Chapter 51: Jonathan Dark
PRINCE IVAN'S POV:
Wala na akong oras magpakilala. I assume that you already know me through me and my sister's convo? Right? Basta call me Ivan or Ian nalang.
Nandito ako ngayon sa kaharian na mga itim hinahanap ang pinsan ko na si Jonathan.
Miss ko na ang kumag na yun. Nasan na kaya yun? Kung sinabi ko Sa Kapatid kong papatayin ko si Nathan. But sorry, joke lang yun. Bakit ko naman papatayin yun? Ang bait nun ang masama lang eh Yung ama niyang unrecruited love sa sobrang maganda kong ina.
Nandito na ako sa ikalawang palapag ng kaharian nila at sobrang dami ko ng napatay na black manipulator na nagbabantay dito. Madami ngang nagbabantay mga weak naman. Tsk.
May narinig ako at di ko matukoy.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nang may narinig ako. It's that a... Moan? What the?
Pumunta ako sa gawi ng tunog na iyon at napagtanto kong si Jonathan pala yun na may kahalikan na isang babae. Yuck!! Kailan pa hindi virgin si Jonathan? Eh noon lang parang papatayin niya na ang mga babaeng nagnanakaw ng halik sa pisngi niya eh. Conservative ang loko eh kaya kung makatanggi parang mawawalan ng isang decada sa pagkabuhay.
Dahan dahan ko iyong binuksan ang pinto at nakahubad na ang babae. Yuck lang talaga. Nakakadiri! Parang naging bakla ako ng isang Segundo sa pinaggagawa ng kumag nato ha?
Walang pasabi kong tinaponan ng water shurikens si Jonathan. Mas nahasa kasi ako sa water kaysa iba ko pang mga elements.
Pero nagulat ako ng bigla siyang humarap kasama ang babae sanhi na ang babae ang natamaan ng mga shurekin ko.
"Ohhh... Best friend!! Long time no talk!! *Smirk*" sabi niya sabay tapik sa babae na nakahubad parin. The girl started to fade. So that means she is also manipulated by an evil man named king Vlack. Tsk.
Still the same as a person that reeks with evilness and relentless manipulation. Why did he even manipulate his own son?! They're relationship as father-son makes me sick!
Teka nga. Ano bang pinaglalaban ko? Tsk.
Tinignan ko siya. Yung cold na tingin na sobrang ayaw niyang makita sa akin. Kasi daw pag naging cold ako sakanya para daw siyang naging stranger. Daming arte eh.
"Ple-- please.. Thoffer.. stop me.." sabi ni Jonathan sabay hawak sa ulo niya. Nagulat ako sa sinabi. Stop him? No!! As in no way in hell!!
He calls me Thoffer habang ako tinatawag siyang Nathan. Pero dahil hindi naman siya ang Nathan na kilala ko Jonathan muna.
"Stop me!! Thoffer! Stop me while I'm still Me!!" Sigaw niya sa akin sabay hawak ulit sa ulo niya.
"No!! Hindi kita papatayin! Pupuntahan ko si Avyss at ipapaback fire ko ang pagmanipulate sayo ng dad mo!" Sigaw ko pabalik sakanya at tyaka siya nilapitan.
"My father is a strong manipulator Thoffer! You know that!" Sigaw niya kaya napatigil ako. Anong tingin niya sa Kapatid ko? Mahina? Hindi magaling?
"Don't underestimate her Nathan. MALAKAS siya sa lahat ng MALAKAS. Kaya wag kang magsasabi ng malakas pa ang dad mo." Sabi ko with my cold voice at tsaka siya tinaponan ng sleeping water balls and that left him unconscious.
Agad ko siyang nilapitan at tsaka binuhat. My sleeping balls can only last for one hour kaya kailangan kong bilisan.
"Hold on, insan." Sabi ko at tsaka lumipad patangu sa academy kung nasaan nagaaway si Avyss at tsaka si tito.
JONATHAN'S POV: (SOMEONE)
Everything is dark..
I'm falling..
"Where am I?" I asked but no voice came out from my mouth.
It's so dark..
"Princess! Please! Ihinto mo ang pagmanipulate ni tito sakanya!" Sigaw ng isang lalaki. Familiar ito sa akin. Parang kilalang kilala ko ang boses.
"Okay. Easy lang bro. Naglalaban pa kami ni tito eh! Panira ka!" Sigaw naman ng pamilyar na boses babae.
Natahimik sila.. mga ilang minuto din yun hanggang sa nakaramdam nalang ako ng sakit sa utak ko. Parang may nagfaflashback.
"UGHH!!" Sigaw ko at tsaka namimilipit na sa sakit ng ulo ko.
"Nathan?!/ Athan?!" Sabay na sigaw ng babae at lalaki. NAMIMILIPIT pa rin ako sa sakit pero malipas ang ilang minuto ay nawala nalang ito kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko only to find out na nasa harap si ko Thoffer at hindi ko kilalang babae.
"Okay ka lang ba?" Nagalalang tanong ni insan.
Dahan dahan akong tumayo at tsaka hinawakan ang sintido ko dahil Bigla nalang akong nahilo. Tumango nalang ako at tsaka pumikit.
"Sino ang naghinto ng spell ni papa sa akin?" Malumnay pero dahan dahan kong tanong. Parang mabibiyak sa pagkahilo ang utak ko eh.
"Ahh.. si Avyss. Sorry pala at pinatulog kita." Sabi niya sabay kamot ng ulo niya. May kuto ata to eh.
"Sino ba yang Avyss na yan? Kanina ka pa nagsasabing Avyss di ko naman kilala." Naiinis kong sabi at tsaka siya binigyan ng isang GWAPONG glare.
"Siya oh!" Sabi niya at tsaka tinuro ang babaeng nasa ibabaw na nagaaway kay dad.
Nang marealize ko kung sino siya ay bigla nalang nanlaki ang mata ko at tsaka napanganga.
Si princess Avyss! Ang pinsan slash Kapatid ni Thoffer.
Pero.. ang ganda niya.. sobrang ganda niya. Sexy, tapos samahan niyo na ang damit niyang nakaklaro ang hubog ng katawan nito.
"Wag mong pantasyahin pinsan mo kumag ka! May pag-aari na sa puso niyan!" Sabi ni Thoffer at tyaka ako binatukan. Kaya napahawak nalang ako sa kung saan niya ako binatukan.
"ARAY HA! masakit!!" Sabi ko at tsaka hinihimas himas ang ulo ko.
"KUYA! ATHAN!! ILAG KAYO!!" sigaw ni Avyss kaya agad kaming makailag sa right side. At nang napagtanto ko kung bakit kami umiilag ay dahil pala ang tinapon na explosive kunais ni dad ay napunta sa amin. Pero kahit na nakailag na kami ay yumanig pa rin ang kunais ni dad.
Pero malipas ang ilang minuto wala akong naramdaman na kahit na anong sakit. Pwera nalang sa ulo kong kumikirot ulit. Parang may nagmamanipulate ulit sa akin pero naramdaman ko nalang na bigla nalang iyong nawala.
Minulat ko ang mata ko. At straight na tumingin sa ulo ko si Avyss na parang bang hinihinto niya ang pagmanipulate ni dad sa akin.
"Okay lang ba kayo? At tsaka nga pala Athan. Your mind is already blocked. Blinock ko na para hindi ka na mamanipulate ng dad mo." Sabi niya sabay ngiti sa akin kaya tumango nalang ako at tsaka tumayo.
"But for now, help my people Athan ay kuya.. tataposin ko muna ang dad mo Athan. Sana hindi ka magalit." Sabi niya at tsaka ngumisi sanhi ng bigla nalang akong nangilabot.
Lumipad na siya at tsaka parang may lumabas na aura galing kay Avyss.
To be continued..
ππ•°π•°π•°π•°π•°π•°π•°π•°π•°ππ
Okay. Ito na po ang update!
Nagupdate ako ngayon as a promise!
Hoe you like this chapter!!
VOTES AND COMMENTS PO!!
Lovelots!! 😍😍😘💞💕💖💗❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top