48th Plan

"Miss Z, meron po ulit kayong two bouquet of roses. Red and white."

"Ikaw ng bahala Jane."

Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. It'a been a week. Since that night, after naming makauwi ni Bryle, wala na kong balita sa kanya. Even with Jae. Hindi na lang ko nag follow up sa kanila. Ako na lang yung nag decide ng venue and catering para sa wedding nila. Pero hanggang dun lang. Wala akong lists ng mga kasali sa entourage. The rest of the details of their wedding... hindi na ko pwedeng mag decide nun. Dahil una at panghuli sa lahat... hindi naman ako ang ikakasal. .

Pinalagay ko kay Jane yung files nila Jae sa archive. Hindi ako tanga at gaga para ako yung maghabol at mag follow up ng kasal nila. Kung ayaw nila magpakasal, di wag. Para namang ako ang lumapit sa kanila at nagsabing magpakasal sila.

Kung anu ano lang ang iniscribble ko sa planner ko. Wala akong maisip. Walang ideang pumapasok sa utak ko.

"Tsk. Poor little roses."

Napaangat ako ng ulo dahil sa gulat ko. And it also sounds familiar.

"What are you doing here?"

"Am I not allowed here?"

"It's just that... okay. I'm not expecting you here."

Lumapit siya sa table ko at prenteng naupo sa isa sa mga chair sa harapan ko. Nagdekwatro pa at ipinatong yung buong braso niya sa table ko at humarap siya sakin.

"You should always expect the unexpected."

Tinaasan ko siya ng kilay... at kindat ang iginanti niya sakin.

"Pano ka nakapasok? You don't have an appointment, mister-whatever-your-name-is. You should atleast have a decency to talk to my assistant."

"Oh! That? Nevermind. She's to busy arranging the roses I've sent to you."

"So you're really taking 'trespassing' seriously huh!"

"Don't be mean. I came here as a client."

"Spill it out, Zylen. Wala akong oras para sa paligoy ligoy."

"Tara! Lunch date?"

Tinaasan ko ulit siya ng kilay. May pag ka straight to the point din naman siya.

"I'm busy. Maybe next time."

"Please? My treat."

"Marami akong ginagawa, Zylen. Wala ka namang appointment sakin."

"Let's go." Tumayo siya tapos inangat niya yung shoulder bag ko na nakapatong sa gilid ng table ko. "Is this yours? Ako na magdadala."

"Zylen!!"

"What? I'm being a gentleman here."

"Argh! You're so persistent!"

"Not really... pag gustong gusto ko lang. Eh gustong gusto kita."

Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos umiling ako.

"I won't buy that." Tumayo ako tapos nilagpasan ko siya. Paglabas ko ng office, nakasalubong ko si Jane na may hawak na mga folders.

"Miss Z, mga proposal po fro--"

"Put it on my table. I'll be back after an hour."

Nakalabas na kami ng building ni Zylen, pero tahimik lang siya. Pero ramdam kong pinagmamasdan niya ko.

Niguide niya ko papunta sa kotse niya. Then he open the door for me at inabot na rin niya yung bag ko. Pagkapasok niya sa car, inistart agad niya.

"I won't ask you where we're gonna eat. I already know a place."

"Why?"

"Cause I know girls well. Pagtinanong kasi kayo kung saan niyo gustong kumain, ang isasagot niyo kahit saan. Pero pag dinala kayo sa kahit saan, marami kayong reklamo."

"Sa sobrang babaero mo talagang nakabisado mo na ang kalakaran no? Well, not me. I'm not that type, you know."

"I know... that's why I wanna pursue you." Tinignan niya ko sandali tapos binalik na niya yung tingin niya sa kalsada. After 20 minutes, inipark niya yung kotse sa tapat ng isang restaurant.

Lalabas na sana siya ng kotse para pagbuksan ako pero hinawakan ko siya sa braso, tinignan niya ko tapos binuksan ko pinto sa side ko.

"See. I can open the door by myself."

"Tsk! Grabe mo namang ibasura yung pagka gentleman ko."

"You don't have to do such things to impress me... walang epekto sakin yang mga yan."

"Okay, okay. Panalo ka ngayon... but it doesn't mean, I'll stop."

Lumabas kami ng kotse at pumasok sa restaurant.

"Good afternoon Ma'am, Sir, table for two?"

"Yes please. Sana yung tabi ng window pane." Sabi ni Zylen dun sa waitress na mukhang nag heart heart yung mata. Well, di ko naman siya masisisi. Gwapo kasi si Zylen.

"This way Sir, Ma'am." Iniguide kami nung waitress papunta sa table namin.

"A friend of mine told me about this resto."

"We'll see later what kind of taste your friend has. Actually, hindi ako basta basta nag tatry ng mga restos." Hindi sa maarte ako sa pagkain, well, sort of. Pero gusto ko lang ng good food. May ibang resto kasi na mahal, pero hindi naman masarap yung food.

"Zeria!"

Napalingon ako agad dahil may tumawag sakin, and she sounds familiar too.

Then I saw Jaeina, waving. Pag katingin ko sa tabi niya, kumabog agad yung dibdib ko. What a coincidence....

"Dito na lang kayo sa table namin." Tumayo siya para ibeso ako.

"Ay, no. Nakakahiya. Wag na lang."

"Hindi no. Ano ka ba? Para naman tayong acquiantance lang niyan."

"May kasama ako eh. By the way, Jae this is Zylen. Zylen this is Jae, close friend of mine. And that's Br--Felix, her fiance."

"Hi. Nice to meet you."

Kinamayan ni Zylen si Jae, tapos tumingin siya sakin at tumingin kay Zylen tapos sakin ulit, at ngumiti siya ng makahalugan.
"Same here, Zylen. Would you mind if we share one table."

"I wouldn't. It's fine with me."

"See, Zeria. Let's go."

Tinignan ko si Zylen, tapos ngumiti lang siya.

"Miss dito na lang kami." Sinabi ni Zylen sa waitress.

Pagkalapit namin sa table nila Jae, inilapag ni Bryle yung phone niya at tumayo siya. Tinignan niya ko.. hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiti niya sakin. Pagkabaling niya kasi kay Zylen ng tining, nag iba yung ngiti niya.

"Felix, dude." Pagpapakilala ni Bryle.

"Zylen..."

"So, let's sit. Tamang tama, hindi pa kami nakakaorder. Kakarating lang din kasi namin. Actually, Z, we're planning to go to your office after this. Anyway, let's not just talk about it here. Alam kong napipressure ka ng dahil samin. Wag muna natin isipin ang trabaho."

"It's okay with me. We can talk about your wedding anywhere."

"Nah. Not now. Mag kukwento ka pa about sa inyo." Tinignan niya si Zylen at ngumiti.

Napatingin naman ako kay Bryle na busy sa pagtingin sa menu, tapos tumawag siya ng busboy.

"Wala naman akong dapat ikuwento... we're just friends."

"For now..." sabat ni Zylen. Tapos tumingin siya sakin.

"Oh my gosh! I can hear a wedding bells."

"Jae!"

"Actually, kakakilala lang namin. Nakakatawa na awkward yung first meeting namin." Kwento ni Zylen. Pinandilatan ko siya ng mata, tapos tumawa lang siya.

"Really? How? What happened?" Namimilog yung mga mata ni Jae, magkahawak pa yung dalawang kamay niya.

"To make the not-so-very-long-story short, I just got to a party and drunk, tapos katok ako ng katok sa unit niya, which I thought it was mine, when she opens it, I was shock. I even accused her as my stalker and one of my admirer. Pumasok ako sa unit niya, at kahit anong gawin niya hindi niya ko mapalabas. Nahiga ako sa sofa niya, she's trying to pull me up. Pero hinila ko siya, kaya she fell on my arms, actually, on my body. Tapos nakatulog kami sa ganong posisyon. Honestly, I don't remember any... ikinuwento lang din niya sakin nung nagising kami. Tapos bumalik ako sa unit niya to apologize for what happened."

The whole time na nagkukwento si Zylen, naka face palm lang ako. Hiyang hiya ako sa nangyari eh.

"Aww. It's probably a good start. Imagine, it looks like you are destined for each other. To be in each others arms."

"Jae. Stop it."

"Oh my gosh! You're blushing."

"I'm not!"

"I told her I'll do everything to win her heart."

"You never said that." kontra ko sa sinabi ni Zylen.

"I said I wanna know more about you..."

"Yeah, and you never said you're gonn--"

"That's what I'm trying to say. It's just the same, anyway."

"Hey! It's different!"

"It's men's language."

"The hell I know about men's lang--"

"Oh! You look cute together. Nakakakilig kayo. Oh my! Sana navideohan ko yung pagtatalo niyo. Parang may something kasi the way you look at each other."

Dumating na yung order namin kaya hindi wala ng nag salita. Nang ma serve na lahat sa table namin, tinignan nanaman kani ni Jaeina.

"So... when are you going to court my friend?"

"Soon. Siguro pag sa office niya na pinalagay yung mga flowers na pinapadala ko sa kanya araw araw."

"You don't send me flowers everyday, seriously. Nauubusan na ko ng vase ng paglalagyan."

"Eh di yung nasa vase na yung ipapadala ko sa'yo."

"Baby, here. Eat this. You're losing weight."

Hindi ko na naintindihan yung sinasabi ni Zylen dahil kay Bryle ako nafocus. Dinagdagan niya kasi ng pagkain yung plate ni Jae..

Parang walang nangyari sa Batangas. Parang panaginip lang yun.

Buti pa si Jaeina... siya yung nakakaexperience ng kasweetan ni Bryle. He used to treat me that way.

Nakagat ko yung ibabang labi ko. Napatingin ako kay Zylen ng hawakan niya yung kanang kamay ko. Nung tignan ko yun, na cut ko na pla yung pizza na nasa plato ko, pero dirediretso pa rin ako sa pag cut. Kinuha niya sakin yung fork na may pizza na nakatusok.

Itinutok niya sa bibig ko yun, pero tinignan ko lang siya. Tinignan niya ko na parang sinasabi niya na naiintindihan niya ko. Na isubo ko na lang yung pizza, and that's what I did. Sinubo ko yung pizza sa fork na nakatapat sa bibig ko. Malungkot ko siyang nginitian, pero matamis na ngiti yung sinukli niya sakin. Nilagay pa niya yung thumb finger niya sa gilid ng mata ko na parang may tinanggal siya.

"Excuse me!"

Napatingin kami kay Bryle na bigla na lang nag excuse at tumayo siya. Malalim yung boses niya seryosong seryoso nung nagsalita siya.


(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top