24th Plan
Hanggang ngayon speechless pa rin ako sa sinabi ni Bryle dun sa mga lalaki kanina. Yung feeling na para kang nag e-exam pero kahit isa hindi mo masagutan kasi hindi mo inaral. Argh! Bakit ba kasi siya ganon? Ilang Bryle ba ang imi-meet ko araw araw? Iba iba kasi eh. Hindi ko alam kung sino ba talaga dun yung totoo. Parang kailan lang ni-declare niya na liligawan niya ko, tapos kanina ang sabi niya girlfriend niya ko. Aba! Baka bukas mag asawa na kami. Ang hirap niyang hulaan.
"Zeria, kung ang iniisip mo eh yung tungkol kanina. Sinabi ko lang yun para tantanan ka na nung mga lalaking yun." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Bryle. Basang basa siya at naka topless. Hindi ko man lang napansin na umahon na pala siya sa ilog.
"Hindi no. Asa ka! Bakit ko naman iisipin yun. Hindi ka pa nga nanliligaw!"
"Ouch!" Nilagay ni Bryle ang kanang kamay niya sa dibdib at umarteng nasaktan. "Grabe. Grabe talaga. Hindi pa ba ko nagsisimulang manligaw? Para sa'yo, wala lang yun?"
"Wala. Ano bang ginagawa mo? I mean, lagi mo lang naman akong kinukulit, lagi lang tayong magkasabay sa lunch. Madalas ikaw na rin ang nagdadala ng foods ko for lunch. Lagi mo kong hinihintay sa gate ng school tuwing umaga. Pag p.e bigla mo na lang pupunasan yung pawis sa mukha ko tapos bigla kang aalis at pagbalik mo may dala ka ng bottled water. Pag isa ako sa cleaners nakikipag agawan ka ng walis tambo sakin tapos ikaw na yung magwawalis ng buong room. Lagi mong nido-drawing-an yung notebook ko ng mga hearts and heart-shaped na tao. Tapos lagi mo kong hinihipan sa mukha." Napatingin ako kay Bryle ng ma-realize ko lahat ng ginagawa niya sakin. Nakita kong nakatingin siya sa ibang direction pero ngiting ngiti siya. Tapus bigla siyang nag poker face ng humarap siya sakin.
"Ano pa? Yun lang?" Tanong niya sakin at marahan lang ako tumango.
Bakit ba hindi ko na-realize agad lahat ng ginagawa niya para sakin. Tanga ba ko or manhid? Tanga siguro. Kasi kinikilig ako pag malapit siya sakin, pagkatabi ko siya. Ano pa kaya sa lahat ng ginagawa niya sakin.
"May nakalimutan ka."
"Ano pa yun?"
"Lagi kong inaalis yung mga buhok na tumatakip sa mukha mo. Lagi kong pinupunasan yung kamay mo ng towel na may alcohol pagkatapos natin mag lunch at gumawa ng activities sa klase. Lagi kong tinatali yung sintas ng sapatos mo pag p.e. Lagi kitang nilalagyan ng bulaklak sa may tenga mo pag nasa garden tayo. Lagi kitang sinasalo pag nadudulas ka o natatapilok, at... lalo pa kitang sasaluhin pag nahulog ka sakin ng tuluyan."
This time, ako naman ang humipan sa mukha niya kaya napapikit siya. Hinintay kong magmulat siya pero hindi, ngumiti lang siya lalo.
"Diyan ka na nga!" Mabilis akong tumayo at dali dali akong lumapit kila Jelly.
What the Felix!!! Alam ko na! Alam na alam ko na talaga. Hindi lang ako tanga. Kundi isa ring manhid. Bakit hindi ko agad na-realize?!!! Puro lang ako kilig kilig kilig. Shet! shet! shet!! Papatayin na ko ni Bryle sa kilig. Pwede ko ba siyang kasuhan?!! He's killing me softly!!
"Ang daya mo Zeria! Kayo na pala ni Bryle! Hindi mo man lang sinasabi samin nitong si Jelly." Bungad sakin ni Annie.
"Hindi ah! Hindi kami. Sinabi lang yun para umalis na yung mga lalaki kanina."
"Ganon ba? Eh hanep naman kasing ganda niyo nitong si Jelly. Pati mga campus crush sa kabilang school eh nahumaling sa inyo. Nakakainis naman si Bryle, umalis tuloy, nagpapakabusog pa nga akong titigan sila."
"Gaga. Tumigil ka nga Annie. Dapat lumapit ka samin para ikaw na lang pina-picture-an namin kasama sila."
"Ayan! Palibhasa kasi may lovelife na kayo ni Zeria. Ang daya daya!!!" Nakangusong sabi ni Annie.
Umakbay samin ni Annie si Jelly tapus inilapit niya kami sa kanya. "Basta ako, nung pumasok ako sa Laurente, kayong dalawa ang una kong lovelife."
"Awww!" Super na-touch ako sa sinabi ni Jelly. Kaya naman niyakap ko siya pati na rin si Annie.
Last day na ng variety show namin, kaya naman todo sayaw at kanta kami. Malaki yung kinita namin, kasi merong iba na nagpumilit talaga na bumili ng ticket kahit hindi na namin sila maa-accommodate. Okay lang daw sa kanila kahit nakatayo eh, kaya pinagbigyan na lang namin.
Puro hiyawan ang naririnig ko, palibhasa ang ganda ng boses ni Toby tapus cute din siya, tapus si Arx nag gi-guitar. Malakas na malakas ang dating nila. Tapus etong si Jelly nakikipagtilian din, hindi siya nagpapatalo. Nakikipagsabayan sa mga may crush kay Arx.
Natapos ang performance, at malapit ng matapos ang variety show. Last day na bukas ng foundation week, bukas namin ie-enjoy ang lahat lahat. Meron din daw kasing flashmob na in-organize yung mga seniors. Bukas pa din kasi ang program eh.
Nakita ko na pumasok si Ma'am Ella, kaya nilapitan ko siya.
"Kamusta kayo? Kamusta dito? Wala ba kayong naging problema?" Bungad niya sakin.
"Wala naman pong naging problema. And, okay lang naman po dito. Medyo maingay lang."
"Mukha nga. Enjoy na enjoy ang mga audience niyo oh. Malapit na bang matapos?"
"Hmm, sa pagkakaalam ko po, isa na lang yung mag pe-perform." Napasimangot ako sa na-realize ko. Bakit hindi nag perform si Bryle!!! Ang daya! Ang unfair! Wala man lang siyang gina--
"Good afternoon sa lahat!" Napatingin ako sa stage ng marinig ko ang boses ni Bryle. nakaupo siya sa isang stool tapos may mic na nakatutok sa kanya. Nasa gilid niya si Arx na hawak pa rin yung guitar niya.
Mas lalong napuno ng sigawan ang buong classroom.
"First time kong gagawin to lalo na sa harap ng madami tao. Kaya hindi ko na papatagalin pa. Dream girl by Kolohe Kai. Sing with me if you know the song."
Nang magsimulang kumanta si Bryle nakanganga lang ako. Yung feeling na gustong gusto ko ng gumulong gulong sa sobrang kilig. Kinagat ko na lang ang labi ko para pigilan ang sobrang pagkakilig. Pero hindi nakayanan ng mga balahibo ko, kaya lahat sila standing ovation sa ganda ng boses ni Bryle. Bakit hindi ko alam na maganda pala ang boses niya. Yung feeling na sobrang nakaka-inlove. Parang anghel lang na kumakanta.
Take note, bago siya kumanta nagsisigawan lahat ng babae, nung nag start siyang kumanta nanahimik lahat.
Hindi ako pwedeng magkamali... sakin lang siya nakatingin. Sakin lang siya naka-focus, ako yung dream girl niya.
"I'm dedicating this song to the girl of my dream, Zeria." Nanlaki ang mata ko ng i-voice out niya talaga yun. Hinawakan ako ni Jelly sa braso at hinila ako papunta kay Bryle.
"Anong mga pakulo to?" Sabi ko kay Jelly, pero hindi niya ko sinagot at iniwan niya ko sa harap ni Bryle at umalis na sila ni Arx.
Wala akong idea dito! Bakit ganito. Parang may pustahan ng karera ng kabayo sa dibdib ko. Hindi na ata kakayanin ng chest ko, baka biglang lumabas ang puso ko.
Pinatigil ni Annie yung mga audience na walang humpay sa pagtili.
Tumayo si Bryle sa stool na inuupuam niya at mas humarap siya sakin.
Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya, baka kasi bigla na lang ako mag melt.
Dahan dahan niyang kinuha yung kamay ko at marahan niyang pinisil.
"Nung una tayong nag meet, hiniling ko na sana hindi na lang ako napadaan sa lugar na yun. Para hindi mo ko nakita, at hindi mo ko dinamay. Sabi mo masakit yung paa mo, kaya binuhat kita. It's kinda funny cause I know that you're faking it. You're a typical spoiled brat, and I hate it. Guess what, I still fall in love with you."
Nagsimula nanamang maghiyawan yung mga audience, pati si Annie nakihiyaw na din. Pero dahil sa huling sinabi ni Bryle, ewan ko pero bigla akong nagkaroon ng lakas na makipagtitigan sa kanya. Kung kanina puro kaba ang nararamdaman ko, ngayon gusto ng sumabog ng pagkatao sa sobrang kilig.
"Keep quiet! Zip your lips, class!" Saway ni Ma'am Ella.
"I'd like to take this oppurtunity to ask you... Zeria Marliss, will you be my girlfriend?"
(c) Eilramisu
TAMA NA MUNA. NAG NO-NOSEBLEED NA KO. LOL. INAANTOK NA KO. WALA NA KONG MAHUGOT SA UTAK KO. STRAIGHT NA ATA SIYA. LOLOLOLOL XD -.-
SIGURO TUESDAY OR WEDNESDAY YUNG NEXT UPDATE. BASTA PAG DI AKO BUSY. FINALS EH -.-
FOLLOW ME ON INSTAGRAM>> @arliecious_eff
DON'T FORGET TO PUT YOUR COMMENTS:") CAUSE I WANNA KNOW YOUR THOUGHTS :-*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top