Chapter 9-10
12 years...12 years but still, nandito pa'rin ako naghi-hintay sa kanya, sa paliwanag niya. Sabi nila bakit ko pa ba hinihintay ang pagbalik ni jael, bakit ba daw hindi ako nagalit sa ginawang pang-ghost sa'kin ni jael, bakit daw patuloy akong umaasa na babalikan ako nung tao.
Simple lang naman, dahil nung huling araw na nag-kita kami sinabi niya sa'kin, mahal niya ako, sinabi niya sa'kin na mahal na mahal niya ako.
"Nandito ka na naman." Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni kira. "Yeah."
"Hinihintay mo pa'rin?" Tanong niya agad naman ako tumungo, hindi ko napigilan mamasa ang mata ko, sa tuwing may taong nagta-tanong sa'kin kung hinihintay ko pa'rin siya naiiyak ako. "Oo eh, hinihintay ko pa'rin siya." Mapakla akong ngumiti pagkatapos sabihin 'yun. Kahit minsan naisipan ko din naman tumigil sa paghihintay pero, anong magagawa ko? Patuloy pa'rin siya hinihintay ng puso ko, patuloy pa'rin ako dinadala ng paa ko sa park kung saan kami umamin sa isa't isa.
"Ang tanga mo na eh." Ramdam ko ang inis sa boses ni kira ngumiti lang ako. "Siguro."
"Bakit ba hindi mo magawang magalit kay jael? Bakit hindi mo siya magawang ipagpalit d'yan sa puso mo?" Sunod-sunod niyang tanong, hinarap ko muna ang pool saka humarap sa kanya at mapaklang ngumiti. "Kasi ayoko siya husgahan, gusto ko malaman 'yung dahilan niya, gusto ko malaman bakit niya ako iniwan ng walang paalam, gusto ko malaman bakit siya umalis ng walang dahilan, gusto ko malaman kung bakit..."
Hindi ko maituloy ang sasabihin ki dahil naiiyak na naman ako. Naramdaman ko naman yumakap sa'kin si kira. "Bakit pa siya umamin kung iiwan niya din pala ako..."
Hindi ko talaga maintidihan eh, gusto ko pa'rin malaman ang paliwanag niya, gusto ko pa'rin marinig ang dahilan niya bakit niya nagawa ang lahat ng 'yun, umaasa pa'rin ako eh.
"W-Wala akong pakialam...Kung may girlfriend siya or asawa na siya ang mahalaga sa'kin, malaman ko ang totoo, ang mahalaga sa'kin ipaliwanag niya ang side niya pagkatapos nu'n, pag-iisipan ko...Kung handa na akong pakawalan siya sa puso ko..." Umiiyak kong sabi at kinuha ang bracelet sa pulso ko at mahigpit na hinawakan 'yun.
"Bigay niya sa'kin 'to, hindi ko alam kung bakit niya sa'kin binigay ito." Mapait akong ngumiti at nilingon siya.
"Pwede ba mahawakan?" Tanong niya, agad naman akong tumungo at inabot sa kanya 'yun. Hinawakan niya 'yun saka winagay-way sa hangin, kinakabahan ako dahil baka mahulog sa pool dahil malapit lang kami sa pool. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang inaalala ang huling araw namin mag-kasama.
Agad ako natigilan sa pag-iisip ng marinig kong tumunog ang tubig at ganu'n nalang ang pag-iyak at hagulgol ko ng makita kong paano lumubog ang bracelet sa pool.
"Hala! Sorry jia! Hindi ko sinasadya!" Hingi ng paumanhin ni kira, pero hindi ko pinansin 'yun at mabilis na tumalon sa pool at walang ano-anong sinisid 'yun.
'Yung bracelet, bigay sa'kin ni jael 'yun.
Mabilis ako umahon ng hindi na ako makahinga pero hindi pa'rin ako tumitigil sa pag-iyak malakas kong pinag-susuntok ang tubig dahil sa sakit na nararamdaman ko at inis, inis sa sarili dahil hindi ko mahanap 'yung bracelet.
"Jia ano ba! Umahon ka na d'yan hayaan mo na 'yan!" Sigaw ni kira pero umiling ako. "Hindi pwede kira! B-Bigay ni jael 'yun..." Mas umiyak ako saka sumisid ulit wala akong pakialam kung mag-dama akong sumisid dito makita ko lang 'yunh bracelet, sobrang halaga nu'n sa'kin.
Mabilis akong humagulgol at dali-daling umahon ng makuha ko ang bracelet, agad akong umahon sa pool at naupo sa gilid nu'n at niyakap ang bracelet habang wala pa'rin tigil sa pag-iyak.
"Sorry jia, hindi ko talaga sinasadya." Hingi pa'rin niya ng paumanhin pero hindi ako umimik at nanatiling umiiyak habang mahigpit na yakap ang bracelet, nawala na nga sa'kin si jael, pati ba naman 'yung bracelet na regalo niya sa'kin.
***
"Anak? Aalis ka ulit?" Napalingon ako kay mama. "Opo." Simple kong sagot.
"Jia, alagaan mo naman sarili mo, simula ng umalis si jael lagi kana malungkot, asan na si jia na masiyahin? Anak naman...Hindi na baba-"
"Ma, babalik siya, babalikan niya ako, sa park, 'dun kami magki-kita ulit, 'dun niya ako babalikan ma, babalikan niya ako." Putol ko sa sinasabi ni mama bago lumabas ng bahay, nang makasakay sa sasakyan ay 'dun lang muli ako umiyak.
Babalik siya, babalikan niya pa ako. Mahal niya ako eh, kaya babalikan niya ako, magpa-paliwanag pa siya sa'kin.
Promise jael, isang paliwanag mo lang, tatanggapin ulit kita.
Mabilsi ko minaneho ang sasakyan hanggang sa marating sa flower shop ko, may sarili akong flower shop, hindi ko alam nahiligan ko na ang bulaklak simula noon, kaya nung nakapagtapos ako agad ako nag-ayos para mag-tayo ng small business ng flower shop, maliban sa flower shop ay may jewelry din ako na may ilan na din branch sa buonh bansa.
"Good morning ma'am." Bati sa'kin ni nina, ang isa sa pinaka mabait na tauhan ko, dito ako lagi nakatambay sa flower shop pag-hindi sa park ang punta ko, sa park ako umiiyak pero pagdating sa flower shop kailangan naka-ngiti ako lagi.
"Dumating na po pala 'yung mga rose and sunflower ma'am." Sabi niya ulit tumungo naman ako saka nilapag ang bag ko sa mesa ko.
"Ang mga order ng bulaklak? Kamusta? Ayos na ba?" Tanong ko.
"Opo, okay na po 'yung mga order po kahapon na mga bulaklak ay na-ideliver na, 'yung mga order lang po ngayon ay inaayos pa po para ma-ideliver." Paliwanag niya, tumungo-tungo naman ako saka sinimulan buksan ang mga files ng mga stock ng kagamitan namin nang makita naka-ayos na naman ang lahat ng 'yun, ay binuksan ko naman ang laptop ko para ma-check ko ang jewelry store ko na malayo-layo sa lugar ko, 'yung main store ang tinutukoy ko.
"Tska pala ma'am may nag-padala sa inyo." Sabi niya, mabilis naman ako umiling. "Kung si ken 'yan, paki-sabi ayoko." Utos ko, si ken ang schoolmates ko nung college na hanggang ngayon ay nangungulit sa'kin kahit ilang beses ko na sinabing ayoko.
"Ma'am iba po." Sabi niya kaya nag-taka ako at nag-angat ng tingin. "Sino?"
"Ay ma'am nandiyan na pala 'yung nag-padala kanina ma'am, akala ko po kasi hindi na siya babalik." Sabi niya at tumuro sa pinto, marahan akong lumingon ganu'n nalang ako kabilis napatayo sa pagkakaupo ng makita ko kung sino ang naka-tayo sa harap ko.
Matangkad,gwapo,matipuno at wala pa'rin nag-bago, siyang-siya pa'rin, parang mas tumangkad pa siya lalo at talagang lumaki ang pangangatawan niya, hindi ko napigilan mamasa ang mata ko.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at walang sabi siyang niyakap, naramdaman ko naman din gumanti siya nang yakap dahil tuluyan na naman akong maiyak.
"B-Bumalik ka. B-Binalikan mo'ko." Utal at umiiyak kong sabi, hinaplos naman niya ang buhok ko kaya mas binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Binalikan mo'ko..."
"I'm so sorry jia, I'm so sorry hindi ko sinasadya na iwan ka bigla, hindi ko ginusto mawala ng matagal."
"Okay na, mahalaga binalikan mo'ko, bumalik ka para sa'kin." Umiiyak kong sabi at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Of course, babalikan kita kahit anong mangyari, mahal na mahal kita, kahit anong mangyari sa'yo pa'rin ako babalik, sa'yo pa'rin uuwi ang puso ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top