20th Plan

Nagplano plano kaming mag kaka-grupo na simulan na namin ang mga practice ngayong weekend. May mga ka-grupo ako na parang gagayahin nila yung sa mga ASAP sessionistas, meron kasing marurunong mag guitar samin, at hindi ako mapalad, dahil hindi ako marunong mag guitar pero I can sing. Kaya kasama ako sa kanila, apat lang naman kami eh. Basta lahat tungkol sa love, kaya pa-planuhin pa namin kung anu anong mga yung songs na ipi-play namin. Syempre meron ding sasayaw, pero sa second day pa ko.

Nag simula ng mag datingan sila Jelly, napag usapan din kasi namin na sa bahay na lang namin gagawin yung practice. Habang hinihintay namin yung iba sa may tabi ng guardhouse sa labas ng subdivision, inintriga nanaman ako nila Jelly.

"Anu ng status niyo ni Bryle?" Tanong niya sakin.

"Seatmates and friends. Yun. Bakit?"

"Yun lang ba?" Tanong naman ni Annie.

"Oo naman. Ano pa ba sa inaakala niyo?"

"Nako! Zeria! Alam ko yung mga ganung titigan. May spark eh! Kakaiba! Parang akala mo lagi love at first ang datingan kada magkakatinginan kayo!"

"Hoy Annie! Tigilan mo ko ah! Binibigyan niyo ng kung anu anong kahulugan yung mga ganung bagay."

"Eh kasi naman Zeria! Umamin ka na no! Kitang kita sa mga mata niyo. Wala man kayong sinasabi. Buti pa kami nitong si Annie, ramdam namin. Eh kayo?"

"Ewan ko sa inyo! Ayan na pala si Arx oh!"

"Asan?" Biglang lingon ni Jelly, at bigla din siyang harap samin, yumuko siyang nakangiti.

"I smell something..." Comment ni Annie.

"Ikaw ata Jelly ang dapat may sabihin!"

"Ha? Ano kasi, kilala ko na kung sino yung admirer ko..."

"At siya yun?" Dugtong ko sa sinasabi niya. Marahan siyang tumango.

"Akala ko si Zeria ang type nung isang yun?" Sabat ni Annie.

"Akala ko din eh." Nahihiyang sabi niya.

"Don't tell me... gusto mo din siya?"

"Gusto ko na din. Eh kasi ang sweet sweet ng mga nakasulat sa letter na pinapadala niya eh."

"Paano mo nalamang siya?"

"Nahuli ko lang. Nabangga ko kasi siya, tapus nahulog yung mga folder na dala niya. Tapus nakita ko yung letter, ganung ganong yung letter na pinapadala sakin nung admirer nga. Nagpatay malisya na lang ako. Kunwari di ko nakita. Ayun... hindi ko alam kung seryoso or isang malaking joke lang."

"Baka naman pinag ti-tripan ka lang niyan Jelly? Hindi naman sa pinanghihina ko na ang loob mo ah, pero nakita naman natin kung paano niya lagi kulitin si Zeria."

"Alam ko naman yun eh..."

"Don't worry Jel... seryoso yan." Nginitian ko si Jelly. 

Akala ko din kasi nung una, may gusto sakin si Arx. Pero nung nakaraang hiningi niya number ko, napapansin kong laging tungkol kay Jelly yung mga tinatanong niya, although hindi naman agad mahahalata kasi io-open niya muna yung closeness namin nila Jelly and Annie, tapus kunwaring mag tatanong siya kay Annie, tapus sunod sunod naman ang tanong niya kay Jelly. Kaya nung niyaya niya ko ulit mag punta ng mall, iba pa yung sa harap ni Bryle niya ko niyaya, sinabi ko sa kanya na bakit hindi si Jelly ang yayain niya. Ayun! Nadulas siya. Ang sabi niya, hindi niya nga daw alam kung paano at nahihiya siya. Kaya pinaamin ko siya. Sinabi niya din sakin yung about sa admirer thingy ni Jelly. Siya din daw yun. 

Napaka torpe nga eh, dapat daw talaga lahat ng mga pag lapit niya sakin, pag tatanong ng kung anu ano eh kay Jelly niya gagawin, hiyang hiya lang daw talaga siya.

"Huy Zeria! Ayan na si Bryle!" Siniko ako ni Annie at inginuso si Bryle na papalapit samin.

"T-talaga?" Halatang bagong ligo si Bryle, basa pa yung buhok niya eh, naka white shirt siya at red na maong short yung hanggang tuhod. Naka topsider pa siya.

Pansin ko lang, ang porma niya. Hindi mo aakalain na hirap sila sa buhay. Para nga siyang anak mayaman eh. 

"Sorry guys! Na-late ako."

"Okay lang. Ano? Tara na Zeria!" 

"H-ha? Oo. Tara na. Dito tayo sasakay."

Nagpunta kami sa Super Grandia na nakapark sa loob ng subdivision at sumakay na kami dun.

"Ang yaman niyo naman Zeria. Bakit ka nga pala ulit sa Laurente nag aral?" Comment nung isa kong ka-grupo na si Hazel.

Tinignan ko lang siya at nginitian, tapus tinapunan ko ng tingin si Bryle.

"Dahil kasi kay Bryle kaya siya nag enroll sa Laurente!" Tinignan ko ng masama si Annie at nginitian lang ako ng loka.

Nagsimula nanamang manukso yung mga classmates ko. Buti na lang huminto na yung SG.

"Nandito na po tayo Ma'am Zeria." Sabi ni Mang Edgar ng makapasok na siya sa loob ng bakuran namin.

"Tara na!" Nauna kong bumaba para i-guide sila.

"Wow! Ang laki ng bahay niyo."

"Nakakahiya naman sa parents mo Zeria!"

Hindi ko na alam kung sino ang mga nagsalita kasi nakatalikod ako sa kanila.

"Wag na kayong mahiya no!" Pinagbuksan kami ni Yaya Emma ng pinto.

"Ang ganda naman ng bahay niyo! Ang laki laki."

"Sige maupo na kayo. Wag kayong mahiya. Check ko lang kung ready na yung room kung saan tayo mag pa-practice. Yaya padalhan na lang po sila ng drinks. Pakiasikaso na lang po." Paakyat na sana ko sa second floor ng masalubong ko si mommy sa hagdan, kakababa lang niya.

"Nandito na pala yung classmates mo." Sabi sakin ni Mommy.

Nagtayuan yung mga classmates ko at na good morning kay mommy.

"Good morning din. Sige, maupo na kayo. Wag kayong mahihiya ah."

"Zeria, kapatid mo?" Tanong ni Hazel.

"Ah hindi. Nakalimutan kong ipakilala sa inyo, mommy, mga classmates ko, mommy ko."

"Call me Tita Ciara."

"Ang bata pa ng mommy mo Zeria!" 

"Ah hindi! Mag ti-thirty eight na ko." Sagot ni mommy.

"Mom, wait lang ah. I'll just check the entertainment room."

"Sige na, ako na ang bahala sa kanila."

"Wait lang guys ah! Mamaya ko na kayo ipapakilala isa isa." Nagpunta na ko sa second floor para i-check yung room.

Okay nanaman pala nung pag pasok ko, mabango at malinis naman. Pinalipat ko kasi sa gilid yung sofa set para maluwag sa center pag nag practice ng sayaw. Na-edit na kasi nung isa kong ka-group yung mga remix songs for dance number. Naka open na din yung tv pati nakapatong na sa center table yung dalawang magic sing. At yung iba pang mic. Bukas na din yung aircon, malamig na nga eh. 

Nung okay na lahat, nagpalit ako ng cotton shorts, para mas presko. At bumaba na ko.

"I guess everything is set." Sabi ko ng makalapit ako sa kanila. "Saan si mommy?"

"Kakapunta lang sa kitchen mag bibigay pa daw siya ng instruction. Ang bait ng mommy mo Zeria. Buntis pala siya no?" Sagot ni Annie.

"Ah. Oo. Mag tu-two months na ata or three. Tara na sa taas. Iwan niyo na yung mga baso diyan. Hayaan niyo na yan." 

Sabay sabay kaming umakyat papuntang entertainment room. 

"Make yourself comfortable, ayun yung c.r kung gagamit kayo."

"Dito tayo mag pa-practice. Merong magic sing diyan, meron ampli, kung anong mga kakailanganin natin meron naman, pero wala kaming musical instuments. Kaya pinagdala ko na kayo ng guitar kung kailangan." Mahaba kong paliwanag.

"Madali na lang pala tayong makakapag practice, meron na tayong resources. Ang kailangan na lang natin eh pag isipan yung mga dance steps, choice of music, and genre." Sabi ni Arx na may kasamang sulyap kay Jelly.

"Buti na lang naka-grupo ka namin Zeria. Hindi na tayo mahihirapan." Sabi ni Hazel.

"Oo nga, pero hindi ba talaga nakakahiya sa mommy mo?"

"Hindi no! Okay lang yun sa kanila."

"Nasan nga pala yung daddy mo Zeria?" Tanong ni Jelly.

"Nasa Batangas port. Nag i-inspect nung mga roro. Mabuti pa, simulan na natin."

Habang inaayos namin yung magic sing, yung iba naman nag iisip na ng mga possible songs. Tapus pinahiram ko naman yung iba ng laptop, sa youtube na lang daw kasi sila maghahanap or kukuha ng mga idea sa sayaw. 

Lahat kami busy ng may kumatok sa pinto at pumasok si mommy na may dalang tray ng sandwiches, kasunod niya yung dalawang maid na may dalang pitcher of water, juice and glasses, tapus basket na merong mga junkfood, like nova, piattos, picnic, tempura, halos lahat ata ng gusto kong junkfoods nandun. 

"Mag breakfast muna kayo." Sabi ni mommy nung nakapasok na siya. Lumapit naman ako sa kanya para kunin yung tray at pinatong ko yun sa center table. "Mamaya niyo na kainin yung junkfood pag nakakain na kayo ng sandwich. Tapus ipapatawag ko na lang kayo pag lunch na.

"Sige po. Thanks you po, Tita!" Halos sabay sabay na sabi ng mga classmate ko.

"Sige, maiwan na muna namin kayo. Zeria, kung may mga kailangan kayo, sabihan niyo na lang." Tumango lang akon sinabi ni mommy at lumabas na sila ng kwarto.

"Oh sige na! kuha na kayo ng sandwich! Kain na muna na tayo." Nagkuhaan silang lahat, maliban kay Bryle na naupo lang sa isang tabi. Kaya naman kinuha ko na ung dalawang sandwich na natira para saming dalawa. Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya.

"Oh sandwich!" Iniabot ko sa kanya yung sandwich at tinignan niya ako at kinuha niya.

"Salamat." Tipid niyang tugon. Pero hindi naman niya pinagtuunan ng pansin yung sandwich, hawak niya lang.

"Bakit ang tahimik mo? Ay! Lagi ka nga palang tahimik." Sabi ko sabay kagat sa sandwich.

"Grabe tong tuna sandwich niyo, Zeria! Super sarap at tatlong patong pa ng tinapay." Hayag ni Manuel, yung pinsan ni Hazel na classmate din namin syempre.

Nginitian ko lang siya at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko sa sandwich.

"Masarap yung sandwich, Bryle. Try mo!"

Tinignan ako ni Bryle at umiling lang siya.

"Dali na! Eto naman! Kumain ka na. Mahaba habang practice-an pa to. Kailangan natin ng energy para mas happy."

"Ayoko nga!" Sumandal siya at nag dekwatro. Kinuha ko yung sandwich sa gilid niya at medyo tinanggal ko yung tissue. Pinipilit kong ilapit sa bibig niya yun pero marahan niyang tinutulak yung kamay ko palayo.

"Sige na! Eto na! Eto na! Kain na!" Halos parang ginagaya ko si Judy Ann Santos sa commercial na  Lactum. Pero wala pa ring effect yun kay Bryle. 

"Wag ka ngang makulit."

"Eh di wag!! Sungit mo! Magutom ka sana diyan!" Nilapag ko na yung sandwich niya. At yung saking sandwich ko na lang yung pinag diskitahan ko. Nung kakagat na ulit ako sa sandwich ko, bigla niyang hinawakan yung wrist ko at inilapit niya yung sandwich ko sa bibig niya. Napasinghap ako ng bigla niyang kagatin din yun. 

"Uyyyy! Kayong dalawa ah!!" Nangunguna nanaman si Annie sa pang aalaska.

Nung tatayo na ko, hindi niya binitawan ang kamay ko tapus kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Masarap pala talaga..."

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top