007

this chapter is not a chat style.

- - -

"ma!"

"oh?!"

"pupunta ako kina parker muna!"

"ge layas!"

napa pout ako sa asal ni mama, pero sanay na naman ako kasi alam kong nagbibiro lang siya. heh mahal na mahal kaya ako ni mama!

pagkatapos kong magsuot ng converse, lumabas na ako ng bahay. yis naman kailangan kong maging pormal lalo na at kaharap ko nanay ni parker- naks gumaganern pero mga gagi wala kasi kayong alam kaya layas!! ./.

ahehe dejoke lang mahal ko kayo mwa.

naglakad ako papunta sa bahay nina parker since malapit lang naman. duh magka neighbors lang naman kami. mga 6 minutes lang ng makarating na ako sa bahay nila, nag doorbell ako at lumabas naman yung nanay niya.

"oh hija, bat ka naparito?" i suddenly bit my lower lip- AY NAKS FIERCE RAW KUNO.

"uh.." napalingon ako sa likod niya, "bibisitahin ko lang po sana si.. err, parker." sabay yuko ko sa kahihiyan. hindi ko alam kung gaano na kapula tong mukha ko sa kahihiyan. ugh pakyu ka talaga parker with feelings.

"oh ganun ba? nako, kayo na ba?" di ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya at napalakas ito.

"bakit?"

"ah.. w-wala lang po" natawa na naman ako. shet tumigil ka na nga dalaine, nagmumukha kang baliw na takas sa mental. naisip ko na naman kasi yung thought na yon.. eh alam ko namang hinding hindi iyon mangyayari since wala lang naman ako sa buhay ng chunggong si parker na yon, impossible.

"osige, pasok ka na" ngumiti ako tsaka naglakad papasok. dahil may hiya pa naman ako sa katawan, inalis ko yung converse ko at nilagay sa corner.

"nasan ho si parker?" tanong ko.

"ay.. andun sa cr, gusto mong makita?" nanlaki mata ko,"HAHAHA nako wag mong seryosohin.. nagbibiro lang ako, duh?" sabay flip ng hair niya. naks antaray ahehe.

"nasa kwarto niya, tulog na yata" sabay nguso sa taas. i nod twice, ooh ahh ooh ahh- juk.

"sige po hehehe pupunta na po ako sa taas" tumango siya sabay punta sa kitchen. hinahanap ko yung papa niya but nasagi nga pala sa isipan ko na wala na siyang papa- aw. his dad died when he was just 6 years young, di niya gaanong nakapiling yung dad niya kasi namatay siya sa isang plain crash with his grandparents. they were having a trip kasi to japan, then nung pauwi na sila, na aksidente sila.

i knock thrice sa door ng room niya but nasagi ulit na isipan ko na tulog na pala siya. ay tanga.

walang hiya kong binuksan yung pinto at nadatnan siyang nakahiga. his back facing me.

"ang gwapo ng likod mo, then pagharap mo.. oh! marlou the second!" natawa ako sa biro ko, sariling tawa, sariling joke. ayos lang naman-

"nasan ba yung first aid kit mo.." luminga linga ako sa paligid- ew turn off. his room was pretty messy. talaga naman oh, chunggong lalaki nga naman.

pumunta ako sa may right side at nakita ko na rin yung first aid kit niya, kinuha ko iyon at pumunta sa kanya. lumuhod ako para mapantayan siya since natutulog siya.. tinanggal ko yung kumot niya. napaka ulol talaga e maga-aircon ng sobrang lamig sabay magkukumot?! chunggo talaga. dapat hininaan lang niya, yung kaya niya. tss feeling niya kasi lahat kaya niya, chunggo.

"kiss mark ni shunani!" natawa ako, grabe pala yung kinagat ni shunani, yung pet kong golden retriever kay parker. pfft wawa naman dis kid.

"tangina di naman ako doctor," nilagyan ko na lang yon ng band aid na hello kitty at iniwan na lang. nilagay ko ulit yung first aid kit sa lalagyan nito kanina at nagpaalam na.

"wala na yata ako sa iyong utang na loob.." atsaka lumabas ng room niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top