67th Plan

Pagkasakay namin ni Jaeina ng kotse hindi ko muna pinaandar yun.

"Are we waiting for someone?" She asked while putting a lipstick.

"Bakit huminto si Zeria? Bakit siya nag home schooled?"

"I don't know the whole story but I always heard my mom talking to her mom. They're bestfriends for your information. Based on what I've heard, parang for me ah, naging weird si Zeria. Pag dumadalaw kami sa kanila, she's always in her room. One time, we went out for shopping, just the four of us, when my mom learned that it's raining outside, she invited us to watch movies. Basta parang there's something in her past. Ang alam ko, nagpapacheck up si Zeria sa psych before. Ikaw, wala ka bang alam na nangyari sa kanya? Classmates kayo diba?"

Dumami nanaman ang mga tanong ko kay Zeria... hindi pa nga niya nasasagot yung nauna kong tanon, madadagdagan nanaman.

"I guess you should stop seeing me..."

"Huh?"

"And stop using me, Jaeina. The show is over."

"F-felix..."

"Bumaba ka na Jaeina, habang kaya ko pang pigilan ang sarili."

"I-i don't know what you're talking about."

"Really? How about stop using my name, Jaeina? Siguro naman kumita ka na ng malaki sa pag dikit sakin? Now, get out of my car. Stop being a leech."

"I- i can ex--"

"Out!!"

Tinignan ako ng masama ni Jaeina at saka siya bumaba ng kotse. Pinaandar ko kaagad yung kotse ko.

I need to talk to Zeria... I really wanna know the truth. And thinking that there's a guy in her unit cooking for her makes me wanna punch the bastard.

Napagdesisyunan kong magpunta ulit sa office ni Zeria... pero hindi ako magpapakita sa kanya. Hihintayin ko na lang ang pag labas niya.

Halos apat na oras din akong nakatambay sa parking area ng sa wakas eh nakita ko siyang palabas ng building...

Sinundan ko siya hanggang sa condo niya. Since hindi ko siya pwedeng sundan hanggang sa elevator, nag stay muna ko sa lobby. After 5 minutes, nagpunta ko sa elevator at pinindot yung up button. Nung mag open na yun, saktong merong elevator guy.

"Damn. She's not answering." Nag panggap akong may tinatawagan sa phone at kunwari hindi ako sinasagot. "Zeria... answer the phone... bakit kasi nakalimutan mong sabihin sakin kung anong floor." Pailing iling lang ako.

"Sir kay Ma'am Zeria po ba kayo?"

"Uh... yes. Why?"

"8th floor po. 804"

"Thanks brad." Tinapik ko siya sa balikat niya at medyo niluwagan ko yung necktie ko.

Pagkarating ko sa 8th floor. Hinanap ko kaagad yung 804.

Nagtaka ako dahil bukas yung pinto pero nakapatay yung ilaw sa living room. Dahan dahan akong pumasok sa loob at merong isang ilaw na naka bukas kaya nagpunta ko dun. Kitchen pala. Paalis na sana ko sa kitchen ng makita ko yung note sa ibabaw ng mesa at binasa ko yun.

Buti na lang at hindi sila nagkita ni Zeria dito.

Nagpunta ko sa kwarto niya. Tinatawag ko yung pangalan niya to caught her attention. But she's not responding.

Nakabukas din yung pinto ng cr. Nakaramdam ako ng kaba kaya nagpunta ko dun.

"Fuck!" Patakbo akong nagpunta sa bath tub dahil nakita kong nakalubog na dun si Zeria at umaapaw na yung tubig. Tinanggal ko yung tube para madrain yung tubig sa tub. Hinila ko siya at isinandal. Tumayo ako para kunin yung towel niya. Pagkaharap ko sa kanya, nakamulat na siya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi magalit sa kanya. Hinanapan ko siya ng damit at binihisan. Pulang pula ang mukha niya sa hiya na nagpadagdag sa kagandahan niya.

Ipinaghanda ko siya ng pagkain at pinakain. Pagkatapos niyang kumain, nung palabas na ko, sinabihan niya kong samahan ko siya ngayon gabi. Hindi ako umimik at nagdirediretso lang ako sa labas. Napangiti ako dahil may chance akong makasama siya sa magdamag.

I really wanna ask her why. But I think it's not the right time to ask. Naupo lang ako sa living room. Gusto ko lang makapag isip. Bakit ba ko nag padala at nagpabulag sa galit... hindi ko nakita yung magandang side ng mundo.

Pagkapasok ko ng room niya, tulog na si Zeria. Maingat ko siyang tinabihan. Hinaplos haplos ko ang buhok niya at marahan ko siyang hinipan sa mukha. Gaya ng dati kong ginagawa sa kanya. Dati lagi lang akong nasa tabi niya para saluhin siya pag nadudulas o nahuhulog siya... and I want to do that again. Years have passed and I know that it wasn't too late to know what really happened back then. I kissed her forehead and hug her tight.

"Good night Zeria..." I whispered in her ears.

***

Nagising ako at tulog pa si Zeria. It's already 8 in the morning. Nangiti na lang ako ng marealize na ngayon na lang pala ko nagising ng ganitong oras. Usually nagigising ako ng 5am.

"Feels like home..." Hinalikan ko siya sa noo at inayos ko yung kumot niya. Nagpunta ko sa pinamalapit na convenience store. Bumili ako ng toothbrush at white shirt. Bumili na rin ako ng pwede kong maluto para sa breakfast namin. Pagkarating ko sa unit niya, tinignan ko kaagad siya sa kwarto niya, pero tulog pa rin siya. Kaya nag simula na lang akong magluto. \

Nang matapos ako, nagdecide akong icheck ulit siya sa kwarto, napailing ako ng makita ko siyang naninigarilyo nanaman. Kaya inagaw ko sa kanya yun at itinapon sa basurahan.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng plato at pumasok na siya sa kwarto. Nang matapos na ko, may napansin akong papel na nakadikit sa ref. Kinuha ko yun at binasa. May balak pala siyang mag repaint ng buong unit niya.

Pagka punta ko sa kwarto niya, nagulat ako ng makita ko siyang nakahubad. Napalunok ako dahil sa itsura niya... lalaki lang din naman ako.

"Bryle..." mas nadala ako ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Kaya nilapitan ko siya.

Napangiti ako ng makatulog siya sa mga bisig ko. Actually, she's my first...

Hapon na rin ng bumangon ako at nag grocery para sa dinner namin. Kung tutuusin... gustong gusto kong pag silbihan siya.

Habang kumain kami, sinapian ako ng kapilyuhan. At nauwi kami sa sofa sa living room.

Maaga akong nagising kinabukasan. Umuwi muna ko sa unit ko at naligo. Namili na rin ako ng mga gagamitin sa pagpipintura ng unit ni Zeria at nag groceries.

Pagkabalik ko sa unit niya nag handa na ko ng pagkain para saming dalawa at naghanda na kami para sa pagpipintura.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Zylen sa unit ni Zeria. Nainis ako dahil hindi man lang siya kumatok. Para bang sobrang close nila. Nung lumabas si Zeria, niligpit ko lahat ng pintura at yung pinag gamitan namin. Mas nainis ako dahil wala pa si Zeria. Lumabas at nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Zylen kaya nasuntok ko siya hanggang sa nagkagulo na.

Sasabihin ko na sana ang totoo kay Zeria pero alam kong nasaktan na siya. Pumasok siya ng unit at sinundan ko siya. Pero nakalock na yung kwarto niya. Kaya kinuha ko na lang yung gamit ko at umalis na rin ako

A week after, pinuntahan ako ng secretary ko at may inabot siyang cheke sakin. Pinadala lang daw ng courier at galing sa company ni Zeria. Naiinis ako dahil hindi naman na niya kailangang ibalik. Naghirap pa rin siya sa pag aasikaso para sa letseng kasal na yun.

Nagpunta ako kaagad sa office niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang ipamukha sakin lagi yung tungkol sa pera.

Gaya ng mga nakaraan. Nag away nanaman kami. Hanggang sa natahimik ako sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na si mama ang sinisisi niya dahil sa nangyari saming dalawa.

Nawalan ako ng control sa sarili at bumalik lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko.

Umalis ako ng walang sabi sabi at dumiretso sa bar. Hindi ko napansin na marami na pala kong nainom.

Pinilit kong mag drive pauwi sa bahay kung nasan si mama. Naabutan ko siya sa kwarto niya.

"Totoo ba?"

"Ano yun anak?"

"Totoo ba? Huh? Ikaw ang may dahilan kung bakit ako iniwasan at nilayuan ni Zeria?"

"A-anak..."

"So totoo nga?" Tumawa ako ng pagak. "Ano pa bang kasinungalingan mo ang hindi ko pa nalalaman ha? Unang una yung pagkatao ko, sana man lang pinaalam mo sakin na hindi mo talaga ko anak! Gulat ka no?"

"Anak... patawa--"

"Ngayon humihingi ka ng tawad sakin? Ma!! Lumaki ako sa kasinungalingan, nabuhay ako ng punung puno ng galit yung puso ko dahil sa sa pamamaliit na inabot natin sa pamilya ni Zeria! Tapos ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Anong klase kang ina? Ha! Sa bagay... wala ka nga pala talagang anak. Ang laki laki ng kasalanan mo. Muntik ng masira yung buhay ko na inaakala kong dahil kay Zeria! Pero dahil sa'yo yun! Idinamay mo pa yung mga magulang niya! Makatao ba yung pinag gagagawa mo ha?!"

"Patawarin mo ko Bryle..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil kinakapos na ng hangin si mama at nawalan na siya ng malay...

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top