8th Plan

Pagkapasok ko sa bahay, naabutan ko si mommy sa may living room na nagbabasa ng magazine.

"Hi mom!" Masigla kong bati sa kanya. Sinalubong niya ko sa may pinto, kaya hindi niya napansin na medyo namamaga na yung left ankle ko.

"Baby Z! Hinapon ka ata. Nag-enjoy ka ba?" Baby Z?? Kailan pa ko naging size ng Zagu??

"Hmm. A little bit."

 

"Why? Wala ka pa bang friends?"

 

"Meron..."

 

"Then what's with the 'a little bit'?"

"Because of... this." Itinaas ko ang kaliwang paa ko at ipinakita sa kanya. 

 

"What?!" Napatingin si mommy sa paa ko, kaya medyo iniatras ko ang left foot ko para hindi niya makita. Pero mas napansin pa niya ata. "Oh no! Namamaga na. Halika, i-cold compress natin yan."

"Okay na, mom."

Umiiling iling si mommy. "Dahil ba yan sa cheering? Wag ka na kayang sumali?"

 

"No, mom. Nakatapak lang ako ng bato. Hindi ko kasi napansin."

 

"Mag iingat ka naman. Pangalawang beses mo na yan."

"Mom... i'm perfectly fine."

 

"Ikaw talaga! Halika, magpahinga ka muna dito. Mag hahanda ako ng snacks." Inalalayan ako ni mommy na makaupo sa sofa at nagpunta siya sa kitchen. Sino nga bang mag aakala na si mommy mismo ang gagawa ng snacks for me. Dati ang kwento ni daddy nung two years pa lang daw ako, nagpilit na magtrabaho si mommy. Kaya daw hindi sila agad nakapagpakasal sa church. Kung anu ano pa daw ang reason ni mommy.

Pero nung naikasal na sila, nakalimutan na daw ni mommy yung mga gusto niya. Ang gusto na lang niyang trabahuhin ay ang pagiging mabuting asawa at ina. At hindi siya nag fi-failed dun. Lagi pa siyang napo-promote.

Napansin ko ang magazine na binabasa ni mommy... Total Girl? Napatitig ako sa cover nun... she looks familiar kasi.

"Ang ganda ganda na ni Jaeina no?" Tanong ni mommy nung palapit na siya sakin. Nakita ko yung pangalan ng cover sa side, Jaeina Madrigal.

"Nakalimutan mo na ba siya?"

 

"Hmm... Jaeina Madrigal?"

"Yes! Tita Nina and Tito Jake's daughter. Remember? Your childhood friend?"

 

"Ah? Okay. Naalala ko na."

"Gusto mo bang maging model din gaya niya?" Napakunot ako ng noo sa tanong niya.

"Are you kidding me? Of course... I don't. Kung mag mo-model ako, gusto ko sa sarili ko ng mga magazines. Ayokong maging featured lang."

 

"Tsk! Kanino ka kaya nagmana..." Sabi ni mommy na pailing iling.

"Sa'yo po."

 

"At sakin talaga?"

 

"Yeah. Kasi sabi ni daddy dati, ang tigas tigas daw ng ulo mo noon. Gustong gusto mo daw ang magtrabaho. Gustong gusto mong mamahala ng company. At ng dahil daw sa katigasan ng ulo mo, nagkakilala kayo ni daddy. Yieeeh! Kinikilig."

"Wag mo nga iniiba ang usapan. Ikaw talaga! Kung anu ano ang naiisip mo."

 

"Sige na nga... ako naman, gustong gusto kong maging wedding planner. Kaya mommy, kayong dalawa ni daddy, wag niyo kong ie-engage sa kung sino mang hindi ko kilala. Let me decide on my own."

 

"Hindi ko gagawin sa'yo kung ano ang mga naging ayaw ko noon. Dahil alam ko... na magkasing tigas ang ulo natin. Ayos ba yun?"

 

"Ayos!" Niyakap ko si mommy ng mahigpit.

"I love you baby, Zeria Marliss."

 

"I love you too, mommy Ciara Maria."

 

"Anyway, we're going to Quezon City next week."

 

"Really?! Why?"

 

"Hey! It's your cousin Arianne's birthday. She's turning 14."

 

"Oh my! Can't wait to see Tita Claire and his handsome husband, Tito Jorgen, Arianne and Clarence."

 

"I hope... mom and dad was there, too." Malungkot na sabi ni mommy.

"Mommy, wag ka ng malungkot. They're in peace na." Namatay kasi si Lolo nung seven years old ako. Si Lola naman nung nine na ako.

Hinawakan ako ni mommy sa mukha, at marahang pinisil ang balikat ko. "Halika na, ihahatid na kita sa room mo. Kailangan gumaling na yang paa mo. Wag ka na munang sumali sa cheering. Pwede naman siguro yan pag nag sisimula na ang klase."

 

"Okay mommy."

Nahiga agad ako pagkarating ko sa kwarto. I need a break. Ayaw ko munang makita si Bryle. Sasakit lang ang puso ko! Ang yabang yabang. Hayss! Nung una pa lang naman kaming mag meet masama na ang tabas ng dila niya. At naiinis na ko kung bakit ko siya crush!

Kinuha ko ang laptop ko at mag la-log in na sana sa facebook, nang bigla akong nakaramdam ng katamaran. Baka kakornihan nanaman ni Ace ang mabasa ko. Mainis lang ako lalo.

Hmm, may facebook kaya si Bryle?

Pakialam ko ba kung may facebook siya.

Wag na lang!!

Ini-text ko si Jelly, since nakuha ko yung number niya kanina.

"Hindi ako makaka-attend bukas. -Z."

Agad din namang nag reply si Jelly. Baka hawak niya yung cp niya. "Okay. Sasabihin ko na lang kay Dianne. Pagaling ka :)"

"Ouch!!!!!" Medyo napasigaw ako ng magising ako. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto... nagmamadaling pumasok si daddy, naka long sleeves polo na siya at may tie na din.

"What happen, Zeria??!"

 

"Daddy, it hurts!"

 

"Alin? Gutom ka ba?" Napatingin ako sa labas, maliwanag na. Hindi na ko nakapag dinner kagabi.

"No, daddy! My whole body's aching. I can't move. Parang pinupulikat yung mga binti ko. Yung braso ko ang sakit sakit, same as my tummy. My muscles, daddy! My muscles!!" Natarantang nagpunta si daddy sa paanan ko, pagkahawak niya sa paa ko mas lalo akong napasigaw sa sakit.

"Ouch!!! Papatayin mo ba ko, daddy? Huhuhu!!"

 

"Bakit? Pinupulikat ka!!"

 

Nakita kong pumasok din si mommy. "What's going on here?" Nag aalala niyang tanong.

"Daddy's going to kill me! Hinawakan niya na yung na-sprain kong left foot, mommy!"

 

"I did'nt know, baby Z."

"Hanzen! Hindi mo man lang ba napansin na namamaga yung paa niya?" Pagtataray na tanong ni mommy, tapus lumapit siya sakin.

Napailing iling si daddy, akala mo nahuli siya na nag nanakaw ng piso. "Sabi niya kasi pinupulikat yung binti niya."

Hinawakan ni mommy yung right foot ko at itinuwid yung paa ko. Ganon din yung ginawa niya sa left foot ko. "Tell me if it hurts. Para alam ko." Tumango tango na lang ako.

"Aww! Dahan dahan lang mommy."

 

"Sorry, Zeria ha? Mas nasaktan pa ata kita." Sabi ni daddy.

"It's okay dad! Wala kang kasalanan, nabigla lang ako."

 

"Ipapahanda ko na ang breakfast mo. Hindi ka kumain ka kagabi eh. Ang hirap mong gisingin."

 

"Okay! Thanks daddy!" Bago lumabas si daddy ng kwarto ko, lumingon pa siya sakin, kita ko ang pag aalala sa mga mata niya at na-guilty ako. Sabi din naman kasi sakin noon ni mommy na pag umiiyak noon si ate Riley, natataranta si daddy. Hindi niya alam ang gagawin niya. At ganon din daw si daddy sakin. Nauunahan siya ng taranta.

"Does it still hurts?" Tanong sakin ni mommy.

"Hindi na masyado. Pero ang sakit sakit ng buong katawan ko mommy."

"Normal lang yan, kasi ang tagal tagal mo ng walang training. Hindi na siguro sanay ang katawan mo." Sa bagay. Tama si mommy. Nag training pala kami kahapon sa cheering, idagdag na ang paglalakad namin ng malayo.

"Zeria, naka ready na ba ang mga gamit na dadalhin mo?" Tanong ni mommy nang pumasok siya sa room ko.

"Yes, mom! Ilang araw ba tayo dun?"

 

"Seven days!"

 

"Cool!!"

Nasabihan ko na si Jelly at Annie na hindi ako makakapunta ng cheering, kasi pupunta kami sa Quezon City. Sila na daw bahala mag paalam kay Dianne.

"Okay na ba yung mga gamit mo?"

 

"Yes, daddy! Let's go na!!"

Excited na kong makakita ng relatives. Mahigit two weeks na kasi kami dito sa Batangas.

Habang nasa biyahe kami panay ang pag fi-facebook ko at pag sa-soundtrip. Nakakainis nga eh ang traffic sa Tagaytay. Kaya yung tatlong oras lang sana naming biyahe naging apat at kalahating oras.

"Ang galing talaga ng anak nating kumanta!"

 

Nakita kong nakangiting tumango si daddy at tumingin siya sakin sa rearview mirror. Kaya tinanggal ko ang headset ko.

"Are you, guys, talking 'bout me?"

Lumingon sakin si mommy at nagkunwaring nag isip pa. "Hmm, kinda."

"Kasi etong mommy mo, ang sabi niya magaling ka daw kumanta!" Uminit pa rin ang pisngi ko kahit na lagi naman akong pinupuri ni mommy.

"It's true, baby Z! Sana pala ipina-voice lesson ka na lang namin. Kaysa naman sa dance lesson, ayan! Lagi kang nai-sprain."

 

"Hindi na kailangan, Ciara! Magaling na sa pagkanta ang anak natin. Hindi na kailangang hasain... kasi sakin nagmana!"

Tinignan ni mommy ng masama si daddy. Alam naman namin na hindi marunong kumanta si mommy.

"Dun ka mamaya matutulog sa swing, Hanzen!!"

 

Humagalpak ako ng tawa dahil sa reaction ni daddy! Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin kay mommy. Ang cute talaga ng dalawang to!

"Ciara naman! Kung gusto mo, gawa na lang tayo ng isa pa... yung magmamana sa'yo."

 

"Ano bang mamanahin kay mommy, daddy?"

 

"Hmm, hindi ko din alam eh... kasi lahat namana mo na. Maganda, sweet, thoughtful, caring, hard-headed, naughty--"

 

"Bakit puro naman ata negative na sa huli?" Mataray na tanong ni mommy.

"Eh sa'yo rin yun namana eh!"

 

"Daddy!! Mommy oh! Dapat bukas din, sa swing si daddy matutulog."

 

"Don't worry baby, ako ang bahala."

Sabay kaming tumingin kay daddy na umiiling iling lang.

"We're here!!" Napamulat ako sa sigaw ni daddy na may kasamang palakpak.

Nakapark na sa garage yung car namin, kaya nagmamadali akong lumabas ng kotse at patakbong pumasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kitchen. "Tita Claire!!!!!" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Zeria! Na-miss kita! How are you?"

 

"Still pretty, like you!"

 

"Nakapag adjust ka na ba sa Batangas?"

 

"Hmm, yeah, I already have three friends there... ay no! Two lang pala." 

 

"Good to hear that!"

 

"Ate!" Nakita kong pumasok si mommy dito sa kitchen. Nagyakapan na din sila. Kaya nagpunta na lang ako sa kwarto ni Arianne.

"Hi Rian!! I'm back!!"

 

"Ate Zeria!!" Patakbo siyang lumapit sakin at niyakap ako. "Is it for good?"

"I'm afraid not."

 

"Aww! Ilang days kayo dito?"

"Seven? It depends!" Nakita ko siyang ngumuso. "Well, don't be sad na! Mag shopping na lang tayo bukas. Wala pa din kasi akong gift sa'yo." The day after tomorrow is her birthday.

"Okay! But, ate, please! Wag nating isasama si Clarence ha?"

 

"Oo naman! It's a girl thing no! Where is he, pala?"

 

"Inside his room. Playing! Kaya hayaan na natin siya!" Tsk! Eto talagang magkapatid na to, hindi nagkakasundo.

"Let's go downstairs na... I'm hungry na talaga." Ang haba kasi ng biyahe natunaw na yung kinain namin sa King Bee.

"Okay!!"

 

"Anong klaseng party mo pala?"

 

"Pool... since it's summer naman."

 

"That's cool! Bibili na din pala ako ng swim suit."

 

Super close kami ni Rian! Kahit 13 lang siya, minsan nagkaka-jive na ang mga thoughts and likes namin.

"Mommy, aalis na kami ni Rian." Sabi ko kay mommy na kausap si Tita Claire.

"Oh sige! Mag iingat kayong dalawa. Wag kayong maghihiwalay sa mall ha? Yung bodyguards ni Rian nasa likod niyo lang. Behave, okay?"

 

"Got it, mom! Don't worry. This isn't the first time." Hinalikan ko sila ni Tita Claire sa cheeks.

"Arianne, wag makalembang ha?" Sabi ni Tita Claire kay Rian na umiiling lang.

"Bye mom. Bye Tita Ciara!!" 

Nagpunta na kami sa garage para sumakay sa car. Nang makapasok kami, nagbilin na ng kung anu ano si Rian sa mga bodyguards niya.

"Mag-keep lang kayo ng distance samin, okay? Wag kayong magpahalata na bodyguards ko kayo, para hindi naman maka-catch ng attentions ng iba. Tapus yung mga pinamili namin, syempre, kayo yung mag hahawak." Mahabang litanya niya sa mga bodyguards.

"Okay po, ma'am. Sa SM North Edsa po ba tayo?"

 

"Yep, then Trinoma. Ay! wait. Saan mo gustong mauna, cous?"

 

"Hmm, SM na lang siguro."

 

"Okay, SM tayo, BGs." Di pa rin talaga nababago yung tawag ni Rian sa mga bodyguards niya. She used to call them BGs.

Mga almost two hours din yung itinagal ng biyahe. Medyo traffic din kasi. Nang makapasok kami sa loob ng SM, nakita namin na madaming tao... meron ding mga teens na naka-make up. Nung tinignan ko yung backdraft, nakalagay dun ang malaking 'Jaeina Madrigal'.

(c) Eilramisu

SORRY GUYS! ANG TAGAL TAGAL KONG HINDI NAKAPAG UPDATE!! SUPER BUSY TALAGA SA SCHOOL EH! ANG DAMING ACTIVITIES. PASENSYA NA PO TALAGA! PERO KAHIT NA GANON, MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO SA PATULOY NA PAG SUPORTA! 

YUNG NAG PAPA-DEDICATE PO... I-PM NIYO NA LANG ULIT AKO... NAKALIMUTAN KO PO KUNG SINO EH! HEHEHE =))) 

JAEINA PRONOUNCE AS 'JE-YI-NA'

NEXT TIME PO ULIT!!! LOVE YOU ALL ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top