57th Plan


"Jane, pumunta ka dito." Utos ko sa kanya sa intercom.

Maya maya lang din eh pumasok na si Jane sa office ko.

"Ye--"

"Pakidispose to!" Inabot ko sa kanya yung folder ng wedding ni Jaeina. "Idelete mo lahat ng files niya sa database natin. Mag send ka ng cancellation sa lahat ng inemail ko. Pati yung mga bridesmaids niya, sabihin mo hindi na tuloy yung kasal."

"Ay... bakit po?"

"Sa atin lang. Well, ikakasal pa rin siya, but not under our service. Ibalik mo na rin yung down payment nila."

"O-okay po Miss Z." Nakayukong lumabas si Jane ng office. Saktong paglabas niya ang pagpasok ni Annie.

"Sakto namang kakausapin mo daw ako. At may sasabihin talaga ko sayo." Naupo si Annie sa sofa kaya nag punta ko dun at naupo na rin.

"Ano yun?"

"Ikaw muna."

"Plano ko kasing mag vacation after ng wedding ni Jaeina. Pero dahil nag back out si Jae satin, mas mapapaaga ang vacation ko."

"Bakit? I-i mean... san mo balak mag bakasyon?"

"Hindi ko pa alam. Wala pa kong plano kung saan."

"Dahil ba to kay Bryle?"

"Look, Annie. What I need is a break. Hindi mo ba ko nakikita? Alam mo yung pinag daanan ko. Eto ako oh. Lumubog yung kalahati ng katawan ko sa nakaraan. Pero okay na siya. Siguro panahon na para mag move on ako. Pagod na pagod na kasi ako."

"I understand, Z... kasama mo ba sila Tita?"

"No. Ako lang. Anyway, alam mo naman na siguro kung sino yung magiging in-charge?"

"Well... eh sino pa ba? Nandiyan naman si Jane. Habang nasa vacation ka, hihiramin ko muna siya sa'yo."

"About that, nasabihan ko na siya na iassist ka."

"Talagang naplano mo na."

"Oo no. As soon as possible gusto ko munang mag rest."

"Ilang araw ka naman mawawala?"

"Hmm... 153 days i guess?"

"WHAT? Zeria, alam mo ba kung ilang buwan yun?"

"Five."

"Yun na nga. Limang buwan ka mawawala?"

"Duh! Ngayon ko lang gagamitin yung vacation leave ko. Simula nung iopen natin to, hindi pa ko nakakapag bakasyon. Ngayon lang."

"Damn! Sobrang tagal nun. Pwede bang every other month na vacation?"

"Of course no. Mabuti na yung diretso. Para hindi sayang."

"Ipagkakatiwala mo sakin tong company for five months?"

"Why not? You're smart. Kayang kaya mo to. Besides, maliit pa lang to. Compared sa business niyo."

"Okay ka lang? Maliit pa ba to eh bigatin client natin! Mga sikat na tao. Nakikilala na tayo. Meron pa tayong mga wedding expo na aattendan."

"Matagal pa yun. Nakabalik na ko nun."

"Okay. Fine. Alam ko namang hindi ka na papaawat."

"Thanks Annie. Anyway... ano yung sasabihin mo sakin?"

Natigilan si Annie. Tumingin siya sakin pero sandali lang. Pilit yung mga ngiti sa labi niya

"I know that look. Just spill it out."

"Kasi... nung isang araw... nagkita kami ni Bryle."

Narinig ko pa lang yung pangalan niya, kumabog na ng husto yung puso ko.

"Then he invited me para dun na mag lunch sa bahay nila."

Don't tell me meron ding nangyari sa kanila? Argh! Zeria... wag madumi ang utak. Pakinggan muna yung kwento. Tapusin muna.

"Nakapag usap kami ng mama niya." Kinuha ni Anni yung bag niya sa kabilang sofa at binuksan yun. Para siyang may hinahanap na kung ano at tumingin siya sakin. Inabot niya yung maliit na sobre sakin

"What's this?"

"A letter? I don't know. Just read it."

'Good day, Zeria... gusto ko sanang mananghalian kasama ka. Para naman makapag usap ulit tayo. Hindi kasi tayo masyadong nakapag usap nung una nating pagkikita. Sana makapunta ka sa Racks Magallanes. Tuesday, 11am. Hihintayin kita. -Susan'

"Anong sabi?"

"Nothing important." Ibinulsa ko yung letter at tumayo na ko. "Maaga akong mag aout, Annie. May kakausapin akong client."

"Okay, Z. Tawagan mo ko. Kailan mo pala balak mag vacation?"

"Probably next month?"

"After christmas?"

"Before."

"So mag cecelebrate ka ng christmas at new year mag isa? Pati sa birthday mo, ikaw lang?"

"That's my plan."

"Hala siya. Hoy Zeria. Nakikita mo ba kung ano ginagawa mo sa sarili mo?"

"Oo naman. Mag so-soul searchi--"

"Masyado ng cliche yang soul searching soul searching na yan. Hindi naman totoo yan. Yang kaluluwa mo, nasa katawan mo na, nasa'yo na. Kaya hindi mo na kailangang hanapin pa. Kalokohan lang yang mga ganyan ganyan. Ewan ko ba kung bakit nauso yan."

"Annie... I'm doing my self a favor."

"Oo na. Sige na. Ikaw na. Basta babalik ka. Baka mamaya niyan, hindi ka na magpakita samin."

"Pwede ba yun? Eh di hinalugad ng nanay at tatay ko ang buong mundo!"

"Shett. Rich kid problem."

Ngumuso ako sa kanya at prenteng sumandal sa sofa. Nasa ganong ayos ako ng biglang may pumasok sa office ko... si Bryle. Nasa likuran na niya si Annie.

"Miss Z... sorry."

Matalim ang mga mata ni Bryle na nakatingin sakin.

"Can we talk? Just the two of us."

Bakas sa boses niya yung authority kaya naman tumayo na si Annie at kinuha yung bag niya.

"Z, just call me okay?"

Tinanguan ko lang siya at lumabas na sila ni Jane. Sinulyapan ko lang si Bryle at nakita kong papalapit siya sakin kaya tumayo na ko. At naglakad palayo sa kanya.

"Anong dapat nating pag usapan? Alam, sa tingin ko, tinadhana talaga kayo ni Jaeina. Bigla bigla na lang kayong pupunta dito ng walang pasabi. Alam niyo ba yung salitang appointment?" Pagkaharap ko kay Bryle, nakalapit na pala siya sakin.

Itinaas niya yung kamay niya at ipinakita sakin yung hawak niya. "Ano to? Huh?"

"Just state the obvious, Bryle. It's a check."

"Alam ko! Pero bakit?"

"Ibinabalik ko lang yung bayad niyo!"

"Hindi ko na kailangan to, Zeria! Bakit mo ibinabalik sakin huh? Gusto mo ba full payment? O kaya cash?" Mas lumapit sakin si Bryle. Kita ko yung galit sa mga mata niya at nakakaramdam ako ng takot.

"Sa tingin mo kailangan ko yan? Hindi rin, Bryle. Kung gusto mo, ipang down mo na lang yan sa bagong organizer na kukunin ng fiance mo!"

"Anong ibig mong sabihin?"

Natawa ako sa galit dahil hindi niya pala alam na nag back out si Jaeina.

"Funny. You know what Mr. Jimenez? Wag kang susugod sa anong giyera, lalo na at wala kang alam sa pakikipagdigma. Nagpunta dito si Jaeina kaninang umaga. Sa iba niya na lang ipapahandle yung kasal niyo."

"Good decision." Pabulong lang yung pagkakasabi ni Bryle, pero umabot sa pandinig ko. Nagpigil ako sa galit na naramdaman ko sa sinabi niya. Office pa rin to. Kaya rerespetuhin ko siya dahil naging client ko pa din siya. "Well then, you still deserve this." Ipinatong niya sa mesa ko yung cheke. "Bayad sa oras at pagod mo."

"Tao nga naman... nakatikim lang ng konting sagana, akala mo kung sino na para bayaran yung oras ng iba."

"Hindi ka pa rin nagbabago, Zeria. You're still a heartless spoiled brat I used to know."

"And what are you now huh? From an innocent good boy to a stupid rich jerk?"

"You made me, Zeria. Still remember those days that you were insulting me from head to toe? Those days that you used me for your own sake? Those days that you treated me like some of your living toy? The day that I almost die because of you?"

"And your mom, made me, Bryle." Hinawakan ako ng mahigpit ni Bryle sa braso ko.

"Wag mong idamay dito si Mama." Pahagis niyang binitawan yung braso ko. Hindi ko na ininda yung sakit ng pagkakahawak niya dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Siguro ganyang ganyan din magiging reaksyon mo kung noon ko pa sinabi sa'yo."

"Anong ibig mong sabihin?" Kung makakasunog lang ang tingin ni Bryle, siguro kanina pa ko naging abo.

"Lahat ng mga sinabi ko sa'yo noon, lahat yun nanggaling sa bibig ng mama mo! Lahat ng panglalait na sinabi ko sa'yo sa kanya ko nakuha yun! Tell me, nung panahong tayo ba may nagawa ba kong mali na hindi niya nagustuhan? Naging miserable ang buhay ko Bryle! Dahil yun sa mama mo! She wanted me to stay away from you. Bakit hindi mo siya tanungin? Lumaki ako sa takot. Dahil hanggang ngayon, sinisisi ko yung sarili ko sa pag kakaaksidente mo. I saw how you love and treasure your mom, at hindi ko kayang makita na mabahiran yung relasyon niyo."

Tumagilid sakin si Bryle at nakita ko yung pag clench ng kamay niya.

" Nung mga panahong gumagawa ka ng paraan para yumaman ka... gumagawa naman ako ng paraan para mabuhay ako."

Tinignan niya ko ng masama at lumabas siya ng office ko. Pag kasarado ng pinto, nagbagsakan lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top