50th Plan
Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na magluluto sa unit ko si Zylen ngayon. Nagpapaabot ako ng alas otso ng gabi sa office kahit nakatunganga lang ako.
Naguguilty ako at gusto ko sana siyang tawagan... kaso hindi ko alam yung cellphone number niya.
Halos takbuhin ko na yung unit ko pagkalabas ko ng elevator. Naka lock yung unit ko. Pagkapasok ko, nakapatay yung ilaw pero bukas yung sa kitchen kaya nagpunta ko dun.
Akala ko nandun pa si Zylen... pero may nakita lang akong pagkain na may cover pa sa counter at may note na nasa ibabaw. Nilapag ko yung mga gamit ko sa stool at kinuha ko yung note.
'I know that you're busy. I also know that you're already tired. But please, try to eat this. Hope you like it.' -Zy
Nilagay ko na lang sa ref yung mga pagkaing niluto niya. Wala akong ganang kumain. Baka kahit pilitin kong kumain at masarap yung niluto niya eh hindi ko rin maappreciate dahil wala talaga kong ganang kumain.
Nagpunta ko sa kwarto at naghubad. Gusto ko kasing magbabad sa tub. Tapos warm water and rose petals. Isa to sa mga stress reliever ko. Binuksan ko muna yung turntable. Hay... gusto ko lang makalimot kahit sandali lang.
Pagkalublob ng katawan ko sa maligamgam na tubig, parang nawala lahat ng pagod ko. Yung mga problemang iniisip ko... si Jaeina... si Bryle. Napapikit ako at bumalik lahat ng memories namin.
Yung unang pagkikita namin, yung pagbuhat niya sakin, yung pag aaway namin, yung lagi niyang pagsalo sakin dahil lagi akong nadudulas o natatapilok, yung pag hipan niya sa mukha ko... yung memories namin sa Mutya. Yung foundation day. Yung sabay kaming maglalunch at hindi niya ko pinagdadala ng baon kasi para saming dalawa na yung dinadala niya. Yung first monthsary namin...
Akala kong may nangyaring masama sa kanya... pero may surprise lang talaga siya. Tapos si oinky poinky... he was my first love... my first kiss... and my first heartbreak. Nangyari lahat ng yun sa maiksing panahon... pero hanggang ngayon dinadala ko pa rin yun. Yun yung memories na hindi ko mabitawbitawan. Dahil sa maiksing panahong yun, pakiramdam ko, sapat na yun para maging masaya na lang ako dahil merong naging kami.
Naramdaman ko yung mainit na tubig na tumutulo sa pisngi ko.
Gusto ko lang naman maging masaya yung mga mahal ko... instead na sila yung mahirapan, gusto ko ako na lang. Sana from the start naging makasarili na lang ako.
Binuksan ko ang faucet sa tub at nilubog ko ang buong katawan ko. I just wanna be happy... free from all the pain.
'Ginamit lang kita Bryle. Listen, masama ang loob ko kila mommy at daddy. Ang sabi nila sakin, vacation lang. Pero tignan mo nga! Dito ako nag aaral. Nagtityaga akong mag aral sa probinsya! Wala akong opportunity dito. Hindi ito ang nakasanayan ko, akala ko pag may ipinakilala akong boyfriend sa kanila na... na kagaya mo, mahirap. Magagalit sila at ibabalik nila ko sa Manila. Pero hindi nila ginawa yun kahit na tutol talaga sila, kasi alam nila na may kasalanan sila sakin! Hindi ka nakatulong Bryle. Hindi nag work ang mga plano ko, wala kang silbi sakin. Kaya hindi na kita kailangan.'
"H-hindi totoo yan Zeria. Ramdam ko. Nung kinausap ako ng daddy mo, alam kong hindi sila ganong klase ng tao. May nagawa ba kong mali Zeria? Sabihin mo sakin, para makabawi ako. Para alam ko..."
'Lahat ba kami dito idadamay mo sa schemes mo? Tama na yung ako lang... wag ka ng mandamay pa ng iba. Hindi ka na dapat nagpapakita pa dito. Dahil yan sa ugali mo.'
"Zeze... Zeze sorry! Sorry na please? Kung may nagawa man akong mali, sorry na. Kakausapin ko ang mommy mo."
'Tama na Bryle. Hindi mo ba talaga naiintindihan?'
'Paano ko maiintindihan Zeria?! Narinig ko kayong nag uusap kanina ni Ma'am Ella. Sinong hindi maguguluhan dun? Ano ba talaga Zeze? Aalis ka nga ba talaga kaya ginawa mo sakin yun? Handa naman akong hintayin ka. Handa naman akong mag tiis. Okay lang sakin kung aalis ka, basta wag mo lang akong hiwalayan. Basta meron lang akong pinanghahawakan na sakin ka pa rin. Na tayo pa rin, na may karapatan pa rin ako sa'yo kahit na malayo tayo sa isa't isa.'
'Bryle! Bryle... hindi mo ba naiintindihan? Aalis ako dahil sa nangyari, eto na oh. Makukuha ko na yung gusto ko. Salamat sa'yo Bryle. Kasi dahil yun sa'yo.'
'Hindi ako naniniwala Zeria!'
'Ano pa bang hindi mo pinaniniwalaan? Matalino ka Bryle! Matalino ka kaya wag kang mag pakatanga sakin!'
Naramdaman ko na biglang may humawak sa braso ko... sobrang higpit. At bigla akong hinila.
Napahinga ako ng malalim dahil kinapos ako ng hangin. Ubo rin ako ng ubo at hindi ko napigilan na mapahagulgol na lang. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ko dahil bigla akong nagising or dapat akong mainis at magalit dahil buhay pa ko.
Napansin ko na konti na lang yung tubig sa tub at nagulat ako ng biglang may bumalot na towel sa katawan ko.
"Balak mo bang magpakamatay Zeria?! Nasisiraan ka na ba ng baet?!"
"W-what are you d-doing here?"
"I am fucking checking on you!"
"W-why?"
Binuhat niya ko at dinala sa kama. Nakatitig lang ako sa kanya habang buhat buhat niya ko. Hindi siya nagsasalita. Ni hindi niya ko matignan ng diretso. Pagkalapag niya sakin sa kama, binuksan niya yung pinto ng walk in closet ko. Hinayaan ko lang siya mag hanap ng kung ano man. Pakiramdam ko kasi nanghihina ako. Lumapit siya sakin at binihisan ako ng oversized shirt. Kinuha niya sakin yung towel at pinunasan yung buhok ko. Parang sanay na sanay na siyang gawin to.
Nagpunta siya sa paanan ko at isusuot na sana yung underwear ko pero pinigilan ko siya.
"A-ako na..." Nag init ang pisngi ko nung kinuha ko sa kanya yun. Nagpunta siya sa likuran ko para ayusin yung mga unan. Nag soot na ko ng panty, since nakatalikod naman siya sakin.
"Mahiga ka muna." Bakas sa boses niya yung pag kocommand. Nakagat ko ang labi ko ng inalalayan niya kong mahiga. "Magpahinga ka na muna." Kinuha niya yung towel at lumabas na siya ng kwarto ko.
Nag unahan nanaman sa pagpatak yung mga luha ko. Hindi ko alam kung anong plano sakin ng Diyos.
Nananaginip nanaman ba ko? Isa nanaman ba tong ilusyon? Sana tama na... pagod na pagod na ko. Pagod na kong umasa.
Pumikit ako ng madiin. Baka pag mulat ko, nasa tub pa rin ako. Pero walang nagbago... napatingin ako sa pinto dahil bumukas yun.
"Hindi ka pa kumakain. Hindi mo man lang ginalaw yung pagkain na niluto para sa'yo." Naupo siya sa kama. Bumangon ako at sumandal sa headboard. Tinanggal niya yung takip ng bowl at naamoy ko yung mushroom soup na niluto niya.
Tahimik lang kaming dalawa habang pinapakain niya ko. Inabutan niya ko ng tubig, pagkainom ko ibinalik ko na sa kanya.
Nung susubuan niya ulit ako, naglakas loob na kong tanungin siya. "Why are you here? Why are you doing this?"
"Look, Zeria... let's just say na hindi tayo okay. Na galit ako... but it doesn't mean na hahayaan lang kita. I'm not stupid as you to let a stranger in and out of my unit. Babae ka, lalaki ako. Lalaki siya... what if gawan ka ng masama? Kaya mo bang ipag tanggol ang sarili mo?"
"Why Bryle?"
"I don't know. Let me ask you, too... are you trying to kill yourself?"
Marahan akong umiling biglang sagot.
"Then why are you drowning yourself?"
"I'm not... I-i fell asleep. Why are you here?"
"Will you please stop asking me the same question?"
"I-i was just... I-i just wanna say thank you. Thank you for taking care of me."
Napailing na siya at sinubuan ulit ako. Naubos ko yung mushroom soup na niluto niya. Pagkainom ko ng tubig, tumayo na siya at tumalikod sakin. Tinawag ko siya nung nakahakbang na siya.
"I know it's too much but... can you do me a favor?" Humarap siya sakin at hinintay akong magsalita ulit. "C-can you... can you stay here with me? Just this night." Nakagat ko ang labi ko dahil wala akong response na nakuha mula sa kanya. Lumabas na siya ng kwarto. Kaya nahiga na lang ako at tumalikod sa pinto.
Stupid of me... why did I even ask him? Nagbalot ako ng kumot at pumikit na. Hindi na lang muna ko siguro papasok bukas.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top