1:
"Abigail?" Bumalik ang atensyon ko ng biglang may umalog sa kabila kong braso.
"Huh?" Tanging nasabi ko nalang.
"Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? You're spacing out again." Nag-aalalang tanong ni Marion.
Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko alam kung nabuhay ba akong muli, o kung panaginip lang yung mga nangyari at mga alaalang nandito sa isipan ko ngayon. Kahit ituon ko ang isip sa tea party namin ni Marion dito sa hardin ng palasyo ay lumilipad talaga ang isipan ko sa ibang bagay.
Everything felt so real.
Biglang nanlamig ang mga palad ko ng maalala ko ang kahuli hulihang nakita ko bago ako nagising at nahulog sa kama kanina.
Someone covered my face with a pillow.
Someone killed me?
Pero hindi ko maalala kung sino at bakit. Sa lahat ng mga nangyari sa loob ng mahabang panahong iyon ay ang mga huling sandaling iyon lang ang hindi ko maalala. Lahat ng sinabi niya. Wala. Blangko lahat. Pati ang anyo nito ay malabo sa aking isipan.
"Abigail!?"
"Huh?"
"You're doing it again. Nababagot ka ba? Gusto mo na bang umuwi sa inyo?" Tanong ni Marion, bakas pa din ang pag-aalala sa mukha niya.
"I'm sorry. Medyo may iniisip lang." Pagpapalusot ko nalang.
Gusto ko sanang manatili sa silid ko buong araw upang mag-isip, pero bigla nalang akong sinundo ng isang karwahe para pumunta sa palasyo. If my memory was right, I promised Marion that we will have tea in the palace garden today. It's too late to decline the invitation, so I just go along with it. Tutal ito naman talaga ang nangyari dati eh. Nagtea party kami sa garden.
"Nag-aalala ka pa din ba dahil sa nangyari noong nakaraang gabi kay Crown Prince Henry?" Kamuntik ko ng mabitawan ang tasa ng tsaa na hawak ko ng marinig ang tinanong ni Prince Marion.
"W-What?" My hands trembled. Kaya bago ko pa man mabitawan ng tuluyan ang tasa ay ibinaba ko nalang ito.
"Buti nalang talaga at alerto ang Knight na iyon na nagpapatrolya ng gabing yon, kung hindi ay baka napahamak ng tuluyan ang itinakdang Prinsipe." Napatayo ako sa sinabing iyon ni Marion.
Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman.
Nawala sa isip ko na sa mga panahong ito ay naganap na ang assassination attempt kay Crown Prince Henry.
At ang Knight na nagligtas sa itinakdang Prinsipe ay walang iba kundi si...
"Abigail? Are you okay? Why are you acting so weird today?" Sunod sunod na tanong ni Marion.
Pero hindi na ako nag-aksaya ng oras para pa sagutin ang mga iyon. Pakiramdam ko ay kusang kumilos ang mga paa ko at tumakbo palayo sa garden.
"Abigail?!" Halos pasigaw na tawag ni Prince Marion sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung dahil ba sa hingal gawa ng pagtakbo kaya mabilis ang tibok ng puso ko, o dahil mayroon itong inaasam na makita.
Kaagad na nagkaroon ng malakas na bulong bulungan ng makarating ako sa training grounds ng palasyo. Napakaraming Knights ang nasa paligid at nag-eensayo. Balisa kong nilibot ng tingin ang buong paligid.
"Lady Abigail, what brings you here?" Isang Knight ang lumapit.
Tiningnan ko siya.
He is the third son of Marquis Louis. But who cares, I'm not here to see him. Nilampasan ko lang siya at nagpatuloy sa paghahanap.
"Milady?" He called me, pero hindi ko siya pinansin.
Tumakbo ako at pumunta sa may entablado upang tingnan kung may nagduduelo ba. Nang makitang mayroon ay agad kong sinilip kung sino, pero hindi ito ang hinahanap ko.
"Yes!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw, at sumunod ang maraming tawanan.
That voice.
Napahawak ako sa dibdib ko.
My heart is beating so fast, it's alarming.
Biglang tumulo ang mga luha ko when I saw a Knight with the familiar brown hair casually laughing and cheering while watching the duel.
"Abigail," May humawak sa braso ko.
Si Marion.
Pero iwinaksi ko ang kamay niya at mabilis na tumakbo papalapit sa Knight na magiliw na tumatawa kasama ng iba pa. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko kung hindi ko siya malalapitan.
He is tall, so with all the strength I have, I leap hard to reach and wrap my arms around his neck.
"Honey!" Sigaw ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
Biglang tumahimik ang maingay na training grounds.
"Honey." I whispered and rub my face on his neck.
He is warm.
He is breathing.
He is alive.
Hinaplos ko ang buhok niya.
It's the same soft hair that tickles my face every morning when I wake up next to him.
"E-Excuse me, Milady." He panicked. "But I think you have mistaken me for someone else." He added.
This voice.
It really is him.
Kumawala ako ng pagkakayakap sa kanya. I felt my lips parted when I was able to take a good look on his handsome and confused face.
Hinaplos ko ang mga ito.
He flinched, unsure where to look.
Oh my god!
It really is my Tyronne.
Kung alam mo lang kung ilang ulit kong pinangarap na makita at mahaplos ko ulit ang mukhang ito.
There have been countless of times that I would trade my soul to the devil just so I could touch you, and hear your voice again.
"H-Honey," Gusto ko siyang halikan.
I tried to reach his lips with mine, pero bago ko pa man maabot ang mga labi niya ay may marahas na humablot sa braso ko at hinila palayo kay Tyronne.
All the Knights, who are clearly shock from what they saw, bowed their heads. Ganun din si Tyronne.
"Your Highness." Lahat sila ay nagbigay pugay kay Marion.
"Abigail!" Marion shook my arm.
Hindi ko pa din inaalis ang tingin kay Tyronne, na nanatiling nakayuko.
"Ha?" Alangan akong napalingon sa ikatlong Prinsipe.
"Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba?" Tanong nanaman niya.
"I'm fine." Simpleng sagot ko at ibinalik ang tingin kay Tyronne.
"You!" Itinuro ni Prince Marion si Tyronne.
Kaagad kong sinamaan ng tingin si Marion dahil sa ginawa niya.
"Yes, Your Highness?" He stepped forward.
"Do you know him?" Tanong ni Marion sa akin.
Hindi ako sumagot.
"Do you know what you just did?" Sermon niya sa akin.
I hugged the person I love! Gusto kong isagot sa kanya.
"Ikaw," Si Tyronne naman ang hinarap ni Marion. "Do you know her?" Pang-uusisa nito.
Sobrang saya ko ng tumingin sa akin si Tyronne.
My husband's brown eyes are so charming.
"No, Your Highness." Napakapit ako sa saya ng suot kong damit ng marinig ang sinabi ni Tyronne. Pakiramdam ko ay nadurog ang puso ko sa sinagot niya.
No, wait!
Ikinalma ko ang sarili.
Sa kasalukuyan ay labing anim na taong gulang pa lang ako, and he is twenty. He asked my hands for marriage when I was eighteen. Ibig bang sabihin nito ay hindi pa niya ako mahal? Hindi pa niya ako kilala?
Oh my gosh!
Maribel's face pop into my mind.
Si Maribel ba ang kasintahan niya sa mga panahong ito?
Sumasakit ang ulo ko.
"Hon- I mean, Ser Tyronne." I called him.
"Yes, Milady?"
"Do you have a lover?" I asked.
Halatang nagulat siya sa tinanong ko.
"Abigail, ano bang nangyayari sayo?" Maging si Marion ay nagulat sa tinanong ko. Hinarap niya ang mga Knights. "You are all dismissed." He ordered them.
Umalis silang lahat. Wala akong ibang nagawa kundi sundan ng tingin ang papalayong si Tyronne.
It's okay. May ibang pagkakataon pa naman na maaari ko siyang makausap ng sarilinan.
Matapos ng pangyayaring iyon ay umuwi na ako. Nagpaalam ako kay Marion na hindi maganda ang pakiramdam ko, at agad naman niya akong pinahintulutang umuwi because I've been acting strange.
Nagkulong ako sa silid buong maghapon, at inisip ang mga pangyayari.
Kasintahan na ba niya si Maribel ngayon?
Naganap na noong nakaraang gabi ang assassination attempt sa Crown Prince. Ibig sabihin, sa loob ng dalawang linggo mula ngayon ay ipapadala na sa gera si Tyronne. And a week after Tyronne left, ay masasangkot ang pamilya namin sa imbestigasyon ng assassination attempt. Madidiin ang pamilya namin na isa sa mga sangkot, pero hindi ito mapapatunayan. Kaya sa halip na kamatayan, katulad ng sa ibang Nobles na may ibidensyang direktang may kinalaman sa nangyari at hinatulan ng kamatayan, ang pamilya naman namin ay aalisan ng titulo at ari-arian. Maghihirap ang pamilya namin. At pagkalipas ng dalawang taon, matagumpay na babalik si Tyronne. Mabibigyan siya ng titulo bilang Baron, at aalukin niya ako ng kasal.
Pero pano si Maribel? Kung tama ako ay isisilang na niya ang anak nila ni Tyronne sa susunod na taon. May mangyayari ba sa kanila bago ito umalis papunta sa gera?
Sumasakit ang dibdib ko na iniisip.
Hahayaan ko nalang ba sila? Hindi ko nalang ba sila guguluhin? Pero pano ako? Pano kami ni...
"Milady? Oh my god, why are you crying, Milady?" Tina panicked.
Nagmamadali niyang inilagay sa lamesa ang dalang tea and desserts ng makita akong umiiyak.
"I'm okay." Sagot ko habang pinupunasan ang mga luha.
No. Hindi ko pwedeng isuko si Tyronne, dahil mayroon din kaming anak. Kung isusuko ko siya, hindi ko maipapanganak si Ivailo.
My baby.
Napahawak ako sa sinapupunan ko.
Hindi pwedeng hindi ko siya maipanganak. Maliban kay Tyronne, ay si Ivailo ang isa pa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
My sweet child.
Bigla akong natawa.
"Hm? Did something good happened at the palace?" Tanong ni Tina ng marinig niya akong tumawa.
Tumango lang ako.
Pero ang totoo ay natatawa ako dahil naiinis si Ivailo kapag tinatawag ko siyang 'My sweet child' kahit malaki na siya. Nahihiya ito sa mga kababaihan sa tahanan ng Noble na pinagtatrabahuan ko. Kaya pagtinatawag ko siya ng ganoon ay nagtatampo ito.
I want to see my baby.
I want to see him grow up, and reach his dreams.
Blag!
Marahas na bumukas ang pinto ng silid ko.
"F-Father." Nagulat ako ng biglang pumasok sa silid ko ang ama ko at nakasunod sa kanya ang dalawa kong nakatatandang kapatid na lalaki.
Count Ernest Campbelle.
My Father who abandoned me when I needed him the most.
Kaagad akong tumayo para salubungin siya. Pero nang makalapit ako sa kanya ay agad niya akong sinampal ng napakalakas.
Bumagsak ako sa sahig at nanginig sa takot.
"Milady!" Tumakbo si Tina palapit sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Wag kang makialam dito!" Father kicked Tina on her stomach.
Kaagad itong namilipit sa sakit at napaiyak nalang.
"Father, please!" Pakiusap ko shielding Tina against him.
"Get out!" The Count yelled.
"Go. Now!" Bulong ko sa kanya.
Nang makalabas na ng silid si Tina ay agad na hinila ng ama ko ang buhok ko kaya impit akong napatayo.
"What the hell did you do at the training grounds today? Ha!" He grabbed my face with his other hand, while still not letting go of my hair.
"F-Father, p-please, it hurts." Pakiusap ko.
"Do you know that everyone is talking about what you did?! Pinagtatawanan tayo ng lahat! You flirted with a common born Knight in front of everyone! A common born Knight! Even the third Prince saw it!" Galit na galit ito.
Napatingin ako sa dalawa kong kapatid at nagbabakasakaling pigilan nila ang ama naming galit na galit. Pero walang ginawa ang mga ito at nanatiling nakatingin lang.
"F-Father, p-please!" Umiiyak na ako sa sobrang sakit.
"If you wanted to flirt, you should have seduce Duke Alfonso's heir, or Duke Marshall's unmarried sons, or the third Prince instead! Why did you brought shame to us by flirting with a commoner?!" Hindi pa rin ito kumakalma.
Napahawak ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa mukha ko. My jaws feels like it's going to break.
Ilang segundo pa bago niya ako marahas na binitiwan at muli akong bumagsak sa sahig.
"Fix this mess! Lumabas ka at dumalo sa tea party ng asawa ni Duke Alfonso bukas! Kapag nabalitaan kong nakipag-usap ka pang muli sa Knight na iyon, hindi lang iyan ang aabutin mo!" Father warned.
"Y-Yes, Father." Umiiyak kong sagot.
He stormed out of my room after that. My brothers followed after giving me a looks of disgust.
Kahit noong mga bata pa kami, hindi na talaga kami magkasundo ng mga kapatid kong lalaki, pero kahit na ganun ay inisip ko pa ding tutulungan nila ako kanina. But it didn't happened. They don't care kahit pa ba sinaktan ako ng ama namin.
Napahaplos ako sa mukha ko. It hurts a lot. Ito ang unang beses na sinaktan ako ng Konde. Sa nakaraan kong buhay, siya mismo ang pumilit sa akin na tanggapin ang pagpapakasal kay Tyronne dahil sa pera nito at koneksyon sa itinakdang Prinsipe.
"M-Milady?" Muling pumasok sa loob ng silid si Tina.
"Are you alright?" Agad kong tanong.
Tumango lang ito at lumapit sa akin.
Tina is a sweet twenty-five years old maid that has been serving the Campbelle for ten years now. She became my personal maid five years ago, and has always been a good friend since.
Buong magdamag kaming umiyak nalang sa loob ng silid ko.
Pero kinabukasan, sa halip na sundin ang inutos ng ama ko na dumalo sa tea party, muli akong bumalik sa palasyo. At dahil palihim akong pumunta ngayon, ay hindi ko sinabi kay Marion.
"Milady, please." Kaagad na tumingin sa paligid namin si Tyronne.
"No one's here." I assured him.
"Then please tell me, why did you call me here, Lady Abigail?" He asked.
Hinawakan ko ang kamay ko ng mahigpit upang pigilan ang sarili na yumakap sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya bibitiwan pa sa oras na mayakap ko ulit siya lalong lalo na ng banggitin niya ang pangalan ko.
Gusto kong umiyak at makiusap na banggitin ulit niya ang pangalan ko, pero pinigilan ko ulit ang sarili ko. Baka isipin ni Tyronne na nababaliw na ako.
"Ser Tyronne, do you have a lover?" Gusto kong marinig ang sagot niya.
"I don't." Tipid nitong sagot.
Is he denying Maribel?
Hiwalay na ba sila?
No, hindi importante kung sila pa o hindi. Ang importante ay maging parte ako ng buhay niya. Kailangang masunod ang mga pangyayari bago ang subjugation.
For Ivailo's sake.
At dahil sa ginawa ko kahapon, baka magbago ang isip ni Tyronne at hindi na niya ako alukin ng kasal sa hinaharap. Kailangan kong maging bahagi ng buhay niya.
"Then," Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Pwede ba kitang ligawan?" Nakita ko kung paano namilog ang mga mata ni Tyronne sa gulat.
"Excuse me? What? Ha?" Sunod sunod na tanong ni Tyronne at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
_______
Note: Para sa hindi nakakaalam, Ser/Sir is the way to address a Knight. Kaya Ser Tyronne yung tawag ni Abigail.
Genre: Fantasy, Romance, Reincarnation, Historical, Mature
P.O.V: Multiple POV.
Language: TagLish
VOTES. COMMENTS. RL
are highly appreciated
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top