019
after 2 months
yes, 2 months na ang nakalipas but di pa rin nagrereply si parker. huling chat na namin yung sabi niyang nasa hospital siya.
hays ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako. seryoso, ayoko yung feeling na to.
nakailang punta na rin ako sa bahay nila pero walang sumasagot eh. tapos eto, tinitignan ko yung bahay nila since magkapit bahay lang naman kami... eto, walang ilaw yung bahay nila. 9pm na ah. diba dapat binubuksan na nila yung ilaw? nagtitipid? hays --
"oh anak, ayos ka lang ba?" tong si mama talaga. matatawa ka na lang talaga sa mga tinatanong niya. tinanong ba naman ako yung ayos lang ako eh umiiyak na nga ko?
natawa ako ng konti, "ayos na ayos po, ma. ang saya saya ko nga oh." tapos tinuro ko yung luha ko. napabuntong hininga siya atsaka niyakap ako.
kumalas na siya sa yakap, "di pa rin ba kayo nagc-chat ni parker?"
"pano niyo po nalaman?"
"tinitignan ko phone mo pag tulog ka na. hehehe." napailing na lang ako atsaka napangiti.
"gusto ko lang naman malaman kung may mga kachat kang lalaki, yung ganun. wala ka kasing kinikwento sakin eh." at aba! nag pout ang lola niyo oh. hahaha dejoke lang. pero infairness, bagay kay mama mag pout ha! ang cute niya.
"si mama oh," actually, di kasi ako sa kanya nago-open up about boys. mataray kasi ako sa mga lalaki kaya umaatras yung ibang manligaw sakin. gusto ko kasi siya lang yung manligaw sakin.
"nasan ba si parker?" i shrugged.
huminga ako ng malalim.
sana maayos lang ang lahat...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top