012

Yuri isn't sure if he would believe in Ike's words about Edelynn. For some reason, hindi pa niya nakikilala nang lubos ay nalaman na agad ang bad side galing sa kapitbahay niya mismo. After his reply, he immediately turned off the data and let his mind take a rest.

Sa isip niya, bakit niya hinusgahan pagkatao ng crush ko porket magkaibigan sila? Ilang minuto na siyang binabagabag ng tanong na iyon, at kahit magsulat pa siya ng mga notes o gumawa ng gawaing bahay ay maya-maya namang magpaparamdam ang sinabi ng kanyang kaibigan tungkol dito.

Hanggang sa kanyang pagtulog ay iniisip niya na ano kaya ang kanyang gagawin? Kaya sa huli, pinili niya kung ano ang nararapat:

Ang kalimutan ang sinabi ng kanyang kapitbahay at sa halip ay suwayin ang sinasabi nito — just to see her once again.

*****

Lumipas ang isang linggo ay naging magkaibigan sina Yuri, Robin, at ang bago nitong kaklase na si Jerome na kakatransfer lang sa Ace High. Sabay silang tatlo ngayon na kumakain sa canteen, pero sa hindi inaasahan…

"Yuri, did you see what I see?" tanong ni Jerome sa kanyang kaibigan habang pinagmamasdan si Edie at ang kanyang mga kaibigan na pagkatapos bumili ng kanilang mga pagkain ay dumiretso sila sa bilihan ng school supplies para tumambay kahit saglit.

Tinuro niya ang babaeng nakasuot ng school uniform at may hawak na Contemporary Arts na libro sa kanyang bisig, isang mahinhing ngiti ang nailabas sa kanyang bibig dahilan upang mapatango si Yuri sa tabi ng kanyang kaibigan, "Oo, pre."

Napatigil si Robin sa kakakain nang marinig ang sagot ng kanyang kaibigan na nasa harapan. Anito, "Hoy, ano yan? Ano 'yung naririnig ko, ha?"

"Nakita niya si Edelynn, ugok!"

"Hindi ako ugok katulad mo, Jerome!" Ibinaling niya ang atensyon kay Yuri, "Maganda ba?"

The latter nodded upon answering his question, "May something talaga sa ngiti niya."

"Nakakainlove ba?" sabat ni Jerome, Yuri gave him a sharp stare after he finished his bite. "Pwede bang manahimik ka muna?"

"Okay, okay! Chill!"

Sa kabilang banda ay makikita natin sina Edie, Anj, at ang kanyang mga kaibigan na kumakain ng turon sa tabi, at habang nakikinig ang dalaga sa istorya ni Roy ay napunta ang atensyon niya kay Yuri: kumakain kasama ang dalawang mga kaibigan at nag-aasaran sa isang tabi. Surprisingly, Yuri went a turn over her stares, hence, a slow-motion like moment happened where two people leaned on each other's eye colors — as if it's like a movie.

"Hello, earth to Edie?" Hindi niya namamalayan na sa sobrang grabe ng tinginan ng dalawa ay tinawagan na agad siya ni Anj habang sila'y aakyat papunta sa kani-kanilang mga silid.

"Anong meron at bakit nagkatinginan kayong dalawa ni Yuri, ha? Baka nakakalimutan mo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top