46th Plan
Ramdam na ramdam ko ang authority sa boses niya. Kaya hindi na ko tumutol pa.
"I'll just prepare my things."
Nagpunta ko sa cr at pinakalma ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi nanginginig ang buong katawan ko. Naiinis ako sa sarili ko! Ang tagal tagal na ng lumipas pero eto ako hindi nagbago yung nararamdaman sa kanya at eto siya... magpapakasal na sa iba.
Pagkalabas ko ng cr, nakaupo siya at nirereview yung mga folders ng venue na pupuntahan namin.
Habang inaayos ko yung gamit ko, pumasok si Jane sa loob ng office ko at may hawak siyang isang bouquet na white roses.
"Miss Zeria, delivery po for you."
Napakamot ako sa noo ko... kanina cake, tapos flowers naman.
Napatingin ako Bryle... ako lang ba to o masama talaga yung tingin niya sa mga roses. Nakakunot yung noo niya.
Tinignan niya ko... yung mga mata niya... kung kanina, parang galit yung nakita ko, ngayon wala. Emotionless. Blanko. Wala akong makita sa mga mata niya.
"Shall we?"
Napasinghap ako dahil bigla siyang nagsalita.
"Uum... Jane, aalis na kami. Call me if there's problem."
"How about the roses, Miss?"
Lumapit ako sa kanya at tinignan kung may card na nakalagay sa bouquet. Good thing, meron naman.
Napangiti ako sa message. Well, not really on the message itself. But with the one who send the roses.
'Good afternoon!
-Trespasser'
"Place it in a vase, Jane."
Napatingin ako kay Bryle na lumabas na ng office ko.
Hindi man lang ako hinintay.
Kinuha ko na yung bag ko at sinundan si Bryle. Pagkalabas ko ng building, napansin ko na walang araw. Parang medyo makulimlim. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto at pagpasok ko, sobrang bango ng kotse niya. Wala akong nakitang air freshener, kaya malamang, pabango niya yun.
"Where do you wanna start?" Tanong ko sa kanya pag ka start niya ng kotse.
"From the beginning..."
"Pardon?" Hindi ko siya narinig dahil halos bulong na yung pagsasalita niya.
"May nakita ko sa Tagaytay... and I wanna check that place first."
"Hindi yun kasama sa itinerary natin, Bryle."
Napatingin siya sakin... argh! Bakit kasi Bryle ang natawag ko sa kanya!!
"Malapit lang yun."
Nanahimik na lang ako para gumaan naman ng konti yung ambiance sa loob ng kotse niya.
Walang nagsasalita saming dalawa... yung paghinga lang niya ang naririnig ko. Kaya kinuha ko yung mga folders sa dashboard. Kinuha ko rin yung planner ko sa loob ng bag.
Ang dami pang kulang para sa wedding nila... kailangan kong makausap si Jaeina. Kailangan niya maisingit sa schedule tong preparation para sa wedding nila.
May nakita akong pumatak na tubig sa glass panel ng kotse niya. Dali dali kong hinanap yung eyemask ko sa bag at sinoot yun.
Kinuha ko rin yung ipod ko, nakinig lang ako ng music dahil naririnig ko na yung swiper ng kotse.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko. Tinanggal ko yung earphones at yung eyemask ko.
Nakapark lang yung kotse. Wala si Bryle. Alas singko na ng hapon. Hindi ko alam kung nasan na kami.
Iginala ko yung mata ko sa labas. Napaka familiar nung lugar. Lumabas ako ng kotse at parang unti unting kinukurot yung puso ko dahil sa lugar na yun. Pano ko nga ba makakalimutan to? Hindi pala.
It's been almost a decade.
Maraming nangyari dito sa Mutya na mananatiling memories na lang. Hindi ko alam kung bakit niya ko dinala dito...
Nagpunta ko sa ilog, walang mga tao.
Nakita ko siya na nakaupo sa lumang kiosk at nakaharap sa ilog. Huminga ako ng malalim bago ko siya nilapitan at tinabihan.
"Grumaduate ako ng senior high na walang honor. Kahit anong medal, wala."
Napatungo ako dahil alam ko... ako yung sinisisi niya kung bakit ganon ang nangyari sa kanya.
"Hindi ko makakalimutan yung mga sinabi sakin ni mama. Kitang kita ko sa mga mata niya na disappointed siya. Sayang yung pagkakataon na magiging scholar sana ko kung ako pa rin yung valedictorian. Kaso hindi. Nagdesisyon akong wag muna mag college. Gusto ko muna mag trabaho kahit isang taon. Para lang makaipon ng panggastos kung saka sakaling makapag aral ulit ako."
Nilingon niya ko at nakita ko yung lungkot sa mga mata niya. Gusto kong pawiin yun. Gusto kong mawala lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero pano ko magagawa yun? Kung yung sakin nga hindi ko magawang ialis..
"Pero hindi pumayag si mama. Madaling araw pa lang wala na siya sa bahay para magtinda ng mga gulay. Binenta niya yung mga alaga naming baboy para makapag enroll ako. Nakita ko yung paghihirap niya, kaya nagsumikap ako. Bumangon ako sa lahat ng sakit na naramdaman ko. Nangako ako sa sarili ko na kailangan kong pagbutihan... para hindi ako tapaktapakan ng mga tao. Para hindi ako maliitin ng kung sino lang."
Nakagat ko ang labi ko sa huling sinabi niya. I caused him too much pain and it almost kill him.
"Habang nag aaral ako, nagtatrabaho din ako. Para makabawas man lang sa ginagastos sakin ni mama. Pero hindi niya alam yun, dahil alam kong tututol siya.Grumaduate ako nung college na magna cum laude. Hindi man summa, pero okay lang. Masaya na ko. Kaysa naman sa wala, di ba? May offer agad akong work abroad. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin yun, dahil unang una maganda yung offer, pangalawa opportunity na yung kumakatok sakin. Kada sahod ko noon hinahati ko lagi sa tatlo. Para kay mama, para sa panggastos ko, at para sa savings ko. In just a year, nakapag invest na ko sa isang company, the fruits of my investment goes to another business. Ganon yung ginawa ko. Invest lang ako ng invest sa isang company. Hindi naman kalakihan, pero okay naman. Hindi naman nalugi yung mga company. On my second year of working abroad, pinull out ko lahat ng shares ko sa iba't ibang company. Then someone offered me his 35% of shares, hindi ako nag dalawang isip na bilhin sa kanya yun kasi maganda yung company. Naglakas loob akong mag loan sa bank. Luckily, na approve naman. Then may nag alok ulit sakin ng shares nila. To sum it up, naging major stockholder ako and CEO of that company. I have to give up my career abroad. Inaral ko lahat ng pasikot sikot sa company."
I admire him a lot. Kung hindi ko kaya siya iniwan, magiging ganito kaya siya ka successful?
I just felt bad na hindi siya grumaduate na valedictorian. Well... I just did what I have to.
"Then later on, nalaman ko na kaya pala nila binenta sakin... kasi ako daw yung apo at pamangkin na matagal na nilang hinahanap. Na ginawa lang nilang front yung pag bebenta sakin ng shares nila. And the money? They put in on my bank account. I was confused at first, wala kasing nakwento sakin si mama. Pinaintindi nila sakin lahat. Sinabi nila kung ano ba talaga ang totoong kaugnayan naman ni mama. She may not be my biological mother, but she's the one who raised me. Hindi niya pinaramdam sakin na hindi niya ko anak. Until now, she doesn't know about it. Alam kong masasaktan siya pag sinabi ko sa kanya yung tungkol sa family ng father ko."
The whole time na nagsasalita siya, alam ko na agad yung mga pinag daanan niya. Buti na lang sinunod ko yung mama niya. Kitang kita ko kasi kung gano niya kamahal ang mama niya.
Humarap siya sakin kaya ibinaling ko yung ulo ko sa ibang direksyon. Pero hinawakan niya ko sa baba ko at iniharap niya yung mukha ko sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Isang hawak lang niya sakin, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Isang hawak lang niya, pakiramdam ko, magiging okay na ang lahat. Isang hawak lang niya...
"Zeze... bakit mo ko iniwan noon?"
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top