25th Plan
"Zeria! Huy! Bakit tulala ka diyan?" Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot sila Annie, Jelly, and Arx.
"Hanggang ngayon ba, yung nangyari pa rin kahapon ang iniisip mo?" Tanong ni Jelly.
"Apparently, yes. Hindi mawala sa isip ko eh. Hanggang sa umuwi ako, pati sa pagkain at pagtulog ko. Yun lang yung laman ng isip ko."
Naupo si Annie sa tabi ko at nilaru laro yung buhok ko. "Sa bagay, sino nga bang hindi kung ako ang nasa kalagayan mo."
"After nun, anung pinag usapan niyo ni Bryle? Okay na ba kayo?"
Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Jelly. Feeling ko hindi okay between me and Bryle. Parang ang awkward na. Wala nang usap usap.
"Eh nagkita na ba kayo kanina? Nakapag usap na kayo?"
"Hindi pa rin. Anong gagawin ko? Nababaliw na ko kakaisip!!"
"Be yourself and act natural. Kung anu ka bago ka niya nakilala at kung anu ka nang makilala ka niya. Yun."
"Okay... okay."
Naglakad lakad na lang kaming tatlo sa loob ng campus. Humiwalay na samin si Arx kasi puro daw kami babae. Nag start na rin kaming magtry ng iba't ibang booth. Nagpalagay din kami ng kissmark. Pagkalabas namin sa horror booth, bigla na lang may humila sakin. Halos patakbo na ko dahil sa maglakad nung humihila sakin.
"Huy Thonny. Aray ko! Saan mo ba ko dadalhin?"
"Basta. Sumama ka na lang sakin."
"Sasama naman ako. Hindi mo ko kailangang kaladkarin."
Huminto kami sa may garden at nagtaka ako kung anung gagawin namin dito.
"Don't tell me, type mo ko?" Dinala niya kasi ako sa marriage booth. Kasunod na rin namin si Annie and Jelly.
May lumapit saking babae, hindi ko siya kilala pero familiar yung face niya. Senior na siya, base dun bar sa uniform niya.
Ipinatong niya yung belo sa ulo ko at inabutan ako ng isang bouquet ng artificial flower. Itinulak ako ni Thonny para maglakad sa aisle nung tumugtog yung wedding march.
Nilingon ko sila at nakangiti lang sila. Nipi-picture-an din nila ko. Tumingin ako sa aisle na dinadaanan ko at dun... dun nasagot lahat ng katanungan ko. Napangiti na lang ako habang naglalakad sa aisle. Ang dami ko kaagad na-imagine. Kung paano ko io-organize yung wedding ng ibang tao, kung paano ko ibabagay yun sa personality ng groom, especially the bride. At syempre, kung anu ang gusto ko sa kasal ko mismo.
Nang makarating na ko sa may altar, sinalubong ako ni Bryle at hinawakan niya ang kamay ko.
"Bagay sa'yo." Sabi ni Bryle ng magkaharap kami.
"Thanks."
Nag start na yung wedding ceremony nung fake priest, student lang din siya.
"Do you, Felix Bryle Jimenez, take Zeria Marliss Monteverde as your illegitimate wife?"
"I really do." Sagot ni Bryle habang nakatingin siya sakin.
"Do you, Zeria Marliss Monteverde, take Felix Bryle Jimenez as your illegitimate husband?"
"I obviously do."
"I now pronounce Felix Bryle and Zeria Marliss as unlawful husband and wife."
Natawa ako ng biglang magtakbuhan sila Jelly palapit samin. Grabe! Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang...
Natahimik yung mga estudyante na nagtitilian kanina, siguro dahil moment of truth. But until now, shock pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin yung boses ko para lang makapagsalita.
Ayoko ring lumingon sa paligid ko, kasi baka mamaya niyan pagtingin ko Bryle wala na siya. Baka mamaya panaginip lang ang lahat.
Ibinaba ni Bryle yung microphone niya at nagsalita siya pabulong
"You don't have to answer my question. Sorry kung binigla kita. I know this ain't the right time..."
Umiling iling ako dahil para kong binuhusan ng tubig. Yung tipong pang ice bucket challenge.
"It's a yes, Bryle. Duh! Silence means no! Don't you know that?" Natigilan si Bryle at sila Annie pa ang nangunang tumili.
"Is that really a yes?"
"Yes, it's a yes."
Bigla akong hinalikan ni Bryle sa noo at niyakap niya ko. Mas lalong umingay sa loob ng room at nagpalakpakan sila.
After that kiss and hug scenario, naging awkward na samin ni Bryle ang lahat. Bumitaw siya sa pagkakayakap at awkward na ngumiti sakin. Bihira kaming nagusap that afternoon. Pati nung kumain kami ng lunch hanggang sa mag uwian. Bilang na bilang lang yung pag uusap namin. Feeling ko kasi nag a-adjust pa kami and masyado kaming nanibago. Hindi niya ko ni-text that night. And hindi rin ako nag initiate na itext siya.
Bahala siya. Pagkatapos kong pumayag na kami na, na girlfriend na niya ko, bigla na lang magiging cold!!
"Say kiss." Sabi samin ni Bryle nung photographer kuno ng marriage booth.
"Kissssss!!" Sabay naming sinabi ni Bryle habang nakahawak siya sa tagiliran ko at magkahawak yung left hand ko and left hand niya. Yung right hanf ko naman may hawakng bouquet.
"Sama naman kami!" Sabi ni Thonny at diretso pose sila.
Binayaran ko yung mga pictures na naka-develop na. Binigyan ko din si Bryle ng isang copy ng picture namin na magkasama kami. Nilagyan ko pa ng message sa likod yung picture namin na binigay ko sa kanya. Ganun din yung ginawa niya. Nilagyan din niya ng message yung likod ng picture namin na nasa akin.
"Anong gusto mo, ice cream or cotton candy?" Tanong sakin ni Bryle.
"Cotton candy. Yung pink!"
Bumili si Bryle ng dalawang cotton candy, pink sakin at blue yung kanya. Nakaupo kami sa isang bench at kumakain ng cotton candy nang bigla nagka-flashmob. Maraming nagtitilian dahil unexpected. Hindi kasi talaga pinaalam yung time ng flash mob.
After ng flash mob, naisip namin na magpunta dun sa rent-a-bike booth sa may gym.
"Eto gusto kong bike, Bryle."
"Marunong ka ba?" Sumimangot ako dahil hindi ako marunong mag bike. Pag aaralan ko na lang siya next time.
Ni-rent ni Bryle yung bike na tinuro ko.
"Ia-angkas na lang kita. Hindi ka naman pala marunong."
"Wag kang maingay. Nakakahiya." Tumawa lang siya at sumakay siya sa bike.
"Halika. Dito ka sa harap ko." Naupo ako sa may harapan ni Bryle. Nandun kasi yung sakayan ng umaangkas, may pa rectangle dun na kahoy na may manipis na kutson.
Sa halip na patalikod ako kay Bryle, paharap ako sa kanyang naupo sa bike. Para kita ko siya.
"Itaas mo yung paa mo ah."
"Yes sir!"
Nang nagsimulang paandarin ni Bryle yung bike, napatili ko kasi medyo na-out of balance kami, pero nakabawi naman kaagad nung dire-diretso na yung pag pedal niya.
Tawa kaming tawa ni Bryle habang paikot ikot kami sa loob ng gym. Niloloko niya kasi ako pag bigla na lang parang mahuhulog yung bike. Nag stop si Bryle sa may tapat ng parang pa-gate style na dingding ng gym kasi hindi siya solid na pader, puro siya railings kaya kitang kita yung labas ng paligid ng gym. Tanaw namin yung altar sa sacred garden.
"Masaya ka ba Zeria?"
"Sobrang saya ko, Bryle. Kung alam mo lang."
"Ako din, unti unti pa lang nagsi-sink in sa utak ko na sinagot mo ako. Na hindi langa tayo mag schoolmate, classmate at groupmate. Mag boyfriend-girlfriend na din tayo."
"Who would have thought na mangyayari nga to."
"Ako Zeria. Umasa ako. Kaya masaya ako kasi may napala ako. I love you, Zeria."
"I love you too, Bryle."
(c) Eilramisu
Uy!! Ang CORNETTO!! Hahaha. Enjoy sa sabaw, guys. Hahahaha!!
Follow me on INSTAGRAM!! > @arliecious_eff
Thanks. I loveyou all :-*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top