55th Plan

Dahan dahan akong ibinaba ni Bryle. Tinignan ko siya at nilapitan ko si Zylen na nakatayo pa rin sa pinto. Halata sa mukha niya yung gulat dahil nakita niya kami ni Bryle sa ganong ayos.

Lumabas ako ng unit at sumunod siya sakin.

"Napadaan ka..."

"What's exactly happening?"

"W-what do you mean?"

"Come on, Zeria... diba siya si Felix? Yung fiance ng kaibigan mo?"

Tinignan ko si Zylen ng masama at umiwas din ako agad ng tingin dahil tama siya.

"You're right..."

"Then why is he here?"

"What's wrong with that?"

"Ask yourself instead."

"Just tell me why you're here so you can go."

"I just wanna see you. I just wanna know if you're okay."

"I am all right. Thanks." Tinalikuran ko na siya at akma akong papasok ng unit ko pero pinigilan niya ko.

"Look at yourself... you look like a waste. Zeria, fiance yun ng kaibigan mo oh!"

"What's your point huh?"

"My point is... you are betraying your friend."

"We are just painting the walls. He's just helping me."

"He's helping you, yes. Pero you don't have to ride on his shoulder."

"Now, you are putting malice. You are judging us."

"And you are pretending. Pretending that there's nothing really going on between the two of you."

Hindi ako nakaimik sa mga binitawang salita ni Zylen kasi tama siya. Tama siya.

"Now what, Zeria? Don't tell me kahit ikasal na sila ipagpapatuloy mo pa rin yan, kung ano mang merong namamagitan sa inyo."

"You don't know anything about me, Zylen. Stop talking as if you are a saint."

"Im just concerned about you!"

"Then stop being concerned!!" Hindi ko napigilan yung sarili ko na mag taas ng boses.

"I thought you were different, Zeria. But hey, I am wrong. Ang taas taas ng tingin ko sayo. Pero ngayon..." tinignan ako ni Zylen mula ulo hanggang paa. Kita sa mukha niya yung disappointment.

"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo Zylen. As long as you are not affected to whatever I am doing, I don't care. Fine, judge me all you want."

"So what now, huh? Are you practicing to be a mistress? Don't worry... you are already good at it."

Sinampal ko ng malakas si Zylen. Sobra na kasi yung mga lumalabas sa bibig niya. Sino ba siya sa palagay niya?

"Wala tayong ugnayan sa isa't isa. Ni hindi nga kita kaibigan. You're just a stranger trying to get a place in my life. Hindi mo alam yung mga pinagdaanan ko. Kaya wala kang karapatan sa mga salitang binibitawan mo."

"Tama ka. Wala tayong ugnayan. You're not even considering me as your friend. I thought you are smart. But then again, I'm wrong. You know what is right and what is wrong. You're being a bitch."

Pagkasani ni Zylen nun nagulat na lang ng may sumuntok sa kanya. Hindi ko namalayan na lumabas pala si Bryle.

Gumanti ng suntok si Zylen kaya nagsimula na silang mag palitan ng suntok.

"Tama na! Bryle... tumigil na kayo." Sinusubukan ko silang lapitan pero pareho silang aggresive.

"Gago ka! Wala kang karapatang tawagin sa Zeria sa kung anu anong pangalan."

"Mas gago ka pre!"

"Bryle Zylen! Tumigil na kayong dalawa! Ano ba?"

Nakatawag na rin kami ng atensyon sa ibang unit. May mga lumabas na mga lalaki at inawat si Bryle at Zylen.

"Ikaw! Tigilan mo na si Zeria!"

"At ikaw ano? Hindi mo siya titigilan?"

"Wala kang pakialam saming dalawa."

Nagpumilit na makawala si Zylen sa mga lalaking humahawak sa kanya. Ganon din si Bryle.

"Nakakaawa kayong tignan. Ang bababoy niyo. Bulag ka ba Zeria? Hindi magpapakasal sa iba yan kung ikaw yung gusto niya."

Nagtinginan yung mga tao samin. Yung tinging mapanghusga. Pagkatingin ko kay Bryle, nakatingin din siya sakin. Akma sana siyang lalapit sakin pero pinigilan ko siya.

"Leave me alone." Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Patakbo akong pumasok sa unit ko at sa kwarto. Nilock ko yung pinto ng kwarto at iniharang yung side table ko at pasalampak akong nahiga sa kama.

Halos hindi na ko makahinga sa kakaiyak. Wala na ring luhang lumalabas sa mga mata ko. Pagod na pagod na kasi ako. Kailan ba dadating yung time na mamamanhid ako?

Oo. Kasalanan yung mga ginawa namin ni Bryle. Inaamin ko yun. Alam kong bawal yun.

Napagdesisyunan ko na Tuesday na lang ako papasok. Sa dalawang araw na nagdaan, para akong walang buhay. Sa umaga lang ako kakain, at tulog maghapon.

Pagkapasok ko sa office, nakasunod na sakin si Jane.

"Miss, okay lang po ba kayo?"

Nginitian ko si Jane at tumango ako.

"Himala po ata, wala kayong flowers ngayon."

Wala talaga... at hindi na masusundan pa yun. Lalo na ngayong ang baba baba na ng tingin sakin ni Zylen. Ano pa bang aasahan ko.

"Pagkatapos kong maayos yung wedding ni Jaeina, magleleave ako for one month. Annie will be incharge. And I want you to monitor everything. We'll do skype. Ikaw lang ang kakausap sakin at kakausapin ko. Icheck mo yung monthly report. Aalalayan mo si Annie since busy pa rin siya sa negosyo nila."

"Ay. Saan po kayo pupunta, Miss?"

"I still don't know. May meeting ba ko today?"

"Wala po."

"Okay. Pakicheck yung email ko. May mga sinend ako nung Saturday. Nakalimutan ko na. Ifollow up mo na lang."

"Yun lang po ba?"

"Yes. You may go now."

Pagkalabas ni Jane sa office ko, humarap agad ako sa glass panel kung saan tanaw ko lahat ng buildings.

"Hi sweetheart."

Nung marinig ko ang boses ni daddy patakbo ko siyang nilapitan at niyakap. Kahit na nag tataka siya at nag aalalangan, niyakap niya din ako. Hindi ko napigilang maiyak sa mga balikat niya. Hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sakin at ibrinush niya niya daliri niya sa mga buhok.

"Is there something bothering you?"

Umiling lang ako at niyakap ko pa din siya ng mahigpit.

"I just miss you. Ang laki ng pagkukulang ko sa inyo." Bumitaw si daddy at lumayo ng konti sakin.

"Ssshh. We understand you sweetie. Tara, let's go somewhere."

Kinuha ko yung bag ko at sumama ako kay daddy. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Namiss ko siya. Namiss ko sila ni mommy. Habang papunta kami sa parking lot, may tinitext siya.

Dumaan kami sa shakey's at nagtake out siya ng pagkain. I think we are heading Ninoy Aquino Parks. I am somehow familiar with the place kasi may ilang client na din ako na dito ishinoot yung prenup.

Nung makapag park na si daddy, bumaba na kami. Inakbayan niya ko habang naglalakad kami. Malapit na kami sa may lagoon ng matanaw ko si mommy at si Harvey na nakaupo sa blanket. Napangiti ako dahil kumpleto pala kami. Sinalubong ako ni mommy at niyakap ako.

Ngayon na lang ulit kami nagkakwentuhan ng matagal nila mommy at daddy. Sobrang saya ko kasi nakasama ko ulit sila. Siguro nga malas ako sa ibang bagay. Pero kung sa pamilya lang din naman, ang swerte swerte ko. Nakakahiya pa dahil anniversary pala nila. Nawala talaga sa isip ko. At si Harvey... nagkakagusto na siya. Haaay. Ang dami kong namissed sa kanila. Masyado akong nagpakabusy sa business ko. Nakalimutan ko na meron nga pala kong pamilyang masasandalan.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top