19th Plan
Ilang araw na din ang mga lumipas... at sa mga araw na yun mas nakilala ko ang totoong Bryle. Sumasabay na siya samin sa lunch break. Tinutukso na nga ako nila Annie and Jelly at iniintriga nila ko. Tinatanong kung ano na ang estado namin ni Bryle.
Si Dianne naman panay ang irap sakin. Siguro nga dahil may gusto siya kay Bryle, at hindi naman talaga siya gaanong pinapansin ni Bryle. Masyado lang siyang assuming. Akala niya siguro gusto din siya ni Bryle. Pero ang hindi niya alam... hindi ko rin alam. Kasi hindi ko naman talaga alam kung sino ang gusto ni Bryle. Wala naman siyang sinasabi. At ayoko ding mag assume. Baka in the end... masaktan ako. Naisip ko din yung pagiging malapit ni Jelly at Bryle. Malay ko ba kung anong meron sa kanila. Wala namang sinasabi sakin si Jelly. Hindi rin naman nababanggit ni Bryle si Jelly nung mga panahong mag kasama kami sa bahay nila. Pag magkakasama kami sa lunch break, nag uusap sila pero hindi katulad nung mga first week of class.
Kaya nahihirapan ako kung ano at sino ba talaga. Hindi naman ako manghuhula. Mahirap namang magtanong. Baka ako pa ang kwestyunin.
Napatingin ako kay Bryle na seryosong nakikinig sa teacher namin sa Chemistry na si Sir Camacho. Ang gwapo niya talaga eh. Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilikmata. Ewan ko dito kung bakit nag sasalamin sa mata, eh mukha namang walang grado ang mga mata niya. Ang pula ng labi niya, kung naging babae siya, siguro mas maganda siya sakin. Pero hindi bagay sa kanya ang maging babae.
"Bakit mo ko tinititigan?" Halos masamid ako sa sarili kong laway ng mahuli ako ni Bryle na nakatitig sa kanya. WTF?!
"Ahm... h-hindi no! Ah! K-kasi gusto ko lang ano, gusto ko lang tanunging kung kailan yung foundation week? One month na lang ba? Hindi pa kasi napag uusapan ulit eh." Nilingon ako ni Bryle sandali, tapus bumalik yung tingin niya sa teacher namin.
"Yun lang ba?"
"Oo, yun lang."
"Next month na nga... bakit? Excited ka?"
"Hmm, oo. Masaya kaya yun. Maraming booths, walang klase, maingay. Ganon..."
"Pagkakaguluhan ka lang ng mga lalake. Baka hatakin ka lang nila sa jail booth, o kung anu ano pang booth."
"Bakit naman nila gagawin yun?"
"Kasi maraming nagkakagusto sa'yo. Maraming nag kaka-interes sa'yo."
"Ha? Okay lang? Saan mo naman nasagap yang chismis na yan?"
"Hindi yun chismis! Try mong kumain minsan sa canteen. Kayong dalawa lagi ni Jelly ang pinag uusapan."
"Kasi new students kami. Kaya ganon! Lilipas din yun."
"Hindi mo ko naiintindihan, Zeria."
"Anong hindi? May iba pa bang dahilan?" Hindi na nagsalita pa si Bryle. Kaya tinignan ko yung teacher namin. Alam ko pa naman yung pinagsasabi niya. Kasi nag advance study naman ako nung weekend. Ayoko na kasing maulit yung nangyari dun sa Social Studies. May pagka-GC kasi ako eh! "Huy! Bryle! May iba pa bang dahilan?" Hindi ako nakatiis at tinanong ko ulit si Bryle. Pasimple kong sinusundot yung tagiliran niya. Pero wala naman siyang kibo, wala siguro siyang kiliti dun. "Huy! Sagutin mo kaya yung tanong ko! Bryle! Galaw galaw baka ma-stroke!" Hindi ko pa rin siya tinantanan.
"Kasi maganda ka!!" Medyo may kalakasa ng boses nung sinabi ni Bryle yun, kaya naman natulala ako at natahimik. Isa pa di ko alam kung anong ire-react ko. Lalo na naunahan ako ng mga classmate kong mag react. Nagsimula na kasi sila mag 'Huy! Huy!' Tinutukso na nila kami. Kaya naman napayuko lang ako dahil namumula na ang pisngi ko.
Pati nga yung teacher namin natigil sa pag le-lecture. At patuloy kaming inaasar ng mga classmate namin. Marahan kong siniko si Bryle. Siya kasi eh! Pwede namang hinaan yung boses. At... at... hindi naman kailangan ganon yung sagot niya eh!
"Mr. Jimenez and Ms. Monteverde." Napatingin ako sa teacher namin na biglang nagsalita. Kinabahan ako ng sobra. "Pwede niyo bang i-share samin ang pinaguusapan niyo?"
Nakagat ko ang labi ko at napayuko ako. Nakakainis naman kasi Bryle eh. Ang lakas lakas ng boses. Hindi naman niya kailangang sumigaw.
"Mamaya na kayo mag ligawan pagkatapos ng klase ko." Dugtong pa ni Sir Camacho. Kaya naman nag ingay lalo ang mga classmate ko, nangunguna na si Annie and Jelly sa panunukso samin ni Bryle.
Namula ang pisngi ko sa mga tukso nila, buti na lang pinatahimik na sila ni Sir Camacho.
"Grabe Zeria, kinikilig na ko sa inyo ni Bryle." Naniniko pa si Jelly habang nagsasalita. Kakalabas lang kasi ni Sir eh. Lumabas din si Bryle para mag cr siguro.
"Tignan mo nga naman ang mga baguhan, laging napapansin. Pero pag lumipas ang mga araw, lilipas na din sila." Malakas na pahayag ni Dianne na naka-cross arms sa upuan niya.
"Tignan mo ang mga feeling sikat, kahit kailangan hindi napapansin." Mataray na sagot ni Annie sa pagpaparinig ni Dianne.
"Wag mo nang patulan, Annie. Hayaan mo na siya." Ayaw ko kaso ng gulo eh.
"Inggit na inggit lang yan kay Zeria." Sabi ni Jelly.
"Papansin kasi masyado."
"Hayaan mo na lang siya. Titigil din yan no!"
"Sa bagay! Anyway, alam mo ba Zeria... may nanliligaw dito kay Jelly. Ang haba ng hair, may secret admirer din siya."
"Talaga Jel? Sinong nanliligaw sa'yo at sino yung secret admirer mo?"
"Secret nga teh, diba?" Pambabara sakin ni Annie.
"Ang sama mo! I mean, may idea ba kayo? May clue ba siyang binigay?"
"Wala eh! Yung letter na natatanggap ko, wala namang nakalagay kung kanino galing, kahit initials wala."
"Oh ang taray diba? Ang ganda mo kasi Jel eh."
"Inggit ako... may lovelife na kayong dalawa ni Jelly, ako wala pa din." Naka pout na sabi ni Annie.
"Nako! Dadating din ang araw na maraming maghahabol sa'yo." Pang aalo ni Jelly kay Annie.
"Matagal pa yun. Siguro pag naging third world country ang USA, saka pa ko magkaka lovelife." Dismayadong sabi ni Annie.
"Wag mo ngang dina-down ang sarili mo. Kusang dadating yun no!"
"Good morning class!" Sabi ni Ma'am Ella.
Nagbalikan na yung mga classmate ko sa mga chair nila. Saktong dati lang din ni Bryle at nakaupo na siya sa tabi ko.
"Pag uusapan ulit natin yung sa foundation week. Idi-divide natin yung klase niyo sa tatlo. Bale dalawa yung merong 16 members at isang 15." In-announce ni Ma'am Ella kung sino sino yung mga magkaka-grupo. Kagrupo ko sila Jelly, Annie, at Bryle. Hindi naman obvious na parang naka arrange ang groupings by friends. Pero mas okay na yun.
"Magkakaroon tayo ng contribution. 150 pesos per head. Ang gusto ko ay parang mini concert. Ipapa-reserve ko satin yung room 101 kasi pinakamalaking room yun sa buong first floor. Dahil tatlong grupo kayo, magbubunutan yung isang representative ng group niyo. Sige na! Tumayo na yung representative ng bawat group."
Si Annie na yung representative ng group namin, sa kabila naman si Dianne, at yung isa pa si Thonny yung ka-group ko sa PE.
Pagkabunot nila, sabay sabay nilang binuksan yung papers.
"Anong mga nabunot niyo?" Tanong ni Ma'am Ella.
"Performer group." Sagot ni Annie.
"Creative group." Sabi ni Thonny.
"Performer group." Sabi naman ni Dianne.
"Okay! Yan na yung naka-assign sa inyo, creative group, kayo na ang bahala sa room 101. Kayo ang hahawak ng fund, kasi kayo ang bibili ng mga decorations for our mini concert. Kayo na din ang bahalang mag provide ng mga tickets. Syempre, ipo-provide niyo yung mga kailangan nung performer group. Kayo din sa peace and order. Yung dalawang grupo naman, syempre, kayo ang mag pe-perform. Monday and Wednesday grupo nila Dianne. Tuesday and Thursday grupo nila Annie. Friday, magjo-join force yung dalawang grupo. Mag hahanda kayo ng 30-minute program. Sing and dance lang naman yun. Kaya niyo yun. Two times lang natin uulitin ang mini concert sa isang araw. So, question?" Mahabang paliwanag ni Ma'am Ella.
Nagtaas ng kamay si Thonny. "Ma'am, ilan po yung ia-accommodate natin kada concert?"
"Depende sa inyo yun, kung ilan sa tingin niyo ang mag kakasya sa room 101. Kayo din ang mag i-schedule ng mini concert. Depende kung anung oras ang gusto niyo. Pwedeng 9am and 2pm. Bahala kayo."
"Magkano po namin ibebenta yung ticket?"
"Hmm, 30 pesos. Okay na siguro yun. Anymore question?"
Wala ng nagtaas ng kamay, wala ng gustong mag tanong. "O sige, pag usapan niyo na yung mga gagawin niyo. Wag lang masyadong maingay."
Inayos namin ang mga upuan namin pabilog. Para magkakaharap kaming lahat.
Pinangunahan ni Annie ang grupo namin. "Idi-divide ulit natin ang grupo natin sa tatlo. Yung mga marunong kumanta magkakasama, tapus yung mga nakakasayaw, at yung kaya pareho."
Nagpaikot ng papel si Annie, may four columns yun, name, sing, dance, and both yung nakalagay. Isusulat lang naman namin yung pangalan namin tapus iche-check namin kung anu yung kaya naming gawin.
Habang sinusulat ko yung pangalan ko sa paper medyo nako-concious ako kasi ang lapit sakin ni Bryle. Tinitignan niya din yung paper na hawak ko. Nakatukod pa nga yung siko niya sa desk ko. Kaya ang lapit talaga niya. Medyo awkward. At parang may kung anung gumagalaw sa tiyan ko. For sure eto yung tinatawag nilang 'butterflies in my stomach'.
Nang tapos na kong magsulat hindi ko magawang linginunin si Bryle para ipasa sa kanya yung paper, kaya naman inabot ko lang ng di ako nakatingin sa kanya.
Nang aabutin niya na yung papel nauna niyang hawakan yung kamay ko at sabay bulong niya sakin ng...
"Nakakaadik ka... lakas mo!" Umiiling iling na sinabi ni Bryle. Kaya dali dali kong hinatak ang kamay kong hawak niya at marahan siyang tumawa...
Bakit ganon?? Ang sexy ng tawa niya sa pandinig ko...
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top