Kabanata 6

Kabanata 6

I made sure I was prepared for the SciMaTech quizbee. I sacrificed a few hours of sleep to review previous lessons.

Pero bakit wala akong masagot ngayon?

It was probably because most of the questions were from Junior High! We focused on our current lessons that we forgot to review about the previous lessons from the previous years of our school!

Sarathiel did make sense, hindi nga talaga advisable ang mag-review sa quizbee na ganito! Nakaka-dismaya lang kapag wala ang mga binasa mo.

"What's the hottest color in the E-M Spectrum?" tanong ni Gio.

"ROYGBIV ba 'yan?" Adren said.

"Ano 'yung V?" I asked.

"Ultraviolet?" tanong ni Gio, obviously confuse with his own answer.

Nasa isang table kaming tatlo. Tatlong participants bawat section. Magkakalayo 'yung mga table namin. Pero kitang-kita ko si Sarathiel, Czanne tapos 'yung isang lalaki na kanina pa naka-ngiti.

I know they have an edge on this quizbee but I tried my luck studying some concepts for the SciMaTech. Pero wala ni isang lumabas!

"What does HTTP stands for?"

"What the heck, WWW lang alam ko."

"Did any one of you had an ICT class?" tanong ni Adren.

Umiling kami ni Gio. The questions were easy if only we knew more about terminologies in technology. Napabuntong-hininga si Adren.

"Skip na lang natin," sabi ni Adren.

"Naka-ilang skip na tayo! Wala pa nga sa lima nasasagutan natin e." Reklamo ko.

We decided to skip a few questions, tumataas ang altapresyon ko sa bawat numerong hindi namin nasasagutan. I was tapping my pen on the table nervously. Hindi mapigilan ang sarili na tumingin sa orasan. Napapikit ako dahil ilang minuto na lamang ang natitira.

"Oldest bank in the Philippines?" Gio asked.

"BPI! Bank of the Philippine Islands." I answered, confidently.

"Yes! May sagot na rin tayo." Humalakhak ni Gio. Napatingin tuloy sa kanya 'yung iba namin kasama sa quizbee.

Yumuko naman ako sa hiya.

Bakit kasi ang lakas tumawa nito? Isipin pa nila nadadalian lang kami sa mga tanong e!

They allocated one hour for us to answer these questions. Hindi namin namalayan na ilang segundo na lang pala ay tapos na 'yon.

"Pencils up!" sigaw nung Proctor. Leche.

I groaned, feeling dejected. Tinaas namin ang mga lapis sa kamay namin kahit kulang pa ng tamang sagot ang papel ng aming grupo.

For forty questions, sampu lang 'yung sure na sagot namin. I went out of the room, feeling dejected.

Hindi naman siguro ako tataasan ni Sarathiel 'di ba? Goodness, I just wanted to make him a slave for a day. Gusto ko lang naman siya utus-utusan!

After we packed up, I decided to go home since our class is already done. Naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa aking likod.

"Hi alipin," sumulpot si Sarathiel sa gilid ko.

I rolled my eyes at him. "Feeler mo. Wala pa 'yung scores, huwag ka mag-assume."

Napatigil ako sa paglalakad.

"What does HTTP stands for?" tanong ko sa kanya.

I'm testing if I have a chance. Malay ko ba kung nahirapan din siya?

He grinned at me. "Hyper Text Transfer Protocol."

I gulped at his answer. Agad akong nagmadaling maglakad pauwi.

I should probably get ready being his slave. Ghad, me and my compulsive mouth.

『••✎••』

STEM 1 40/40

ABM 1 19/40

"Tumama pa 'yung ibang hula natin." Tumawa na naman si Gio. Nakakainis kasi palagi niya lang tinatawanan lahat!

"Well, they had an edge since it's basically their strand." Nakahalukipkip si Adren habang nakatingin sa bulletin board.

"At saka, they have Aracosa. Gifted 'yun e, nung junior highschool siya kaya 'yung valedictorian namin." Kwento ni Gio.

"Matalino talaga siya?" tanong ko kay Gio.

Gio nodded.

"Oo, tamad lang talaga. Kaya hindi masyadong nag-sasalita."

I can't help but give out a long sigh.

Mahina pa naman ako sa mga matatalino. Madali akong magka-gusto sa mga may sense kausap. Pero kung sa sugo lang din ng kadiliman ako magkaka-gusto— naku, no thank you na lang!

Kinakabahan ako kay Sarathiel. Iniwasan ko talaga dumaan sa mga lugar na maaaring magkita kami. Hindi na nga ako umaalis sa ABM building para lang hindi kami magkasalubong!

Niyaya ako ni Bea at Melay sa Gonza Hall. Gusto ko talagang tumanggi kaso kinaladkad na ako ni Melay.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Para akong may utang na may pinagtataguan! I'm not even indebted to him, it is just a dare!

Medyo kumalma lang ako nang makitang wala siya sa G Hall kaya naman naisipan kong mag-check na lang muna ng social media habang busy si Bea at Melay sa assignment. Tapos na kasi ako riyan. Ayaw naman nilang komopya— baka raw kasi mali sagot ko.

Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay nang makita kung sino ang nag-add saakin sa Facebook.

Sarathiel Aracosa sent you a friend request.

Asa ka pang ia-accept kita, ulol.

I decided to click delete.

Kaso nagulat ako nang may mag-message request saakin.

Sarathiel Aracosa:

Accept me or I'll definitely go to your room tomorrow.

You wouldn't like that, won't you?

Baka lalong dumami 'yung likers ng page natin :)

Team ZafiThiel pala, ah?

Ghad! Saan niya nalaman 'yung Facebook page na 'yon?

Napasapo ako sa aking noo habang nagtitipa ng reply para sa kanya. Baka isipin nito ay ako pa ang pasimuno ng pesteng fanpage na 'yon!

Zafirah Sanchez:

FYI

Hindi ako 'yung gumawa ng page na 'yon!

Ang kapal mo.

Sarathiel Aracosa:

Where are you?

Zafirah Sanchez:

Kung saan hindi mo ako makikita :)

Sarathiel Aracosa:

Lol, Gonza Hall.

See you.

Napalingon tuloy ako sa paligid ko. Nakita ko si Melay na nagtitipa sa cellphone niya.

"Did Sarathiel messaged you?" tanong ko.

"Yup! Tinanong niya kung nasaan ka raw. Sabi ko G Hall." Sagot ni Melay.

Napangiwi naman ako sa sagot niya.

Bakit ba sila ganito saakin?! Si Sarathiel ba 'yung blockmate nila, ha?!

Dapat ay aalis na ako kaso nakita ko si Sarathiel na nakatingin sa akin. He was already approaching us. He had this smug look on his face. Nakapamulsa siya habang papalapit sa pwesto namin.

Bakit ako biglang tinubuan ng hiya? Bakit kasi may pa-slave slave pa ako? Ang cliché!

"Hi Zafi, or should I call you my slave?" ngumiti si Sarathiel at umupo sa tabi ko.

Si Bea naman ay awtomatikong napalingon. Tumingin siya saglit kay Sarathiel at nagtatakang tumingin sa akin.

"Akala ko ba allergic ka sa tangkay?" Bea asked. She knows how much I avoided STEM all the time!

I decided not to entertain her question and looked at Sarathiel with my eyebrows furrowed.

I groaned. "Tell me, what should I do? And can you stop calling me your slave?"

"May project kami sa EAPP," he said, pouting his lips.

"Papagawa ka?" Nagtaas ako ng kilay.

He smiled sheepishly.

"Yeah, di ako magaling sa design-design. Notes lang 'yon."

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Buti na lang at madali lang ang ipapagawa niya sa akin. Hindi ko rin kasi matatanggap na utus-utusan niya ako 'no! My pride won't let me. Kahit na ako naman mismo ang nagsabi ng dare na ito.

I nodded at him. "Sure, bigay mo sa akin notebook mo."

Hindi ko alam bakit lumawak 'yung ngiti niya.

"Okay," he said, curtly.

May kinuha siya sa knapsack niya at inabot ang isang Corona notebook.

Ang mamahalin naman ng notebook nito. Doble sa presyo ng notebook ko!

I skimmed through his notes. Everything is neat and concise. Sobrang liit pa ng sulat niya.

"Akala ko kapag lalaki, parang kinahig ng manok ang sulat?" lumingon ako kay Sarathiel.

Mas maganda pa sa sulat ko. My competitive side and ego as a woman was shattered. I know there are men who have good handwriting but knowing that Sarathiel beats me in this aspect? I can't help but feel bitter.

"Lalaki ka ba talaga, ha?" I asked, accusingly.

"What? Stop generalizing. I'm straight though, if that's what you're trying to ask." he grimaced at me.

Fair point, medyo naging sexist ako sa part na 'yon. Pero ang unfair naman kasi na ang ganda ng sulat niya.

Mukha namang kumpleto ang notes niya. Si Mrs. Reynes siguro Prof nila. Ganito rin kasi pinagawa niya saamin pero tapos na ako. Last week pa siya nagpa-pasa saamin e. Nauuna 'yata kami sa STEM.

Umalis na si Sarathiel pagkatapos ibigay ang notebook niya.

Nakatingin naman si Bea at Melanie sa akin. Both of their gazes told me that they're expecting me to spill any tea. Agad naman na kumunot ang noo ko dahil sa titig nila sa akin.

"Mag-jowa na kayo?" straight forward na tanong ni Bea.

"Of course not!" I denied.

Tumango silang dalawa — but the look on their faces says otherwise.

I decided to ignore them. Buti na lang dala ko ang watercolor at calligraphy pens ko. I started designing his notebook. I made it colorful and bright because I know he likes monotone colors. Tingnan lang natin kung hindi siya pagkamalang kinder sa notebook niya.

It took me two hours to finish designing his notebook. Bukas ko na lang ito dadalhin at ibibigay sa kanya.

Dadaan na lang siguro ako sa room nila. Napapadalas na 'yata ako sa building nila, no matter how much I try to avoid it.

I was satisfied with my design. Pakiramdam ko ay nabawi ko lahat ng pangiinis saakin ni Sarathiel.

Ang dami kong nilagay na mga pang-batang design sa notebook niya. Tinadtad ko ng heart at rainbow. Goodluck explaining your design, Mr. Aracosa!

Kinabukasan, pumunta ako sa room nila. It was before homeroom. Maaga ako pumapasok, madalas ay thirty minutes bago ang homeroom.

I was waiting infront of their room, yawning. May tao na sa loob pero wala pa si Sarathiel. Hindi ko mapigilan ang matuwa dahil nauuna pala ako pumasok. I like winning even in small matters like this. Ang babaw pero napapasaya ako.

"Si Sarathiel ba hanap mo?"

Oh geez! Si friendly guy! Agad akong ngumiti. Sa lahat ng STEM, siya lang 'yata 'yung feeling ko medyo okay. Biased na talaga 'yata ako.

"Ah yeah, may ia-abot lang ako." Kinuha ko sa bag ko 'yung notebook niya.

Umawang naman 'yung bibig niya.

"Oh," tipid siyang ngumiti.

"What's your name pala?" tanong ko sa kanya.

"Caecelius. Cae na lang." Pagpapakilala niya. I was expecting a more foreign name since he looks like korean.

Marami namang mukhang koreano rito. Meron pa ngang blue eyes e. Dapat 'yata United Nation ang pangalan ng school namin.

"Morning," I felt ticklish when someone whispered into my ears.

Agad akong napalingon sa bumulong sa akin.

Si Sarathiel pala.

Sarathiel was wearing his knapsack while his hoodie was hanging on his arms. Uso ba sa kanya ang muta o ano? He looks good even in the morning. I gulped and immediately fetch his notebook to distract my thoughts.

"Notebook mo." Binato ko sa kanya 'yung notebook niya at nasalo naman niya.

"Thanks," he grinned in a boyish manner.

"Tapos na, ah? For a day lang 'yon! Expired na!" paalala ko sa kanya, baka kasi humirit pa siya e!

"Sure," tumango-tango siya habang ang tingin ay nasa mga pahina ng notebook niya. Kinabahan naman ako dahil baka mapuna niya ito.

"Thanks, Zaf." He smirked at me. "Study well."

My forehead creased. Minabuti ko na lamang na hindi ito pansinin at umalis na. Maybe he is also grade conscious just like me? Para kasing ang babaw ng binigay niya sa akin na gawain. Pero hindi ako nagrereklamo, I would probably run away from him if he wanted me to do things I don't even want to imagine.

I went back to our room and sat on my seat. Katabi ko si Bea at nakatitig lang siya sa akin. Her curious eyes made me frowned. Agad ko siyang tinapik upang tanungin kung anong meron.

"Alam mo 'yung tsismis?"

"Huh? Ang aga namang balita niyan." I laughed.

"There's this thing circling around in the STEM strand," panimula ni Bea. I got curious so I nodded my head for her to continue.

"Ano raw?"

"Close kasi nila si Prof. Reynes—"

"Tapos?"

Mabait si Prof. Reynes tapos mahilig pa siyang maki-salamuha sa mga estudyante niya kahit ilang agwat ang edad namin sa kanya. That's why she's easy to get close to.

"May special task pala 'yung project nila sa EAPP."

Beads of sweat started forming in my forehead. Kinakabahan ako sa sinasabi ni Bea. Pakiramdam ko dahil sa pinagtripan ko ang notebook ni Sarathiel kaya ganito ang nararamdaman ko.

"Ano raw?" I bit my lower lip.

"Kaya pala sila ang huling pinagawa ng project kasi...ibang tao raw dapat ang mag-design ng notebook nila. It's either someone special to them or...someone they hate the most."

Tumingin sa akin si Bea, the way she stared at me made me feel nervous. Para bang may ginawa akong krimen.

"Alin ka roon...para kay Sarathiel?" She asked.

I didn't know how to respond.

❛ ━━━━━━・❪ ✎❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top