68th Plan
Nakonsensya ako sa mga pinagsasasabi ko kay mama. Alam ko malaki yung kasalanan niya, pero hindi ko man lang inisip yung sakit niya. Sana kinausap ko na lang siya ng maayos. Kahit na hindi na kami ganon ka close kagaya nung bata pa ko... alam kong mahal na mahal pa rin niya ko.
Dalawang araw na siya sa hospital. At dadalawin ko siya ngayon. Malala yung naging heart attack niya nung kinompronta ko siya.
Pagkarating ko sa hospital room niya, gising siya at may isang nurse dun na nag iinject ng gamot.
Naupo lang ako sa sofa at naghintay hanggang makalabas yung nurse.
Nakatingin sakin si mama at sinenyasan niya kong maupo sa may tabi niya kaya sumunod ako.
"Pasensya ka na Bryle ha... nag sinungaling ako sa'yo. Natakot lang naman akong kunin ka sakin. Natakot ako kasi mayaman sila... kaya nilang ibigay lahat ng mga pangangailangan mo. Natakot akong baka mahanap ka nila. Patawarin mo ko kung naging makasarili ako. Mahal na mahal lang kita anak... kahit na hindi ka sakin nanggaling."
"Kung tutuusin wala ka naman dapat ikatakot, Mama. Mababait sila. Hindi naman nila ko ilalayo sa'yo. If you could just gave them a chance. Hindi na sana tayo aabot sa ganito."
"Yung tungkol kay Zeria... ayoko lang kasing mapabayaan mo yung pag aaral mo. At ayoko ring umabot sa puntong aayawan ka ng magulang niya dahil mahirap lang tayo."
"Hindi sila ganon, Ma. Oo mayaman sila... pero hindi sila yung mayamang kayang mantapak ng ibang tao ng dahil lang sa estado sa buhay."
"Mahal mo pa ba siya?"
"Natabunan lang ng galit yung nararamdaman ko sa kanya, pero nung makasama ko ulit siya, parang pakiramdam ko kumpletong kumpleto yung pagkatao ko. May bahid nga lang ng takot dahil baka husgahan nanaman niya ko... pero hindi pala talaga niya yun sinadya."
Hinawakan ako ni mama sa kamay. At parang may kinuha siya dun sa gilid ng kama niya. Inabot niya sakin yung isang notebook at nginitian ako.
Familiar na faniliar sakin yun... hinding hindi ko makakalimutan yun dahil dun nakasulat lahat ng mga nangyayari samin ni Zeria hanggang sa galit ko sa kanya at sa psgtatanong ko kung bakit niya ko iniwan.
"Sige na anak... gawin mo na kung ano yung alam mong tama at magpapasaya sa'yo. Ihingi mo ko ng tawad sa kanya..."
Hinalikan ko sa kamay ni mama. Sinenyasan niya ko ng umalis na.
Pagkalabas ko ng private room niya, isang pamilyar na babae ang naabutan kong nakatayo sa labas ng pinto. Nginitian niya ko at niyakap.
"Okay na ba ang mama mo?" Tanong niya sakin.
"Stable na yun condition niya."
"Tayo... okay pa rin ba? Pwede pa ba tayong mag usap?"
Tinanguan ko siya at nagpunta kami sa may chapel. Pag kaupo namin dun, humarap siya sakin.
"Felix... sorry for everything. Patawarin mo ko kung tinanggihan kita. Sana pwede pang maging tayo ulit. Hindi na ko aalis, promise." Yumuko siya at may kinuha sa bag niya. Binuksan niya yung maliit na box... at kinuha niya yung singsing. "Sana hindi ko na pinalampas yung mahigit anim na buwan na wala ka sakin... Felix, please marry me."
I felt sad for her... naging special din siya sakin, minahal ko din naman siya at hindi ko yun ipagkakaila.
"Mandy... when I asked you the same question there's something bothering me. Sinabi ko sa sarili ko na kung ano man yun, saka ko na iisipin o hahanapin. I know that there's something missing. Nagmadali lang siguro ako... nagpadalus dalos at hindi ko pinag isipan ng mabuti kung tama ba yung gagawin ko. You know what, Mandy? I figure it out already... and my anwer is no."
Tumulo ang luha niya at hinawakan niya ko sa kamay.
"F-felix... alam ko nasaktan kita. Pero please, wag ka ng gumanti oh. Patawarin mo na ko."
"Hindi ako galit sa'yo... nagpapasalamat pa nga ako dahil tinanggihan mo ko. Parang destiny in disguise yung nangyari. Dahil dun, nalaman ko kung sino talaga yung kulang sa buhay ko."
"Siya pa rin ba?"
"Huh?"
"Minsan kasing umattend tayo ng party, nalasing ka diba? Habang inaayos kita, ibang pangalan yung paulit ulit mong sinasabi. Hindi na ko nagtanong sa'yo kasi wala ka namang kinukwento tungkol sa nakaraan mo. Si Zeria pa rin ba?"
Nakaramdam ako ng guilty at hiya. Inilagay niya sa box yung singsing at binalik niya sa bag niya.
"Siya ba yung pupuntahan mo? Sige na Felix... sabihin mo sa kanya kung gano siya kahalaga sa'yo na kahit sinong babae walang may kayang humigit sa kanya o kahit pantayan siya."
Itinutulak niya ko patayo at nginitian niya ko kahit na tumutulo yung luha niya. Hinawakan ko siya sa pisngi at pinunasan yung mga luha niya.
"Thank you..." nginitian ko siya at hinalikan sa noo.
Nagmamadali akong magdrive papunta sa kanya. Halos takbuhin ko na yung office niya. Nakita ko si Jane na may kausap sa phone at nang makalapit ako sa kanya, saktong binababa na niya yun.
"Kakausapin ko si Zeria." Sinisilip ko yung loob ng office since glass naman yun, pero hindi ko siya nakikita.
"Sir wala po si Miss Z. Naka leave po siya."
"Nakaleave? Ilang araw?"
"Five months po."
"Nasan siya? Nasa unit niya ba?"
"Wala po, Sir. Nasa N-new York na po."
Nanlumo ako sa sinabi ni Jane. Bakit ang bilis niyang umalis... bakit lagi na lang siyang umaalis.
"Salamat..."
***
Isang linggo ko ng pinapahanap si Zeria kay Joey. Nasa New York pa rin siya hanggang ngayon.
"Sir wala talaga eh." Balita sakin ni Joey habang magkausap kami sa cellphone."
"Did you check all the airlines? Dito sa Philippines? Tinignan mo na rin ba?"
"Not yet, Sir."
"Please, Joey..." hinang ko na yung phone ko at napasandal ako sa swivel chair.
Naisip ko si Jane... baka siya lang yung pwedeng makatulong sakin. Nagmamadali akong magpunta sa kotse ko, at kung pwede ko lang liparin papuntang company nila, nagawa ko na. Desperado na kong makita at makausap si Zeria.
Mahigit isang oras lang eh nakarating na ko sa company nila.
Napansin ko na may kausap si Jane, kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Miss Z, invitation po ng wedding nila ni Sir Felix... Miss Z?"
Rinig na rinig ko ang sinabi na Jane kaya napakunot ako ng noo. Pagkababa ni Jane ng telepono, kinuha ko sa kanya yung invitation na sinasabi niya.
"S-sir!"
Tinignan ko yung invitation at binasa yun. Nalukot ko yun at tinignan ko si Jane na nakatayo na.
"Nasan si Zeria?"
"N-nasa New York nga po."
"Please, Jane... wala sa New York si Zeria. Just tell me. Wala na kong oras para halughugin tong Pilipinas para hanapin siya."
"Sir hindi ko po kasi pwedeng sabihin. Yun po yung utos niya."
"Importante to Jane! Kailangan ko siyang makausap. Nakasalalay yung buhay niya sa mga palad mo, Jane. Sabihin mo lang sakin kung nasan siya. Please."
"Sorry po talaga, Sir."
Napaluhod na ko sa harapan niya at hindi ko na napigilang maiyak.
"Sir sa Palawan po! T-tumayo na po kayo diyan. Pinagtitinginan na po tayo."
Napatayo ako at nahawakan siya sa kamay sa sobrang saya ko.
"Maraming salamat Jane... maraming salamat talaga. Nasan siya sa Palawan?"
"Y-yun lang po ang hindi ko alam... pasensya na po."
"Sige... salamat talaga Jane."
Nagmamadali akong umalis at tinawagan ko ang secretary ko na ibook ako agad ng flight sa papuntang Puerto Princesa. Hindi na ko makapaghintay pa.
Dumiretso ako sa unit ko at nag handa ng gamit. Dinamihan ko na dahil alam kong hindi magiging madali samin ang lahat. Malaki din ang Palawan, at malamang mahihirapan akong hanapin siya.
Nagring ang phone ko kaya sinagot ko... si Joey.
"Sir good news po..."
"Ano yun?"
"Nahanap ko na po kung nasan si Ma'am Zeria." Napangiti ako sa sinabi niya... maaasahan talaga. Kahit na nasa ibang bansa siya, nalaman niya pa rin. "Nasa Palawan, Sir... sa Chez Rose Resort, Sir."
"Salamat Joey. Maaasahan ka talaga."
Pag ka hang ko ng phone, may tumawag agad. Yung secretary ko.
"Sir, I already book you a flight. 3:10 pm."
"Okay. Mag kita na lang tayo sa airport."
Sandali na lang Zeria... magkikita din tayo. Hintayin mo lang ako...
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top