7th Plan

"You are so mean! How could you be so frank!!" Sa kabila ng pagpapahiya niya sakin, tititig lang siya sakin? Napahiya ako sa harap ni Jelly and Annie. Lalo na kay Annie, gusto niya din si Bryle, siguro sa isip niya nabawasan na siya ng karibal sa atensyon ni Bryle!

"Since sinimulan mo na rin naman ang pagiging frank, then fine! You know what? I really really like you, but that was before... oh! Correction, that was a while ago. I really really like you... a while ago!! Mas gusto ko naman talagang mag aral sa mga exclusive schools. Pero dahil nakilala kita, kahit sa Laurente lang ako mag aral. Okay lang... para naman mas makilala kita talaga! Pero alam mo? Mas maaga mong pinakilala sakin kung sino ka talaga."

Iniwan ko silang nakatayo dun, naglakad na ko palayo sa kanila.

"Grabe ka Bryle. Alam kong suplado ka at masungit, minsan moody. Pero hindi ka naman ganyan ka hard!!" Narinig ko pang sabi ni Annie.

"Zeria... wait lang! Hintayin mo kami." Sigaw ni Jelly.

Dirediretso lang ako sa paglalakad. Naririnig ko lang yung pagtawag nila Annie at Jelly sakin.

"Aww!!" Napaupo ako sa lupa at hinawakan ang ankle ko! Shuckss! Eto na ata ang karma ko sa pilay pilayan moment ko nung isang araw.

Hindi ko napansin yung malaking bato, natapakan ko tuloy at na out of balance ko.

"ZERIA!!" Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses na yun, si Jelly pala kasunod si Annie.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Annie

"Sprain?" Patanung kong sagot sa kanya.

"Kaya mo bang tumayo?" Kita sa mga mukha nila yung pag aalala.

"I guess so." Sinubukan kong tumayo, una kong itinapak yung kanang paa ko na hindi naman na-injured. Pero nung yung itatapak ko na yung kaliwa, napangiwi ako dahil sa sakit at napapikit ako dahil tutumba nanaman ako. Hinintay kong mabugbog nanaman ang butt ko. Pero pagmulat ko, nakaalalay na sakin si Bryle. Kikiligin na sana ko, pero naalala kong hindi ako ang type niya!

"Hindi ko alam kung malas ka o lampa ka lang talaga! Ilang beses mo na bang ipinahamak ang sarili mo?"

"Ano ba! Bitawan mo nga ako. Ngayon lang naman ako natapilok."

 

"Ngayon lang? Eh kaya nga kita binuhat nung unang beses tayong nagkita kasi natapilok ka din."

 

"Arte ko lang yan! Hindi naman talaga ko totoong natapilok nun or what. Ano bang care mo?"

 

"Arte? Care? Pinabuhat mo sakin yang sarili mo ng dahil sa paarte arte mo? Hindi ka dapat sa cheering napunta, kung may theatre club sa school, dun ka nababagay."

 

"Ano bang problema mo? Eh payat naman ako diba?" 

"Tsk!" Muntik na kong mapatalon nang hawakan niya ang binti ko, pero naalala kong na-sprain nga pala at masakit.

"Aaaaaayyy!!" Napasigaw ako ng bigla niya kong i-sweetheart's carry. Natapik ko siya sa balikat at napakapit din sa takot na mahulog.

"Wag ka ngang sumigaw diyan! Akala mo inaano ka!"

Napatitig ako ng diretso sa mga mata ni Bryle. "Eh bakit mo kasi ako binuhat?"

"D-dahil... d-dahil, ahm, s-sabi ni mama. Kaya nga ako pinasama ni mama, dahil baka kung ano ang mangyari sa inyo, puro kayo babae. Ayan! Dahil sa pagiging clumsy mo, tsk!, pahamak."

 

"Aba't..." Magsasalita pa sana ko ng biglang may tumikhim. Napatingin ako kay Jelly at Annie na sabay na tumingala at naging malikot ang mga mata nila na akala mo may hinahanap.

Kinagat ko ang labi ko at napanganga na lang bigla, because realization struck me! Oh. My. Deer! Napapikit ako ng sobra sobra.

Nakalimutan kong may Jelly at Annie pa pala kaming kasama. Hindi ko man lang sila napansin. Dahil busy ako sa pakikipag bangayan ko kay Bryle. What does it mean? Does it mean anything? I mean, isa rin ba yun sa mga signs na gusto mo na talaga ang isang tao?

Yeah, I like him. Dahil iniligtas niya ko at binuhat, dahil gwapo siya, dahil kinilig ako sa ginawa niya, dahil pinili kong mag aral sa Laurente, kasi dun din siya nag aaral, dahil sumali ako sa cheering para mas mapalapit pa lalo sa kanya, dahil magaling siya mag basketball, dahil... umikot ang mundo ko sa kanya kanina!

Fine! I like him. Pero he is so mean, frank, straight-forward, he doesn't beat around the bush. Whatever you call it!!

Biglang napadiretso ang likod ko ng maramdaman na nakaupo na ko. Napatingin ako sa paligid, at napagtanto ko na bahay na pala ito nila Bryle. Nakita ko na lang siyang nakatalikod sakin, papunta ata siyang kusina nila.

"Uy!! Para kayong aso at pusa kanina!" Pang iintrigang sabi ni Annie.

"Oo nga! Alam mo... I smell something fishy."

 

"Pareho tayo, Jelly." Panggagatong pa ni Annie.

"Hay nako! Alam mo yang something fishy na naaamoy mo? Ikaw yan, Jelly... jellyfish!" Ngumuso si Jelly ng biglang tumawa si Annie.

"Hahahahaha! Sabi na nga ba eh, ikaw talaga yun, Jelly!"

 

"Ang sama niyong dalawa." Nakanguso pa ring sabi ni Jelly.

"Eto si Annie, tinatawanan ka! Tsk!"

 

"Eh kasi... fishy! Hahaha!"

Habang nag aasaran yung dalawa, kinuha ko yung cellphone ko at ini-text ko si Manong Edgar. Magpapasundo na ko, kasi medyo kumikirot ang paa ko. Lahat ng direction sinabi ko, para hindi siya maligaw.

Na-touch ako ng nilagyan ni Bryle yung na-sprain na paa ko ng malamig na towel. Medyo ni-massage pa niya ng dahan dahan. Tatarayan ko pa nga dapat kasi kanina pa siyang bigla bigla na lang hahawak sa binti ko, tsansing na yun ah!!

Napatingin ako kay Annie at Jelly na nagsisikuhan! Akala ko ba gusto ni Annie si Bryle? Eh kung masiko si Jelly, kilig na kilig siya. Di ba dapat ma-hurt siya? Weird!

After 45 minutes, narinig namin na may kumakatok sa pinto nila Bryle, na agad naman niyang pinagbuksan. Iniluwa nun si Manong Edgar.

"Nandito po ba si Miss Zeria?" Tanong ni Manong. Nilakihan na lang ni Bryle ang pagbukas sa pinto para makita ako ni Manong.

"Aalis na ko Annie, Jelly. Sabay na kayo sakin, pahatid ko na kayo."

Biglang tumayo si Jelly. "Talaga? Hay! Salamat naman, ang layo layo kasi ng lalakaran papuntang labasan eh."

"Sama na din ako." Sabi naman ni Annie. Nag unahan silang dalawa sa paglabas.

Pinilit kong tumayo, at nang mapansin ni Bryle na nahihirapan ako, inalalayan niya ko hanggang sa makalabas ng bahay nila. Naghihintay na dun si Manong Edgar, tinulungan niya din ako ng makita niya kong paika ika sa paglalakad.

"Ahm, Bryle... pakisabi na lang sa mama mo, salamat pati dun sa juice." Tumalikod na ko sa kanya ng bigla akong may maalala. "S-salamat din pala sa pagbuhat sakin sa ikalawang pagkakataon."

"May kapalit yun Zeria... hindi lang salamat."

 

"Wha--"

 

"Kaninong kotse itong nasa harapan natin Bryle?" Tanong ng mama ni Bryle na kakadating lang, parang medyo kabado pa nga siya eh.

"S-samin po. Aalis na po kasi kami. Salam--"

 

"Inyo ito?" Tumango lang ako. "Aba'y mayaman pala kayo."

 

"H-hindi naman po."

"Oh sige na! Makakaalis na kayo... hapon na din. Baka mag alala na ang mga magulang niyo... lalo na ang sa'yo. Felix, dalhin mo nga itong mga pinamili ko doon sa loob." Tumingin muna sakin si Bryle bago sumunod sa utos ng mama niya. Magkasunod silang naglakad papasok sa loob.

"S-salamat po, Tita." Lumingon lang ang mama ni Bryle at tumango.

Inalalayan ako ni Manong Edgar na makapasok sa kotse. Nagkukulitan lang dun si Annie at Jelly. Hindi siguro nila napansin ang pagdating ng mama ni Bryle.

Minsan lang ako makisali sa usapan nila, iniisip ko kasi kung bakit nagkaganon yung mama ni Bryle. Parang iba yung mood niya kaninang unang meet ko sa kanya at ngayong pauwi na. Or baka pagod lang siya?

"Dito na lang Manong!" Sabi ni Jelly. Huminto kami sa tapat ng bahay ba gawa sa kahoy. Yung parang bahay pa nung mga sinaunang panahon. Two-storey yung bahay nila. Katamtaman lang yung laki.

"Siguro ang presko presko diyan sa inyo!." Tanong ko kay Jelly nang maipark ni Manong yung kotse.

"Sinabi mo pa. Alam mo bang pag pupunta ako sa school, sa ibaba na ko nagsusuklay. Kasi pag sa taas magugulo lang ng hangin."

 

"Pupunta kami diyan sa inyo next time! Bye Jelly!" Nakangiting sabi ni Annie.

Lumabas na ng kotse si Jelly. "Okay. Bye. Ingat kayo. Salamat sa paghatid, Zeria." Isinarado niya ang pinto.

Mga five minutes ng tahimik sa loob ng kotse. Medyo naging awkward yung ambiance.

Hindi ko na matiis ang tahimik kaya nag tanong ako kay Annie. "Akala ko ba... mahal mo si Bryle?"

Bigla lang siyang tumawa. "Alam mo bang yan ang iniisip ko ng makaalis na si Jelly. Akala ko din kasi... mahal ko siya. Pero kanina... nung nakikita kong buhat buhat ka niya. Hindi ako nasaktan. Parang... wala lang. Kinilig pa nga ko sa inyo eh!"

"Baka kasi nalaman mo na hindi naman ako type ni Bryle... na hindi niya ko magugustuhan. Kaya kampante ka na lang kanina."

 

"Believe me, Zeria... minsan nakakapag sinungaling talaga ang isang tao pag natataranta, at pag nag di-deny."

 

"What do you mean?" Tanong ko kay Annie. Pero sa halip na sagutin niya ko... nginitian lang niya ko.

"Dito na lang po ako. Thanks for the ride, Zeria. Next time ulit!"

 

"Welcome... ay! Nga pala. Paki inform naman bukas si Jelly na baka hindi ako makapunta bukas. Para masabi niya kay Dianne. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya kanina."

 

"Okay! Sige. Pagaling ka. Bye!" Pumasok si Annie sa isang duplex type na bahay, may sariling entrance gate at maliit na garage. Pero maganda naman yung bahay nila.

Buti na lang madadaanan lang namin yung mga bahay nila pag pauwi sa bahay galing school. At least, pwede ko silang maisabay pag pauwi na kami.

Sa ngayon, mag iisip muna ko ng magandang palusot kay Mommy kung bakit na-sprain 'nanaman' ako.

(c) Eilramisu

PASENSYA NA PO KUNG WALA NANAMANG COVER ANG HWP, KASI NAGPALIT NANAMAN PO AKO NG CASTS. OKAY, HINDI PO AKO CONSISTENT. PERO GUSTO KO LANG NAMAN PO NA MAGANDA AT GWAPO ANG MGA BIDA. PARA BONGGA.

GAGAWIN KO NA LANG PONG BANNER YUNG NAG GAWA NG COVER :))


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top