27th Plan

Another day na wala si Jelly. Nakakatampo lang kasi hindi man lang siya nag paramdam samin. Hindi man lang siya nag sabi samin. Hindi man lang siya nagpaalam. Bigla na lang siyang mawawala. Miss na namin siya ni Annie.

Napatingin ako kay Bryle ng hawiin niya yung buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

"Isipin na lang natin na, may reason si Jelly kung bakit sila umalis. Kung bakit hindi siya nagpaalam sa inyo."

"Ang daya niya kasi. Kung anu man yung reason niya, maiintindihan naman namin yun. Pero yung bigla bigla na lang siyang mawawala na parang bula. It's so unfair."

"Relax. You don't have to overthink things." He said, while pinching the tip of my nose.

"I don't. Nag wo-worried lang ako. Hindi ako makatulog kagabi dahil iniisip ko siya. Pag nakita ko yung babaeng yun, makakatikim siya sakin."

"Ssshh. Tama na yan. Eto, kainin mo to para naman mabawasan yang init ng ulo mo." Inabutan ako ni Bryle ng isang bar ng chocolate.

"Thank you." Binuksan ko yun at kinagat ko. Ang sarap lang ng goya. Sinubuan ko din si Bryle at hindi siya makatanggi kasi dinikit ko na talaga sa bibig niya.

"Maganda daw yang mga dark chocolates. Kung nag ki-crave ka sa chocolates, dark na lang bilhin mo ah."

"Yes sir!" Nginitian ako ni Bryle at gaya ng ginagawa niya na gustong gusto ko, hinipan nanaman niya ko sa mukha. Humalumbaba siya sa desk ko at ni-drawing-an niya yung notebook ko. He's good at it.

Lumipas ang mga araw, at hindi na talaga nagpakita samin si Jelly. Kada uwian, lagi kong pinapadaan si Mang Edgar sa bahay nila Jelly. Mag i-stay kami ng 20 minutes sa tapat ng bahay nila.

"Malapit na yung 1st monthsary niyo ni Bryle ah. Anung plano mo?" Tanong sakin ni Annie. Buti nga medyo nawala na yung pagkalungkot niya nung umalis si Jelly.

"Oo nga eh. Wala akong maiisip. Hindi ko alam kung anong gimik ko for our 1st monthsary."

"Teka. Alam na ba nila Tito at Tita yung tungkol sa inyo ni Bryle?"

Nakalimutan kong pa lang ikwento kay Annie yung tungkol dun.

"Yep. Alam na nila. Ganito kasi yun..."

Napagdesisyunan namin ni Bryle na mas mabuti ng ipaalam kila mommy at daddy yung tungkol samin. Mahirap ng malaman nila sa iba or malaman nila kung kailan ang tagal tagal na namin ni Bryle.

Ang sabi ni Bryle pupunta daw siya ngayon ng hapon. Tamang tama kasi Saturday. Maagang uuwi si daddy.

Nag stay ako sa garden namin para makita ko si Bryle pag dumating siya. And after five minutes of waiting, dumating na nga siya.

"Kanina ka pa ba dito naghihintay? Dapat dun ka na lang sa loob. Hindi ka ba nilamok?" Bungad niya sakin.

"I'm fine. Hindi naman ako naghintay ng matagal."

"Good. Eto, para sa'yo to. Dark chocolate cake."

"Bakit nag abala ka pa Bryle? Hindi ka na dapat gumastos pa." Knowing their status.

"Minsan lang to Zeria. Hayaan mo na ko."

"Fine. But next time, wag na lang. Okay? Pero thank you. I really appreciate it."

Niyaya ko na siyang pumasok sa loob ng bahay, nag usap lang kami sa may living room. Maya maya rin kasi padating na sila daddy.

"Kinakabahan ako Zeria." Bulong niya sakin ng marining yung busina ng sasakyan ni daddy.

"Don't be. Just relax and stay calm."

Tumayo kaming dalawa ng bumukas yung front door. Lumapit ako para salubungin sila daddy.

"Hi daddy, hi mommy!" Ni beso ko silang dalawa at lalapit na sana ako kay Bryle, pero nakita ko na nasa likod ko na lang pala siya.

"Magandang hapon po, Mr. Monteverde, Mrs. Monteverde."

Tinignan ako ni daddy at halatang nagtataka siya, ganun din si mommy

"Ahm, mom, dad, this is Bryle. Bryle, this is my daddy, Hanzen, and my mom, Ciara."

"Magandang hapon din. I think, I saw you before?" Sabi ni mommy.

"Ah, yes. Ako po yung may dala kay Zeria nung na-sprain po siya."

"Oh! I remember now. Kagrupo ka rin nila diba? Nakarating ka na din dito before pag may mga practice kayo for variety show ba yon?"

"Yes mommy. He's one of them."

"Bakit? May practice pa rin ba kayo hanggang ngayon?" Tanong ni daddy tapus nagpunta siya sa couch at naupo. "Have a seat."

Sinunod namin ni Bryle yung sinabi ni daddy, magkatabi kaming umuposa harapan niya. Si mommy naman nagpunta ng kusina.

"So, what brings you here, young man?" Sabi ni daddy ng dumating si mommy at naupo sa tabi niya.

"May gusto lang po akong sabihin sa inyo tungkol kay Zeria... tungkol samin."

Nagkatinginan si mommy at daddy. Marahan lang umiling si daddy kay mommy at hinawakan niya yung kamay ni mommy.

"What about you and my daughter?" Kalmadong tanong ni daddy.

"May relasyon po kami ni Zeria..."

"What? Paano nangyari? Care to explain everything, Zeria?" Halos mag hysterical na si mommy sa pagtatanong.

"Kasi momm--"

"Sandali pa lang kayong nagkakakilala nitong si Bryle. Ilang buwan ka pa lang bang pumapasok sa Laurente? Two months? How come na may boyfriend kana ka agad without informing us na may nanliligaw na pala sa'yo?"

"Sweetie, let her explain. Let's hear them first." Sabi ni daddy kay mommy.

"Can't you see, mommy, daddy, he's the reason why I insisted to enroll in Laurente."

"We know that baby."

"That explains everything, daddy." Hinawan ako ni Bryle sa kamay at pinatigil ako sa pagsasalita.

"Sir, aaminin ko po na ayoko kay Zeria nung una. Kasi spoiled brat siya. Lahat ng gusto niya pipilitin niyang makuha. Marami po akong ayaw sa ugali niya. Pero ewan ko pong kung bakit hindi na siya maalis sa isip ko. Mapapa-kurap lang ako, pero image niya yung lumalabas. Kahit sa panaginip ko. Siguro po iisipin niyo na bata pa kami, pero we both know our limitations naman po. Mahal ko po si Zeria. Mahal ko po yung anak niyo."

"Mommy, remember, nung tinanong kita kung pwede na ba kong mag boyfriend, ang sabi mo ako yung makakasagot sa tanong ko. Kung kaya ko ng i-handle, why not."

"Sinabi mo naman pala yun, sweetie." Sabi ni daddy kay mommy.

"Yes. But I didn't mean it. I didn't know that she'll take it seriously. Two months pa lang silang magkakilala, tapus sila na agad."

"What about us? Four days lang ata tayong magkakilala nung naabutan kita sa kwarto ni Riley..." Sabi ni daddy kay mommy.

"Hanzen, it's a different story and different case."

"Come on, Ciara, it's more complicated."

"Fine. Just don't hurt our daughter, okay? Ang sabi mo, alam niyo na yung mga limitations niyo. Don't break our trust." Ngumiti ako kay mommy at ni-hug ko sila ni daddy.

Tumayo din si Bryle. "Yes ma'am. I won't. Mahal na mahal ko po si Zeria. Salamat po sa pagtitiwala." Sabi ni Bryle.

"Call us tito and tita." Sabi ni mommy at sumandal siya sa couch.

"We'll talk later, young man. Just the two of us. Dito ka na mag dinner. I'll just go and change." Sabi ni daddy at hinalikan niya ko sa noo. Sumunod naman si mommy sa kanya.

Nang tuluyan ng makaakyat sila daddy sa 2nd floor. Sabay kaming umupo ni Bryle at hinalikan niya ang kamay ko.



(c) Eilramisu

Time check, 2:11am. Hohohoho. Always puyat. Anw, worth it naman.

Salamat po sa suporta

Follow me on INSTAGRAM >> @arliecious_eff

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top