lahat ng mga ininvest ko, napunta sa magiging celebration naming dalawa. Malaki ang nagastos sa halagang isang libo, pero siguro, sapat na sa'kin ang nabili ko para naman kahit papaano ay mapasaya ko siya. Konti na lang ay magkakaroon ako ng seminar at si Ike ang magiging speaker, at ang pag-uusapan namin ay tungkol sa pera.
Agad akong nagpaalam sa tatay ko bago ako lumabas papunta sa sakayan ng dyip, at habang naghihintay ay tinext ko si Edie:
corny ni yuri:
where you at
Pagkasend ko ay agad dumating ang sasakyan, at saktong pagsakay ay nakita ko si Jerome sa loob kasama si Micaiah na mukhang nakatulala sa mga hawak ko. Pagkaabot ng bayad ay agad ko silang kinamusta, "Uy, kamusta na kayo? Tsaka, saan kayo galing?"
Sagot ni Micaiah, "Okay naman po, Kuya Yuri. Heto, sinundo ko si Jerome galing practice."
Ah, Micaiah Luis. She's still the same person na tawag sa'min ni Edie ay Ate at Kuya, ani ng isip ko. Napatango naman ako sa sagot niya, "Tsaka, bakit parang ang bigat ng dala niyo po? Kay Ate Edie po ba iyan?"
"Ah, oo. Anniversary kasi namin ngayon."
Napalingon silang dalawa sa narinig ko na tila hindi nila alam ang chismis sa'ming dalawa. Agad naman nila akong binati bago kami nag-usap habang nasa loob ng dyip, at sa ginagawa ko ngayon ay talagang namimiss ko na silang dalawa. Hindi ko masyadong nakikita si Jerome pagkatapos ng graduation namin, pero si Micaiah napapansin ko madalas sa village.
Nabalot ng hagikhikan ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating sa parke kung saan naghihintay si Edie sa'kin. Sumunod na rin ang dalawa dahil kakain pa sa labas at para tulungan sa mga gamit ko. Pagkalakad ay sinabihan ni Jerome na tawagan na pero tumanggi ako dahil ako na mismo ang magsusurpresa sa kanya pagkarating.
Pagpunta ko sa likod ng bench ay may naispatan akong pamilyar na babae. Sa bangs pa lang at sa nipis niyang buhok alam kong siya iyon, iyon nga lang...
May kasama siyang ibang lalaki. Naghaharutan nang hindi man lang nila ako nilingon. At alam kong namumukhaan ko iyon dahil natikman ko kung paano niya ako insultuhin noong mga araw na may gusto ako kay Edie.
Sa hindi inaasahan, pakiramdam ko magkakasakit ako sa sumunod na nakita at narinig ko:
"You know what, I think it's time for me to say these words one last time-I still love you Edelynn. Pwede na ba tayong dalawa?"
"Tumigil ka nga! May boyfriend na ako, remember?"
"Kung gusto mo, ako na lang siya. Tutal hanggang ngayon ayaw na ayaw ko pa rin sa taong iyon. Seryoso ako. Kaya please, rito ka na sa'kin ano?"
"Pero Raigh-"
Naglapat ang kanilang mga labi, habang ako naman na may hawak na regalo sa magkabilang braso ay biglang bumagsak sa mga halamanan. Bumibilis ang tibok ng puso ko at ang paghinga'y unti-unting naninikip habang dumadaloy ang mga tubig na umuusbong papunta sa'king pisngi. Kung alam niya lang kung gaano ko binuhos at sinakripisyo ang oras at panahon na inilaan ko, maibili ko lahat ng paboritong mga bagay na hilig niya.
Tapos sasayangin ko pala iyon sa dulo?
Agad akong umalis sa pwesto dala-dala ang mga luhang patuloy nakikiramdaman sa matinding damdamin at kalungkutan, at pagbalik ay napansin ako nina Jerome at Micaiah na kumakain ng fishball at kikiam pero nagkunwari akong may tears of joy. Ayokong ipaalam sa kanila na hindi ko binigyan si Edelynn ng regalo, at nang may nakita akong hindi kanais-nais na siyang magdadala ng permanenteng hapdi sa'king buhay.
Na ang girlfriend ko, may kahalikan nang iba.
At ako? Gumastos na't lahat, maski surprise visit pinagplanuhan ko na.
Pero kabaligtaran lang pala lahat ng iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top