66th Plan


Tinawagan ako ni Jaeina may binigay siya saking address. Pinuntahan ko na rin siya dahil may imimeet ako malapit lang dun.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ako ng kaba nung pumasok ako sa loob ng building. Nakita ko si Jaeina sa lobby.

"Imimeet natin yung friend ko. Mag smile ka ha?"

Hinila ako ni Jaeina papasok sa isang office. I saw someone standing infront of the window. I don't know why but I felt something crunches my stomach.

Hindi ko naintindihan ang mga sinabi ni Jaeina. Parang natutok lahat ng focus ko sa isang babae.

Napahakbang ako papunta sa kanya nung mabangga niya yung frame pag harap niya, pero natigilan ako ng makita ko kung sinong yung babaeng yun.

Yung nag iisang babae na gustong gusto kong takbuhan sa nakaraan.

Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Siguro dahil ganon pa rin siya. Pinaka clumsyng babae na nakilala ko.

Umiwas ako ng tingin nung tumayo siya at tinignan ako. Pumasok siya sa isang pinto.

"May phobia siya sa ulan... I don't know the reason why." Jaeina told me

Sinabihan ko siya na humiram ng first aid kit sa secretary ni Zeria... pero lumabas na siya at kinausap kami.

Nagulat ako ng sinabi ni Jaeina na magpapakasal na daw kami. Hindi ko na siya nagawang kontrahin dahil bumalik lahat sakin ng ginawang pagmamaliit sakin ni Zeria.

Sinegundahan ko pa si Jaeina sa mga sinasabi niya. Gusto ko kasing makita at malaman ni Zeria na okay na ko. Na hindi na ko nagpapaapekto sa nakaraan.

Napapikit ako ng may nasabi akong hindi maganda... nanahimik si Zeria at nginitian na lang niya kami. Gusto kong bawiin yung mga nasabi ko pero hindi... siya yung unang nanakit saming dalawa. Ano lang ba yung sinabi ko sa mga sinabi niya sakin.

Hindi ko magawang ialis yung tingin ko sa kanya. Ang laki ng pinagbago niya physically... mas lalo siyang gumanda. Her eyes are really beautiful. Yeah, she has the most enchanting smile. I'd trade whatever I have just to see that smile again.

Nung paalis na kami ni Jaeina. Tinignan ko pa siya ulit.

All the memories... the chasing, the arguments, the laughters, the sweetness and the pains are suddenly haunting me.

Nung nasa parking area na kami ni Jaeina, hinawakan ko siya sa braso niya. Kaya napatigil siya sa paglalakad.

"What?"

"Are you insane? Bakit mo sinabing ikakasal na tayo? Ano to? Set up?"

"Sorry Felix... nakwento ko kasi sa kanya yung sinabi mo na kung magkita tayo dito sa Philippines."

"Kaya ako naman yung inipit mo?"

"Akala ko okay lang?"

"Kasi ayoko rin namang ipahiya ka sa kaibigan mo. May respeto ako sa babae Jaeina."

"Relax Bryle... Zeria knows me. Alam niya na sa simula lang to. Isa pa, hindi naman talaga natin sasabihin sa iba yung tungkol dito."

"Hindi ko alam kung kilala na ba talaga kita Jaeina... ang dami mong surprises." Iniwan ko siya at sumakay na ko sa kotse. Pinacancel ko muna yung meeting ko at dumiretso ako sa pad ko. I need to make a move para makita ko ulit si Zeria.

Days have passed at hindi pa rin siya maalis sa isip ko. Then I received a text message from Jaeina. She said she'll drop by at Zeria's office.

Hindi ako nagdalawang isip tawagan si Jaeina... sinabi ko sa kanya nasasamahan ko na siya dahil malapit lang ako sa office ni Zeria.

Pagkarating namin sa office niya, may kausap siya sa phone... and my heart skipped a beat when I saw her smiling.

Nagusap silang dalawa ni Jaeina. Good thing, may tumawag kay Jaeina at kailangan na niyang lumabas.

Namawis ang kamay ko ng marealize na dalawa na lang kami ni Zeria sa isang kwarto. Napakunot noo ako ng magsindi siya ng sigarilyo, nilapitan ko siya ng sobra, pumwesto ako sa likod niya. Damn her scent! Nakakaengganyong amuyin. Kinuha ko sa kanya yung sigarilyong kakahithit lang niya.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo, Zeze?" Napaatras ako ng hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin siya sa nickname na ako mismo ang nag pauso. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Nagkasagutan kaming dalawa at naungkat ang nakaraan. Para kaming mga bata na nagtatalo.

"Make our wedding the best!!" Huli na para bawiin ko ang sinabi ko.

I saw pain in her teary eyes. Napatalikod ako at naglakad palabas ng office niya.

Natuktok ko ang ulo ko dahil sa sinabi ko. Ang tanga tanga lang talaga. Argh! I have to make a way para makausap ko ulit siya.

***

Wala akong balita kay Jaeina... hindi siya nagtitext sakin o tumatawag which is a good thing.

May inemail sakin yung secretary ni Zeria na may appointment kami ni Jaeina sa kanila para maghanap ng venue.

Hindi na ko makapaghintay pa. Gusto ko siyang makausap. Marami akong gustong itanong sa kanya. I'm still hoping to get or to hear a convincing and better explanation from her. I'm still rooting for our past relationship.

Hindi ko sinabi kay Jaeina yung tungkol dito. Hindi ko pinaalam sa kanya na pupunta ko kay Zeria. What for? Wala naman akong pakialam sa kanya. Since siya ang unang lumapit, papakinabangan ko na. Eto na yung chance ko para makausap si Zeria.

Nagpunta ako sa office niya. Sinabi ko na meron akong gustong tignan na venue sa Tagaytay kahit na wala naman talaga.

Nakalimutan niya yung tungkol dito pero buti na lang at sumama pa rin siya sakin. Medyo awkward but at the same time, I feel happy and satisfy seeing her beside me.

Nakatulog siya nung bandang Sta. Rosa na kami. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at dumiretso ako sa Mutya. Kung saan nagsimula ang lahat.

Iniwan ko siyang natutulog sa kotse at nagpunta ako sa tabing ilog.

After a moment, I felt her presence beside me. Tinignan ko siya at nagkwento ako... kwentong kasinungalingan. I dont' know... I want her to comfort me. Ang gago lang kailangan ko pang mag imbento ng kung anu anong story para lang makuha yung atensyon niya. I almost succeed. Nakikita ko na naaawa siya sakin dahil sa mga kinukwento ko.

"Zeria... bakit mo ko iniwan noon?" I can't help myself but to ask. But before I could get answers from her, the thunder roars.

Napatili siya dahil sa gulat. I saw her trembling. Lalapitan ko sana siya pero tumakbo na siya palayo. Hinabol ko siya... I want her to feel that she's safe with me. Gusto ko rin malaman kung bakit ganito na lang ang takot niya sa ulan.

Nakita ko siyang napaluhod na lang sa kalsada. Nilapitan ko siya at lumuhod na rin ako kaharap niya.

Sorry lang siya ng sorry at naramdaman ko yung sincerity sa boses niya. Kaya niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

Nawalan siya ng malay kaya binuhat ko siya. Isinakay ko siya sa kotse at nag drive ako papunta sa dati naming bahay. Buti na lang I always bring the key with me.

Bumaba ako ng kotse at binuksan ko muna yung pinto ng bahay.

Kinuha ko yung payong sa sahig ng kotse sa likuran. Lumabas ako at umikot papuntang side niya. Binuksan ko yung payong at yung pinto ng kotse. Binuhat ko ulit siya at dinala sa loob ng bahay. Inihiga ko siya sa kama at lumabas ako ng bahay para kunin yung bag niya sa kotse at para isarado na rin yun.

Ginamit ko yung eyemask niya saka ko siya hinubaran ng damit para hindi siya gaanong lamigin at para na rin hindi siya matuyuan. Nag hubad na rin ako ng damit at isinampay ko yung mga damit namin.

Nanginginig siya sa lamig kaya naman nag init ako ng tubig gamit yung mga tuyong kahoy sa may tungko. Nang kumulo yung tubig, nilagay ko yun sa maliit na planggana. Buti may nahanap kong face towel. Dinidip ko yun sa mainit na tubig

Tiniis ko yung init nun mapiga lang yung facetowel para maipunas ko sa katawan niya pra hindi siya lamigin ng sobra.

Nagising siya at halata sa mukha yung halo halong emosyon... takot, kaba, at hiya.

Sinabi niya sakin na wag ko siyang iwan. Nadala ako sa temptation... i kissed her. Wander my hands inside of her. I almost got carried away by the fact that she also wants more... her moans become music to my ears.

But no... I have to control myself. That's why I stop and left her in awe. Kailangan kong magpigil.

***

It' been a week since that night that we shared. Pero pinapadalhan ko siya ng roses.

Naging busy ako kaya hindi ako nakakapunta sa office niya. It's fucking killing me.

Huminto ako sa pag tatype ng mag ring yung phone ko... it's Jaeina.

"What?"

"Ganyan ka ba bumati?"

"Spill it out, Jaeina. Maram--"

"Pupuntahan ko si Zeria--"

"I'll come along with you."

Sinabi niya sakin kung nasan siya kaya naman sinave ko yung ginagawa ko at pinuntahan siya.

Habang nag dadrive ako, daldal lang ng daldal si Jaeina.

"Stop the car, Felix. Kain muna tayo diyan." Itinuro niya yung resto sa may side niya.

Since, I need to pee, huminto na rin ako at nagpunta kami sa resto. Pagkalabas ko ng cr, nagpunta ako sa table na napili ni Jaeina.

Bigla tumibok ng mabilis yung puso ko ng marinig kong tinawag ni Jaeina si Zeria... na may kasamang ibang lalaki.

That very moment... nakaramdam ako ng selos. Hindi ko maiwasang tignan sila ng masama. But I have to stay cool. Kaya nung pinakilala siya sakin ni Jaeina, nag response ako.

Gusto kong patigilin si Jaeina sa mga sinasabi niya. Naiinis ako dahil pinagpipilitan niya na merong namamagitan kay Zeria at sa lalaking kasama niya.

Nag excuse ako dahil may tumatawag sakin, si Joey. Private investigator ko.

"Sir, may nalaman po ako tungkol kay Ma'am Jaeina..."

"Ano yun?"

"Ginagamit niya yung pangalan niyo sa mga producer. Para maisama siya sa mga line ups." Marami pang sinabi sakin si Joey tungkol sa mga ginagawa ni Jaeina. Nakikipag kita pa rin siya sa ex niya. May pinarinig sakin si Joey sa recorder. Conversation ni Jaeina at ng ex niya. I can say that this girl is a professional user. Well, I know how to play the game too.

"Thank you Joey. Maaasahan ka talaga." Bumalik ako sa table namin na parang wala akong nalaman tungkol kay Jaeina.

Natapos na kaming kumain kaya nagpunta na kami sa office ni Zeria. Nakipag sabayan lang ako sa mga kalokohan ni Jaeina. Sa mga sinasabi niya na pawang kasinungalingan. Then I saw Annie. Masaya ako dahil after almost seven years, nagkita ulit kami.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top