Chapter 8
Halos naka-awang na ang bibig ko sa dami ng pagkain sa harap ko.
"May gusto ka pa ba? Sabihin mo lang para ma-order ko." Sabi ni jael mabilis naman ako umiling, masyado na madami 'yung pagkain sa harap ko 'no.
"Ang dami na 'wag na."
"Sure ka?"
Mabilis akong tumungo.
"Sige kumain kana, pupunta pa tayo sa park." Malaki siyang ngumiti ganu'n din ako.
***
"Jael bakit mo ba gusto kanina pa pumunta dito?" Tanong ko, naka-upo kami ngayon sa ilalim ng isang malaking puno dito sa park, madilim na dahil gabi na at kakaunti nalang din ang tao sa park. "Gusto kita makasama."
Hindi naman ako nakaimik sa sinagot niya, hindi ko alam kung anong meron pero kanina ko pa napapansin na parang na sa'kin lang lahat ng atensyon niya, parang ba ayaw niya ako mawala sa tabi niya. "Ako din naman."
"Namiss talaga kita, jia hindi ko alam pero alam kong mamimiss pa kita." Sabi niya, 'yung unang sinabi niya gets ko pero, 'yung huli hindi ko maintidihan masyado ang pinaparating niya.
Tumawa nalang ako.
"Para pala sa'yo," aniya sabay abot sa'kin nung binili namin kanina, agad nanlaki ang mata ko at pabalik-balik ang tingin sa paper na may bracelet at sa kanya.
"S-Sa'kin?" Utal kong sabi, grabe sa'kin talaga 'to? Almost 20k 'to tapos ibibigay niya lang sa'kin.
"Yeah, I hope you like." Ngumiti siya, hindi naman ako naka-react gusto ko umiyak sa saya, dahil sa totoo lang nang sabihin niya kanina na girlfriend ay iniisip ko talaga na para 'yun sa girlfriend niya dahil hindi naman kami kaya nasaktan ako kanina, pero ngayon hindi ko alam gusto ko maiyak sa tuwa dahil para sa'kin 'yun, at first time ko magka-roon ng bracelet na totoo, 'yung hindi mangangati ang kamay ko dahil totoo siya.
Hindi pa ako nakakaimik ng kunin niya ang kahon sa loob ng paper bag at buksan 'yun, kinuha niya ang bracelet at pinanood ko lang siya na isuot 'yun sa'kin.
"Bagay sa'yo," aniya, hindi pa'rin ako naka-imik, natulala lang ako sa bracelet bago siya nilingon.
Akmang iimik na ako ng kunahin niya ang isang kamay ko at halikan ang ibabaw nu'n dahil 'dun ay mas naguluhan ako, hindi ko alam kung kaya ko pa ba mag-salita dahil sa gulat na nararamdaman.
"Jael..." Tawag ko sa pangalan niya pero hindi pa'rin ako makapag-react ng maayos, naguguluhan ako hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun, hindi ko alam kung bakit niya pinapakita sa'kin ang mga 'to, hindi ko talag alam, kasi ang alam ko ako lang ang may feelings sam'mi dalawa, ang alam ko lang ako lang 'yung may gusto, ako lang 'yung nagma-mahal pero, sa pinapakita niya.
Hindi ko alam ang ire-react ko, hindi ko alam kung aasa na ba ang puso ko.
"Jia, I like you, I love you." Sabi niya dahilan tuluyan na ako matigilan, gusto ko umiyak sa tuwa ng nararamdaman ko, akala ko ako lang, akala ko ako lang ang nagma-mahal sa'min dalawa, akala ko ako lang 'yung may gusto, akala ko nag-a-assuming lang ako na may gusto siya sa'kin pero, totoo ba ang lahat ng 'to? Kasi kung panaginip lang 'to, please gisingin niyo nalang ako, masyado masakit sa puso eh kung panaginip lang ang lahat ng ito.
"I know you love me too, I know you like me too, please say it, na mahal mo'ko, na gusto mo din ako please..." Nagma-makaawa ang boses niya, agad naman ako tumungo bilang pagsang-ayon.
"O-Oo, gusto din kita. O-Oo mahal din kita, matagal na, jael..."
Mabilis niya akong niyakap ganu'n din ang ginawa ko.
"Please stay Inlove with me please? Our love not going to lost hope of love, just stay inlove with me until the end..."
***
Almost two months na ang lumipas, may pasok na kami pero, 'yung sa park, 'yun ang huling araw na nakita ko si jael, hindi ko alam, hindi ko alam kung ano nangyari. Pagkatapos niya ako ihatid iuwi sa bahay kinabukasan, text,tawag or chat man lang wala akong natanggap, araw-araw, gabi-gabi ako naghi-hintay, hindi ko alam.
Hindi ko alam ang maling ginawa ko, kung bakit hindi siya bigla nag-paramdam, hindi ko alam kung bakit siya ganu'n. Pagkatapos namin aminin sa isa't isa kung gaano namin kamahal ang isa't isa, bigla siya nawala, bigla siya nag-laho na parang bula. Hindi ko alam bakit ganu'n
Eto ako ngayon, nasa labas ng classroom nagba-baka sakali na tutupadin niya 'yung pangako niya sa'kin na dito siya papasok.
Pero halos buong araw na ang dumaan wala akong jael na nakita, wala pa'rin jael na nag-pakita sa'kin.
Araw-araw ako nag-text sa kanya hindi ko alam kung ano ba talaga nangyari, bakit siya bigla nawala bakit bigla niya ako iniwan ng walang paliwanag, kung bakit siya umalis ng walang paalama.
Araw,buwan,taon na ang lumipas, graduate na ako ng grade ten pero hindi ko pa'rin siya nahahagilap.
Nag-aalala na ang pamilya ko sa'kin pero anong magagawa ko? Gusto ko pa'rin siya eh, gusto ko pa'rin siya makita kung nasaan na ba siya.
Bakit ba kasi ganu'n bakit ba niya ako bigla-bigla iniwan ng walang paalam? Wala naman akong ginawa.
Hawak ang bracelet na binili sa'kin habang nakatanaw sa isang maliit na pool dito sa park, hindi ko na alam.
"Bwisit!" Umiiyak kong sigaw, saka mabilis na binato sa tubig iyon, naiinis ako sa kanya pero, ang magalit hindi ko talaga magawa, hindi ko magawang magalit sa kanya kahit ganto ang ginawa niya sa'kin.
Mabilis akong humagulgol sa iyak habang sinisilip kung saan napunta 'yung bracelet na binigay niya sa'kin, agad ako nag-sisi dahil binato ko 'yun.
Natatakot ako, hindi ako marunong lumangoy, gusto ko kunin 'yung binigay niya sa'kin sa ilalim ng pool pero natatakot ako, baka malalim.
Umiiyak akong sumisigaw at walang tigil sa pag-hagulgol at mabilis na tumalon sa pool, wala na akong pakialam kung malunod na ako, basta makuha ko 'yung bracelet.
'Yung bracelet nalang ang ala-ala na iniwan niya sa'kin, hindi ko kaya mawala 'yun, mahalaga sa'kin 'yun.
Hindi ko napansin na naka-ahon na ako sa pool hawak ang bracelet na binigay sa'kin ni jael. Nag-patuloy ako sa pag-iyak at mahigpit na niyakap 'yun.
Bakit siya umalis ng walang paliwanag, nag-paalam?
'Yun ang masakit eh, hindi siya nag-paalam sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top