5:
It's been four days since the brigade of Knights heading for the battle of Narrow sea left.
Kahit gahol na ako sa oras para isagawa ang mga susunod kong plano ay wala naman akong magagawa. Ngayon palang ako pinahintulutan ng ama ko na lumabas ng bahay.
"Breath in, Milady." Ani ni Tina sabay hila sa ribbon ng corset ko. Halos mapigti na ang hininga ko dahil sa higpit ng suot ko. But my governess is watching and kept on saying to pull a bit more.
A bit more and I'm dead.
"You must show your figure, Milady." Said my governess. "This palace ball might be the grandest of all. You might find a suitable marriage prospect tonight." Masaya nitong sabi na animoy siya yung makakatagpo ng mapapangasawa.
Yeah, if I made it in the palace alive. Napahawak ako sa sikmura ko at naglabas ng ilang maliliit na hangin sa bibig. Nag-aalalang tumingin sa akin si Tina, pero tinanguan ko nalang siya para hindi na ito mabahala.
The Palace held a grand celebration for the Crown Prince's safety after the assassination attempt. Kung noon ay wala akong pakialam tungkol dito, ngayon ay naiinis ako. Tyronne and the other Knights had just left for battle, at susuong sa isang mapanganib na laban, tapos ang palasyo ay magdadaos ng isang engrandeng salo-salo? Alam kong importante sa Hari ang buhay ng panganay niyang anak, but this doesn't sit right for me.
Ilang minuto pa ay natapos na akong ayusan at suotan ng damit. Agad akong sinuri mula ulo hanggang paa ng governess at mukhang masaya siya sa resulta. Of course, she would be satisfied with her work, if the Count praises it, it means money for her. Pero wala akong intensyong makipaghalubilo sa mga dadalo sa pagtitipon mamaya. Dadalo lang naman ako dahil sa paanyaya ni Prince Marion at para hindi magalit ang ama ko.
When my governess left the room, dali dali akong lumapit sa dresser ko at kinuha sa pinakasulok ang tinatago kong singsing na ibinigay ni Tyronne.
I attached the ring to a gold chain. Niyakap ko lang ito at hinalikan para mayroong lakas ng loob na gawin ang mga pinaplano ko.
Muli kong itinago ang singsing ng bumalik na sa silid ko si Tina.
It's now four in the afternoon, and the party will start at six in the evening. The Count and my brothers headed to the palace first. Pagkalabas ko ng silid ay agad na bumungad sa akin ang mga bago kong bantay. Luckily, they are not Knights, but Squires. Agad silang luminya para magbigay pugay. Pagkakataon ko na ito para isagawa ang mga plano ko.
Habang pababa para pumunta sa naghihintay na karwahe ay nililibot ko ng tingin ang loob ng mansion. Kung ilang maids ang nasa ibaba o kung may mga Knights na nagbabantay.
"Ano ba yan, bakit ngayon pa!" Kunwari ay may inis sa boses ko.
"What's wrong, Milady?" Tanong ng isa sa mga Squires.
"Kailangan kong magbanyo sandali." I told them before I could step inside the carriage. "Babalik din agad ako. Tina, pakihawak ng pamaypay ko." Iniabot ko sa kanya pamaypay.
Susunod din sana ang mga Squires, kaya agad ko silang pinigilan. "You don't have to follow me inside. I won't be long. Bantayan nyo nalang ang pamaypay ko. Napakamahal ng mga hiyas na nakadisenyo riyan. Kapag nawala yan, tiyak na magagalit ang Konde. Baka hindi na kayo maging Knight pagnagkataon." Agad na naging seryoso ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko. They lined up and surrounded Tina na para bang ito ang Milady nila.
I rushed back inside. Mabilis ang bawat hakbang ko dahil alam ko namang walang mga maid o Knights sa ibaba. Nang makarating sa itaas ay mas naging alerto at mapagmatyag ako. After I made sure na walang tao ay tumakbo ako at pumasok sa kwarto ng ama ko. The Count's room is as extravagant as always, too bad wala siyang madadala sa mga ito kapag kinumpiska ng Palasyo ang ari-arian niya.
Wala ng paligoy ligoy pa at kinuha ko ang susi na itinatago ng ama ko sa lihim na compartment ng bedside table niya. I saw it accidentally as a child, but in my previous life, I didn't dare to pry on it.
Pagkakuha ay binuksan ko agad ang pinto na nakakonekta sa study ng Konde at binuksan ang isa pang silid na hagdang lagusan naman patungo sa cellar. Binuksan ko ang cellar gamit ang susing kinuha ko. This is where the Campbelle family fortune lies.
In three days, mangyayari ang pagbagsak ng pamilya namin. Lahat ng mga alahas na ito at ilang family heirlooms ay kukumpiskahin ng Palasyo. Dali-dali kong kinuha ang ilang mga kwintas at iba pang alahas at nilagay sa satin pouch na itinago ko sa ilalim ng suot kong damit. Pinuno ko ito ng mga alahas hanggang sa halos hindi na ito maisara. Itinali ko iyon sa loob ng kasuotan ko.
Siguro naman ay sapat na ang mga ito para sa dalawang taon na mawawala si Tyronne. Kung sana ay mabubuksan ko lang ang malaking vault na iyon na naglalaman ng mga gold coins ay iyon nalang ang kukunin ko para hindi ko na kailangan magbenta o magsanla nitong mga alahas.
Halos takbuhin ko na ang pagbalik sa silid ng Konde dahil nakakailang minuto na din akong wala. Ibinalik ko ang susi kung saan ko ito kinuha.
Nakita ko ang larawan ng ama ko na nakasabit sa dingding.
"I am not guilty of this, Father. I stole nothing. Kabayaran ito sa lahat ng ginawa mo sa akin sa nakaraan kong buhay. This is for abandoning me and my baby when we needed you the most."
Maingat akong sumilip sa labas. Nang masigurong walang tao ay halos liparin ko na ang pagpunta sa silid ko. Itinago ko iyon sa ligtas na lugar. Sandali akong tumingin sa salamin upang tingnan ang kabuoahan. Pinagpawisan ako dahil sa init sa cellar. Inayos ko ng kaunti ang makeup saka lumabas ng silid at pumunta sa kanina pa naghihintay na karwahe.
The Squires are unsuspecting, at bumati lang ng bumalik ako. Kinuha ko ang pamaypay kay Tina at umalis na para magtungo sa Palasyo.
"What took you so long?" Agad na puna ng isa kong kapatid na lalaki ng dumating ako at tumabi sa kanila.
Hindi ko ito pinansin at nagbigay pugay lang sa ama ko. My father looked satisfied with my appearance.
"You look wonderful." Papuri nito.
Sa mga ganitong pagkakataon lang ata ako nakakatanggap ng papuri sa kanya, and during the selection of Season Flower. It's a title given to the fairest Lady of the Kingdom during the Spring Season, na sya ring panahon ng pagkakatatag ng kaharian. And I've been the Season Flower for the past two years. Kaya masyadong mahigpit ang Konde tungkol sa pagpili ng mapapangasawa ko dahil gusto niyang mula sa angkan ng mga Duke ang humingi ng kamay ko.
Lahat kami ay yumuko at nagbigay pugay ng ianunsyo ang pagdating ng Royal Family sa ball.
The King made a speech, pero hindi na ako nakinig. Nakisabay lang ako sa pagpalakpak ng mga tao kahit di ko alam ang rason.
The Crown Prince and the Crown Princess grace the first dance, at nag-umpisa na ang salo salo.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko kay Prince Marion na kanina pa tingin dito, tingin doon.
"I'm looking for the most beautiful Lady." Sagot niya.
"She's here. Here." Turo ko sa sarili ko.
"Blargh!" He made a vomiting sound.
"I am the Season Flower for two years." I reminded him. "And I bet I'll be this year's Season Flower too." Dugtong ko kahit alam kong hindi naman mangyayari dahil nga sa pagbagsak ng pamilya namin.
"The King is planning to wed me. Ikaw na nga ang nakikita ko simula pagkabata, ikaw pa din hanggang sa pagtanda?" Muli siyang tumingin tingin sa mga kababaihan.
Ang totoo ay kanina pa din nila kami tinitingnan. Hinihintay ng mga ito naalukin sila ng Prinsipe ng sayaw. Pero ayaw ni Marion na pinagkakaguluhan siya, kaya kanina pa kami magkasama. Para hindi siya lapitan ng mga ito.
Nilibot ko din ng tingin ang paligid.
"How about her?" Itinuro ko si Lady Florence. She is Marion's future wife. A lady from the Ducal family in the West. Sa nakaraan kong buhay ay maiksi lang ang pagsasama nila dahil nga namatay ito ayon kay Marion. Kung magkakakilala sila ng maaga ay baka magbago ang kapalaran nila.
"Nagpapatawa ka ba? Alam mo ba kung gaano kalayo ang lugar ng pamilya nila? Nasa dulo ng kanluran! Ayoko. Gusto ko yung nasa malapit lang para hindi mahirap ang paglalakbay if I do my duties as my Brother's," Natigilan siya at mukhang nag-isip. "Whatever position he would give me once he is King." Dugtong niya.
Dahil nga sa ginawa ng ikalawang prinsipe, na ngayon ay nagtatago dahil tinutugis sa kasalanang ginawa, baka magkaroon ng pagbabago sa magiging papel ni Marion sa palasyo. Baka siya na ang sasalo sa dapat na maging partisipasyon at responsibilidad ng ikalawang prinsipe.
At tungkol naman sa mapapangasawa niya, wala ka namang magagawa dahil iyon ang itinakdang mangyari. Siya ang magiging asawa mo at mananatili ka sa Kanluran. Sa pagkakatanda ko, Marion was granted the title of Grand Duke in the West. The Crown Prince ascend to the throne a year after I run away and became a maid to a lower noble house. The new King then made Marion the Grand Duke. Hindi na ako nakibalita sa ibang mga kaganapan dahil abala ako sa pagpapalaki sa anak ko.
"Abigail, let's dance." Pagyaya ni Marion. "All the Ladies staring at me is creeping me out."
I rolled my eyes.
Gagamitin nanaman niya akong palusot para makatakas sa pagtitipon na to.
"Ilang ulit na nating ginawa na matatapakan ko ang paa mo tas tatakas ka dahil kunwari gagamutin yung paa mo. Alam mo naman siguro na hurting a Royal family member is a crime? Gusto mo ba akong maparusahan ha?"
"Kung ganon ay tulungan mo akong makahanap ng matinong makakasayaw." Bulong niya.
Napatingin ako sa ama ko at hindi na maipinta ang mukha nito. Kanina ko pa kasama si Marion at hindi makalapit ang ibang kalalakihan sa akin para makipagsayaw.
My father knew that the King is planning to marry Prince Marion to a higher Noble. So, he never tried to convince me to get Marion's favor as his woman. That is why the Count has set his eyes to any of the heirs from the Ducal households.
Let's not make my father mad. Baka ikulong nanaman niya ako at hindi ko magawa ang mga balak ko.
"Prince Marion, you're on your own." Nagbigay pugay ako at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Alam ko namang tututol ito kaya nagmamadali akong umalis sa tabi niya.
"Milady!" Pagtawag niya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Agad din siyang kinuyog ng mga kababaihan.
At ganoon din ang nangyari sa akin. Kaagad na lumapit ang mga kalalakihang Nobles para magyaya ng sayaw. Tinanggap ko ang paanyaya ng mga anak ng Dukes. Buong magdamag akong nakipagsayaw sa iba't ibang tagapagmana, mula sa anak ng Duke hanggang sa anak ng mga Count. Tinanggihan ko ang paanyaya ng mga mabababang rank dahil alam kong ikagagalit iyon ni Count Ernest Campbelle. Buong magdamag na taas noo ang ama ko dahil sa dami ng mga nakipagsayaw sa akin mula sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa kaharian.
"You traitor." Simangot ni Marion sa akin.
Siya na ang kasayaw ko ngayon and probably my last dance for tonight.
"So, may nakita ka ng babaeng pwede mong pakasalan?" Natatawa kong tanong.
"I danced with Lady Florence as you suggested. She's nice. If only West is five steps away from the palace." He rolled his eyes. "Never mind, hindi naman nagmamadali ang hari kaya may panahon pa ako para makapaghanap ng ibang binibini na maaaring maging kabiyak."
Hindi na ako sumagot pa. Tulungan ko man siya o hindi na mapalapit kay Lady Florence, ito pa din ang mapapangasawa niya dahil iyon ang nakasulat sa hinaharap. Sarili ko lang ang kailangan kong isipin dahil ang mga kaganapan sa buhay ko lang naman ang gusto kong mabago.
Matapos ng sayaw namin ay bumalik na ako sa kinaroroonan ng ama ko na kausap ang isa sa mga Duke. I greeted them and had a talk with them. Nakangiti lang ako sa kanila habang pinapakinggan ang pag-uusap nila. Gustong gusto daw ako ni Duke Marshall para sa anak niyang lalaki. Sa loob looban ko ay nasusuklam ako sa pag-uusap na ginagawa nila. When our family fall into ruins, Duke Marshall never helped us in any way, and his son only wanted me as a mistress. Even Duke Marshall asked if I could become his woman.
He is a disgusting person to ask that to a 16 year old.
The Count and my brothers are all drunk. The truth is, habang abala sila sa pakikipag-usap sa Duke kanina ay pasimple ko silang inaabutan ng mga inumin, glass after glass after glass. Kaya ng makauwi ay kailangan pa silang buhatin dahil hindi na makalakad sa sobrang kalasingan at tiyak na mahimbing ang tulog ng mga ito ngayong gabi.
At midnight, I sneak out. Nag-suot ako ng panglalaking kasuotan. Pantalon at tunic na ninakaw, I mean hiniram ko sa uniform room ng mga servants. Nagsuot din ako ng sumbrero para itago ang ginintuan kong buhok. Dahil ata alam ng mga Knights na lasing ang mga may-ari ng bahay ay hindi sila masyadong naging mahigpit. Ilang Knights ang nakita kong natutulog while on their night duty which is in favor for me. Tumakas ako sa paraang ginawa ko dati ng makipagkita kay Tyronne, but this time I did it all alone. Hindi ko na pinaalam ang plano ko kay Tina. She doesn't have to know why I need to do this. Lahat ng bagay na may kinalaman sa pagbabago ko sa takbo ng hinaharap ay ako lang ang dapat na makaalam.
Dahil nabuhay ako bilang isang commoner sa mahabang panahon sa nakaraan kong buhay, hindi na bago sa akin na napakaabala at napakaingay na taong-bayan pag ganitong oras. Drunkards are all over the place, and prostitutes are almost in every door of pubs. Pumasok ako sa isa sa mga pubs and went straight to the bartender.
"Ozzini." Kabado kong sabi sa panglalaking boses.
Hindi ako pinansin ng bartender, pero nanatili akong nakaupo roon. Makalipas ng ilang minuto ay mayroong tumabi sa akin.
"Follow me." Bulong nito.
Kahit kinakabahan ay sumunod ako sa taong iyon na amoy alak. We went to a different room at nagbukas ito ng isang lihim na lagusan. Habang tinatahak namin ang daan ay mahigpit ang hawak ko sa suot na kwintas kung saan nakasabit ang singsing ni Tyronne.
Pumasok kami sa isa pang silid na walang tao, tanging lamesa at upuan lang ang laman nito. Maya maya ay may matabang lalaki na lumabas mula sa isa pang pinto at umupo sa silya.
"What can we do for you?" Tanong nito.
Ozzini is a type of alcoholic beverage that only Nobles can afford, so drinks like that doesn't sell on cheap pubs for commoners, like the one I went in. Pero sa mga nakakaalam, it's a secret code used by an underground group for illegal activities if you want to transact with them. I overheard this among the Knights in my previous life kaya ko alam.
"I want to sell these." Naglabas ako ng limang alahas na kinuha ko mula sa cellar kanina.
Hindi ko ito maaaring ibenta sa mga jewelry stores dahil halos kilala ng mga ito ang lahat ng Nobles. Baka magkaroon ng problema. I don't intend to share this money with the Count and my brothers dahil tiyak na kukunin nilang lahat ang mga ito sa akin.
This underground group doesn't ask anything to whoever they transact with. Kaya kahit ninakaw mo lang din ang mga alahas na iyan o kung ano pa man ay wala silang pakialam.
"These jewelries are stunning. How about 180 gold coins." He spoke.
"230." I bargained. "Two of those necklaces has diamonds on it. And the others have rare stones." Alam kong mas mababa ang bigay nila kumpara sa legal na jewelry store, but 180 gold coins is too low. I could sell all of this for 550 gold coins if only I'm not avoiding suspicions from other people. Baka mayroong magtaka na bakit napaghandaan ko ang sasapitin ng pamilya namin.
"For a thief, you know a lot about jewelries." Ani ng lalaki.
Ang totoo ay itong mga mumurahin lang ang sinadya kong dalhin dahil sinubukan ko lang naman kung totoo nga ang mga naririnig ko dati.
"Not really. Sapat lang para hindi maloko." Sagot ko.
Please stop talking to me and just give me the money! Baka bigla kong makalimutan ang karakter ko at lumabas ang tunay kong boses. Isa pa ang sabi sa narinig ko ay wala naman sila masyadong tinatanong o sinasabi, basta magkakabayaran lang kaagad.
Umalis ang lalaki at nang bumalik ito ay may dala siyang pouch na naglalaman ng gold coins. Binilang nila iyon at nang matapos ay ibinigay sa akin. I was escorted back outside by the drunk man that brought me in. And just like that, I have 230 gold coins in hand.
I could exchange 1 gold coin for 100,000 paper money which is enough for a commoner lifestyle for 5 to 6 months. Nag-isip ako ng iba pang options. With 85 gold coins and I can purchase a small house and lot I could live in while waiting for Tyronne. With the rest of the money, I can hire one maid, and maybe hire a Squire. Those Squires who failed and wasn't Knighted offer their service for a low price.
No, wait! If I purchase a house and lot, there is a possibility that the Count and his sons would live with me. Mauubos ang pera ko at magtataka ang mga ito kung saan ko kinuha. Maybe I should just rent a dirty hut so that they won't dare to stay with me. Tama! Iyon ang gagawin ko. I'll keep the other jewelry and will settle for this 230 golds. Sanay naman ako sa mahirap na buhay. 230 gold coins is a luxury for a peasant. I don't need to work, and still, I can eat what I want. All that while living on a shabby house.
Kakaisip ng mga gagawin ay narating ko na ulit ang mansion. I climbed up the wall using a rope. Itong pag akyat pabalik lang talaga ang pinakamahirap. My hands got bruises again, just like the first time I did it. Pero okay lang, it's a small price to pay.
Nang makabalik ay agad kong pinalitan ang suot na damit. Nagtago ako ng pamalit kanina sa may damuhan. I am now wearing a thick night dress, a shawl, and slippers. I tied the pouch of money on my waist, saka binilog naman ang hiniram kong panglalaking damit at sapatos saka nilagyan ng malalaking bato. Sumilip muna ako at nilibot ng tingin ang paligid.
Baka mamaya ay rumoronda nanaman si Ser Hector at mahuli ako.
When the coast is clear, mabilis akong tumakbo sa may malapit na garden lake at hinulog ang panlalaking damit na ginamit ko. I made sure that it sank at the bottom of the lake bago ako umalis roon.
"Milady!" Gulat na gulat ang mga Knights ng makita ako. Sila yung mga nakita ko kanina na natutulog at mukhang bagong gising lang ang mga ito. "W-Why are you outside at this hour?" Tanong nila.
"I was just taking a walk. Nagpapahangin lang dahil masyadong mainit ang kasuotan ko sa pagtitipon kanina sa palasyo." Pagpapalusot ko. "Medyo malamig na kaya papasok na ako sa loob." I added.
"We will escort you, Milady." Prisenta nila, na hindi ko na tinanggihan para hindi maging kahinahinala.
"Thank you, Ser." Nauna akong maglakad sa kanila.
Nang ligtas na makabalik sa silid ko ay duon na nang lambot ang mga tuhod ko at dirediretsong bumagsak sa sahig.
"I-I did it." Napahawak ako sa dibdib ko na kanina pa walang tigil sa pagtibok ng mabilis. Hindi agad ako nakatayo sa sobrang panghihina. I think it took me thirty minutes before I was able to lift myself up. Doon sa pagpunta ko sa underground group ako pinakanatakot. Kung ano ano na ang iniisip ko kanina. Tulad ng pano kung patayin nila ako para makuha ang alahas na dala ko para hindi nila ako mabayaran? Buti nalang at maayos akong nakalabas kahit na nakipag bargain pa ako sa presyo.
Itinago ko ang pera at sumampa sa kama.
"I did it." Paulit ulit kong sabi sa sarili ko.
Kinuha ko ang kwintas na suot at tinitigan ang singsing.
"Thank you." Bulong ko sabay halik rito. Ito talaga ang nagpalakas ng loob ko habang pinaplano ang lahat ng to.
Mabilis akong nakatulog dahil sa sobrang pagod. But when morning came, and Tina went into my room to wake me up for breakfast, wala akong ibang nagawa kundi ang bumangon dahil nagbilin daw ang Konde na sabay sabay kaming kakain ngayong umaga.
"For what, Father?" Nagtataka kong tanong.
He told me to shop for a nice dress, shoes, and jewelries.
"Duke Marshall's wife has invited you for a tea party this weekend. Make sure to dress properly and impress them." Bilin niya.
"Yes, Father." It's not going to happen anyway.
Matapos kumain at makinig sa bilin ng Konde ay bumalik na ako sa silid ko para maghanda sa pag-alis.
"W-What is this for, Milady?" Gulat na tanong ni Tina ng bigyan ko siya ng 10 gold coins.
"Quit your job." I instructed. "You must leave the mansion tonight."
"B-But why, Milady? Did I do something to offend you?" Naiiyak niyang tanong.
"No. You did nothing wrong." Sumenyas ako na huwag niyang lakasan ang boses. "Just follow my instructions without question. This gold coins are more than enough for you and your family to survive for two years. Do not come to find me no matter what you hear." Bulong ko. "After two years, come back. I'll take you in again if you still want to serve me."
"I-I don't understand. But if that's what Milady wants, then I'll do it." Confussion is all over her face, but she agreed.
After the Palace confiscated the Count's properties, he sold his servants for money. Human trafficking is illegal in the Kingdom and is punishable by hanging if caught. But that is how the Campbelle survived before Tyronne asked my hand for marriage.
Tina would be one of the servants to be sold for slavery if she stays here.
I will try to find a solution to help the others, but for now, let's secure the one closest to me.
I followed the schedule the Count told me. Pero hindi ko na masyadong sineryoso ang pagpili dahil alam ko namang hindi ko iyon magagamit. Tinatamad din ako lalo pa at may ilang mga kababaihang Nobles na maingay sa tabi tabi. Inuunahan pa ako sa pagdampot sa mga ilang nagugustuhan kong gamit.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarinig ako ng tilian, pero hindi ko binigyang pansin kung ano ito. Sunod na akong pumunta sa may jewelry section para mamili ng kwintas. Iyon nalang at maaari na akong umuwi.
"What a lucky day, the Season Flower herself is here." My brows twitched when I heard those words, kaya agad akong lumingon.
"Milord," Nagbigay pugay ako ng makilala kung sino.
It's Count Maximo Westley. He inherited his title a year ago after his father, Count Westley, died. And he's been making names as the riches Count at the age of twenty-seven, whose wealth is comparable to a Duke.
"I've been on this place countless of times, but it's the first time I've seen you come here, Milady." Sinadya kong hindi iabot ang kamay ko sa kanya, kaya laking gulat ko ng abutin niya ito at hinalikan.
"I came to buy a necklace." Sagot ko at ngumiti nalang para itago ang pagkainis sa ginawa niya.
"Necklace, you say." Lumapit siya sa mga nakadisplay at sinuri ang mga ito. Maya maya ay may itinuro siya at pinakuha sa babaeng nagbabantay. "How about this one, Milady?" Kahit naiinis ay sinikap ko pa ring ngumiti sa kanya. But my smile slowly disappeared when I saw the necklace that he picked.
It's one of the necklaces that I sold last night.
Kinuha niya ang kwintas at lumapit sa akin.
"May I?" Pumwesto siya sa likuran ko bago pa man ako makasagot.
I stilled when he put the necklace on my neck. Lumapit ang babaeng bantay at may dalang malaking salamin.
"It looks lovely on you, Milady." Nilandas nya ang daliri niya sa leeg ko habang mainit ang mga mata na nakatingin sa akin mula sa salamin.
__________
Pasensya na yesterday sa false alarm na update. I accidentally pressed the publish button. (・–・;)ゞ
But, eto na. Haha for real na. Thank you for patiently waiting sa author nyang slowpoke nag update.
VOTES. COMMENTS. RL
are highly appreciated 🤍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top