40th Plan

Tinakpan ko ang mga mata ko dahil sa sakit na dulot ng liwanag.

"What's wrong baby Z?"

Dumilat ako at mukha agad ni mommy ang nabungaran ko. Namamaga at namumula ang mga mata niya.

"I'm fine mommy... bakit nasa hospital ako?"

"Nawalan ka ng malay kaninang umaga... anong nangyari? Bakit nasa jollibee ka? Hinatid kita sa school mo. At bakit may mga sugat ka sa braso?"

"M-mommy... ayoko na sa Laurente. Ilipat niyo na ko ng school. A-ayoko na dun..." hindi ko nanaman napigilan ang mga luha ko. Hinalikan ako ni mommy sa noo at pinunasan niya yung mga luha sa pisngi ko.

"Kakausapin ko ang daddy mo mamaya, at bukas pupunta tayo sa school mo. Nakapag exam ka nanaman for second grading period. Mommy will do everything for you, okay? I don't wanna see you in pain. You are too young to experience that, Zeria."

This time, ako naman ang nagpahid ng luha ni mommy sa pisngi...

"Thank you..."

"Magpahinga ka na muna para pag ka gising ko, uuwi na tayo."

Tumango na lang ako at ipinikit ang mga mata ko.

Mga hapon na ng na-discharged ako sa hospital. Si daddy ang sumundo samin, at niyakap niya ko ng mahigpit. Kung tutuusin nga, ayokong sabihin kay daddy kung anong nangyari at nangyayari. Ikinukwento naman na sa kanya ni mommy... kaya hindi nagsasalita si daddy kasi kay mommy ako nagsabi. Siguro kilala na nila ko... syempre anak nila ko. Kaya pag nag sabi ako sa isa sa kanila, ibig sabihin ayokong mag alala yung isa at ayokong madamay.

Mom will understand my state because she's a woman. She will barely understand what I'm experiencing right now.

After lunch na kami nagpunta ni mommy sa school. Kinausap niya yung adviser ko, si teacher Ella. Nagpunta na din si mommy sa registrar, hindi na lang ako sumama dahil sigurado ako na tatanungin ako.

"Zeria..." nilingon ko yung pinanggagalingan ng boses na yun... si Ma'am Ella. Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya.

"G-good afternoon ma'am..." nao-awkward ako kasi feeling ko, alam na din niya yung nangyari. Nabalitaan na rin niya yung tungkol samin ni Bryle at sa video.

"Sigurado ka bang aalis ka na?"

"Opo..."

Niyakap ako ni Ma'am Ella at sinubukan ko na wag umiyak sa harapan niya.

"Mami-miss kita Zeria.. kahit ilang buwan lang tayong nagkasama sama, malaking impact na rin sakin kung aalis ka."

"Ganon din po ako Ma'am Ella. Thank you po sa pag tanggap at sa pagiging mabuting teacher."

"Alam ko lahat ng tungkol sa inyo ni Bryle... aalis ka ba ng dahil dun? Or ginawa mo yun dahil aalis ka?"

Yumuko ako at umiling. Hindi naman talaga ko dapat aalis.

"Malalim ang dahilan mo kaya mo nagawa yun.. kitang kita ko sa mga mata mo kung paano mo tignan si Bryle... alam ko na mahal mo siya. At kung anu man yung dahilan mo, sana maging mabuti nga yung epekto para sa inyong dalawa. Dahil naniniwala ako na kaya mo nagawa yun... it's either yung isa sa inyo mag be-benefit at yung isa kailangan mag sacrifice."

Hinawakan ako ni Ma'am Ella sa baba at iniangat niya yung mukha ko.

"Everything will be alright, Zeria. I just wish na worth it yung pag sa-sacrifice mo."

"Ma'am Ella..."

Niyakap lang niya ko at hinawakan sa buhok.

"Oh pano... maiwan na muna kita dito? May klase pa ko."

"Thank you Ma'am..."

Inabot na din kami ng uwian ng mga students dahil sa pag pa-process ng paper. Kumuha na din kasi si mommy ng good moral, form 137 and 138. Hiningi na niya lahat ng papers and documents na kailangan.

Inabutan na din kami ng ulan, nung isang araw pa may balita na may bagyo at signal number one ang south luzon.

Nung palabas na din kami ni mommy ng gate, nakita ko di Annie. Nilapitan ko siya at niyakap... tapus iniabot ko sa kanya yung letter na ginawa ko kagabi para sa kanya.

"Thank you for everything, Annie..."

Niyakap din niya ko at nginitian lang ako, pero hindi pa umabot sa mata niya yung mga ngiti niya.

Sinundo kami ni Mang Edgar sa gate dahil umuulan. Bago ko sumakay sa kotse nilingon ko muna ang Laurente. I will definitely miss this school.

Hindi pa kami nakakalayo ng school, nilingon ko ulit yung direction ng Laurente. Umayos na ko ng upo pero napa second look ulit ako sa kalsadang nadaanan namin dahil nakita ko si Bryle... nag ba-bike siya at hinahabol kami. Alam ko dahil hindi naman pareho ng direksyon yung way ng bahay namin.

Basang basa na si Bryle ng ulan, ang lakas lakas pa naman ng ulan, dahil ngayon mag la-landfall dito sa Batangas.

"Mang Edgar, stop the car."

"What's wrong Zeria?" Tanong ni mommy.

"Please stop the car." Sumunod din naman si Mang Edgar.

Kinuha ko yung payong ko at binuksan ko na yung pinto.

"Where are you going?"

Narinig ko pang nagsalita si mommy.

Nagpunta ako sa likod ng kotse at hinintay dun si Bryle.

Hindi ako nagkamali, ako nga yung sinusundan niya. Bumaba siya sa bike niya, awang awa ako sa itsura niya.

Lumapit siya sakin at hinawakan yung isang kamay ko.

"Zeze... Zeze sorry! Sorry na please? Kung may nagawa man akong mali, sorry na. Kakausapin ko ang mommy mo."

Pupuntahan nga niya dapat si mommy sa loob ng kotse pero pinigilan ko siya.

"Tama na Bryle. Hindi mo ba talaga naiintindihan?"

"Paano ko maiintindihan Zeria?! Narinig ko kayong nag uusap kanina ni Ma'am Ella. Sinong hindi maguguluhan dun? Ano ba talaga Zeze? Aalis ka nga ba talaga kaya ginawa mo sakin yun? Handa naman akong hintayin ka. Handa naman akong mag tiis. Okay lang sakin kung aalis ka, basta wag mo lang akong hiwalayan. Basta meron lang akong pinanghahawakan na sakin ka pa rin. Na tayo pa rin, na may karapatan pa rin ako sa'yo kahit na malayo tayo sa isa't isa."

"Bryle! Bryle... hindi mo ba naiintindihan? Aalis ako dahil sa nangyari, eto na oh. Makukuha ko na yung gusto ko. Salamat sa'yo Bryle. Kasi dahil yun sa'yo."

"Hindi ako naniniwala Zeria!"

"Ano pa bang hindi mo pinaniniwalaan? Matalino ka Bryle! Matalino ka kaya wag kang mag pakatanga sakin!"

Ang sakit mag pigil ng iyak... hanggang kailangan ba ko magpipigil ng iyak ko. Hanggang kailan ba kami iiyak ng iiyak... kahit na basang basa si Bryle sa ulan, alam ko na umiiyak siya.

"Mahal kita at mahal mo ko, Zeria. Okay lang na magpakatanga ko... basta sa'yo, basta ikaw ang dahilan. Okay lang Zeria."

"Pwes wag mo kong idamay sa pagpapakatanga mo! Umuwi ka na sa inyo. At wag na wag kang susunod sakin."

Itinulak ko siya para lang bitawan niya ko.

Pagkapasok ko ng kotse, hindi ko na nakayanan yung iyak ko. Para silang may sariling isip.

"Zeria! Zeria mag usap tayo." Kinakatok ni Bryle yung bintana ng kotse.

"Mang Edgar t-tara na po." Agad din namang sumunod si Mang Edgar at niyakap ako ni mommy ng mahigpit.

Nilingon ko pa rin si Bryle... akala ko hindi ko na siya makikita. Pero nag kamali ako... naka sunod pa din siya samin.

Kitang kita ko kung paano niya bilisan ng pag pedal para lang mahabol kami...

Napatakip ako ng mata ko dahil biglang may liwanag na tumama sa mata ko.

"Bryle!!!!"

Kitang kita ko kung paano mabangga ng motor yung bike ni Bryle. Kitang kita ng mga mata ko kung paano siya bumagsak sa bike niya.

"Bryle!!! Ihinto niyo yung sasakyan!! Tumawag kayo ng ambulance."

Pagkahinto dali dali akong bumaba ng kotse. Tumakbo ako papunta kay Bryle.

Nanginig ako tuhod ko kaya naman napaluhod ako sa kalsada.

Kung kanina hindi ko mapigilan ang pag iyak ko... ngayon iyak na iyak na ko, pero parang wala na.

Binuksan ko ang payong na hawak ko at pinayungan ko siya... may dugo sa bandang ulunan niya na humalo na sa tubig ulan... wala siyang malay.

"Bryle..." hindi ko alam kung may boses pa ba ko na lumalabas.

Ipinatong ko yung noo ko sa noo niya... humihinga pa siya.

"Bryle... I am so sorry."

Takot na takot akong galawin siya kasi baka mamaya may tama siya baka mas lumala.

"Bryle... naririnig mo ba ko? Sorry... sorry. Mahal na mahal kita. Oo, tama ka... tama ka sa lahat ng bagay. Sorry Bryle... please... wake up."

Tinatapik tapik ko yung pisngi niya. Nung kumidlat... napasubsob ako sa dibdib niya.

Tama na please... sana huminto na yung ulan. Please...

"Bryle! Bryle! Wake up! Bryle!!!"

Pinakinggan ko ang heart beat niya, bumabagal.

"Bryle listen! Nagpatawag na ko ng ambulance, mamaya nandito na sila ha."

Napansin ko na marami ng taong nakapalibot samin. Pinapatayo na din ako ni mommy, pero hindi ko sila magawang pansinin.

Merong isang lalaki na tinanggal yung bike sa tabi ni Bryle. Bubuhatin na dapat niya si Bryle pero tinapik ko yung kamay niya.

"Miss kailangan na siyang madala sa hospital."

"Wag niyo siyang gagalawin. Hindi ka doctor! Wala kayong alam!!"

"Zeria... tumayo ka na diyan. Tutulungan nila si Bryle."

"No mommy, hindi nika kayang tulungan si Bryle. Nasan na ba yung ambulansya??? Mga walang kwenta!! Bryle! Kapit ka lang ah! Parating na yung ambulansya. Wag mo kong iiwan. Sorry..."

Hanggang sa dumating yung ambulance, nasa tabi lang ako ni Bryle, pinapayungan siya. Lahat ng nangyayari parang naka slow motion.

Takot na takot ako na parang wala na kong maramdamang kahit ano... manhid na yung buong pagkatao ko..

(c) Eilramisu

FOLLOW ME ON IG... @arliecious_eff

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top