5th Plan
Kanina pa ko naiinis. Una, dahil dun sa Dianne na yun... ano ba siya ni Bryle? Personal alalay? Kung makaabot ng tubig akala mo watergirl. Pangalawa, maraming tumitili kay Bryle, okay, given na yung kagwapuhan niya. Bukod dun, magaling siyang mag basketball, idagdag na yung katalinuhan niya. Kung yun ang dahilan nila... sige. Makikitili ako!
"Aaaaahhh!!!! Go Bryle!! Shoot it! Shoot it!!" Napatigil ako ng lumingon sakin si Bryle... hala! Yung puso ko... parang bola na ihahagis sa ere.
"Saan pala kayo nagkakilala ni Bryle?" Tanong sakin ni Annie.
"Sa may tiangge. Niligtas niya ko... we runaway."
"Start na!!!" Napatingin ako dun sa babaeng pumalakpak at sumigaw. Si Dianne pala!
Nakasimangot akong naglakad dun, pero nakakatatlong hakbang pa lang ako tinawag na ni Annie ang name ko. Kaya nilingon ko siya.
"Yes?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin.
"Can we be friends?"
"Sure!!"
"Yeheyyy!!" Masaya akong niyakap ni Annie. Kaya napangiti na din ako... nakakahawa kasi siya eh.
Ibinigay niya sakin yung cellphone number niya. Iti-text niya daw ako pag tapus na yung session nila sa table tennis. Sabay na daw kaming mag lunch.
"Nandito yung mga forms niyo, I'll call you one by one. Kung wala yung form niyo dito... it means, hindi kayo kasali. Kailangan niyo ulit mag fill up ng panibagong form." Naabutan kong sinasabi nung Dianne.
Good thing, lahat naman ng nandito, natawag... including me.
Ang unang pinagawa niya samin ay warm up. Nang nasa kalagitnaan na kami, bigla siyang nagsalita.
"Stretch your arms upward." Itinaas niya yung dalawang braso niya, at ngumiti ng nanunuya. Nagkatinginan yung iba, tapus inayos yung mga sleeves ng t-shirt nila. Ilan lang naman samin yung mga naka sleeveless, including me. At yung iba talagang hindi nag dalawang isip. "You! What are you waiting for?" Nagulat ako ng binaba niya yung dalawang braso niya at tumingin sakin. "May itinatago ka ba? Kaya hindi ka makapagtaas ng kamay?"
Napataas ang kilay ko. Anong gusto niyang palabasin? Dahil nasa bandang likuran ako. Lumapit ako sa pwesto niya. Kaya napunta ako sa bandang harapan. Narinig kong may sumipol.
Tapos na kasi ang basketball game. Kaya naman nasa may gitnang court na kami, at nakaharap talaga kami kila Bryle at sa team niya na nagpapahinga.
Itinaas ko ang mga kamay ko. May narinig nanaman akong sumipol.
"Continue." Sabi ko kay Dianne na nakataas ang kanang kilay. Ahitin ko pa yan eh.
After the stretching, pinag indian seat kami at in-orient about cheering squad, competitions and possible intermissions sa mga program dito sa school. Pero hindi ako sigurado kung ipagpapatuloy ko to. Si Bryle lang naman ang reason kung bakit ako sumali sa summer activities. Gusto ko lang mapalapit sa kanya.
"Okay, let's start!" Napatingin ako sa pwesto nila Bryle na nagpupunas ngayon ng mukha siguro dahil pinagpapawisan siya. Napanganga ako ng makita ko siyang uminon ng tubig. Ang gwapo lang. Akala mo commercial ng isang sikat na distilled water. Mag sisimula na ulit siguro ng panibagong game. "Miss Zeria?!" Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Dianne na nakapamewang, dun ko lang napansin na nakatayo na pala yung iba. Kaya tumayo na lang din ako. "Girls, kailangan maging alert kayo at nasa focus. Hindi yung kung anu ano ang pinagkakaabalahan niyo!" Litanya pa ni Dianne.
Umiling na lang ako.
Tumingin ako sa babaeng nasa gilid ko na nakatayo at nakatingin lang sakin. Kasali din siya sa cheering, pero hindi ko alam ang pangalan niya. Ngumiti siya sakin. "Hi! Ako pala si Jelly."
Tumango tango ako. "I'm Zeria."
"Tara na? Nandun na sila oh!" Ngumuso siya, at nakita ko yung iba naming kasama na palapit sa malalaking rubber mat. Kaya sumunod na din kami.
Ini-explain samin ni Dianne yung mga gagawin namin, hindi daw kasi dapat kami magmadali sa cheering. Baka daw manakit ang katawan namin kung bibiglain. Kaya parang laro lang yung ginawa namin, pero malaking tulong yun para masanay yung mga bones namin.
"Zeria!!" Nakita ko si Annie na palapit sakin. Kakalabas ko lang kasi sa shower room. "Tara, mag lunch na tayo."
"Okay." Tapus na kasi yung first session namin. Three to four hours lang naman kasi kada activities.
"Pwedeng sumama?" Tanong ni Jelly na bigla na lang sumulpot.
"Sure!" Mabait naman kasi siya eh. Siya lang yung nakakausap ko kanina.
"Transferee ka no?" Tanong ni Annie kay Jelly.
"Hmm, oo eh! Si Zeria palang ang friend ko."
"Talaga? Pareho pala kayong transferee eh. Ako si Annie. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Nice to meet you, Annie... call me Jelly."
"Wow! Cute naman ng name mo!" Sabi ni Annie.
"Nickname ko lang yan, Jillian talaga ang name ko. Jillian Sandoval."
"Saan pala tayo kakaen? May dala kasi akong lunch eh." Tanong ko sa kanila.
"Ako din naman eh. Ikaw Jelly? May dala ka din ba?"
"Oo, nag-prepare ng lunch yung papa ko."
"Talaga? Hmm, dun na lang tayo sa may sacred garden." Sabi ni Annie.
"Ang cool naman ng papa mo! Siya talaga ang nag prepare ng lunch mo?" Tanong ko kay Jelly ng makarating kami sa sacred garden na sinasabi ni Annie.
Kaya siguro siya sacred, kasi may groto pa dito ni Mama Mary. Puro puno at halaman pa, at may mga benches. Medyo tahimik din kasi konti lang yung nag o-occupy ng mga benches. Ang sarap din sa pakiramdam kasi puro huni ng ibon ang maririnig. I really love nature.
"Oo, siya kasi ang ama namin, at ina na din."
"Huh? Bakit?" Tanong ko.
"Hindi naman namin kasama yung mama ko eh."
"Nasan ba yung mama mo?" Tanong ni Annie habang binubuksan yung lunch box niya.
"Hindi ko din alam eh... bata pa lang ako, iniwan na niya kami ng kapatid ko. Simula nun, wala na kaming balita sa kanya." Napatigil si Annie sa pagbubukas ng lunch niya. Halos sabay kaming napatingin kay Jelly.
Bumuka ang bibig ko... pero wala akong masabi... kaya naman itinikom ko na lang. Nakatingin lang ako sa kanya, tumingin samin si Jelly at malungkot na ngumiti.
"Tara! Kain na tayo!! Gutom na ko eh!" Masiglang sabi ni Jelly.
"I agree!"
Nagsimula na kaming kumain, minsan mapapatingin ako kay Jelly. Kawawa naman siya. Pero buti na lang nandiyan pa din ang papa niya.
"Pasyal naman tayo. Bago pa lang kasi ako dito eh." Sabi ni Jelly.
"Hmm, may alam akong pasyalan."
"Talaga? Saan Annie? I-tour mo naman kami ni Jelly."
"Hmm, sa may Mutya."
"Mutya? Saan yun?"
"Tara na dun. Maganda dun, maraming mga puno ng mangga. Basta... dun din kasi nakatira si Bryle my loves!!!"
"Bryle your loves????" Nakataas ang kilay ko sa sinabi ni Annie.
"Yeah! My loves."
"Shut up!!" Nakanguso kong sabi.
"Wait! Don't tell me... may gusto ka kay Bryle my love??"
"To be honest, he's the reason why I choose to study here. Kung isa yan sa mga signs na gusto mo ang isang tao... then be it! He's my crush!"
(c) Eilramisu
Click the external link, para malama niyo po ang story ni Jillian 'Jelly' Sandoval.
SORRY PO SA MGA NAGHINTAY NG UPDATE =)))
I'LL TRY TO UPDATE TOMORROW =)))
GUYS! FAVOR, PAGAWA NAMAN AKO NG NEW COVER PARA DITO SA HWP, KASI PINALITAN KO YUNG CASTS EH =)) PLEASEEEEEEE. CHECK NIYO NA LANG SILA =)))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top