44th Plan
Gulong gulong yung utak ko pag naaalala ko yung huling sinabi ng mama or should I say tita ni Bryle.
Imposibleng hindi niya alam... like hello!! Dapat siya ang unang nakakaalam. To think na mahal na mahal siya ni Bryle.
"Kasal? Sinong ikakasal?"
Napatingin ako sa kanya sabay ng pag punas ko ng mga luhang pumatak sa pisngi ko.
"Si Bryle... ikakasal na siya."
"Toto--" napahinto siya sa pagsasalita dahil dumating yung nurse niya ata yun.
"Madam tara na ho. Kailangan niyo ng magpahinga."
"Oh sige. Zeria, maiwan na kita diyan ha? Sana magkita pa tayo sa susunod, pero kung hindi na... nagpapasalamat ako sa Diyos kasi binigyan niya ko ng pagkakataong makaharap ka at makahingi ng tawad sa'yo. Sana dumating yung oras na mapapatawad mo din ako..."
"Susubukan ko ho na kalimutan na lang ang lahat..."
"Kaya ka siguro minahal ni Bryle noon... ibang iba ka sa inaakala ko." Hinawakan niya ko sa balikat, inalalayan pa siya ng nurse niya para makatayo.
"Nga pala... sigurado ka bang ikakasal na si Bryle? Magkasama kami sa iisang bahay pero wala naman siyang nabanggit sakin. O siya... sige, maiwan na kita diyan."
Imposible talaga... so ano nanamang pakulo to? Sinong paniniwalaan ko? Baka hindi lang nabanggit ni Bryle... o baka matanda na yung mama niya kaya hindi niya matandaan.
Nakatambay lang ako sa terrace at pinapanood yung mga stars. Nag ready na din ako ng planner ko at ballpen. In case na may pumasok sa isip ko na idea sa kasal ni Jaeina. Kung anu ano na ngang idea yung pumapasok sa isip ko eh.
So habang nag lalakad si Jaeina sa aisle, yung mga flower girl hinahagisan siya ng mga palaka... tapos tuyot na bulaklak yung bouquet niya. Tapos yung nilalakaran niya puro mouse trap...
"Argh!!" Pumasok ako sa kwarto at kinuha yung yosi sa gilid ng kama. Paupo na sana ulit ako dun sa terrace ng makarinig ako ng malalakas na katok sa pinto. Kaya naman kinuha ko yung robe ko sa kama.
"Sandali lang!" Nakakapikon kasi, katok ng katok! Hindi ko na natignan kung sino yun dahil sa pagmamadali ko. Nakakabahala kasi yung katok eh..
Pagkabukas ko ng pinto, isang lalaki yung naabutan ko na nakasubsob sa gilid ng pinto ng unit ko.
Iniangat niya yung kamay niya na bahagya akong napaatras. Akala ko kasi kung ano na yung hawak niya. Bote lang pala ng alak.
Tinignan niya ko at kumunot yung noo niya.
"Anong ginagawa mo dito sa unit ko ha?" Pagewang gewang siyang pumasok sa loob ng unit.
"Teka! Hindi mo unit to. Nagkakamali ka lang."
"Anong mali?! Unit ko to miss."
Pabagsak siyang nahiga sa sofa ko at ipinatong niya yung binti niya sa center table ko.
"Hoy! Mister!" Kinalabit ko siya kinalabit. "Kung maglalasing ka, lasing lang! Hindi yung basta ka na pang mag iinvade ng unit ng iba at aangkinin mong sa'yo!"
"Sshh! Kung ayaw mong palabasin kita sa unit ko, wag lang maingay. Ayoko ng magulo!"
Aba! Eh sira pala ulo nito!
"Hoy! Kung modus mong maglasing lasingan para lang makapangloob, tatawag na ko ng guard!!"
Palayo na sana ko sa kanya kaso nahagip niya yung kamay ko, hinila niya ko kaya natumba ako. Napasubsob ako sa dibdib niya... amoy alak. Pero mabango. Pati yung paghinga niya. Mahahalata mong nakainom talaga siya o lasing talaga siya.
"Nakakailan ka na ha! Bitawan mo nga ako! Hoy lalaki bitaw!"
"Anong ginagawa mo sa unit ko ha? Magnanakaw ka no? O isa ka sa mga babaeng nagkakandarapa sakin?"
Naitulak ko siya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Gago ka ba? Mali ka ng pinasok na unit! Tapos sasabihin mo isa ko sa nagkakandarapa sa'yo? Bumangon ka diyan!" Hinihila hila ko siya para bumangon, kaso bigla niyang kong hinila ng malakas dahilan para bumagsak ako sa dibdib niya. Tapos niyakap niya ko, sinubukan kong kumawala pero hinihigpitan niya yung pagyakap sakin...
Tumagal kami sa ganong position for like 10 minutes. Hanggang sa maramdaman ko yung pagluwag ng yakap niya sakin. Dahan dahan kong tinanggal yung kamay niya na nakayakap sakin, pero humigpit nanaman.
Napamulat ako ng mata dahil may naramdaman akong hangin sa leeg ko. Bigla ko na lang naitulak yung lalaking nakayakap sakin at nakasubsob yung mukha niya sa leeg ko dahilan para mahulog siya sa sofa. Bumangon naman ako at umayos ng upo. Nakatulog pala ko.
"Ouch!" Hinahawakan niya yung ulo niya. Pati yung tagiliran niya.
"Sino ka?"
"Ikaw sino ka?" Tumingin siya sakin tapos parang gulat na gulat pa siya. Inikot niya ng tingin yung unit ko. "Shit!" Pinag papapalo niya ng kamay yung noo niya. "Damn!"
"Will you stop cursing?"
"Anong nangyari kagabi? Bakit nandito ako? Anong floor to? Anong unit?"
"8th flr. Unit 804. Nagkakakatok ka sa unit ko. At tinatanong mo ko kung anong ginagawa ko sa unit 'mo' kamo. Tapos bigla ka na lang pumasok at nahiga sa sofa ko."
"Bakit magkatabi tayo?"
Namula yung pisngi ko. Nakakahiya. Bkit ba kasi nakatulog ako.
"G-ginigising kita. Tapos bigla mo kong hinila. Tapos niyakap mo ko, hindi ako makaalis kasi kada susubukan kong tanggalin yung kamay mo, hinihigpitan mo. Yon. Nakatulog din pala ko."
"Look, sorry for everything miss?"
"Zeria..."
"I have to go... sorry talaga."
Tumayo na siya tapos lumabas na ng unit ko.
Napahiga na lang ulit ako sa sofa. Madilim pa sa labas.
Napamulat ako dahil sa kumakatok. Tapos maliwanag na din sa labas. Nung tinignan ko yung oras, alas diyes na ng umaga.
Buti na lang Saturday ngayon. Wala akong imimeet na client. Pero suppliers meron.
Pag bukas ko ng pinto, yung guy na lasing pala.
Nginitian niya ko at iniangat yung dala dala niyang paperbag. Inopen ko na lang yung pinto tapos tinalikuran ko na siya.
Pumasok lang ako diretso sa kwarto ko, nag shower ng mabilis at nag ayos. Siguro inabot din ako ng 20mins. Pagkalabas ko ng kwarto, nakalimutan ko na may tao nga pala.
"Good morning. Naupo na ko ah."
"Nandiyan ka pa rin pala." Nagpunta ko sa kitchen tapos naramdaman ko na kasunod ko siya.
"Sorry talaga Zeria. Buti hindi ka tumawag sa guard kagabi."
"Muntik na. Ayaw mo lang ako bitawan kaya hindi ko nagawa kasi hindi ako makaalia."
"Nakakahiya talaga... by the way, I'm Zylen." Inilahad niya yung kamay niya, pero inabot ko yung mug sa kanya. Tapos ngumiti lang siya.
Ngayon ko lang naappreciate yung kagwapuhan niya... yung built ng katawan niya, though nung yakap niya ko kagabi, medyo ma-muscle nga yung braso niya at dibdib.
"Ano yang dala mo?"
"Ah! Breakfast and lunch... for two."
Kinuha ko lang yung paperbags then inilabas ko lahat ng laman nun. Buti mga naka tupperware na, ready to heat.
Naglagay ako ng plates para samin, tapos siya na naglagay ng mga silverwares.
Walang nagsasalita samin habang kumakain, parang galit galit muna dahil gutom or parang ang awkward lang.
"Uhm... masarap yung mga dala mo."
"Talaga? Sister ko yung nagluto niyan... may resto kasi siya kaya nagpadeliver ako. Sabi ko siya mismong magprepare."
"Nice... so bakit ka pala lasing na lasing kagabi? Kung pwede ko lang naman malaman."
Mukha siyang bothered sa tanong ko kaya napakamot na lang siya sa noo niya.
"You don't have to answer if it's too personal."
"No. Kasi... nabusted ako." Natawa siya ng pagak at kita ko yung pamumula ng mukha niya.
"Yun lang? Kaya ka naglasing? So lame. Ilang taon ka na?"
"22--"
"You are still young. Just wait for the right girl, know her, court her then if you got busted, repeat and the cycle will goes on."
"Ikaw, ilang taon ka na ba?"
"I am 24 or 25... i don't know. The last time I celebrate my birthday was... damn! It's already forgotten."
"We can celebrate all the birthdays you've missed."
"It's not my thing... really."
"I don't believe you... like hey! There's no single person in this world who would have choose to ignore or forget his/her birthdays."
"Not at this moment..."
"You're unbelievable."
"I'll take that as a compliment." Tumayo na ko at kinuha yung mga plates na pinagkainan namin. Niligpit naman niya yung ibang mga kalat sa mesa.
Nung tatalikuran ko na siya, hinawakan niya ko sa braso. Kaya napatingin ako sa kanya.
"You know what... I wanna know more about you. Your beauty caught my attention."
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top