Chapter 7

"Buti naman gising kana jusko!" 'Yun agad ang narinig ko pagkatapos ko imulat ang mata ko, shit ang sakit ng ulo ko para akong nabagsakan ng sako-sakong bigas. "Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay girl, stress daw sabi ni doc." Sabi niya, pahina naman ako napailing, shuta nakakahimatay pala pagka-stress, pinag-uusapan lang namin kanina 'yung himatay-himatay na 'yan pero nangyari talaga sa'kin peste.

"Sino nag-dala sa'kin dito?" Tanong ko, imposible naman siya eh mas mabigat ako sa babaeng 'to.

"Si jael." Simple niyang sagot na kinalaki ng mata ko. "Talaga?!"

"Oo gaga, pero tawa ako nang tawa alam mo ba? Kasi 'di ba topic lang natin 'yung himatay na 'yan tapos na himatay ka talaga pero putcha." Hindi niya tinuloy ang sinasabi dahil hindi na talaga niya kaya at tumawa ng malakas. "Teh bridal style ba kamo? Gago ginawa kang sako ni jael!" Sigaw niya saa muli tumawa, shutaena? Seryoso? Sako?

'Yun na nga lang ang pangarap ko buhatin niya napa bridal style pero sako style niya ako binuhat.

"Bridal style pa ha, ginawa ka naman sakot." Dagdag niya at tumawa ulit, sumimangot naman ako, pesteng babaita 'to. Tawa nang tawa, pero atleast binuhat ako hindi nga lang bridal style, hindi man lang sweet peste.

Mayamaya lang ay sinabi na nung nurse na pwede na ako lumabas at bayad na daw ang lahat, nag-taka ako dahil sino naman magba-bayad eh hindi naman alam nila mama nandito ako, pero hindi kona pinansin 'yun atleast bayad na wala na akong babayaran.

Nag-taxi nalang kami ni kira hanggang sa maka-uwi kami, tutal malapit lang din naman ang bahay niya sa'min. Syempre binungangaan ako ni mama kakadating ko pa lang, jusko ewan ko ba sa nanay ko imbes tanungin ako kung okay lang ba ako, binungangaan pa ako.

***

Bakasyon na namin ngayon, nandito lang ako sa likdo bahay sa duyan na nakasabit sa puno, syempre iniisip ko si jael, dalawang linggo na kami hindi nag-uusap hindi ko alam kung galit ba siya sa'kin, basta ang alam ko miss ko na siya. Trip ko pa naman sana siga yayain sa park kung saan ako madalas tumambay nung grade three ako, kung saan ko siya una nakausap.

Tanda ko pa noon nakita niya lang ako nakikipag-ganutan 'dun sa batang babae, oo nakikipag-ganutan talaga syempre hidni ako papatalo 'dun sa babae tawagin ba naman akong pangit eh 'di tinawag ko din siyang panget tapos ayun nagalit ginanutan ako.

Syempre ako dakilang pasaway din ginantihan ko aba ano ako tanga magpa-patalo.

"Jia!" Boses 'yun ni papa kaya mabilis ako napatayo sa pagkakahiga sa duyan. "Po?!"

"Tumayo ka d'yan sumama ka sa'kin sa mall!" Sigaw ni papa, kamot naman ang ulo ko at nag-simulang mag-lakad papasok sa bahay, wala nga ako sa mood kumausap ng tao or 'di kaya gumala tapos si papa yayain ako sa mall hanep.

***

"Pa, ano bang gagawin natin dito? Kanina pa tayo pauli-uli eh..." Inis kong sabi kay papa, kanina pa talaga kami nandito una dumaan kami sa department store pero wala naman siyang binili, pangalawa pumunta kami sa grocery store pero bumili lang siya ng mantika at toyo at pangatlo nag-punta kami ng national bookstore pero bwisit iningit lang ata ako ni papa sa mga libro.

"Wait lang may hinahanap ako." Sagot niya sa'kin kaya sumimangot nalang saka pinag-cross ang dalawang braso sa dibdib, hindi ko talaga alam kung ano agenda namin dito. "Nandito na siya."

"Ha?!" Tanong ko, dahil si jael ang nakikita ko sa harap ni papa wala nang iba. Lumapit naman sa'kin si papa saka bumulong sa'kin. "Anak gwapo 'yan at mabait, kilala ko ang tito niya kaya pumayag ako, nag-paalam na 'yan sa'min ng mama mo." Paliwanag sa'kin ni papa at tinapik ang braso ko at iniwan na ako 'dun.

Naiwan naman akong nakatunganga saka paulit-ulit na pinapasok sa utak ko ang ginawa ni papa

Grabe nirereto na ba ako ni papa? Grabe pa maganda ang anak mo bakit ka naman ganto.

"Bakit?" Agad kong tanong kay jael, hindi ko alam kung anong trip niya basta alam ko medyo natuwa ako dahil nakita ko na ulit siya at talaga naman kasi namiss ko siya kaso, hindi ko naman alam na makikita ko na agad siya jusko gwapo pa'rin niya kahit ilang linggo na ang lumipas.

"Namiss kita." Hindi ako nakaimik at paulit-ulit pa akong pumikit, totoo ba 'yung sinabi niya? Ha si jael?, hindi naman siya ganto noon.

"Luh?"

"I said, I miss you."

"Pake ko?" Miss din kita.

"Galit ka pa'rin?" Tanong niya, umiling naman ako, 'di naman talaga ako galit tampo lang eh sa akala ko susuyuin ako tapos hindi naman pala grabe parehas kami ma-pride.

"Kung ganu'n, bakit hindi mo'ko kinakausap sa nag-daan na linggo?" Tanong niya, ha tanong pa siya alangan ako una mag-sorry pero sorry siya, ma-pride ako pero, ma-pride din pala siya nyeta.

"Wala lang, so bakit tayo nandito?" Tanong ko, aba alam ko may agenda ang pag-punta namin dito, hindi pwedeng wala kaming agenda dito. "May bibilhin lang tayo tapos, punta tayo sa park."

Tumungo naman agad ako, kaya nanguna na siyang mag-lakad, sumunod naman agad ako.

Malayo-layo na din ang nalakad namin hanggang sa tumigil kami sa isang jewelry na store, hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin 'dun siguro bibili siya ng something para sa mama or something whatever.

Pumasok siya agad naman kami sinalubong ng mga tao sa loob ng store. "Good Afternoon, Ma'am and Sir, ano po ang hanap niyo?"

Tumigil kami sa isang pahaba na glass na sa loob nu'n ay may mga alahas ang dami, actually sa buong buhay ko hindi ako nakakapag-suoy ng sing-sing,bracelet,kwintas or kahit hikaw. Masyado sensitive ang balat ko hindi ako pwede sa mga peke at ayoko naman gumastos pa sila papa at mama para lang ibili ako ng totoong alahas 'no.

"How much?" Tanong ni jael at itinuro ang isang bracelet, simpleng bracelet lang 'yun, kulay ginto at may isang pendal sa gitna, rosas 'yun.

"20k sir, 18k gold siya sir, original made by singapore." Sagot nung babae, tumungo-tungo naman si jael, pinanood ko naman siyang ilabas niya ang wallet niya.

Inabot niya ang isang card sa babae saka nag-salita.

"Kunin ko na." Sabi niya sa babae, malaki naman ngumiti 'yung babae bago inayos 'yung binili ni jael, halos sampong minuto din ang lumipas bago muli bumalik sa harap namin 'yung babae.

"Here sir, para po ba 'yan sa girlfriend niyo?" Tanong nung babae at palihim akong sinilip kaya umarko ang kilay ko, shuta hindi ako girlfriend.

"Yeah, bagay sa kanya 'to." Sagot naman ni jael at nilingon ako, binigyan ko naman siya ng nagta-tanong na tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top