3rd Plan
Nang pumasok na sila mommy at daddy sa kotse... nagtulug-tulogan ako.
"Hay naku, Hanzen! Yan talagang anak mo, oh!!" Reklamong sabi ni mommy.
"Kanino pa ba mag mamana yan, eh di sa kapilyahan mo rin. Tandang tanda ko pa nga noong una tayong magkita eh... kung anu ano din ang sinasabi mo." Sabi naman ni daddy habang nag da-drive.
"Tumigil ka nga diyan! Mag drive ka na lang..." Tumawa lang si daddy nung nagmulat ako ng mata, nakita ko si mommy na nag ba-blush, naka side view siya sakin. Kaya medyo kita ko pa din, "may crush na ata ang baby ko."
"Hayaan lang natin, Ciara. Ayokong mag rebelde siya kung paghihigpitan natin. Sasabayan lang natin ang prinsesa. Iga-guide natin siya."
"Sa bagay... matalino ang anak natin. Alam niya kung anu ang tama at mali. Alam ko din na kaya niyang harapin ang mga mangyayari."
Nagising ako na nasa kama na ko... parang magic lang. Kagabi nasa kotse lang ako, nagkukunwaring tulog. Nag ayos na ko ng sarili ko, umaga na kasi, isa pa gising na ang diwa ko... at biglang nag flash sa isip ko yung gwapong mukha ni Bryle... kinikilig akong nag toothbrush.
Nang maayos na ang lahat, masigla akong bumaba papuntang dining, gutom na ko eh.
"Akala ko ba... na-sprain ka?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni daddy. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses niya. Nakita ko siya namay hawak na broadsheet papunta din siguro siya sa dining.
Napakamot ako ng ulo at nginitian siya. "Okay na, dad. B-biglang umayos eh." Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Sabay kaming nagpunta sa may dining, nandunna din si mommy, tinutulungan niyang mag hain si Yaya Jen. "Good morning, mommy." Hinalikan ko din siya sa cheek.
"Maupo ka na diyan, mag bi-breakfast na tayo." Sabi ni mommy habang pinapatong yung bacon sa mesa.
Tahimik kami habang kumakaen. Ano to? Galit galit muna?
"Mommy, daddy... gusto kong mag aral sa Laurente Nat'l high school." Napatingin sakin si mommy, si daddy naman nagbabasa lang ng broadsheet.
"Are you sure, baby? It's a public school. Di ba gusto mong mag aral sa kagaya ng B.U.?"
Pagkalunok ko ng carbonara, tumingin ako kay mommy. "Nagbago na po kasi ang isip ko..."
"Why?"
"Kasi may friend ako dun..."
Kumunot ang noo ni mommy sa sinabi ko. "Sinong friend?"
"Si Bryle... yung cute guy kagabi? Gusto ko same school kami."
"Zeria... hin--"
"Mom, siya lang ang friend ko. Gusto ko pag pumasok ako yung may kakilala naman ako. Para hindi ako forever alone. At least may makakausap na ko dun at makakasana pag break time. Diba dad??" Nakuha ko ang atensyon ni daddy kay tumingin siya sakin at inilagapag ang broadsheet sa mesa.
"Why don't we consider it, sweetie?" Tanong ni daddy kay mommy na nanliit ang mga mata.
"Exactly, daddy!! Para yung masi-save nating tuition fees ko, ibigay niyo na lang sakin. Or i-deposit niyo na lang agad sa account ko."
"At saan mo naman gagamitin yun, aber?" Mom asked.
"Hmm, I'll buy materials and sewing machine. Bibili din ako ng mga tela at sequence and beads."
"Saan mo naman gagamitin yun?" Tanong sakin ni daddy pagkatapos niyang mag sip ng coffee.
"Duh!! Eh di magtatahi po ako ng mga dresses, shirts and the like. May mga napanood ako sa youtube. So, madali na yun."
"At ano naman ang gagawin mo sa mga yun?" Follow up question ni daddy.
"Magtatayo ako ng business... I'll sell it in affordable and reasonable price. Gaya nung tiangge na napuntahan ko kagabi. Sigurado akong kikita ako ng malaki. Saan ko gagamitin ang pera??" Pinangunahan ko na sila sa pagtatanong. "I'll save it for my future business... my big dream. So that I will be the best wedding planner in the universe." Dreamy kong sinabi sa kanila.
"That's a good idea, Zeria. Kahit bata ka pa naiisip mo na yang mga ganyang bagay, yung para sa future mo. We'll support you, baby." Sabi sakin ni mommy...
"Mom... 15 na ko."
"You know what, sweetie? I think we should plan our next honeymoon. Sino na lang ang mag ha-handle nitong company natin pag hindi ko na kaya... natin? Iba naman ang gusto nitong prinsesa natin." Sabi ni daddy kay mommy.
"Maybe next time." Ngumuso lang si daddy. Gusto kasi niyang magkaroon ng junior.
"Mom, dad, sa tingin ko kailangan na natin magpunta dun sa Laurente... wherever is it. Di ba ang public schools maagang mag pa-enroll. Ayokong maubusan ng slot. Isa pa, kailangan ko din malaman kung ano ang magiging section ni Bryle."
"Actually... nadaanan natin yun nung lumipat tayo dito." Sabi ni mommy.
"What? Bakit hindi ko nakita, mom? Bakit hindi niyo sinasabi sakin?" Nakanguso kong sabi.
"Busy ka kasi sa pagdudot sa tablet mo."
"Hay!! Okay, okay!" Uminom ako ng juice at may bigla na lang akong naalala." Oh! wait, pa'no yung mga documents ko? I mean, yung mga school requirements... like form 138 and 137, good moral, birth certificate, hmm... ano pa ba?"
"Okay na, baby. Naasikaso na namin yun ng mom mo."
"Bravo!! I'm sooo excited to see my new school."
Ang aga aga kong nagising, excited na talaga ko. Ngayon kasi ang punta namin sa Laurente.
"Mommy!! Daddy!! I'm ready!" Pasigaw kong sabi habang pababa ako sa hagdan.
"Careful, Zeria... baka ma-trip ka." Sabi ni daddy na papunta pa lang sa dining.
"Mommy, look at me!" Umikot ako sa harapan ni mommy at ni-sway sway ko pa yung huling dress ko na nabili sa ATC. Naka-flats lang din ako, medyo matangkad naman ako kaya hindi ko na kailangan ng karagdagang height. Ni-blow dry ko rin yung hair ko, nag powder ako at nag lagay ng lip gloss.
"You are so pretty, Zeria."
"I know... I know..."
Pagkatapos naming mag breakfast, dumiretso agad ako sa kotse ni daddy. Habang hinihintay ko silang sumakay nag selfie muna ako at ni-post agad yun sa facebook ko. Tapos naglaro ako ng 4 pics 1 word.
"Argh!!" Nag fb na lang ulit ako kasi hindi ko masagutan yung level 421. Baka ma-stress lang ako.
Marami na agad nag like ng picture ko. Isa na dun si Ace Lian Tan. Crush ko nung elementary days... hmp! Kung wala siyang warfreak girlfriend... eh di sana crush ko pa din siya. Oh! Well... may bago na kong crush... si Felix Bryle...
'Mas lalo kang gumanda, Zeria... I wish we could go back into time when we're still together.'
Napasimangot ako ng mabasa yung comment niya! Di ko na rin napigilang hindi mag comment.
'I can't remember that 'together', Ace.'
Mas napasimangot ako ng agad agad din siyang nag reply sa comment ko.
'Lagi tayong partner sa school activities and programs. They call us 'Sweethearts'.
'There's no 'US'. Get it?'
Anong problema ng isang yun? May pa reminisce-reminisce pa siyang nalalaman. Naging mag friend kami bago ako mag ka-crush sa kanya... pero may girlfriend pala ang loko. Para lang hindi malaman na mag jowa sila, ako lagi ang hinahatak niya. Nang mapuno yung warfreak girlfriend niya dahil sa selos kasi nga ang tawag samin 'Sweethearts', sinugod ako sa classroom at nagwawala na. Well, hindi ko naman pinagsisisihan na hindi ko siya pinatulan... dahil dun wala pa akong naging record!!
"Oh bakit naman nakabusangot ka diyan?" Sabi ni mommy ng pumasok na siya sa kotse.
"Ang tagal niyo naman ni daddy. Buti nakabukas yung engine, kung hindi super pawis na ko dito."
"Kinuha ko pa po kasi yung requirements mo po." Tumango tango lang ako. Sumunod na din na pumasok si daddy.
Mga 30-45 minutes lang naman ang biyahe mula bahay namin hanggang dito sa school. Infairness, malaki din ang mga buildings ng school na to. Sa labas naman hindi masyadong plain and boring, kasi may malapit ditong Jollibee, KFC, maliliit na establishments... walking distance lang. Ang nakakatuwa pa, meron din akong nakitang tiangge malapit sa fastfood. Parang bayan na ata to eh. Marami na din kasing bilihan. May nakita din akong private school, siguro mga 2km ang layo, nag stop pa nga si daddy dun eh. Tinanong pa ko kung gusto ko daw mag inquire dun. Yung puso ko kasi, lumilipad sa Laurente...
"Tara na?" Sabi ni mommy ng makapag park si daddy sa tapat ng Laurente. Tumango tango ako, tinignan ko muna ang paligid... maraming student ang pumapasok sa school, yung totoo, bakasyon na diba? Bakit sila naka uniform pa din? Lumabas ako ng kotse... at nagtinginan sakin yung ibang student. Babae man o lalaki. Sumunod na lumabas si mommy na may dala dalang envelope at si daddy na hawak ang susi.
Binati kami ng guard ng makapasok kami, medyo marami din ang mga students sa loob, nag punta kami sa registrar's office.. nung matapos ma process yung mga requirements at mag fill ng kung anu ano, nag ka-kwentutahan na sila kaya naman lumabas na ko ng office.
Palinga linga lang ako... umaasang makikita ko si Bryle... nag ikot ikot din ako sa buong school, pero hindi na ko umakyat pa sa mga buildings. May botanical garden din dito. Malawak din yung canteen, may covered court, meron pa ngang nag ba-badminton, may computer lab din... sa tingin ko naman hindi man ganon ka kumpleto sa facilities ang school na to, meron pa rin yung mga importante. Hindi na siguro mahirap mag adjust.
"Awww!!" Napatingin ako sa lalaki na naka jersey pa at may dalang bola.
"Sorry miss! Hindi ko sinasadya."
"Bakit naman kasi tumatakbo ka? Eh alam mo naman na may tao."
"Nagmamadali kasi ako eh! Teka, new student ka?" Tumango tango lang, at nag palinga linga ulit para makita ang paligid. Nang may mahagip ang mata ko. Si Bryle... "Ako nga pala si Jared... ikaw anong name mo?" Tinignan ko siya at tumingin ulit kay Bryle.
"Wait lang, ha?" Iniwan ko siya, at habang palapit ako kay Bryle na naka jersey din, biglang may babaeng dumikit sa kanya... kaya naman kinuha ko ang atensyon niya. "Bryle!!" Tumingin siya sakin at kumunot ang noo, kinawayan ko siya at lumapit ako sa kinatatayuan niya.
Nang makalapit ako... nakita ko ang pag hawak nung babae, na naka dress din, sa braso ni Bryle... this time, ako naman ang kumunot ang noo.
(c) Eilramisu
BAKIT PO BITIN??? KASI MAG A-UPDATE ULIT AKO BUKAS. KAYA HINTAYIN NIYO PO... WAG NAMAN PO MASYADONG DEMANDING :")))
SALAMAT PO SA PAG INTINDI, PAG PILIT NA UMINTIDI, AT SA MGA HINDI MAKAKAINTINDI!
HOORAYY!!!! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top