035
YURI
“Anak, ginabi ka ng uwi, a,” banggit ni Papa sa'kin habang nanonood ng balita sa TV. Nakaharap sa kanya ang flat screen na may nakasulat tungkol sa banggaan ng dalawang sasakyan sa isang kalye, at kahit umaabot ng konting layo ang lakas na naririnig ay agad kong nilagay ang backpack sa ilalim ng staircase kung saan nakakalat ang mga sapatos namin ni Papa.
“Sorry po,” I apologized in a low note. “Sinamahan ko po si Edie kanina gumala, buti nagsabi ako kay Ike bago kami naglakad.”
“Rinig ko nga. Nag-aalala lang ako dahil baka may mangyari kang masama tapos hindi ko alam, di ba?”
Napatango na lamang ako sa kanya at biglang tumamlay ang aking katawan sa’king narinig. Ever since my mom died when I was young, me and my dad have always been together inside this house. Tinrato niya ako na parang nanay bukod sa pagiging tatay niya, at dahil dito’y unti-unti kong itong nararamdaman kahit pa minsan ay naiinggit ako sa pamilyang buo ang pamilya, including Ike.
At first, I envied him on having a complete family, however, as time goes by, he reassured me and saying that even single parents deserves love and respect, and that statement reminded me that even if we’re two of us being together inside this household, still, it felt like as if we’re complete family.
“Siya nga pala, may niluto akong pagkain sa kusina. Baka nagugutom ka.”
“Mamaya ko po muna titignan. Akyat po muna ako.”
Tumango naman si Papa at kaagad kong tinungo ang taas ng kwarto ko para maghilamos at magbihis. Kumportable naman ako sa suot kong black jersey at blue shorts kaya naman pati uniform ko ay hinanger ko muna sa tabi ng higaan para bukas ay may maisuot ako.
Umupo muna ako sa kama at pinagmasdan ang kanang bahagi na may grey na laptop sa desk, kasabay nito ay ang mga gamot, mga tirang school supplies sa maliit at kayumangging basket na nakalagay sa itaas ng wooden table. Sa gawing likod at harap ay nariyan ang mga librong may iilan na bili ko at ang iba ay binigay galing sa mga kamag-anak o kaibigan ko, sa tabi ng libro na nasa shelf ay nariyan ang mga sapatos na ginagamit ko kapag nasa labas, at sa mga dingding ay may nakadikit na mga lyrics ng mga kantang pinapakinggan ko habang iniisip si Edelynn.
Pinagmamasdan ko iyon palagi habang nag-aaral ako kaya kapag may linyang nalabas sa screen ng cellphone ko, iniiscreenshot ko, ico-crop at ipiprint bago ko ilagay sa dingding kapag nagupitan ko na. Noong una, nagtaka si Ike sa ginagawa ko. He always said that why did I gatekeep those lyrics from the songs I’m playing, and it’s because I need to design my room since we moved houses. Kahit pa kinuha ko sa Pinterest ang mga song lyrics nito, hindi ko siya dinidikit bagkus ay naka-attach na lang siya sa wallet o sa mga libro hangga't hindi pa kami nakakalipat ng bahay.
Pero noong nakilala ko si Edelynn, lahat ng mga kantang pinapakinggan ko, siya ang nilalaman. Kung idedescribe ko siya in a way na para akong nakikinig ng music, siya ‘yung melody na sumasabay sa ritmo ng tugtugin, tipong first few notes pa lang, alam mo na agad na maganda ang kantang papakinggan mo. Walang mabubuong melody kung walang lyrics na sasabay sa’yo, katulad niya. Sinasabayan niya ang ganda na umaabot mula labas hanggang loob, at kapag may mali siya, itatama ko naman.
Habang nagsusulat ka ng kanta, kapag may mali sa sinulat mo, papalitan mo iyon ng bago. Pero para sa’kin, walang mababago dahil nasulat ko na siya nang dire-diretso. Walang palitan, walang alisan.
Steady, ika nga.
At kung may kakanta man, meron, syempre. I’m gonna sing like I’m confessing to someone whom I am deeply in love with. Kapag nabuo na, congratulations! Ang iisipin na nila ay magiging song of the year ang kanta ko, pero ako?
Kailan ba niya ako magiging boyfriend of the year?
***
Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba ako ng hagdanan para kumain ng hapunan — timing lang dahil kumakain din si Papa habang nanonood ng pelikula sa TV. Masyado na yata siyang na-stress kaya nilipat na lang ang channel, paulit-ulit na lang kasi ang mga binabalita roon though may mga bagong balita rin naman.
Kumuha ako ng mangkok at nagsalok ng kanin at ulam, tamang-tama at adobong patatas ang niluto niya ngayong gabi. Nang matakpan ko ang pagkain ay dumiretso ako sa sala para kumain kasama siya at makitawa paminsan sa mga hirit ng mga bida sa pelikula. Tamang-tama ang tamis at asim na nalasahan ng aking bibig, isama ko na rin ang patatas na nanunuot sa lambot at creaminess nito. Hindi ko inuna ang manok na nakasalin sa itaas ng kanin, bagkus ay damang-dama ko ang perfect taste ng sabaw at kanin — parang chemistry ng mag-love team na nasa harapan ko, kumakanta habang nakaharap sa isa’t isa at damang-dama ang pagmamahal na mayroon sila.
Not until…
“Anak, sa kakangiti mo mukhang malalim ang iniisip mo, a.”
I snapped back to reality as my dad called me while I was swallowing food inside my mouth. Unti-unti kong nilulunok ang pagkain hanggang sa ako’y nagsalita, his expression’s still mysterious and interrogating as I speak, “Bakit po ganyan ang tingin niyo sa’kin?”
Tatlong beses itinaas ni Papa ang kilay niya bago siya nagpatuloy sa pagkain. Nang mag-commercial break ay agad siyang humarap sa’kin, “Yuri, gusto mo bang matulad sa napanood natin? Nakanta sila tapos sabay maghahalikan sa dulo?”
I became quite puzzled as he asked me, “Bakit po? May masama po ba sa panonood ko?”
“Wala naman. Ang iniisip ko, parang wala ka sa sarili, a. Si…” Nag-isip siya ng ilang segundo bago ako tanungin kung anong pangalan niya.
“Edelynn?”
“Ayun. Siya na naman, ano?”
Itinabi ko ang pagkain sa lamesa dahil hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano, “Pa naman!”
Nang masabi ko iyon ay saka ko na narealize na nasalubungan ko siya ng puting perlas sa’king labi habang natawa nang mahinahon sa harapan niya. “Ay, siya! Mukhang kinikilig ka na ata. Buong araw mula klase hanggang dito, siya ‘yung laman ng isipan mo.”
“Ayun nga po. Kahit kakatapos lang po namin lumabas e nariyan pa rin. Kumakabog pa rin.”
Nilingon ni Papa ang pisngi ko na unti-unti nang namumula, umiinit at nangangamatis sa sobrang kilig. “Tsaka, tignan mo naman ‘yung pisngi mo, kilig na kilig na.”
Using his left index finger, he wiggled it into my right red cheeks which made me tickle at the same time. Kahit ilayo ko pa sa kanya ang daliri nito’y hindi pa rin siya tumitigil — not until my phone beeped from the table where we eating.
“Yuri, baka nag-text na shota mo. Kunin mo na,” asar ni Papa sa’kin. I totally denied what he’s saying, until I checked her message.
Edelynn:
Are you free tonight? I just need to vent out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top