SIMULA

Chapter Content: triggered warning (suicidal attempt)

Simula

Sabi nila, habang buhay may pag-asa. Na sa buhay, kung nasa mababa ka, darating 'yong panahon na mararanasan mo rin sa taas. Na kapag malas ka, darating 'yong panahon na magiging swerte ka.

Sabi nila, kapag mabuti kang tao, lahat ng hinihiling mo, matutupad.

Mapait akong napangiti.

Buong buhay ko, isa lang ang hinihiling ko. At 'yon ay ang mahalin ako ng magulang ko.

I did my best. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting anak sa kanila.

But that everything wasn't enough for them to treat me right.

"Jiharah! Bakit ang kalat dito?! At itong damit ko, bakit andito parin? Diba kahapon ko pang pinalalabhan 'to?!" ibinato niya sa akin ang damit niya na tumama sa aking mukha. "Lintek kang bata ka! Kung ano-anong ginagawa mo! Ito, ano na naman 'to?!"

Hinablot niya ang mga papel sa lamesa. Napapiksi ako sa takot nang akma niya itong pupunitin.

"Ma, r-research ko po 'yan...sa s-school.."

Ngumisi siya sa akin. "Ito? Ito ang inaatupag mo? Lintek na! Palalamunin ka ba nito? Ha?" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa panga. "Itigil mo na 'yang kahibangan mo! Dagdag gastos lang 'yan! 'Yong perang bigay ni Nanay, nasaan? Ibigay mo sakin!"

"P-Pero Ma, kay Lola 'yon...pang check-up niya 'yon.."

Malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. Binuksan niya ang bag ko na nasa lamesa at kinuha ang wallet ko. At bago pa siya umalis sa harap ko ay isa-isa niyang pinunit ang papel ko...research paper na pinagpuyatan kong gawin.

Sa panlulumo ay napaupo nalang ako sa sahig at tulala. Unti-unting lumandas amg luha sa aking pisngi.

Pera 'yon ni Lola. Gusto ni Lola na maka-graduate ako, gusto niya na nag-aaral ako. That's why she's giving me a monthly allowance. Pero hindi ko iyon ginagastos dahil gusto kong ipunin iyon para sa check-up niya.

Pero lahat ng ipon ko ngayon, wala na. Mapupunta na sa pang-sugal ni Mama, at pang-droga ni Papa.

Hindi ko alam kung bakit sila palaging galit sa akin. Ayaw nila akong pag-aralin, palagi akong binubugbog ni Papa, palagi akong sinasaktan ni Mama.

Pero sa kabila ng lahat ng nararanasan ko sa kanila, mahal ko pa rin sila.  Naghahanap parin ako ng pagmamahal sa kanila. They're still my parents. I'm still hoping that one day, they will love me and see me as their daughter.

Si Lola lang ang nararamdaman kong nagmamahal sa akin dito sa bahay. Mabuti nalang at kasama namin siya dito. She's the mother of my Mama, at kahit siya...walang magawa para baguhin si Mama. May edad na rin kasi siya at hindi na kayang gumalaw ng maayos. Kaya kahit sinabi niya sa akin noon na lalayo siya at isasama ako, hindi rin niya magawa dahil bukod doon, wala na rin naman kaming mapupuntahan at mapagkukunan ng pera.

"Apo, hayaan mo na 'yon. Pagpasensyahan mo nalang ang Mama mo." narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Pero La, ipon ko po 'yon para maipa-check up kita. W-Walang natira kahit p-piso sa bag ko..." pinahid niya ang luha sa aking pisngi. Si Lola, siya palagi ang nakakapagparamdam sakin na may karamay ako sa hirap ng buhay. "La, kung...t-tumigil na kaya ako sa pag-aaral?"

Agad siyang napasinghal at sumama ang tingin sa akin. "Yan ang 'wag mong gagawin, Jiharah. Ginagawan na nga natin ng paraan diba? Kailangan mong makapagtapos, para magawa mo ang gusto mo. At higit sa lahat...para m-makalayo ka dito!"

"Pero Lola, hindi naman habang buhay na nakadepende ako sa inyo. Gusto ko ng magtrabaho, gusto kong ako ng tumulong sa inyo."

"Jiharah, napakabata mo pa para magtrabaho. Tigilan mo iyan. Gagawa tayo ng paraan ha?"

Pilit nalang akong ngumiti sa kanya. She's already a senior citizen, at ang pension niya ay palagi niyang ibinibigay sakin para sa pag-aaral. 'Yon ang pangarap niya e, at hindi ko alam kung kaya kong tuparin.

Nang gabi na ay natanaw ko na si Mama sa labas ng bahay, kaya mabilis na akong naghanda ng pagkain nila ni Papa. Ewan ko ba kung bakit ako natataranta sa kanila. Siguro ay may phobia na ako?

Everytime that they were shouting, para akong aso na susuksok nalang sa isang tabi, everytime na pumupunta si Papa sa kwarto ko, nanginginig na ako...dahil alam ko ang susunod niyang gagawin.Bugbog. Kagaya ngayon....

"P-Pa..." mas nadagdagan ang kaba ko nang maamoy ang alak sa kanya. Lasing siya.

Nasa kabilang kwarto lang si Mama at si Lola naman ay nasa taas na kwarto pa. Napaatras ako nang isara niya ang pintuan ng kwarto ko. May hawak siyang baseball bat.

"Dapa!" sigaw niya.

Kahit nasanay na sa ginagawa niya ay hindi ko parin mapigilan ang mga luha ko. Dumapa ako sa kama at tiniis ang bawat pagtama ng baseball bat sa pwetan ko, sa binti, sa hita. Napakapit ako gilid ng kama at napahagulgol nang maramdaman na tumigil na siya.

Tangina.

Bakit ba ganito sa akin ang magulang ko? Bakit ba pumapayag ako na sinasaktan nila? Bakit hindi ko kayang umalis? Kahit..ang sakit-sakit na.

Hinablot niya akong paharap sa kanya at nakita ko ang mala-demonyo niyang ngisi. Pilit ko paring ipinapaalala sa sarili ko na tatay ko parin ito, na lango lang siya sa droga at alak kaya siya ganito.

Pinahid niya ang luha sa aking pisngi bago ako itinulak sa kama. Pumikit ako sa pag-aakalang may baseball bat na tatama sa akin pero napamulat ako sa gulat nang maramdaman ang kamay niyang naglalakbay sa loob ng short ko.

"P-Pa!" napabangon ako at napaatras.

Ngumisi siya na parang walang-awang tao na desidido sa gagawing masama. "Shh, ayaw mo bang pasayahin si Papa, anak?" lumapit siya sa akin at bigla akong kinubabawan.

"P-Papa! Umalis ka! M-Mali ang ginagawa mo, parang awa mo na, a-anak mo ko, anak mo ko!" umiyak ako sa harap niya pero wala siyang pakialam sa akin. Sanay ako sa bugbog niya, pero hindi dito. Hinalikan niya ako sa leeg. "P-Pa!... P-parang awa mo na!" pilit akong nagwawala sa kanya. "Mama! Mama! T-Tulungan mo 'ko!"

"Tulog na ang Mama mo, shhh saglit lang ito, anak."

"D-Demonyo ka! Hindi na ikaw ang tatay ko! Demonyo ka!" malakas na sampal nagpatahimik sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak.

My sexually harassed me that night.

Para akong mababaliw at hindi magawang lumabas ng kwarto. Napasabunot ako sa aking buhok habang walang tigil sa pag-iyak.

Masakit ang katawan ko, pero mas lamang ang sakit dito sa loob ng puso ko.

Narinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin sa labas ng pinto. Mabilis akong nagtungo doon at sinalubong siya ng nagsusumbong na tingin.

"M-Ma...si Papa..."

"Magluto kana, nagugutom ako." pagkasabi ay tumalikod na siya.

I hold her hands. "M-Ma, g-ginalaw ako ni Papa..." this time ay humarap na siya. "Ma...kagabi...g-ginalaw ako ni Papa.."

"Tanga ka ba? Nasa tabi ko ang Papa mo kagabi! Ano bang iniimbento mong tanga ka?! Magluto kana! Wag mo 'kong dramahan!"

"M-Ma, maniwala ka naman sakin..." hindi niya ako pinansin at naglakad na palabas ng bahay.

Bakit kaya parang wala lang kay Mama na nasasaktan ako? Am I really their child? Dugo at laman ba talaga nila ako? Kase hindi ko ramdam. Hindi ko maramdaman. Bakit parang utusan lang nila ako? Bakit parang ang hirap kong mahalin?

May mali ba sakin? May kulang pa ba para hindi nila ako ituring na anak?

Pinahid ko ang aking luha ng makita si lola na nakatitig sa akin. Lumapit siya at naupo sa tabi ko.

"May gusto ka bang sabihin, apo?" tanong niya.

Mabilis akong napailing. "Wala po." aalis na sana ako ngunit humarap ulit ako sa kaniya. "La, ayos lang po bang mapagod sa buhay?"

Dahil pagod na ako. Akala ko ba ay habang buhay, may pag-asa? Bakit pakiramdam ko ay matatapos na ang buhay ko na wala paring ni katiting na pag-asa? Lalo na ngayon, ang pag-asa na mahalin ako ng magulang ko, wala na. Nasagad na 'yong pasensya ko sa paghihintay na mahalin nila ako.

Paano pa nilang maiibigay ang pagmamahal kung 'yung respeto nga ay hindi nila kayang ibigay?

"Jiharah, hindi naman masama na mapagod. Lahat tayo napapagod, lahat tayo sumusuko. Pero kailangan nating lumaban. Lalo na ikaw.." napatingin ako sa kanya at napansin ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "Alam kong marami ka pang dapat gawin, may pangarap ka, marami ka pang mararating. Hindi ang pagsuko ang solusyon sa problema mo ngayon, apo."

"Lola, I'm tired. Pagod na po ako." gusto ko mang isumbong sa kanya ang ginawa sa akin ni Papa ay mas pinili kong huwag nalang. Ayokong mag-isip pa siya at masaktan. Mas mabuting ako nalang.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, apo." rinig ko ang pag-iyak niya. "Pwede bang makiusap si Lola?"

Tumango ako. I hold her hands and smiled at her. Handa akong marinig ang lahat ng sasabihin niya, dahil baka ito na ang huling pagkakataon. Pero hindi ko alam kung mapapagbigyan ko pa siya sa maaring pakiusap niya.

"Gusto kong lumaban ka. Panghawakan mo ang lahat ng pangarap mo. Wag mong pilitin ang sarili mo na kumapit sa mga taong alam mong ikasisira lang ng pagkatao mo, mas mabuting kumapit kana lang sa sarili mo...dahil sarili mo lang rin ang makakatulong sa'yo sa bandang huli."

Tumango ako at yumakap sa kanya.

--

Buong magdamag akong nakatulala sa kutsilyong hawak ko. Itinapat ko ito sa aking pulso. I don't know why the image of my parents shows on it. Parang naririnig ko ang bawat sigaw nila sa paligid ko. I can hear my own cries.

Napaluha ako at unti-unting idiniin ang talim ng kutsilyo sa pulso ko.

I'm sorry Lola, hindi ko alam kong anong gagawin ko.

Paulit-ulit akong nahingi ng tawad sa kanya sa aking isip. Kung wala akong pag-asa sa mundong ito, baka sa kabilang buhay meron.

Lumuluha akong napapikit ng may lumabas na dugo sa aking pulso.

"Nay! N-Nanay!" narinig kong sigaw ni Mama.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at napansing nakabukas na ito at isinarado ko naman kanina.

"Nay, gising! N-Nanay!"

Nabitawan ko ang kutsilyo na hawak ko at lumabas ng kwarto. Narinig ko ang pag-iyak ni Mama. Sa kwarto ni Lola.

Nagpunta ako doon at napatakip ng bibig ng makita si Lola sa sahig ng kwarto niya, nakabagsak at may lumalabas na bula sa kanyang bibig.

"L-Lola.." naupo ako sa tabi nito. Napaiyak ako ng hindi na ito gumalaw. "L-Lola! Ma, anong nangyari?" napansin ko ang nakakalat na gamot sa sahig. Napaawang ang aking labi. Hindi pwede 'to. "Lola! B-Bakit?"

Ako 'yong dapat namamaalam sa kanya kahapon e, hindi siya. Hindi dapat ang Lola ko.

Tinapos ni Lola ang buhay niya, at hindi ko man lang naramdaman na gagawin niya pala ito. Hindi ko siya napigilan. Wala na ang nag-iisang kakampi ko.

Lumipas ang araw at inilibing na namin si Lola. Hindi ko malaman ang gagawin ngayong wala na siya.

"Jiharah!" sigaw ni Mama.

Mabilis akong napatakbo sa labas ng bahay para puntahan siya. Nakita ko ang mga gamit ko sa tabi niya. Ipinagtatapon niya ito sa may daan.

"Ma, anong ginagawa mo?"

"Lumayas kana dito!"

"Ma, a-ano bang kasalanan ko sa'yo?" wala parin siyang tigil sa pagtatapon ng mga damit ko sa daan. "Ma, sagutin mo 'ko!"

Humarap siya sa akin ngayon na galit na galit. "Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Nanay! Kasalanan mo ang lahat! Nakita ko siyang sumilip sa kwarto mo noon! Bago ko siya nakitang wala ng buhay! Ikaw palagi ang dahilan ng kamalasan ko! Tangina! Sana ikaw nalang ang namatay, hindi si Nanay!"

Natahimik ako sa narinig.

Kaya ba nagpakamatay si Lola dahil nahuli niya akong naglalaslas? Kaya ba siya nagpakamatay dahil ayaw niyang maiwan ko siya? O dahil...alam niyang hindi ako lalayo sa bahay na ito ng hindi siya kasama? At pinili niyang tapusin ang buhay niya para magawa ko ng lumayo at tumayo na mag-isa? Iniisip niya ba na sagabal lang siya sa buhay ko?

"L-Lola..."

"Lumayas ka dito! Hindi kita anak! Isa kang malas!"

Itinulak niya akong papunta sa labas ng gate. Natanaw ko pa si Papa sa likod niya na nakatingin lang sa akin.

Kusa akong naglakad papunta sa daan at pinulot ang ilan kong gamit. Nakakapagod humagilap ng atensyon ng sarili kong magulang, nakakapagod mangalinga ng pagmamahal sa mga taong katulad nila.

Nagsitulo ang mga luha ko.

Ito na ang huli...

Tama si Lola.

Dapat tahakin ko ang daan na mas makakabuti sa akin. Panghahawakan ko ang pangarap naming dalawa.

Wala na akong panghahawakan na iba bukod sa sarili ko.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top