031
Raigh Salvacion
active now
TODAY AT 8:50PM
Raigh:
Edelynn sagutin mo tawag ko
Kanina pa kita tawag nang tawag, e
Edelynn:
Sa nakapatay cellphone ko kanina ke may ginagawa ako
Tsaka pwede ba, lubayan mo muna ako?
Raigh:
Ayoko
Hindi ako matutulog nang maayos hangga’t hindi pa kita nakakausap.
*****
EDELYNN
Aba’y gago pala itong si Raigh? Sinabihan ko na huwag akong kulitin, kinukulit naman ako.
Huminga ako nang maluwag at nagpasyang sagutin ang tawag niya. Masyado yatang excited ang lalaking ‘to kaya hindi na ako magtataka kung bakit ginusto niya ako (kahit hindi naman talaga.)
Alam ng mga kaibigan ko maski kay Ike ang tungkol sa’ming dalawa. Dalawang buwan na kaming nagkaroon ng no label relationship, at medyo nasasanay na ako sa mga pa-effort niya sa’kin. Napakabait niya, maloko, may sense of humor, at mahilig mag-explore ng mga bagay-bagay. No wonder GAS (or General Academic Strand) ang kinuha niyang strand sa senior high, kaya siya pumasok sa Ace High, e.
Si Yuri naman, kapareha kami ng strand. Masaya siyang kausap, matalino, mahiyain siya noong una pero kung paano siya ngumiti — grabe, nakamamatay. Minsan nagiging ka-partner ko siya sa mga activities, pero madalas napupunta siya kay Robin o maski sa iba pang mga kaklase niya. Pero kahit na ganoon, kapag nakakasama ko siya, pakiramdam ko nakakahinga ako nang maluwag.
Compared to when I’m with Raigh… it sounds draining but fun.
Nang mapakinggan ko ang boses niya, ni katiting na kilig ay naramdaman ko kahit kaunti. Balak ko talagang tapusin ang namamagitan sa’min kaso paano?
Sabihin na lang natin na palagi na lang nagpupumilit na gawin sa'kin ang mga ginagawa ng mga mag-jowa: holding hands, hugs and kisses, and doing the things I don’t want to involve with because I’m not ready for it. Ang weird ko ba na just because nasa NLR kami e hindi ako nagpapadala sa mga pagpapakilig niya?
“Edie, nagreview ka na ba para sa exams?” tanong niya sa’kin. Tinignan ko ang wall calendar, two weeks pa naman bago magsimula. Tanging hindi pa ang aking sinagot bago ko tanungin na, “Bakit?”
“Wala lang. Talk to me, I’m bored.”
Pagkatapos noon, tumawa siya sa paraang nakakapang-akit. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o totoo ba pero wala akong ibang magawa kundi mag-isip ng pag-uusapan namin. Saktong timing ay tumunog ang notifications ko:
Carl Yuri:
review tayo?
baka nakakalimutan mong may quiz sa contempar
Buti na lang at nag-iisip pa ako ng kung anong mapagkukwentuhan sa’ming dalawa ni Raigh, pero noong nakita ko ang isa pang chat ni Yuri, hindi ko alam na may two missed calls pala galing sa kanya.
Nag-iisip ako kung ano ang pwede kong sabihin nang hindi masasaktan si Yuri. Paano ko ba sabihin sa kanya na may kausap ako ngayon?
“Raigh, pwedeng saka na muna tayo mag-usap?” I asked him politely. “Magrereview ako ngayon.”
Noong sinabihan ko siya, nag-iba ang tono ng boses niya. Binigyan niya ako ng malamig pero nakakainis na sagot na parang may pumutok sa kanya, “Sige na nga.”
At binaba niya na ang tawag. Imbes na kay Yuri umabot ang atensyon ko, sa kanya ako nagpasabi. Pero noong ginawa ko iyon e saka pa siya mukhang nagalit like, may pakialam ba siya?
Hindi ba pwedeng pati sarili kong buhay hindi niya na guluhin — ay mali.
Pwedeng in the first place, hindi niya na ako ginulo pa?
E di sana...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top