17th Plan
Sa sobrang lagabog ng puso ko, hindi ko na nagawang kumopya kay Bryle during the long test. Basta sagot lang ako ng sagot dun sa questionnaires. Serious ako sa pag kopya ko sa kanya. Pero nung sinabi niyang pati apelyido niya okay lang na kopyahin ko? WTF??!!
At sa kabutihang palad, 48 out of 60 ang score ko. Pasang awa na kahiya hiya pa! Dahil unang una, nataasan ako ni Dianne ng one point, pangalawa, kung maka smirk siya sakin, akala mo siya ang highest! Ang kapal! Joke siya! First and last niya na yun! At wag na niyang uulitin pa!
"Huy friend! May nakapag chika agad samin kanina na lalabas daw kayo ni Bryle ngayong weekend?" Sabi sakin ni Annie nung palabas na kami ng classroom.
"Sino naman?"
"Secret!" Sabay na sabi ni Jelly and Annie.
"Pa secret secret pa kayong nalalaman eh yung likod at harap lang naman namin yung pwedeng makarinig nun!"
"So totoo nga??" Gulat na tanong ni Jelly.
"Oo!" Diretsong kong sagot. Naiinis kasi ako eh, naalala ko yung mga batian nila ni Bryle. Kahit friend ko si Jelly! Ah basta!
"Eh di mabuti. Hindi na ko mahihirapan sa pinapagawa sakin ni Ann--aray! Bakit mo ba ko siniko?"
"Hoy! Kayong dalawa ha! May tinatago ba kayo sakin?"
"Wala no! Wala kaming tinatago ni Jelly! Di ba Jel?"
"Oo. Wala no! Ikaw talaga Zeria. Kumain na lang tayo. Gutom lang to!"
Hindi ko alam kung bakit nabagalan akong sumapit ang Saturday. Dati naman ang bilis bilis lang ng araw. Tapus ngayon nakapanghalumbaba lang ako habang pinapanood na nag pe-perform sa P.E yung ibang grupo ng classmate ko. Ang tagal tagal mag bell.
Naiinis din ako. Dahil parang wala lang kay Bryle ang lahat. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya nung Monday. Ako naman tong si gaga, paniwalang paniwala naman.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Pero di ko na inintindi. Dahil pre-occupied ni Bryle hindi lang ang isip ko pati na sistema ko.
"Bukas dito na lang tayo mag kita sa school. 7am sharp. Magdala ka ng extra clothes and towel."
Speaking of the handsome devil, heto na pala siya sa tabi ko.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa, kahit nakaupo kami sa bleachers. "Underwear... Baka makalimutan mo pa!" Tinitigan ko siya ng masama para lang matakpan ang pamumula ng pisngi ko at nagkibit balikat lang siya.
Halos hindi ako nakatulog buong magdamag. Lakas maka Bryle eh! Kainis! 6am kami umalis ni Manong sa bahay. At meron pa kong 15-20 minutes na paghihintay kay Bryle. Hindi ako excited sa araw na to. Hindi talaga. Kaya 1:30am na ko nakatulog. At nagising ako ng mga 4am. Kaya nagpaikot ikot lang ako sa kama. Pagdating ko pa lang kasi kahapon, ni-ready ko na yung mga gamit ko na dadalhin ngayon. At gaya ng sabi ko, hindi ako excited. Ayaw ko lang na nag rattle pag wala ng oras.
Pag alis ni Manong Edgar naupo lang ako sa plantbox sa labas ng school habang hinihintay si Bryle. Medyo malamig lamig pa ang simoy ng hangin. Naka short shorts, striped blouse, at slippers lang ako. Pati jansport na bag. Wala naman siyang sinabi kasi kung anung susuotin ko. Pero para sure na din, nagdala ako ng dress, doll shoes, extra short shorts, blouse, and undies.
Mga 6:50 na at wala pa din si Bryle. Sa bagay, 7am sharp ang usapan namin. Anu nga ba ini-expect ko?
"Anung ginagawa mo diyan?"
"Ay kabayo! Anu ba! Papatayin mo ba ko?" Letse kasi! Bigla bigla na lang sumusulpot tong kabuteng to!
"Sorry naman! Anu nga ba kasing ginagawa mo diyan?"
Mapapahiya pa ata ako neto! "Eh di... hinihintay ka!"
"Bakit? I mean, 7am ang usapan natin."
"So? Di ba pwedeng 20 minutes earlier?"
"Bakit ang aga mo? Bakit di ka na lang pumasok sa loob ng school? Eh di dapat nagkita na tayo dun. Eh past six pa pang nandun na ko, dapat di ka na naghintay diyan ng matagal!"
"Wag ka ngang OA. Di bagay sa'yo. Kanina ka pa pala nandiyan. Oh siya! Tara na. Saan mo ba ko dadalhin at ano ang gagawin natin?"
"Basta!" Hinila niya ko patayo sa plantbox at sinimulan niya na kong kaladkarin.
"Papunta sa inyo to ah. Pupunta tayo sa Mutya?"
"Hmm hindi! Basta! Sumunod ka na lang."
At gaya nga ng sinabi niya kahit napapagod na ko kakalakad sumusunod lang ako sa kanya. Hindi birong maglakad papunta sa kanila, dahil medyo may kalayuan yun sa school, sana pala nag tricycle na lang kami. Meron namang tricycle. Ang dami daming dumadaan dito.
"Hi Bryle! Good morning!"
Napa make face na lang ako ng may nakasalubong kaming babae na nag jo-jogging. Magkakilala silaaaa!! Obvious ba? Tinawag nga siya sa pangalan eh! Anu naman? Mas maganda naman ako dun!
"Napapagod na ko!"
"Malapit nanaman tayo eh! Wag ka ng mag reklamo! Para naman may exercise ka."
"Nauuhaw na ko."
"Nandito na tayo. Dito ka na uminom sa bahay. Halika!"
Hinila niya ko papasok sa bahay nila.
"Mama! Ma! Nandito na ko. Maupo ka muna Zeria."
"Penge munang tubig!" Umalis si Bryle at pagbalik niya may dala siyang isang basong tubig at may hawak siyang letter.
"Oh! Mag pahinga na muna tayo." Tinanggap ko ang iniabot niyang baso ng tubig.
"Thanks. Ano ba kasi talaga ang gagawin natin?" Sinenyasan niya lang ako na parang sinasabi niya na sandali lang. Kasi binabasa niya yung letter.
"Tsk! Umalis si Mama. Lumuwas siya pamaynila. Biglaan naman, hindi man lang ipinaalam. Magkausap naman kami kanina."
"Eh di tayo lang ang tao dito?"
"Malamang. Umalis nga ang Mama ko diba?" Iritado niyang sagot.
"Sabi ko nga!"
Iniwan niya ulit ako sa sala nila na mag isa, kaya naman nag selfie selfie muna ko. Naiisip ko yung mga gagawin namin. Pero ano nga ba yun?
"Mag breakfast muna tayo. Halika!" Paanyaya sakin ni Bryle. At dahil gutom na ko, tatanggi pa ba ko? Dalawa lang naman kami dito sa kanila.
"Kailan daw babalik ang Mama mo?" Ang tahimik kasi habang kumakain kami. Kaya kung anu na lang ang maisip ko.
"Ewan ko. Wala namang sinabi. Tapos ka na ba?"
"Oo!" Iniligpit na niya ang pinagkainan naman. Hindi na ko nag abalang tumulong pa kasi siya ang host at hindi ako marunong mag hugas ng plato. Baka mabasag ko pa yung pinagkainan namin.
Pagkatapos niyang mag ligpit, niyaya niya ko sa likod bahay nila. At namangha ako, kasi malawak at mahaba yung lupa nila sa likod, maraming tanim ng gulay at mga puno ng mangga, santol, suha, niyog, kalamansi, dalandan, at kung anu ano pa. Sa dulo naman ng lupa nila, merong parang bahay, pero parang di pa tapos ang pagkakagawa, kasi maliit na gate, mababang pader, at bubong pa lang ang meron. Probinsiyang probinsya dito sa kanila. Nakakatuwa! Meron pang duyan, kiosk, at mga nagkalat na manok, at isang kambing na nakatali.
"Ang ganda naman dito. Nakakatuwa! Parang mini farm."
"Kaya nga kita isinama dito. Kasi alam kong hindi ka nakakapunta sa ganito. Although, likod bahay lang naman to. Sa totoo lang... hindi ko alam kung bakit ko naisipan na dalhin ka talaga dito. Akala ko, hindi mo magugustuhan. Kasi mayaman ka! Hindi ka sanay. Gusto ko lang maexperience mo yung pamumuhay ng mga gaya namin na umaasa lang sa ganito." Aaahh! Na-touch ako sa sinabi niya.
"Eh ano kung mayaman ako? Tao pa rin naman ako no!"
"So, willing kang magtrabaho ngayon?"
"Trabaho? Ngayon? Anong trabaho gagawin ko?"
"Simple lang... manunungkit tayo ng mga mangga at santol. Dahil mamaya may kukuha nun dito. Tapus na ang summer, at malapit na yung talagang tag ulan, masisira ang mga prutas pag naulanan, dahil babahayan ng mga uod. Magpapakain din tayo ng mga manok... at baboy."
"Baboy? May baboy kayo?"
"Oo, nandun sa dulo. Tara na!" Sinundan ko siya papunta dun sa maliit na parang kwarto na hiwalay sa bahay nila. Bodega pala nila yun. Kumuha siya ng mga mais na patuka daw sa manok at iniabot niya sakin yun.
"Isaboy mo yan dun sa mga manok."
Ginawa ko ang utos niya. Kahit medyo natatakot ako dahil baka tukain ako. Pero nakakatuwa kasi kada saboy ko ng mais, tatakbo sila palayo at mag uunahan naman sa pagbalik para kumain. At ng maubos yung patuka na hawak ko, bumalik ako kay Bryle, inabot niya sakin yung isang timba na merong mga parang color brown na maliit
"Feeds ng baboy yan. Tara dun sa dulo." Nagpunta na kami dun sa dulo, tag isa kami ng timba na hawak. Hindi naman mabigat.
Malapit na kami dun sa bahay na di pa tapos ng makaamoy ako ng masangsang... amoy tae. At nang makarating na nga kami dun sa bahay na di tapos nandun yung mga baboy, yung left side mga nine piglets yung nandun. Ang cute cute lang. Kaya naman binitawan ko yung hawak kong timba at inilabas ko yung cellphone ko at ni-picture-an ko sila. Sa right side naman isang malaking baboy.
"Ang dumi nila Bryle!" Nagkakagulo lahat ng piglets at kami yung pinagkakaguluhan. "Yayks! Ang cute! Panay ang snore nila."
"Lilinisin natin yang kulungan nila at papakainin sila." Lumapit siya dun sa isang drum na punong puno ng tubig at sumalok siya. Nilagyan niya ng tubig yung timba na dala dala ko at napangiwi ako ng bigla niyang nilagay dun yung kamay niya at naghalo halo siya. "Try mo!" Napaatras ako sa sinabi niya.
"Huh? Eew!"
"Dali na! I-try mo lang!" At iniabot niya sakin yung timba. Tinignan ko yung braso niya at kadiri yung itsura. Pero dahil nacu-curious ako, unti unti ko din inilubog yung kamay ko sa timba. Medyo kadiri sa una, pero nung ni-try ko ng haluhaluin, nag enjoy na ko ng todo.
Siya naman lumapit sa kulungan ng piglets, may hawak siyang tabo ng tubig at walis tingting. May portion siyang binuhasan at winalis walis niya yun.
"Suotin mo yang bota diyan sa may gilid." Sinunod ko ulit yung sinabi niya. Dahil nag e-enjoy na lang rin naman ako. Nagbanlaw na din ako ng braso.
"Kunin mo yang timba at lumapit ka dito. Ilagay mo ng paunti unti yang feeds dito sa may mga gulong."
Habang ginagawa ko yun, nag kagulo na ang mga piglets at talaga namang tulakan sila. Si Bryle naman pumasok sa loob at binuhasan ng tubig yung sahig tapus winalis walis niya.
Ni-try ko din pumasok. Since busy yung mga piglets sa pagkain.
"Dahan dahan, madulas!" Paalala ni Bryle sakin.
At nung malapit na ko sa kanya, biglang merong isang piglet na patakbo papunta sakin kaya nag pa-panic akong tumakbo kay Bryle.
Ewan ko kung bakit nadulas nanaman ako. At pag lagi akong nadudulas... si Bryle lagi ang sumasalo sakin.
"Mag iingat ka kasi! Pasalamat ka lagi kitang sinasalo kada nahuhulog ka sakin..."
(c) Eilramisu
May continuation pa po ito :))))
THANKS FOR READING THIS!! ENJOY :)) :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top