49th Plan

"Ang tagal mo naman bumalik." Sabi ni Jae kay Bryle.

"Phone calls." Naupo si Bryle tapos kumain na siya.

"Zeria, busy ka ba mamaya?" Tanong sakin ni Zylen.

"Uum. May meeting pa kami nila Jae mamaya, about their wedding."

"How about dinner? Sa unit ko?"

"Ha?"

"Sige, ganito na lang... magluluto ako ng dinner, sa unit mo. Please?"

"Sige... ikaw bahala. Kaso baka late na ko makauwi."

"Eh di late dinner."

"Pumayag ka na, Z. Iisa lang naman kayo ng building no. And, Zylen seems like nice guy." Segunda ni Jae.

"Okay. Papahiramin na lang muna kita ng spare key."

"Yes!"

"Marunong kang magluto, Zylen?" Jae asked.

"Ahuh. Mag isa lang kasi ako, kaya natuto ako sa mga house chores."

"Buti ka pa. Ako, walang alam sa house chores. Pero mag aaral ako para kay Felix. Nakakahiya kasi. Mas marunong pa siya sakin. Y'know, husband material."

"Uum, Jae, kailangan ko ng bumalik sa office.."

"Sure. Sabay na kami ni Felix. Gusto ka kasi naming kausapin about sa wedding namin."

Tinignan ko lang silang dalawa tapos ngumiti ako.

"Let's go." Sabi ni Bryle. Nag ipit lang siya ng three thousand bill sa plate.

Nang makapasok kami sa kotse ni Zy, naka hawak lang siya sa manibela, pero hindi pa niya inistart yung makina.

"Buti hindi nakakahalata si Jaeina."

Napatingin ako kay Zy dahil sa sinabi niya.

"Pardon?"

"Hindi ko alam kung nasobrahan lang ako sa pag oobserve... pero mukhang merong kakaiba sa inyo ni Felix"

"H-huh?"

"You can't hide it from me. I know that kind of look. Ganyang ganyan din kasi yung nakikita ko sa mata ng bestfriend ko... pag tinitignan niya yung ex niya. Pure pain."

Tahimik lang ako hanggang makarating sa office.

"Hindi na kita mahahatid sa loob ng office mo. May kailangan pa kasi akong daanan."

"It's okay. Here's the key." Pag kaabot ko ng susi, bumaba na ko.

Pag kapasok ko sa loob ng building, nasa lobby lang si Jae at si Bryle.

"Let's go." Nauna kong maglakad sa kanila... ayokong makita na nakapulupot yung kamay ni Bryle sa bewang ni Jaeina.

"Good afternoon, Miss Z." Bati ni Jane.

Diretso ako sa table ko pag kapasok ko ng office.

"Please sit down."

Naupo na din si Jaeina at si Bryle, nanatiling nakatayo. Tapos diretso pa siyang nakatingin sakin.

"Okay... I'll start. Z, napag usapan kasi namin ni Felix yung about sa wedding namin. We decided to move the date early next year. But the preparation is still on. Para lang naman hindi ka mapressure since hindi nga ako nakakapunta dahil sa dami ng commitment ko. Para din you still have time with some of your clients. Don't worry, nandito naman si Felix... siya muna yung makikipag cooperate sa'yo."

"No problem with that. Probably on first week of December, naka finalize na yung details ng w-wedding niyo."

"Sorry, Z ah... ang hectic kasi ng schedule ko. Pero pag vacant ako, mag papa-appointment agad ako."

"Okay lang naman yung ibang details kung hindi agad maasikaso ngayon. Ang mahalaga lang naman eh yung mga papers niyo, pero naprocess na yun, dont't worry. Tapos yung pag attend niyo ng seminars. Importante din yung reservation ng venue. And we also have to finalize the number of guests. Because we have to consider it in choosing a venue."

"I already have the list of guests. 200 ata yun. Anyway, I'll just send it to you. I'll leave every details on you. Basta ang gusto ko, burgundy and silver."

"Yeah. Maybe at the end of this month, isesend ko sa'yo yung illustrations ng highlight ng wedding mo. From walking on the aisle to your first dance as husband and wife."

"Z, I really want you to be my maid of honor. What should I do?"

"Nothing. Y'know I can't."

"Eh di ipagawa mo sa iba yung dapat mong gaw--"

"Hndi pwede, okay?"

"Alright, alright. Nagbabakasali lang naman ako na lumusot. Anyway, I really want a garden wedding with a big lagoon or lake on it. Hapon yung ceremony. Para maging romantic yung ambiance."

"I thought you wanted a church wedding?" said Bryle.

"Yeah. But, change of plan."

Napatingin ako sa door ng office ko nung biglang bumukas yun.

"Z... these are--oops." It was Annie. "Sorry. Didn't know you're on a meeting." Napatingin siya kay Bryle tapos tumingin siya sakin tapos bumalik yung tingin niya kay Bryle.

"Hi Annie!" Jae greeted.

"Oh. My. Gosh. Bryle? Felix Bryle Jimenez?"

"Annie.."

"Aaaaaah!!! Bryle!!!!" Halos tinakbo ni Annie yung distansya nila ni Bryle at niyakap niya ko.

"Damn! Long time no see! It's been almost a decade since the last time I saw you."

Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Bryle na abot mata ang mga ngiti niya. Masaya talaga siguro siya na makita ulit si Annie. Contrary on what he feels towards me.

"So, if you two are classmates... ibig sabihin naging classmate mo din si Felix, Zeria?" Napatingin ako kay Jaeina na halatang nagulat sa reunion ni Annie and Bryle. Hindi ko naman siya masisisi.

"Maybe? I can't remember. I-ilang months lang naman kasi ako nun, di ba?"

"She's right, hon. Hindi ko nakilala si Zeria. Small world! Siya pala yung naging classmate ko, yung bigla na lang nawala." Sige lang Bryle.... hindi kita masisisi kung bakit ganyan ka sakin. Biktima ka rin...

"Sa bagay. Oo nga pala. Nakwento sakin ni mommy yung tungkol dun. Hindi ka kasi nagkukwento sakin tungkol dun sa naging school mo. Basta ka na lang din pala nag stop ng one year, then nag home schooled ka na. Dapat kaya ahead tuloy kami ni Annie sa'yo ng one year."

Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa way ng pag kaka narrate ni Jaeina sa buhay ko. Hindi ko alam kung nagkukwento lang siya or what. Pero ang layo kasi sa usapan. So para masingit lang na nag stop ako. At talagang ngiting ngiti pa siya kung mag kwento.

"Tinamad lang mag aral yan, Jae. Y'know, rich kid problem." Alam talaga ni Annie kung pano ako sasaluhin sa mga ganitong usapan. Napansin niya rin siguro yung. Pagtataka sa mukha ni Bryle. "I almost forgot, Z, may meeting tayo."

"Ngayon na ba yun?"

Tumango lang si Annie bilang pag sang ayon.

"Oh we don't want to disturb you na, Zeria. I'll just call Jane na lang to get an appointment as soon as I'm free from commitments."

"It's okay. I'll just send you the illustrations as soon as I finish all the deets, small to big."

Lumapit si Annie  kay Bryle at niyakap niya to.

"Namiss kita Bryle... let's hang out soon."

"I'd love to, Annie. Oh... here's my business card. Just call me whenever you're free."

Napansin ko na hinawakan ni Jae si Bryle.

"Sorry to interrupt but Felix we have to go."

Tinignan lang ni Bryle si Jae tapos tumango lang siya.

"It's nice seeing you again, Annie... Zeria."

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top