70th Plan


Maaga akong nagising kaya bumili ako ng pagkain at mga flowers. Tulog pa rin si Zeria nang makabalik ako. Inayos ko yung pagkain at inilagay ko yun sa maliit na mesa na gawa sa kahoy. Itinabi ko rin sa kanya yung mga bulaklak na binili ko. Naupo ako sa sahig at humarap sa kanya.

Hinipan ko yung mukha niya. Hinawakan ko rin siya sa batok kaya napangiti siya at dahan dahang nagmulat ng mata.

"Good morning my queen."

"I love you too, my king." Napangiti ako sa sinabi niya kaya hinalikan ko siya. Kinuha ko sa tabi niya yung flowers at inabot sa kanya yun. Inamoy niya yun at hinalikan niya ko sa labi. Bumangon na siya at naghilamos.

Pagkatapos namin kumain, naglakad lakad kami sa tabing dagat at nakarating kami sa may hammock kung saan ko siya nakita kahapon. Malaki yun kaya dalawa kaming nahiga.

"Naalala mo ba nung nangunguha tayo ng mangga sa Batangas?" I asked her.

Natawa siya na malakas kaya nahawa ako sa tawa niya.

"Grabe yun. Pinagod mo ko nun kakapulot ng mga mangga. Tapos umakyat pa ko ng puno. Tapos kinagat ako ng langgam at muntik ng mahulog."

"Ikaw kasi eh. Ang kulit kulit mo."

"Anong makulit? Sabi mo kasi noon itry ko, eh di yun ang ginawa ko."

"Tapos lagi ka pang nahuhulog o kaya naman nadudulas. Ang clumsy clumsy mo kasi."

"Hindi naman! Nagkakataon lang."

"Buti na lang nandun ako lagi kada madudulas ka. Lagi kitang sinasalo."

"Kasalanan mo kasi lahat yun. Lagi kasi akong natataranta pag lumalapit ka... yung ultimate crush kong suplado."

"Pano ba namang hindi ako magiging suplado, eh napahamak ako nung una nating pagkikita."

"Kung hindi naman dahil dun, hindi kita makikilala... hindi kita magiging crush. Hindi ako mag aaral sa Laurente at hindi magiging tayo, eh di wala ka ngayon sa tabi ko."

"Kahit hindi man mangyari yung nga yun, naniniwala ako na tayo talaga yung nakatadhana para sa isa't isa. Magkikita at magkikita pa rin tayo... sa ibang paraan nga lang."

"At buti na lang, ikaw yung nandun." Hinalikan ko siya sa noo. Tumingala siya sakin at ngumiti siya.

Tumayo siya bigla at tumawa.

"Habulin mo ko Bryle!!"

Natawa na rin ako dahil ang cute cute niya. Nung bumaba ako sa duyan, tumili siya at nagsimulang tumakbo kaya hinabol ko siya.

Tawa pa rin siya ng tawa habang hinahabol ko siya. Napansin kong medyo bumagal siya sa pagtakbo kaya binilisan ko naman.

"Huli ka!"

"Aaaaaahk!"

Niyakap ko siya sa sa likuran at binuhat. Tumakbo ako sa dagat habang buhat buhat ko siya. Tuloy lang siya sa pag tawa niya. Tumalon ako sa dagat kaya lumubog kaming dalawa. Nilapit niya yung mukha niya sakin at nagulat ako ng bigla niya kong kinagat sa baba ko.

"Pwe! Ang alat!" Sinabuyan niya ko ng tubig kaya ginantihan ko siya.

***

Tinawagan ko yung professional photographer ng agency namin. Sinabi ko sa kanya yung plano kong surpise kay Zeria.

Inabot kami ng one week sa pag aayos nun. Buti na lang at hindi nakakahalata si Zeria.

"Zeze... I have to go back to Manila tomorrow."

"Huh? Why?"

"May problema kasi yung oil company nila lola. Nag ka oil spill daw nung shiniship yun papuntang Visayas."

"I'll come with you."

"No need, sweetie. Sandali lang ako dun tapos babalikan kita dito. Tapos pupunta tayong Ilocos diba?"

"Sure ka?"

"Yes. Everything will be fine."

"Teka Bryle... hindi ko ata kayang malayo ka nanaman sakin."

"Two days lang... promise."

Buti na lang at napapayag ko siya. Naglagay lang ako ng konting damit sa hand carry ko. Mamayang hapon na din ako agad aalis. Excited na ko sa mga plano ko para kay Zeria. Tinawagan ko na rin lahat ng dapat tawagan, lahat ng kailangang nandun.

Tinignan ko lahat ng pictures namin ni Zeria sa cellphone ko. Marami akong gustong ipaframe sa mga pictures namin. Hindi na ko makapaghintay...

Hinatid ako ni Zeria sa airport. Sinabihan ko siya na kahit ako na lang, pero nagpumilit siya.

"Bryle... balikan mo ko ah?"

"Oo. Promise. Babalikan kita. Hindi na tayo magkakahiwalay. Mahal na mahal kita Zeria. Ilang beses kong sasabihin sa'yo na gustong gusto kong bumawi. Hindi ko man maibabalik yung mga taong nasayang, pero pwede ko naman yun punan sa maikling panahon."

"Aasahan ko yan Bryle ah? Maghihintay ako... two days lang ah? Pag mag iextend ka, sabihan mo ko, para susunod na lang ako."

"Hindi ako mag eextend, babalikan kaagad kita. Pupunta pa tayong Iloilo pagbalik ko."

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Para naman mawala yung doubt niya na hindi ko siya babalikan at hahayaan ko na lang siya mag isa.

"O sige na... bumalik ka na sa resort."

"Bryle yung promise mo ah?"

"Opo. I love you mahal na reyna."

"Bryle naman eh!!"

Natawa ko dahil ang cute cute niya. Lara siyang bata.

Hinalikan ko na lang siya sa labi. May nalasahan akong maalat kaya medyo lumayo ako at tinignan siya.

"Why are you crying?"

"Ngayon pa lang kasi namimiss na kita."

"Babalik ako... babalikan kita, pangako." Banayad ko siyang hinipan sa mukha at kinurot sa ilong.

Tumango tango siya habang pinipigilang humikbi.

"Sige na... mag checheck in pa ko."

Narinig ko ng inaannounce yung flight na hinihintay ko. Kaya pinapauwi ko na si Zeria... sumunod siya sakin at habang naglalakad siya palayo, palingon lingon siya sakin. Kaya kinawayan ko siya.

~*~*~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Hindi ko mapigilang maiyak sa loob ng taxi. Ang daming pumapasok sa isip ko. Baka mamaya niyan, hindi nanaman pala sakin si Bryle. Baka mamaya matagalan yung two days niya o kaya hindi na niya talaga ko balikan dito. Bakit ba naman kasi biglaan.

Pero naniniwala ako sa pangako niya... naniniwala ako sa kanya.

Pagkabalik ko sa resort, dumiretso lang ako sa hammock at dun naupo. Pinagmamasdan ko lang marahang alon ng tubig dagat, yung mga taong nag eenjoy sa pagbuo ng sand castle, yung mag nag vavolleyball. Nililibang ko lang ang sarili ko para medyo hindi ako malungkot dahil sa pag alis ni Bryle.

Kinalabutan ako dahil sa narinig kong pinag uusapan ng dalawang babae sa likuran ko.

"Nag crash daw yung eroplanong pabiyaheng Manila?"

"Grabe nga eh. Sa dagat daw bumagsak."

Hinarap ko yung dalawabg babae na nag uusap.

"Totoo ba yan??"

"Huh? Oo. Binabalita nga ngayon sa tv, dun sa reception area."

Tumakbo ako para lang makarating agad sa reception area... at tama sila, binabalita nga sa tv yung nangyaring pagbagsak ng eroplano sa dagat.

Nag uunahang pumatak yung mga luha ko. Lumabas agad ako ng resort at sumakay ng taxi.

"Wag... wag naman sana. Diyos ko. Wag naman... wala sanang nangyaring masama kay Bryle... babalikan niya pa ko. Sabi niya... babalikan niya ko."

"May kakilala po ba kayo dun sa nag crash na eroplano?" Tanong sakin ng taxi driver.

"Manong pakibilis lang ho... please..."

Mahaba ang pila ng sasakyan papuntang terminal kaya nag abot na lang ako ng pera sa driver at bumaba na ko. Natatanaw kong may mga nag kakagulo dun. Gusto ng bumagsak ng katawan ko sa kalsada pero pinilit ko pa ring makatakbo.

Nang makarating ako dun, merong staff ng airport na pinapakita yung listahan ng mga pasaherong nadamay sa pag crash. Nanginginig ang kamay ko ng kinuha ko sa kanya yung listahan.

Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa kalsada ng makita ko dun ang pangalan ni Bryle.

"Hindi totoo to... hindi totoo... Bryle! Bryle lumabas ka diyan! H-hindi ka pa nakakasakay diba? B-bryle!!"

May umaalalay saking staff para makatayo ako. Pero hindi ko magalaw yung mga paa ko.

Natigilan ako sa pag iyak ng biglang may tumutog.

(~please play the video above~)

Napatingin ako sa humawak sa kamay ko para alalayan akong tumayo...

"W-what are you doing here Harvey? A-alam niyo na ba yung n-nangyari kay Bryle? Si Bryle, Harvey... si Bryle..."

Itinuro niya sakin yung kabilang side. Kaya napatingin ako dun. "His body was there."

Tinitigan ko si Harvey at niyakap niya ko. Dahan dahan akong naglalakad papunta dun sa direksyon na tinuro niya sakin.

Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa katawan ni Bryle na naghihintay sakin.

Nang marating ko yung dulo... I was really shocked when I saw what's in there.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko.

Nandun sila mommy, daddy, si Annie, si Jane at yung iba kong staff. At meron ding mga hindi familiar sakin... at si Aling Susan, mama ni Bryle.

"M-mommy, d-daddy... si Bryle! Nasan si Bryle?!!"

Totoo ba talaga to... wala na ba talaga si Bryle...

Matutumba nanaman ulit ako, pero may umalalay sakin sa likuran ko.

Nakangiti siya at may hawak na bulaklak.

"Hindi ka patay?" I asked him.

Natatawa lang siyang umiling.

"H-hindi ka kasama sa plane crash?"

"Zeze... walang plane crash."

"Meron! Napanood ko sa news! Meron! Yung flight mo yung eroplanong sinasakyan mo yung nag crash!!"

"Ako lang ang may gawa nun... because I want this day to be one of the most memorable moments of our life together... Zeria... I wanna settle down... I know that you're still not ready yet. Okay lang sakin kahit next year. We've been through a lot of pains and miseries and I think it's time for us to make a new happy and wonderful memories."

Pinaghahahampas ko siya sa dibdib.

"Lagi na lang Bryle! Gustong gusto mo kong binibigyan ng heart attack! Meron ka pang paganito ganito! Pano kung papunta dito eh naaksidente ako? Hinimatay ak--"

"Ssshh. Hindi mangyayari yun... sinigurado kong ligtas kang makakarating dito. Everything was planned... the two girls, the news, the cab driver, and your family."

"Lagi na lang Bryle!! Naalala mo ba yung first and last monthsary natin noon sa Laurente? Pinakaba at pinaiyak mo rin ako noon!!!"

"It has it's own purpose."

"What is it now?"

Inabot sakin ni Bryle yung bouquet ng flowers na hawak niya kaya tinanggap ko na.

"Zeze... I already have your parents blessing. And for now... ikaw naman yung tatanungin ko."

Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Bryle. Parang alam ko na kung anong mangyayari dito...

May kinuha si Bryle sa loob ng bouquet na hawak hawak ko. Inilabas niya yung maliit na box at binuksan yun.

"Zeria... I wanna start building my castle and I want you to be part of it... I want you be my queen..." tumulo ang luha ko kasabay ng pagluhod ni Bryle sa harapan ko.

Nilingon ko sila mommy at lahat sila nakangiti. Tumingala ako sa langit para mag pasalamat sa Diyos. Binigyan niya ko ng maraming pagsubok para mas maging matatag.

"Will you be the wedding planner..." kinuha niya yung kamay ko at hinalikan niya yun.

"...of our own wedding?"








And of course... I said yes

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top