54th Plan
Nagising ako na nasa kama na. Inikot ko yung paningin ko at nakita ko si Bryle na nakatayo sa sa may gilid ng pinto. Seryoso siya at naka-crossed arms.
Napansin niya siguro akong gumalaw kaya nagpunta siya sakin at nakangiti na siya.
"Good morning!" Hinalikan niya ko sa noo at nilagay sa likod ng tenga ko yung mga buhok na tumatakip sa mukha.
Nginitian ko lang bilang tugon.
"Halika na. Marami pa tayong gagawin dito. Nakaready na rin yung breakfast."
Tumayo ako nagpuntang cr. Tinitigan ko ang sarili kong reflection sa salamin. Alam kong mali to. Alam ko pangtatraydor to. Pero promise. After nito ako na mismo ang iiwas. I'll just enjoy whatever I am experiencing right now. Kahit na ang baba na ng tingin ko sa sarili ko tatanggapin ko. I've never been this happy.
Pagkatapos kong mag shower, nag soot lang ako ng maluwang na sando at cotton shorts. Panay ang pag aasikaso sakin ni Bryle habang kumakain kami.
"Anong sisimulan nating pinturahan?"
"Hmm. Siguro yung kwarto muna, then yung bathroom ko, tapos etong kusina, yung isang kwarto, tapos living room."
"Ikaw lang dapat lahat gagawa nun?"
"Yep."
"Kaya mo?"
"Oo. Three years ko ng ginagawa yun. Yearly kasi nag papalit ako ng color ng walls."
"Ilang araw mo bago natatapos?"
"Isang araw lang."
"Seriously?"
"Ah huh. Nakakatanggal ng stress ang pagpipintura."
"Umm speaking of stress... Ze--" naputol ang pagsasalita ni Bryle dahil nag ring yung phone niya. "Excuse me." Tumayo siya at lumayo sakin.
Baka si Jaeina yung tumawag. Tumayo na rin ako at inilagay sa lababo yung pinagkainan namin. Mamaya ko na lang huhugasan.
Kinuha ko yung mga pinturang binili ni Bryle. Meron din pala siyang biniling manila paper, paint roller, paint brush, tape para sa linings, at gloves.
Inayos ko na yung pintura at dinala ko lahat sa kwarto ko. Nilatagan ko ng manila paper yung mga gilid. Para pumatak man yung paint, hindi mapatakan yung mismong sahig. Inusod ko na rin yung nga gamit ko na nakadikit sa wall.
Nakapag simula na kong magpintura, pero hindi pa rin tapos si Bryle sa pakikipag usap niya. Sobrang importante naman ata nun. Mag tu-20 minutes na siyang nakikipag usap.
Napangiti na lang ako ng mapait dahil naisip ko na wala nga pala kong karapatan magtanong kung sino mga kausap niya. Wala kasing kami.
Nagsimula na kong magpintura gamit yung roller. Since flat surface naman yung wall ko. Kinakadkad ko lang yung wall pag merong nakaangat na pintura or yung mfa nag babubbles na.
Naalala ko yung unang beses kong pininturahan tong unit. Nagsimula ako ng alas siyete ng umaga at natapos ako ng ala una ng madaling araw.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin sa likuran.
"Ang daya mo naman eh... hindi mo ako hinintay."
"M-may kausap ka pa kasi. Kaya nagsimula na ko. Baka importante din yung tawag sa'yo."
Hinalikan ako ni Bryle sa kaliwang pisngi ko at bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin. Kinuha niya yung roller at nagsimula na rin siyang mag pintura.
"Magkano pala lahat ng mga ipinamili mo? Para macheck ko kung may cash akobat makapag withdraw kung kulang." Hindi kasi ako nasanay ng laging merong malaking halaga na cash. Usually ang pinaka malaki kong cash eh five thousand lang. Laging savings and debit card ang ginagamit ko pag namimili ako. Wala din akong credit card.
"Leave it on me."
"No. I insist. Mukha kasing ang dami mong pinamili. And sa tingin ko malaking halaga din yun."
"Zeria... maliit na halaga lang yun. Hindi naman yun kawalan sakin. Don't worry."
Natahimik ako dahil parang merong laman yung mga sinabi niya. Nagpatuloy na lang ako sa pag pipintura habang nakakabinging katahimikan, dahil walang nag sasalita saming dalawa.
Natapos na pala namin ni Bryle yung wall ng kwarto ko at banyo ng hindi masyado nag uusap.
Color light brown yung wall at mocha brown yung border. Gusto ko naman kasi earth tone color.
Paglabas namin sa banyo, naalala ko yung mga gamit ko sa terrace. Hindi ko pala naipasok kagabi. Kaya nag mamadali akong ipatong yung roller sa takip ng pintura.
"Is there a problem?" Tanong sakin ni Bryle. Nilingon ko lang siya at umiling ako.
Nasa right corner kasi ng terrace yung table dun. Kaya hindi kita.
Kinabahan ako ng makita ko yung table na walang laman. Tumingin ulit ako sa loob ng kwarto, at nasa likod ko na pala si Bryle.
"Are you looking for your things?"
Malungkot akong tumango sa kanya.
"Nilagay ko sila sa cabinet mo." Tinuro niya sakin kung saang cabinet niya nilagay. "Wag ko na munang masyadong intindihin yun. You know what I mean, Zeria."
Iniwan ako ni Bryle na nakatayo sa terrace at dinala yung mga pintura sa kusina. Kinuha ko yung mga manila paper at sumunod ako sa kanya.
Habang pinipinturahan niya yung kusina, nag hahanda ako ng lunch namin. Habang kumakain kami, wala pa ring nagsasalita samin.
Alam kong bumalik ulit yung nakaraan. Siguro sa isip niya, hinuhusguhan ko pa rin siya.
"Bryle... about what I've said earlier..."
Pinisil niya yung pisngi ko at sinenyasan ako na tumahimik. Kaya hindi na ko ulit nagsalita.
Natapos na namin yung kusina at isa pang kwarto kaya sinimulan na namin yung living room.
"Meron ka bang kahoy diyan or pbc?"
"Wala ata. Para saan mo gagamitin?"
"Hindi kasi natin maaabot yung bandang taas. Maiksi tong roller para dun."
"Hindi rin ba kaya kung tutuntung tayo sa stool?"
"Matatagalan tayo, tutuntong tayo, tapos mag pipintura, tapos bababa ulit at iuusod yung stool kasi hindi natin maaabot yung ibang side."
"Wait, I'll just check the kitchen baka meron sa ilalim ng sink."
"No. I have a better idea."
"What is it then?"
"Let's just paint whatever we can. Mamaya na yung portion na hindi natin maaabot."
Sinunod ko yung sinabi ni Bryle, since mas matangkad siya, napipinturahan pa rin niya yung mga hindi ko abot, para atleast pumantay. Natapos na namin ang buong living room. Except dun sa mga hindi namin abot.
Lumapit sakin si Bryle at tinanggal yung pagkakatali ng buhok ko.
Sinuklay niya yung buhok ko gamit yung mga daliri niya. Tapos itinali niya yun.
"Bakit ang hilig niyo sa messy look na buhok?"
"Not me." Baka nagulo na lang yan kasi ang dami na nating ginawa.
"Can I ask you?"
"What is it?"
"What happened to our pig?"
"Are you talking about oinky poinky?"
"Exactly."
"She's still in good condition. Matanda na nga lang at sobrang taba. Kaya laging nakahiga."
"I wanna see her."
"Okay then. Kaso nasa Alabang siya eh."
"Next time na lang siguro."
Tumalikod sakin si Bryle at lumuhod. Tumingin siya sakin at tinapik yung balikat niya.
"What are you waiting for? Hop in."
"Are you insane?"
"Im not. Dali na, sumakay ka na. Para mapinturahan mo yung taas."
Wala akong choice kaya sumakay ako sa balikat ni Bryle. Napatili ako nung tumayo siya dahil gumewang kaming dalawa.
Medyo naoawkward ako kasi nakasakay ako sa balikat niya tapos nakahawak pa siya sa legs ko.
Sa bagay, mahigit pa sa hawak niya sa legs ko yung ginawa namin.
"Bryle!!" Nagulat kasi ako ng bigla niyang halikan yung legs ko.
"What?"
"Stop it!"
"I'm not doing anything!"
"Then stop doing nothing!"
Tawa lang siya ng tawa at pinag hahalikan pa rin niya yung legs ko.
Natapos na ko sa pagpintura. Nung ibababa na niya ko, biglang bumukas yung pintuan at iniluwa nun si Zylen.
(c) Eiramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top