HWHP.29
Chapter 29
The Continuation of Flashback...
Third Person POV
It was a rainy day.
Nagmamadaling umalis si Amelie sa lumang bahay ng mga King.
She don't know where to go. Litong lito at pagod na pagod na sya sa buhay nya, sa mundo at lalo na kay Steven.
Isang bag na naglalaman ng iilang gamit nya ang tanging dala nya bukod sa sasakyang bigay ng ina nya sa kanya.
Malakas ang buhos ng ulan dahil sa bagyong Haiyan na kasulukuyang sumasalanta sa buong bansa.
Wala na syang paki kung malabo na at hindi nya na mapansin ang daan minaneho nya lang ng minaneho ang sakyan.
Hindi nya alam kung saan sya tutungo. Hindi nya alam ang tamang paruruonan nya, hinayaan nya ang sariling kamay at paa na gawin ang nais.
Habang nagmamaneho ay napatitig sya sa ilaw na palapit ng palapit sa kanya, nakaka-engganyo itong titigan habang papalapit sa kanya.
Muli ay naalala na naman nya ang nangyari bago sya umalis ng paaralan.
~~~
Lady Amelie Buencamino POV
A knock on the door make me back to my senses.
"Amelie!?"
Mabilis na tumayo ako hindi iniisip kung ano na ang itsura ko.
"J-jezkiel?"
Napapikit pa ako ng mata upang siguraduhin ang nakikita ko.
"Damn him for making you cry again!" sabi nya at mabilis akong niyakap hindi alintana ang tinginan ng ibang mga guro't estudyanteng nakapaligid sa amin.
Itinulak ko sya at kumawala sa yakap nya.
"What are you doing here?"
"Steven send this for you."
"Why did you accept it!? Sana itinapon mo na lang yan!" sigaw ko sa kanya at galit na hinablot ang brown envelope.
"Sign it! Its for the betterment of all. Its for the betterment of your child." sabi nyang muli.
Binuksan ko ang loob ng brown envelope at binasang mabuti ang nakasulat duon.
"We Steven King, Husband and Amelie Buencamino King, Wife are both asking for the dissdution of our marriage. We were married to each other on August 3, 2021 in the city of California Country of the United States.--"
As I continue reading through the divorce petition letter I am crying. So this is real! Hanggang dito nalang ba talaga kami?
"Our marriage is never been happy even from the start-- Hindi ba talaga ako naging sapat man lang kahit saglit? Ako ba ang nagkulang?"
It was a never ending tears. Walang kapaguran ang pagagos ng luha ko. Was I never been a wife for him?
"Tanga sya dahil ginawa nya ito sayo, pero mas tanga ka kasi hinahayaan mong gawin nya sayo lahat ng ito... Stop this bullshit now, Amelie. I beg you--" Jezkiel kneel infront of me while holding my hands tightly. "Tigilan mo na ito para sa magiging anak mo."
I smiled bitterly to him as I remove his hand from mine and grabbed a pen.
"Is this the right decision?"
Tumayo ito at hinawakan ang isang malaya kong kamay.
"Sign it. Pirmahan mo yan para sa mga anak mo... para sa buhay na masaya na hindi na sya ang kasama mo."
Dahan dahang humigpit ang hawak ko sa ballpen habang palapit ng palapit ang isang kamay ko sa parte ng papel na kailangan lang ng pirma ko.
Hindi ko pa man tuluyang natatapos ang pag pirma ay nagunahan ng tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan.
"Let's go. Ihahatid na--" I cut Jezkiel immediately.
"I can do it by myself."
Hindi ko na sya inintay pang mag-salita at umalis nalang agad na mabigat ang puso't damdamin.
I hope I make the right decision this time.
"Hija! Nako po! Bakit basang basa ka ng ulan!?" naghihusterya na lumapit sa akin si Mrs. Cruz at ibinalit sa akin ang malaking twalya.
"Aalis na po ako. Kukunin ko lang po ang iba kong gamit."
"HA!? BAKIT? ALAM NA BA YAN NG MOMMY NYO?"
"Hindi na po nila kailangang malaman pa." sabi ko nalang bago umakyat sa kwarto at ayusin ang mga gamit ko.
Isang ugong mula sa labas ang bahay ang nagpabalik sa isipan ko.
"Come in, Sadie! Dahan dahan baka madulas ka."
Unti unti akong sumilip sa labas at nakitang kakapasok lang ng isang maganda at sexy na babae sa sala. Hindi halata na nanganak ito dahil sa balingkinitang katawan nya.
"Steven! Sadie!?" gulat na sinalubong sila ni Mrs. Cruz
"Anong gin--"
"She will live with us from now on."
"ANOOO!!?" napakapit si Mrs. Cruz sa batok nya at patumbang na-upo sa sofa.
"Ang asa--" pinutol muli ni Steven ang dapat sasabihin ng matanda.
"Amelie is no longer my wife. I already gave her the papers so whether she signed it or not I really don't care."
Parang may kung anong sumaksak sa puso ko ng paulit-ulit sa sinabi ng lalaking pinakamamahal ko.
Lumabas ako sa pinto at padabog itong isinarado.
"I signed it." sabi ko at isinukbit ang maliit na bag na naglalaman ng mga gamit at ibang dokumento ko.
May mumunting pag-asa ang nabuhay sa akin ng titigan nya ang bag kong dala dala.
Is he going to stop me from leaving? Baliw! Isang malaking imposible pero heto na ako handa ulit magpaka-tanga kung pipigilan nya.
"I'm leaving I h-hope you don't find me."
"As if I would care. Just let Mrs. Cruz know your new place para naman maipadala na lahat ng mga natira mo pang gamit." sabi nya at tsaka sila umalis at nagtungo sa kwarto nya.
"Hija!" Mrs. Cruz call me and her face is full of pitiness.
"I'm fine. Don't gave me that look, hindi ako ipinanganak para kaawaan lang." I said and walk down the stairs.
"Goodbye Lola Felly. I would miss you."
Nagyakap kami at hindi na maiwasan ang magkaiyakan pa.
Kahit anong pigil sa akin ni Mrs. Cruz na wag ng umalis at ipaalam ito sa mga magulang namin ay hindi ko na pinakinggan.
What for? Andito na ang tunay na minamahal nya. Andito na ang tunay na reyna nya. At ako! Isa lang akong ordinaryong babae na minsan nyang nakilala, na minsan nyang itinuring na prinsesa.
~~~
Third Person POV
Nabalik sa wisyo si Amelie ng paulit-ulit na nag-preno ang papalapit ng papalapit na fourteenth wheeler truck.
Parang huminto ang utak nya panandalian at napa tingin sa kanyang may umbok na tiyan.
Mabilis ang galaw nyang inabante ang sasakyan at tumama naman ito kung saan dahilan ng pagtama ng ulo nya sa manibela.
Patuloy ang pag-preno ng truck at sa bawat pag lapit nito ay parang tumitigil ang oras.
Ito na ba?
Oras na ba?
Katapusan na ba?
Mahigpit nyang hinawakan ang tyan at unti unti nyang naramdaman ang pag-tama ng sasakyan sa sasakyan nya. Umikot ikot ang sasakyan nya at tumama tama na ang buong katawan nya sa halos lahat ng parte ng loob ng sasakyan.
Hindi nya maramdaman ang paa nya at namamanhid na rin ang mga kamay nya. Para syang isang imbalido na walang magawa, hinanghina.
"AMELIE!!"
Sa di kalayuan ang kanina pang nakasunod sa kanya na si Jezkiel ang natanaw ng dalaga.
Alam nyang nakatingin ito sa kanya pilit syang ngumiti kahit na nahihirapan.
Isang malakas na pagsabog ang nagpa-tilapon kay Jezkiel sa kung saan. Biglang sumabog ang truck na tumama sa bundok. Kaya naman nagkaroon ng isang mataas na apoy sa pagitan ng nakapikit na ngayong si Amelie na nasa loob pa rin ng sasakyan at si Jezkiel na nakarapa na sa daan.
"A-amelie. Kum-a-p-it ka!" pilit nyang sigaw. Kumapit ka, mahal ko parating na ang saklolo. Dugtong nya sa isipan bago makaramdam ng pananakit ng ulo.
Naalimpungatan si Jezkiel sa ingay ng bumbero, ambulansya, at ng mga reporter na nagkalat sa paligid.
"Anak! Sandali nalang, kumapit ka lang!"
Takot ang bumalot sa pakiramdam ni Dra. Carla Lyon ng makita ang bunsong anak na si Jezkiel na halos walang buhay sa pagitan ng nagmamalaking sunog at sa nagwawalang kalangitan.
"Ame..." mahinang lumabas sa bibig ni Jezkiel.
"Amel..." pilit nyang hinahagilap ang lakas para malaan ang kalagayan ng dalaga.
"A-amelie.."
Kunot noo syang pinakatitigan ng ina.
"Yung babae? Kritikal ang lagay nya ngayon. Kaya kailangan na namin kayong madala agad sa ospital."
Nasa loob ng sasakyan ni Doktora Carla ang anak na nalapatan na nya ng first aid. Habang si Amelie ay nasa ambulansya na rin papunta sila sa bagong tayong ospital na pagmamay-ari ng mga Lyon.
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo hindi na nila namalayan ang pagkawala ng balita.
"Amelie gumising ka na. Hindi ko kayang nakikita kang walang buhay na nakahiga lang." pagka-usap ni Jezkiel sa natutulog na si Amelie.
Isang katok ang nagpabitaw sa kanya sa kamay ni Amelie.
"Oh God! Amelie!" pumasok ang ina ni Amelie at mabilis na yumakap sa nakapikit na anak.
"Wake up now, baby. Andito na ang mommy." masuyo nitong sabi at hinalik halikan oa ang mukha ng dalaga.
Wala sa sariling lumabas si Jezkiel ng kwarto ni Amelie naglakad ito pa-upo sa bakanteng waiting area at inalala ang nangyari sa nakalipas na isang linggo.
~~~
Jezkiel Richie Lyon POV
"W-what?" tanong kong muli.
"She lost her child. Nakunan si Amelie." mahinang ulit ni Mama.
Ang mundo ko ay parang tumigil sa balitang aking nadinig. Masakit sa akin na malaan ang masamang balita pero paano pa sya. Paano pa si Amelie na ina ng batang dapat ay mabubuhay? Paano pa si Amelie na ang kinukuhaang lakas ay ang anak nya lang?
"DOKTORA!! NAGISING PO ANG PASYENTE SA VVIP ROOM!" sigaw ng isang nurse sa telecom na nasa loob ng opisina ni Mama.
Mabilis na pareho kaming tumungo kung nasaan si Amelie at naabutan namin ang dalawang nurse na nakatayo lang at tinitignan ito.
"You can now leave. Ako na ang bahala." sabi ni Mama sa dalawang nurse na umalis din naman agad.
"A-amelie?" mahina kong tawag sa pangalan nya.
Dahan dahan nya akong nilingon at laking gulat ko ng makitang umaagos na naman sa magkabila nyang pisngi ang mga luha nya.
"Lalaki ang anak ko Richie." masayang wika nya pero halata ang panghihina sa kanyang katawan at ang malamlam nyang mata ay nagpapakita ng paghihirap na dinanas nya.
"W-wala na sya." bulong ko pilit na iniiwasang marinig nya.
"H-ha?"
Napatingin ako sa mata nya at nakita ko ang sakit at pag-asa duon. Pag-asang malabong maging totoo.
"W-wala na. Wala na ang a-anak mo." pumatak ang luha ko ng masabi ko na sa kanya ang pinaka masakit na balitang maririnig nya.
"H-hindi!" ngumit sya sa akin ahabang ang luha nya ay patuloy na umaagos.
"HINDI!!!" sigaw nya at nagwala na ang kanina'y kalmadong babaeng minamahal ko.
Mabilis na niyakap ko sya upang pigilan syang magwala at upang bigyang sya ng kalinga.
"Hindi! Hindi totoo yan!!" hagulgol nya sa dibdib ko habang pilit akong sinusuntok.
"Hindi pwede yun! H-hindi!"
"Nasa laboratoryo ang labi nya at kung pahihintulutan mo ang ospital sila na ang maglilibing sa a--" pinutol nya na ako sa aking sasabihin.
"Anak ko sya! Ako! A-ako ang maglilibing sa kanya." muli ay bumuhos ang masaganang luha sa mukha ng babaeng pinaka mamahal ko.
"Andito lang ako. Mahal na mahal kita." bulong ko sa natutulog ng Amelie.
Mabilis na lumipas ang gabi at nag-umaga ng muli.
"Lubos na nakikiramay ako, hija." sabi ni Mama kay Amelie na walang imik na nakayakap sa garapong pinaglalagyan ng sana'y magiging sanggol na anak niya. Tinapik ako ni Mama at iniwan na.
"Kaya mo ba, apo?" tanong ni Lola Grace na namumugto rin ang mata.
Walang imik si Amelie hanggang sa matapos ang dasal ng pari.
"Walang pangalan ang lapida?" paninigurado ng pari.
"Wala po." sagot ko rito.
Handa na ang maliit na kahoy na kahon na paglalagyan ng munting sanggol ang tanging hinihintay nalang ay ang hudyat ni Amelie.
Tumahimik ang paligid at ang mahihinang patak ng ulan ay tumigil na.
Mahigpit na niyakap ni Amelie ang garapon at walamg pasabing hinalikan ang labas nuon.
"M-mahal na mahal na kita kahit hindi ka man napagbigyang mabuhay sa mundo. Mahal na mahal kita anak ko." binuksan nya ang garapon at itinapon ang laman nuon sa maliit na kahon bago nya tinakpan.
"Paki-semento na." utos ko sa lalaking magsesemento ng blankong lapida.
Hinawakan ko ang kamay ni Amelie at marahan syang niyakap.
"Andito lang ako." bulong ko sa kanya.
Hapon na ng makabalik kami sa ospital kaya naman hinatid ko sya sa kwarto nya at binalikan nalang kinabukasan.
"Amelie? Ayos ka lang ba?"
Hindi sya tumingin sa akin, hindi din sya gumalaw man lang o umimik. Ang mga mata nya ay namumula at napapalibutan na ng itim.
"Amelie!"
Hinawakan ko sya sa magkabilang braso at niyugyog ng bahagya.
"AMELIE!"
Sinigawan ko sya ng sinigawan at pilit na pinalingon sa akin ngunit sa bandang huli'y wala ng nangyari at ng makita ko sya ng gabi ding iyon ay wala na naman syang malay.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng kalabitin ako ng ina ni Amelie.
"Ikaw ba ang tumulong sa anak ko?"
"Ah opo. Pasensya na po ngayon ko lang po nahanap ang numero ninyo."
"Paanong nangyari na na-coma ang anak ko? At ikaw! Sino ka ba? Sinabi mo na ba ito sa asawa nya?" sunid sunod na tanong nito.
Iginaya ko muna syang ma-upo at tsaka ko sinagot ang mga katanungan nya. Sadyang minsan may kailangan kang baguhin sa isang kwento para hindi maapektuhan ang importanteng tao para sayo.
"Kung ganun doktor ka rin pala. Siguro ay pwede na syang iuwi sa asawa nya kapag nagising sya."
"Bakit!? I mean kailangan nya ng magbabantay at aalalay sa kanya kailangan nya ng pamily--" pinutol na ako ng ina ni Amelie.
"Asawa nya ang tinutukoy natin. Sinong lalaking asawa ang hindi aalagaan ang babaeng mahal nya at maaring maging ina ng mga anak nya? Wala naman diba."
Maaring marami ang magalit sa akin dahil sa hindi pagsasabi ng totoong nalalaman ko sa ina ng babaeng mahal ko, wala akong karapatang sabihin ang lahat ng alam ko dahil lang sa mahal ko si Amelie.
"Hindi ang asawa nya ang kai--"
"Ako ang kailangan nya."
Napalingon kaming dalawa sa lalaking kararating palang.
"Steven, hijo!" yumakap ang ina ni Amelie sa lalaking hindi ko inaasahang makikita kong muli ng harapan.
"Doktor Lyon sya ang asawa ng anak ko, si Steven."
"Asawa ni Amelie at ang nagiisang minamahal nya." inabot nito ang kamay sa akin at ang tangi ko lang nagawa ay titigan ang madilim at nakakamatay na titig nito.
"Well-- Doc!! Ang pasyente sa VVIP!"
Napatakbo ako ng mabilis sa kwarto ni Amelie at naabutan syang nakasandal at nakatitig sa TV at unti unti ang titig nya'y lumipat sa akin.
"Sino ka?"
~~~
Third Person POV
"She had a traumatic car accident kaya may mga alaala syang hindi matandaan and her legs is still numbed so she really needs a someone that can take care of thing for her."
Paliwanag ni Doktora Carla Lyon sa pamilya ni Amelie.
"Oh My God! My poor baby." niyakap ni Jez ang anak na si Amelie si Steven nama'y iginaya na ang doktora palabas.
"Is their any other thing that we need to know?"
"Ah w-wala naman." sagot ng doktor at pilit na ngumiti dito.
Lumipas pa ang halos isang linggo ng magising sa pangalawang pagkakataon si Amelie ay umuwi na sila ng bahay nila ni Steven.
Wala pa ring imik ang dalaga na animo'y hindi sanay sa mga kasamang tao.
Lumuhod sa harap ni Amelie si Steven at hinawakan ang nanlalamig nyang kamay.
"I'm Steve, Amelie. I hope you remember me as your husband. I hope you'd remember the day that I asked to court you. Remember me, please."
Tinititigan lang ni Amelie ang bawat kilos na ginagawa ni Steven hindi sya umiimik at bihirang gumalaw.
Lumipas ng napaka bilis ang dalawang taon. Nakakapag-lakad na syang muli ngunit mayroon pa ring ilangan sa pagitan nila ni Steven. Hindi naman magawang itanong ni Amelie sa binata kung bakit ganuon ang nararamdaman nya kapag napapalapit dito.
Ang tatlo pang taon na kasama si Steven ay hindi naging madali kay Amelie. Dumating si Jorlie na isang kilala at maimpluwensyang anak ng bise-presidente at pamangkin ng punong ministro.
Hindi magawang magsalita ni Amelie sa tuwing nandyaan si Jorlie at nakikipag halikan at gumagawa ng milagro kasma si Steven. Hindi sya makapag-salita sa tuwing madidinig nya ang malalaswang unggol nito.
Sa kasamaang palad ang pananahimik nya'y hindi naging maganda ang resulta dahil sa pananahimik nya inatake at nawala ang dalawang babaeng pinaka mamahal nila ni Steven.
Ang mga ina nila ay pumanaw sa parehong araw ngunit magkaibang oras at ang huling sinabi sa kanya ng ina nyang si Jez ay mas lalong nagpagulo sa buhay nya ngayon sa kasalukuyan.
"Naiintindihan kita mahal kong anak... Mahal na mahal kita."
Ang huling kataga na sinabi ng ina nya bago tuluyang bawian ng buhay sa ospital.
~~~
Next chapter ay back to present na tayo. Vote and Comment about the Flashback is a big help! Sorry sa mga flaws, grammars, typos at sa marami pang pagkakamali. Commenting your ideas is a big help for me to improve.♥️😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top