KABANATA 7
Kabanata 7
Pagkalabas ko galing sa school ay dumeretso na ako sa palengke para bilhin ang ipinapabili ni Manang.
Tumakas lang ako kay Sir Jandrich at nagbiyahe lang papunta dito. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangang isabay niya ako. Parang pakiramdam ko ay hindi ako kasambahay para sa kanya. Hayst.
Alam kong magagalit iyon o maiinis, basta I know na beast mood iyon mamaya pag nakita niya ako. Ang gusto kasi niya ay sa kanya ako sasabay palagi. Pero hindi ko naman kayang sundin ang utos niyang iyon.
"Dalawang kilo po ng tilapia at isang kilo po ng alimango." iyon ang mga pabili ni Manang. Pansin ko nga ay puro seafoods ito.
At ang nakakatuwa sa pamimili dito sa bayan ay, napaka-fresh ng mga paninda nilang nagmula sa dagat. Bagong bago lahat. Pati ang mga prutas at gulay dito, napakagaganda pa.
"Ito, neneng. Salamat." nakangiting inabot ng magtitinda ang binili ko.
"Sige po."
Pagkatapos ay nag-abang na ako ng biyaheng tricycle sa labasan ng palengke. Medyo marami rin itong dala ko. Hindi ko alam kung lulutuin ba ito lahat ni Manang, dahil masyado naman ata itong marami.
Sumakay na ako sa tricycle hanggang sa mansyon ng Del Vierro.
Pagkapasok ko sa loob ay dumeretso na ako sa kusina. Naabutan ko pa si Manang na naghihiwa ng mga panlahok sa lulutuin.
"Manang, ito ang pinabibili niyo." inilapag ko iyon sa mesa. "Anong meron at mukhang marami kayong lulutuin ngayon?"
She smiled a bit. "Wala naman. Mahilig kasi sa seafoods ang kambal. Lalo na si Jandrich. Alam kong magugustuhan niya iyan."
Ow? Mahilig pala 'yon sa seafoods. And speaking of, bakit parang wala pa ang kotse niya sa labas? At walang galit na mukha ang sumalubong sa akin kanina.
Napatingin ako kay Manang. "Ah, wala pa po ang kambal?" tanong ko na lang. Dahil kapag tinanong ko lang ay si Sir Jandrich ay baka kung ano pang isipin ni Manang.
"Si Jerick ay kararating lang rin. Baka nasa taas. Si Jandrich naman...mukhang wala pa ang isang 'yon. Saan naman kaya 'yon, napunta? Akala ko ay magkasabay kayo?"
Umiling ako sa kanya.
Akala ko pa naman ay nandito na siya kaya naghahanda na ako sa sasabihin niya. Pero wala pa siya? Nasaan naman 'yon? Nambababae? Nasa club? Ang alam ko kasi ay mahilig siyang pumunta sa Paradise club. Puntahan iyon ng mayayaman na taga rito. At tambayan niya rin iyon.
So, hindi na imposible. Baka nga andun siya.
Nagbihis lang ako at tinulungan ko si Manang sa pagluluto.
Ang daming seafoods naman nito. Parang pang mukbang na ito ah.
Naalala ko ang sinabi ni Manang kanina na mahilig daw si Sir Jandrich dito, kaya habang nagluluto kami ay nagpakwento ako sa kanya.
Ang sabi niya ay malapit daw sa kanya ang kambal noong bata pa ang mga ito. Para daw siyang pangalawang ina sa dalawa. Hindi kapanipaniwala pero, napakalambing at mapagmahal pala ng dalawa dati sa isa't isa. Malayong malayo daw sa kambal na nakilala ko ngayon. Itinanong ko sa kanya kung bakit palaging magkaaway ang dalawa ngayon pero hindi na ako sinagot ni Manang.
Sa halip ay ikinuwento niya sa akin kung bakit naging paborito ni Sir Jandrich ang seafoods.
Sa katunayan nga daw ay takot si Sir Jandrich sa alimango noon. Pero nang makita niya si Manang na kumakain ng alimango, sinubukan na din niyang mangain. Ang sabi ni Manang ay mahirap at ma-thrill ang pagkain ng alimango pati na ng hipon.
Mukhang gustong gusto ni Sir Jandrich ang may thrill.
Mag-aalas nuebe na ng gabi nang makita kong pumasok sa gate ang kotse ni Sir Jandrich. Nasa may tabing garden kasi ako at nagpapahangin kaya kitang kita ko ang pagdating niya.
Akala ko ay siya na ang bababa mula sa driver seat ngunit hindi, dahil isang babae ang bumababa doon. Sexy, maganda, mukhang mayaman. Iyon agad ang napansin ko sa babae. 'Yon bang tipo niya ay parang mga artista na nakikita ko sa tv.
Nagpunta siya sa kabila at binuksan ang pintuan ng kotse. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko si Sir Jandrich na nakapikit pero panay ang bulalas. Ewan ko kung anong pinagsasasabi niya.
Iniakbay ng babae ang kamay nito sa kanya at inalalayan papasok sa loob ng bahay.
Mukhang lasing na lasing si Mr. Ostrich. Hayst, buti nalang hindi niya ako hinanap kanina. Pero bakit naman kaya nagpakalasing ng sobra ang lalaking iyon? May problema ba siya? Or...bisyo niya lang talaga ang maglasing?
I gasped some air. Naalala ko kung gaano ko nga pala kaayaw sa mga taong naglalasing, lalo na kapag lalaki.
"Jiharah," tawag sa akin ni Manang. Nasa may pintuan siya kaya lumapit na ako sa kanya. "Ano pang ginagawa mo diyan? Gabi na."
"Nag...pahangin lang, Manang."
I smiled at her. Nang pumasok siya ay sumunod na rin ako.
Naalala kong umalis nga pala si Madam Angel at Sir Jerome kanina. Ewan ko kung kailan sila babalik. Basta hindi daw sila uuwi ngayong gabi. Kaya siguro malaya si Sir Jandrich na magpakalasing. Si Sir Jerick naman, nasa study room kanina no'ng nagpadala siya ng pagkain.
Ano ba 'yan, kambal na magkaiba ang pananaw sa buhay.
Ewan ko kung anong meron at napatingin ako sa pataas na hagdan, patungo sa kwarto ni Sir Jandrich.
Doon rin kaya matutulog ang babae? Magkatabi sila?
Umiling ako para iwasiwas ang mga naiisip. Dapat ay wala akong pakialam doon. Hindi ko na responsibilidad bilang kasambahay ang bantayan kung sino ang kasama niyang pagtulog. Kahit pa matulog siya ng dalawang araw na katabi iyong sexy na babae, wala dapat akong pakialam. Hayst.
Kinabukasan ay mabilis akong napabangon nang maramdaman ko ang sinag ng araw. Tutok na ito sa aking mukha, means na magtatanghali na! Hindi man lang ako ginising ni Manang.
Tiniklop ko ang aking kumot at isinantabi ang mga unan at ang aking higaan na maliit na foam. Maliit lang kasi ang espasyo ng kwarto ko na ito kaya dapat ay malinis ako palagi.
Dumeretso muna ako sa cr para maghilamos at magpalit ng damit. Ah, nga pala, hindi na kami naka-uniporme na pang kasambahay. Sabi kasi ni Madam Angel ay okay lang kahit anong isuot namin, hindi naman daw required. Siguro ay pag may mga okasyon nalang namin isusuot iyon, kagaya ng kapag may pa-party sila dito sa bahay.
Dumaan ako sa kwarto ni Manang na malapit lang sa akin ngunit nakasara ito. Saan pa ba 'yon pupunta, bukod sa kusina.
Napangiti nalang ako. Tuwang tuwa talaga ako kay Manang, napakasipag niya at napakabait. Sa katunayan nga ay nanay na talaga ang turing ko sa kanya.
"Manang?" tawag ko sa kanya nang magpunta ako ng kusina.
Inaasahan ko ang mabilis niyang pagtugon kagaya ng palagi niyang ginagawa pero wala akong narinig na boses niya. Nasaan naman kaya 'yon?
"Manang?" ulit ko. Lumakad ako papunta sa dining area ngunit agad ring napahinto sa kinatatayuan.
Nakita ko kasi ang paghahalikan ni Jandrich at nung sexy na babaeng kasama niya kagabi pa. Nakasandal si Jandrich sa table habang nasa harap niya ang babae na hawak niya pa sa panga.
Parang bigla akong nahirapan sa paghinga. Pati tuhod ko ay nanlambot sa nakita. Pero mas lalo akong nagulat nang mapatingin si Jandrich sa gawi ko. Umiwas ako ng tingin.
"Who is she, baby?" tanong ng babae.
"Ah, let's go outside. Ipapahatid na kita kay Manong." rinig kong sabi ni Jandrich.
Hindi ko alam kung nakatingin pa sila sa akin. Basta unti-unti na akong bumalik sa may kusina kung saan rinig ko parin naman ang usapan nila.
"What?! I thought, ikaw ang maghahatid sakin?" rinig kong tanong ng babae...sa nakakairitang tono.
"I have so many things to do for today...so, kung ayaw mong ipahatid kita. Magbiyahe ka, hm."
"No! How I hate commuting! Makakasabay ko pa 'yung mga cheap na mga squamy, like ew! Naiisip ko palang na didikit 'yung skin nila sa skin ko parang hindi na ako makakahinga no'n. Oh my ghad!--"
"Get out." seryosong boses ni Jandrich. Sineseryosohan niya din naman ako pero iba 'yung pagkaseryoso niya ngayon. Para bang may halong pagkairita.
"What?! After driving you home last night, after you kissed me the whole time we're at the Paradise Club? Huh, what the hell is going on with you? Hindi mo na nga ako pinagbigyan kagabi, pati ba naman sa pagpapahatid na nga lang! Hindi parin? Arghh!"
Narinig ko ang pagsinghal ni Jandrich. "You think, I will do something with you on bed? Oh no no, hindi mo na dapat itinataas ang pag-asa mo. 'Cause this body, is reserved for one girl only. Hindi ko pa na hahanap ang babaeng iyon, at...hindi magiging ikaw 'yon."
"Arghh! Fuck you! Bwisit ka!"
"Get out!"
"Ma-expired sana ang sperm mo kaaantay! At sana ang mahanap mong babae, hindi mayaman, mukhang squamy! In short, sana sa isang yaya ka bumagsak! Bwisit! BWISIT!"
Narinig ko ang padabog na lakad ng babae palabas.
"Tsk, yaya?...I like it."
Napalunok ako sa narinig na sinabi ni Jandrich. Sumilip ako sa pwesto niya at saktong nakatingin rin pala siya sa gawi ko. Nagka-eye to eye tuloy kami.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top