2:
For Ivailo's sake.
"Then," Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Pwede ba kitang ligawan?" Kaagad na namilog ang mga mata ni Tyronne sa sinabi ko.
"Excuse me? What? Ha?" Sunod sunod niyang tanong.
"I know it sounds absurd but," Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay agad na akong pinutol ni Tyronne.
"If this is some kind of sick joke, please stop." Pakiusap niya, hindi ko alam kung pakiramdam ko lang, pero mukhang nasaktan siya sa sinabi ko.
"No it's not!" Kaagad kong sagot.
"Then what? Anong mapapala mo sa isang pangkaraniwang Knight na tulad ko? Perhaps the Lady doesn't know, but I am a commoner. I don't have a Noble background like the other Knights." Panlulumo niya.
Kung ganon, bakit mo rin ako pinakasalan dati? Bagsak na bagsak na ang pamilya namin ng mga panahong iyon. Sa halip na ikaw ang bigyan ng malaking halaga ng pamilya namin dahil sa pag-papakasal ko sayo, ay ikaw pa ang nagbayad ng malaking halaga sa ama ko, kapalit ng isang tulad ko na wala ng halaga, at pinagtatawanan ng ibang mga kalalakihang Nobles.
"The Count was right that you will gain nothing from me. So please stop this, Milady."
"The Count?" Nagtataka kong tanong. Napasinghap ako ng mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. "D-Did my father talked to you?" Pagkukumpirma ko.
"I hope this is the last time we'll see each other, Milady." Yumuko siya at nagbigay pugay saka aktong aalis na.
"No, wait!" Napayakap ako sa braso niya.
Dalawang linggo nalang at aalis na si Tyronne. Kung ganito ang magiging huling pag-uusap namin ay pano ang hinaharap?
"Please, I'm serious! I may be annoying, but I'm serious. I really really love you!" Napaawang ang bibig ni Tyronne sa sinabi ko.
I thought that my sincerity finally reached him, pero...
"Please don't say those words so lightly, Milady. Especially if you don't mean it." Malamig niyang sabi at inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya.
Sa gulat sa mga sinabi niya ay hindi ko nagawang magsalita o pigilan siya sa pag-alis.
Did I offend him?
Did I just mess up everything?
Pano kung dahil sa mga ginawa at sinabi ko ay magbago ang takbo ng hinaharap?
What will happen to my son?
"Milady?" Kanina pa ako sinusubukang aluin ni Tina.
Mula ng makauwi galing sa palasyo ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.
This is all my fault.
It's because I acted using my emotions. Dahil sa sobrang saya na makita siya ulit ay nagpadalos dalos na ako sa lahat. And now everything might fall apart.
Kung hindi ko makakasama si Tyronne at ang anak namin sa pagkakataong ito, ay wala ring saysay na muli akong bumalik sa nakaraan.
Kung bakit naman kasi hindi ako nag-iisip bago kumilos!
Slap!
Tina was surprised when I sandwiched my face with my two hands, causing a loud slapping sound.
Pero hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Tyronne.
Kinabukasan ay muli akong nakipagkita sa kanya.
Kanina ko pa siya sinusubukang lapitan pero kapag nakikita na niya ako ay biglang mag-iiba ang direksyong pupuntahan niya. He's avoiding me. Parang mawawasak ang puso ko sa sobrang sakit.
It leaves me no choice but to bribe a knight to bring Tyronne to me.
And now, the love of my life is staring at me with cold eyes.
"I'm sorry." Tanging nasabi ko nalang.
"If there is something you like to say, please say it now. I want to be done with this bother." Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin.
"Please go out with me." I saw how his cold facade melted away.
"M-Milady," He almost choked.
"Seryoso ako sa sinabi ko kahapon. Pwede ba kitang ligawan? Seryoso ako." I reminded him of our conversation yesterday.
"The Lady might have forgotten what I said,"
"Isang linggo." Pagputol ko sa kanya. "Please date me for a week. Sumpa ko, pagkatapos ng isang linggo, kung hindi magbabago ang sagot mo, hinding hindi na kita pipilitin. Lalayuan kita. Hindi na kita kakausapin. Pipigilan ko na ang sarili ko na mahalin ka. But please, give me a week to show you that I'm serious."
Tyronne's face turned bright red. Iniharang rin niya ang kamay sa mukha para hindi ko makita ang pagbabago sa ekspresyon niya.
"Please?" Pakiusap ko.
Mukhang nag-iisip ito.
"If I date you for a week, and my answer remains as it is, would you really stop bugging me?" He asked.
"Yes." Seryoso kong sagot kahit masakit.
"Fine. Let's date." Pagpayag niya. "But I have a condition." Agad nitong dugtong.
"Anything you want."
"Please do not come near me or talk to me inside the palace." Napahilot siya sa batok. "If the Count sees us, he'll definitely get mad again." Mahinang dugtong niya.
"I-I understand. I'm sorry about my father, and everything that he said to you." I felt sorry for Tyronne.
Siguradong masasakit ang mga salitang sinabi nito sa kanya. Hinaplos ko ang mukha ng asawa ko, na ikinagulat niya. Darating ang panahon na hinding hindi ka na niya maiinsulto kahit kailan.
"S-So, when do you want to start?" Umiwas siya ng tingin.
"Mamayang gabi." Agad kong sagot.
"Mamaya agad?" Gulat niyang ibinalik ang tingin sa akin.
"Gusto na agad kitang makasama." Sagot ko.
He blushed again.
Dahil hindi ko siya binibigyan ng pansin dati, hindi ko naranasan na makita ang ganitong side niya.
"Fine, Milady." Pagpayag niya kahit mukhang napipilitan.
"Then let's meet at the plaza's fountain later tonight. At ten."
"If that's what you like." He made a courtesy.
"See you, Honey!" Sinubukan kong tawagin siyang honey ngayong kami lang ang magkasama, iyon kasi ang gusto ni Tyronne na itawag ko sa kanya sa nauna naming buhay. But I find it unpleasant to use an intimate endearment knowing I don't love him. So I called him, Milord or Baron.
The redness of his face reached his ears.
"Do I have to call you that too?" It looks like his face is going to burst.
I giggled.
"You can call me whatever you want." I told him, to make him feel comfortable.
"Then," He rubbed the back of his neck again. "Can I call you, Abby?"
I stilled. I felt my eyes widened.
"I-If you don't like it, I'll call you Lady Abigail." Agad na pagbawi ni Tyronne sa balisang tono.
"No! I-I like it!" Nabigla lang ako ng marinig ang palayaw na ibinigay mo sa akin nung ikinasal na tayo. I didn't expect to hear it this early. "I really love it." Ngumiti ako sa kanya.
Sobrang saya ko.
"Then I see you later, Abby." Nagulat ako ng hawakan ni Tyronne ang kamay ko at hinalikan iyon.
Sa sobrang gulat ay inabot pa ng ilang minuto bago ako nakaalis sa kinatatayuan ko.
'Kyaaaah!' Malakas kong tili sa isipan ko. Parang ayaw ko na tuloy hugasan ang kamay ko na hinalikan niya.
"What happened? Mukhang ang saya mo ata." Nagulat ako ng biglang may nagsalita.
"Your Highness." Agad akong yumuko at nagbigay pugay ng makita si Prince Marion.
"Are you here to visit me? May nangyari bang maganda? Kwento mo na." Lumapit siya at hinawakan ang kamay kong hinalikan ni Tyronne.
"Ahhhhhhh! Wag!" Agad kong winaksi ang kamay ng Prinsipe na halatang kinagulat niya.
"What?" Irritation is all over his voice. "Ano bang nangyayari sayo? Why are you so weird these days?" Sunod sunod niyang tanong.
"I'm sorry, Your Highness. Bawi nalang ako sayo sa susunod. I have to go now." I gave him a courtesy, and immediately left without looking back, even though he called me a few times.
Kailangan ko ng maghanda para sa pagkikita namin ni Tyronne mamaya.
Nang makauwi ay agad kaming naging abala ni Tina sa paghahanap ng maisusuot na damit.
"Why are all my dresses so extravagant? Wala bang simple lang dito?" Natataranta kong tanong.
"Milady, please, hihihi." Natatawang sabi ni Tina. Kanina pa niya ako sinasabihan na kumalma. Pero pano ako kakalma kung ito ang unang tipanan namin ni Tyronne?
I know my husband. He's not fond of extravagant things. Kahit mayroon na siyang titulo dati ay simple pa rin niyang manamit. Madalas pa nga akong naiinis dahil kapag mayroong pagtitipon ay napakalayo ng mga suot niya sa magarbong kasuotan ng iba pang mga Nobles. Kung hindi ko pa siya sinabihan na hinding hindi na ako pupunta sa mga salo salo na kasama siya, ay hindi pa siya magsusuot ng magagarang damit.
"How about this one Milady?" Ipinakita niya sa akin ang isang damit na puti sa itaas at mapusyaw na asul naman sa ibaba. Wala itong naglalakihang disenyo tulad ng laso o di kaya mga bulaklak. The hem of the dress has an elegant embroidered design. It looks perfect.
"Thank you, Tina." Masaya kong isinayaw ang damit sa harap ng salamin. Tina paired it with a white bonnet that has little ribbons on it, so that I could hide my hair properly.
Nang sumapit na ang gabi ay mas lalo akong hindi mapakali. Sa sobrang gusto kong maging maayos ang lahat, pati amoy ng sabong gagamitin hindi ako makapili. Mukhang nasanay na ata ako sa sabong walang amoy dahil sa nakaraan kong buhay, napakamahal ng mga scented soaps at ang kaya lang mabili ng mga mahihirap na tulad ko ay ang mga walang amoy na sabon.
"He must be really special, Milady. This is the first time I saw you so excited about meeting someone." Sabi ni Tina habang sinasabon ang kamay ko.
Sobrang espesyal niya Tina. Kung pwede ko lang sanang sabihin sayo ang totoo, pero mas mabuting walang makaalam na iba. Nakasalalay sa date na ito ang kinabukasan ko.
Lumalim pa ang gabi at malapit na ang napag-usapan naming oras ng pagtatagpo.
"Milady," Kinakabahang sabi ni Tina.
"I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi." Kasalukuyan kaming nasa likod ng mansyon at naghahanap ng madaraanan.
Nawala ang lahat ng pananabik at tuwa ni Tina ng sabihin kong tatakas lang ako. She thought that I was able to convince the Count to allow me to date the Knight that I told her about.
"But if the Count knows about this, I'm sure you'll get hurt again." Nag-aalalang paalala niya.
"I'll be fine." I told her.
Palihim naming kinuha ang isa sa mga hagdan na ginagamit ng mga hardinero at ginamit para makaakyat sa pader. Kahit nahirapan akong talunin ang kabilang parte ng bakod ay buo pa rin naman akong nakababa.
"Tina, I'm off." Mahina kong sabi.
"Please be careful. I'll be waiting here." Sagot naman niya.
There's still thirty-five minutes before ten. Tamang tama para makarating sa may plaza. Masyadong makatawag pansin kapag sumakay akong karwahe kaya lalakarin ko nalang. Halos dalawampung minuto rin bago ako nakarating doon. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa roon si Tyronne. Magkakaroon pa ako ng pagkakataong mag-ayos. Medyo napagod din ako sa paglalakad at pinawisan. Kahit sanay na ako sa mabibigat na trabaho at mahabang lakaran dahil sa mga napagdaanan ko dati, ang katawang ito ay hindi. Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad ko pero hinapo na agad ako.
Matapos ayusin ang sarili ay tumayo ako sa may gilid ng fountain at excited akong napatingin sa malaking orasan sa gitna nito. Dalawang minuto nalang at alas-diyes na ng gabi.
Pero lumipas ang sampung minuto ay hindi pa rin dumating ang hinihintay ko. Sumasakit na ang leeg ko kakatingin sa kaliwa at sa kanan, pero wala pa rin si Tyronne. Sa pagkakakilala ko sa asawa ko ay hindi ito nahuhuli sa mga pinag-usapang oras. Kahit umabot na ng tatlumpong minuto ang paghihintay ko ay hindi pa rin ako umalis. Sa halip na mainis dahil wala pa rin siya, ay nag-aalala ako.
May nangyari kayang hindi maganda?
Kung pumunta nalang kaya ako sa palasyo?
Pero hindi naman ako pwedeng pumunta dun ng ganitong oras.
Muli akong tumingin sa orasan.
Thirty-five minutes. He's late for thirty-five minutes.
Pano kung sinadya niyang hindi pumunta, para ipakitang ayaw talaga niya sa akin?
Nanlumo ako sa naisip kong iyon. Malakas akong napabuntong hininga at naupo sa gilid ng fountain.
Nawalan na ako ng pag-asa ng umabot na sa apatnapu't limang minuto ang paghihintay ko.
Napayuko nalang ako ng manlabo ang paningin dahil sa mga namuong luha sa mga mata. Marahan ko iyong pinunasan para walang makahalata dahil marami pa rin ang tao sa paligid.
'Im going home.'
My eyes widened when suddenly a shadow hovered over me. I lifted my gaze immediately.
"Oh thank god!" Agad na usal niya ng makita ako.
I bit my lower lip to stop my tears from falling.
"Honey!" Mabilis akong tumayo at yumakap sa kanya.
His chest heaves as he pants heavily.
"I'm sorry for being late." Naghahabol sa paghinga niyang sabi.
_________
Muntik na akong mag-luli sa story na to. Hahaha. Anyways, here's an update.
VOTES. COMMENTS. RL
are highly appreciated.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top