1st Plan

"What?? No mommy, hindi pwede ang gusto niyo! Ang sabi niyo ni daddy, magbabakasyon lang tayo dito. Pero anong nangyari? All of a sudden, you wanted to stay here for good? Mag 9th grade na ko. Seriously? Gusto kong maging valedictorian... pero paano na yun? Imposible na kung mag ta-transfer pa ko."

"Sweetie, kailangan kasi ng daddy mo na tutukan ang shipping lines dito." Paano sila nakapag isip na mag tayo ng business sa gitna ng dagat, puno, gubat at kung anu pa?

"Mom, candidate ako for valedictiorian. How could you do this to me? Inaalis niyo sakin ang oppurtunity na maging valedictorian."

"Zeria, may magaganda ding school dito. Kagaya din ng dati mong school. Makakahanap ka din ng madaming friends dito. You'll love this place."

"Kung nandito lang sana si ate Riley, eh di sana maipagtatanggol niya ko. And where's daddy? I need to talk to him."

Napailing na lang si mommy at lumabas ng kwarto ko. Gosh! I'm hella stuck here in the province. Akala ko mag i-spend lang kami ng vacation dito for a month or two. Tapus dito na pala ko mag aaral. Transferee! 

Saan ako maghahanap ng boyfriend dito? Sa jungle? Okay, I'm so exaggerated. Nasa subdivision kami dito sa Batangas. Maganda dito at mukhang hindi probinsya. Pero paglabas ko ng subdivision na to... okay, maganda din naman. Pero okay na okay na ko sa Alabang, napapalibutan ng mga malls like ATC and Festival. Eh dito? Parang wala nga kaming nadaanan na malls nung nagpunta kami dito. Small establishments lang. Pero mabubuhay ba ko nun?

Hindi naman talaga ko mapili sa lugar... pero naman, nabuhay akong sa isang maunlad na lugar. Mas sanay ako sa polusyon. Naman!!

Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto ko... hindi sa nag rerebelde ako. Pero ang gusto ko si daddy ang kakatok sa kwarto ko, para alam kong nandyan na siya... saka kami mag uusap.

Ini-open ko yung laptop ko at nag facebook... habang nag i-scroll ako sa news feed, nababasa ko yung mga status ng mga classmates and friends ko... at naiinggit ako. Pero hindi ako naiinggit na nasa Boracay yung iba para mag bakasyon, yung iba naman nasa Hong Kong. Like duh! Ilang beses na kong nakapunta dun... naiiinggit ako dahil dun pa rin sila mag aaral sa Brillantes University. Paano naman ako? Ni hindi man lang ako nakapag good bye sa kanila.

Nagpunta ako sa terrace ng room ko, tanaw ko yung mga neighborhoods namin. 

"Hay!! Ang boring dito. Pero kung nasa Alabang kami... for sure napaka-active ng mga neighborhoods namin, may mga naglalakad lakad, nag ba-bike, nag ja-jogging... eh dito? May ibong lumilipad. Period."

"Gusto mo bang mag stroll sa park? Napadaan ako kanina dun... maraming namamasyal dun." Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na yun. Nakita ko si daddy na nakatayo sa may sliding door.

"What are you doing here, daddy?" Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bahay namin. Hindi ko man lang namalayan na nandyan na pala si daddy sa likod, yung totoo... may pag ka ninja siya? Itatanong ko nga yan mamaya kay mommy.

"Your mom told me that you want us to talk?" 

"Good thing... well, about that... seryoso ba kayo na mag ta-transfer ako dito?"

"Nasabi na pala ng mommy mo sa'yo yan..." Kung kanina nililingon ko lang si daddy pag mag sasalita siya, ngayon naman napatitig na ko sa kanya.

"But... why? Maganda naman ang records ko sa B.U. I mean, dad, candidate ako for valedictorian. Alam kong mahina ako sa math... pero pwede naman nating pag usapan yun. Basta wag dito. Please?"

"It's not about that, Zeria. Kailangan ko lang asikasuhin ang business natin. Para makapag aral ka sa magaganda at elite schools." He has a point... pero hindi pa naman kami nag hihirap. Kahit ata sa mas mahal pa sa B.U ako mag aral, kayang kaya pa rin.

"Don't you think it's unfair? I mean... saan ako mag sha-shopping? Mag go-grocery. Meron ba ditong nabibilihan ng mga latest edition ng The Wedding Planner Magazine?"

"Maraming mga malls din dito. Magpasama ka sa driver natin. Pati kay Mameng Aida."

"I'll think about it, dad. Pero sa tingin mo daddy, halimbawa pag sa ATC ako mag sha-shopping, malayo kaya yung magiging biyahe?"

"Of course... malayo yun. Kaya if I were you, dito na lang sa mga malls dito. Mas malapit."

"Does it mean na madadagdagan ang allowance ko?"

"Magkano?"

"Hundred percent." Pinag isipan ko yan ah! Ang hirap kaya i-calculate at makipag negotiate.

"Ang laki naman ng increase!" Nakakunot noong sabi ni daddy.

"Kaya niyo nga po inaasikaso yung businesses natin, diba? First, wala naman sigurong elite schools dito like B.U. di ba? Kaya yung maile-less sa tuition fee ko, idagdag mo na lang sa allowance ko. Second is, pumapayag na kong dito mag-aral. Kaya kailangan may compensation. Wala pa kayong maririnig na kahit ano sakin." Ngumiti si daddy at lumapit sakin.

Naglahad si daddy ng kamay, tinignan ko yun, pero bumalik ulit ang tingin ko sa mata niya. "Well... it's a deal, then." 

"Not yet, Mr. Monteverde. Pag may mga special gatherings or occassions yung mga classmates ko before and pag invited ako... gusto ko, always present ako. Syempre, I'll miss socializing."

"Is that all, Madam?" Hmm, iisip pa ko. Para naman hindi ako lugi sa pag tira ko sa jungle na to.

"Hmm, gusto kong ma-invite yung mga classmates ko before, yung pili lang, na mag overnight sila dito or kaya naman pwede sila dito pag weekends or long vacation. Para hindi ako ma-bored. Pero dapat, susunduin ko sila. Deal..." Tinggap ko ang kamay ni daddy, umiling siya at hinatak niya ko para ma-hug.

"Thanks baby..." Then he kiss my forehead.

  

Niyakap ko siya ng mahigpit. "I love you, daddy." 


(c) Eilramisu

NGAYON PA LANG PO NAG PAPASALAMAT NA KO SA PAG AABANG NIYO SA 'HWP'. 

SANA MAGING KASING INIT NG 'HBS' ANG PAGSUPORTA NIYO SA 'HWP'

:-* ♥

P.S.

THANKS PO blazingredd FOR THE COVER.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top