64th Plan
Unti unti akong nag adjust sa bagong buhay ko. Nakiusap sila na Tita at Lola na wag ko daw ipaalam kay mama na alam ko na yung tungkol sa totoong pagkatao ko.
Dinalaw namin ang puntod ng father ko nung nakaraang linggo. Pinag dasal ko siya at pinatawad ko na rin siya sa nagawa niya sa totoong nanay ko. After all, I wouldn't be here in this world.
Grumaduate ako ng college na suma cumlaude. Hindi umattend si mama dahil masama pa rin ang loob niya sakin. Kaya sila lola at lolo ang nag sabit sakin ng medal.
Naisip ko na bakit kaya? Ilang taon na rin noong napagdesisyunan ko na magtrabaho dito sa Manila. Naapayos ko na rin ang bahay namin sa Batangas.
Dalawang company ang pinapasukan ko. One week sa modelling agency ni Tita Lora at one week sa oil company ni lolo at lola. Every other week ang naging schedule ko.
Dalawa kami ni Laurence, anak ni Tita Lora, na nag mamanage ng mga modelling agency dahil nag migrate na si Tita sa New York para asikasuhin yung branch dun ng agency.
"Hi baby." Hinalikan ako ni Mandy sa pisngi at niyakap ako.
Nung lalayo na siya sakin, hinila ko siya kaya napaupo siya sa lap ko.
"How's the photoshoot?" Tanong ko sa kanya.
"Satisfying, I guess."
Hinalikan ko siya sa labi at ipinulupot niya sa leeg ko yung mga kamay niya.
We've been together for almost two years, and I can say that I'm very happy with her. Simple lang ang buhay niya. Maraming nag sasabi na ginagamit lang niya ko for fame. But no. Hindi ko naramdam na ginagamit niya ko. Kung anu man ang nararating niya ngayon, yun ay dahil sa passion niya at talent. She's beautiful inside and out. I offer her to be a cover of international magazine but she refused it. Gusto niya daw na gaya ng iba eh pinag hihirapan niya yung mga ginagawa niya.
I already met her parents. Nakatira lang sila sa maliit na bahay. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Labandera ang nanay niya at ang tatay niya naman ay tubero. Kahit ganon lang yung pamumuhay nila, masayang masaya pa rin sila.
I want to settle down with her... but I think there's something missing. Kaya hindi ko siya niyaya rin. I want to figure out what's missing.
Bumitaw siya sakin at inayos niya yung buhok niya. Pinunasan niya rin yung gilid ng labi ko at nginitian ako. And I can say that she has the most... she has a dazzling smile.
Tumayo siya at naupo sa harap ng table ko.
"Nag lunch ka na?" Umiling ako kaya napanguso siya. "Nagpapagutom ka nanaman Felix!!"
"Sorry, baby. May meeting kasi kami kanina kaya hindi pa ko nakakapag lunch."
"Tara sa canteen?"
"Mas mabuti pa, mag lunch na lang tayo sa labas."
"Wag na. Mahal pa gagastusin natin dun."
"My treat. Dahil successful ang photoshoot mo."
"Yan naman lagi mong sinasabi. Sa canteen na lang tayo. Narinig kong usapan kanina na masarap daw yung ginataang puso ng saging dun. Tapos merong caldereta. Diba favorite mo yun?"
"Oo na. Sige na. You win."
"Yeeey!" Habang pinagmamasdan ko si Mandy, lalo akong nahu-hook sa kanya.
Hinubad ko yung coat ko at ipinatong yun sa swivel chair. Hinawakan ko si Mandy sa may bewang niya.
Natutuwa ako para sa kanya dahil dumadami na yung mga magazine na nafi-feature siya. Isa siya sa may pinakamagandang mukha at hugis ng katawan dito sa agency. Lagi niyang sinasabi sakin na ang swerte niya dahil minahal ko siya... pero hindi niya naisip na mas maswerte ako dahil ako ang pinili niya.
Habang nasa elevator kami, nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at binulungan siya.
"Nasabin ko na ba sa'yo na araw araw, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko?"
Nahihiya siyang tumawa dahil nagtinginan samin lahat ng tao sa elevator.
"Hanggang dito ba naman, bobolahin mo ko?"
"Nagsasabi lang po ng totoo." Hinalikan ko siya sa kamay niya.
Masasabi ko na wala na kong mahihiling pa dahil kay Mandy. Siya ang nagpabago sa pagkatao ko. Noon kasi sila tita, lolo, lola, at Laurence lang ang kinakausap ko. Pero pag dating sa iba, civil lang. Natatakot kasi ako na baka mahusgahan nanaman ako. Na baka kung ano nanaman ang sasabihin ng ibang tao tungkol sakin.
Aaminin ko na naging mataas ako. Punung puno ako ng confidence at napakataas ng ti tingin ko sa sarili ko at naging mataas ang pride ko.
Pero nagbago yun ng dahil kay Mandy. She's an angel in disguise.
Lumipas ang mga buwan at naghahanda ako ng isang malaking surprise for her. Two-year anniversary na namin sa susunod na araw at gusto kong maging special yun.
Pinaayos ko lahat ng set up sa secretary ko. Nagpahanda ako ng dinner date. Excited ako dahil alam kong matutuwa siya ng sobra.
Dumating yung araw na pinakahihintay ko. Akala niya, nakalimutan ko yung tungkol sa anniversary namin dahil tahimik lang siya at minsan eh mapapatingin sakin at parang may gusto siyang itanong o sabihin.
"Saan tayo pupunta Felix?" Siguro napansin niya na hindi yun yung way papunta sa bahay nila.
"Mag didinner. Nagugutom na kasi ako." Hindi na siya umimik pa.
Pagkapark ko ng sasakyan lumapit ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa labi kaya napapikit siya. Kinuha ko yung blindfold sa may gilid niya at tinakpan ko ang mga mata niya.
"What's this, Felix?"
"Ssshh." Bumaba ang ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Inakay ko siya pababa at sa paglalakad hanggang makarating kami sa lugar kung nasan naghihintay yung surprise ko para sa kanya.
Dahan dahan kong tinanggal yung blindfold niya. Madilim sa lugar na yun kaya napahawak siya sakin at tinignan ako.
Hinalikan ko siya sa noo at kasabay nun ang pagliwanag ng buong paligid. May mga lantern din na lumipad.
Tumingin siya sakin at parang nagtataka siya.
"Happy second year anniversary." Inabot ko sa kanya yung bouquet ng roses at hinalikan siya sa labi.
"Felix... sorry. Sorry nawala sa isip ko. Sorry talaga." Maluha luha siya kaya hinalikan ko siya sa noo at niyakap siya.
"It's okay baby... alam kong marami kang iniisip." Hindi ko siya masisisi dahil pinoproblema niya yung kapatid niya na sumunod sa kanya dahil nabuntis kaya inatake sa puso ang tatay niya. Nag offer ako sa kanya ng tulong pinansyal at kung hindi ko pa siua dadramahan, hindi pa niya tatanggapin.
Habang kumakain kami, tahimik pa rin siya.
"May sasabihin ako sa'yo."
"I wanna tell you something."
Sabay kaming nagsalita pero pinauna niya ko. Pumayag akong mauna dahil hindi na ko makapag hintay pa.
"Baby... you know how much I love you. You know how much I value you and your family. You changed me and that's what I'm thankful for." Hinawakan ko siya sa kamay ay kinuha yung maliit na box ng singsing sa bulsa ng coat ko.
Wala akong pakialam kung pakiramdam ko parang may kulang sakin. Pwede ko namang alamin yun kahit kasal na kami. Marami pa naman siguro akong oras para dun. Pero yung para dito, I think this the right time to ask her...
"Amanda Kuini, will you marry me?"
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top