12th Plan
Maaga akong nagising dahil first day of school. Hindi sa excited ako no! Pero kasi parang hindi ito ang first day for me. Pumapasok nanaman ako sa Laurente nung vacation. Kaya ganito siguro yung feeling na hindi bago sa pakiramdam.
Pagkatapos kong maligo ni-blower ko yung hair ko, dahil ayoko talagang umaalis ng basa ang buhok.
Nagtext na din sila Annie at Jelly. Halatang excited sila.
Sinoot ko na yung uniform ng Laurente... not bad! Checkered na blue and green yung color and style ng skirt ng girls. Knee-length lang yung sakin, ewan ko lang sa iba. Powder lang at babylips ng maybelline ang ini-apply ko sa mukha. At konting spray ng pabango. Kinuha ko na yung bag ko na kagabi ko lang ni-ready at nag suot na din ako ng black shoes. May I.D na din ako.
Kasabay kong mag breakfast sila mommy and daddy. I still have one hour. 8am to 6pm kasi ang pasok namin. Hays! Ganito ata talaga pag public schools, whole day!
"Ako na ang maghahatid sa'yo Zeria." Sabi ni daddy.
"Everyday ba yan?"
"It depends. Nandiyan naman si Mang Edgar."
"Its okay, dad!"
"Hanzen... pwede bang dalhan mo ko ng mangosteen and yellow watermelon?"
"Hindi pa naman season ng--" Magrereklamo pa sana si daddy pero bigla siyang nag smile. Nakalimutan niya siguro na naglilihi si mommy. "Ano pa po bang gusto ng misis ko?"
Nag ningning ang mga mata ni mommy sa sinabi ni daddy. "Gusto ko din ng sweet tamarind, buko pie ng colette's, steamed king crab, buttered shrimp with corn, sansrival cake, and... guyabano."
Pareho kaming nganga ni daddy dahil sa dami ng mga hinihingi ni mommy.
Pagkatapos naming mag breakfast niyaya na agad ako ni daddy, kailangan pa daw kasi niyang bilhin lahat ng yun... siya dapat talaga. Dahil ang kabilinbilinan ni mommy, wag ipapabili sa iba.
Mga 30 minutes lang ang travelling time, dahil nga nagmamadali daw si daddy. Pagkapasok ko, binati agad ako ng mga guards. Tapus pinagtitinginan din ako. Siguro dahil ganon talaga pag transferee.
"Zeriaaaa!!!" Umalingawngaw ang boses ni Annie sa buong ground. Kasunod ko lang siya.
"Good morning din!" Sarcastic kong sinabi sa kanya.
"Eto naman, hindi ka ba excited? Tara na! Dali! Nasa room na daw si Jelly." Daldal ng daldal si Annie habang paakyat kami sa 4th floor ng building namin. Kung hiningal ako, siya hingal na hingal.
"Juskoo! Torture tong building na to!!" Reklamo niya habang pinapaypayan niya ang mukha niya dahil kinakapos siya ng hangin.
"Hindi ka hihingalin kung hindi ka daldal ng daldal!"
"Sa bagay. Pag aaralan ko na lang mag daldal pag pababa tayo."
"Annie, pakilala mo naman ako diyan sa kasama mo!" Sabi nung isang student na bigla na lang umakbay kay Annie at kumindat sakin.
Marahan siyang tinulak ni Annie. "Tse! Tigilan mo nga kami Luis!"
Hinila ako ni Annie at nagpunta na kami sa classroom namin sa may pinaka dulo nitong hallway, katabi pa ng isang hagdanan. May nadaanan pa kaming five classrooms. Bale, merong six sections kada isang floor, except dun sa first or ground floor. Ang mga cr ng boys and girls ay nasa ilalim ng hagdan.
Nakasarado ang pinto ng classroom namin, pero rinig na rinig ang ingay na nagmumula sa loob. Pagkapasok namin, natahimik ang lahat.
"Uy! Kabado!! Wala pa si Ma'am no!"
"Bigla ka na lang kasi nagbubukas ng pinto eh!" Sigaw nung isang estudyante. Marami na din akong mga classmates.
"Alangan namang mag slow motion ako sa pag o-open! Use your coconut shell, please!" Napailing na lang ako kay Annie, unpredictable din ang isang ito.
"Zeria! Annie! Dito kayo!" Kinawayan kami ni Jelly na nasa front row, dun kasi kami dumaan sa isang door, sa pinaka likuran pa pala.
"Yes! Ang daming transferee! Ang gaganda!" Sabi nung isang lalaki na nadaanan namin.
Nasa may aisle ng front row nakaupo si Jelly. Dun naman ako naupo sa right side niya. Pagkaupo namin ni Annie, biglang may nagbukas ng pinto sa may harapan.
Natahimik nanaman yung ibang nagdadaldalan. Iniluwa nun si Bryle... naka gel ang buhok niya na parang daliri lang ang ginamit sa pag ayos nun. Nakasoot din siya ng glasses. Naka bukas ang dalawang butones ng polo niya at naka white v-neck shirt siya na pangloob, at naka-fold ang sleeves ng polo niya. Isang strap ng bag niya lang ang nakasabit sa balikat niya.
Hindi ko alam kung napakurap lang ako o talagang kinindatan niya ko. Nagulat ako ng may humawak sa baba ko. Tinignan ko si Jelly.
"Wag kang masyadong pahalata." Bulong niya sakin. Dun ko lang na-realize ang reaction ko sa pagkakita ko kay Bryle... nganga! Alam ko namang gwapo siya. Pero kasi iba yung dating niya ngayon. Parang ang cool cool niyang tignan ngayon.
"Good morning, Bryle!" Bati nung mga babae sa kabilang row.
"Good morning din..." Napayuko ako at parang tangang ngumiti ng makita kong nilingon ako ni Bryle bago siya mag salita..
Pag angat ko ng ulo nasa harapan pa rin si Bryle... pero di siya nag iisa. Kasama niya si Dianne... the cheerleader. K. Fine!
"Saan tayo uupo, Bryle? May nakaupo na sa pwesto natin." Sabi ni Dianne na nakahawak sa braso ni Bryle, tumingin siya sa pwesto namin at inirapan kami. Napataas ang kilay ko ng sa ginawa niyang pag irap samin. Mukha naman siyang si Minnie Mouse!! Daga! Naka headband siya na may malaking ribbon na polka dots. Above the knee ang haba ng palda niya, fit na fit sa kanya ang uniform niya. Yung tipong pag nagtaas siya ng kamay, makikita ang tiyan niya. Ang dami niya ding bracelets na soot. At ang lipgloss niya, parang mantika sa sobrang kintab.
"Feeler!" Biglang sinabi ni Annie na ako lang ata ang nakarinig.
"Kahit saan..." Tipid na sabi ni Bryle. Diretso siyang nag lakad papunta sa likuran namin. Naramdam ko ang pag upo niya sa likod ko. Kunwari tinignan ko si Jelly, pero si Bryle talaga ang gusto kong makita. Kahit na nabu-bwisit ako sa kanya.
Sa likuran naman ni Jelly naupo si Dianne. Inirapan ko siya kahit na hindi naman niya nakita. Kami lang ni Jelly ang nag usap habang naghihintay mag time. May iba kasi kausap si Annie. Medyo nao-awkward pa nga ako kasi feeling ko may nakatitig sa likod ko.
"Saang school activities o kaya school program mo gustong sumali, Bryle?" Narinig kong tanong ni Dianne.
"Di ko pa alam." Tipid na sagot ni Bryle.
"Gusto mo sali tayo sa--"
"Good morning class!" Sabi nung teacher na biglang pumasok sa room.
Sabay sabay kaming tumayo ng mga classmates ko. "Good morning, Sir Javier!" Sabay sabay ding sinabi ng mga classmates ko. Di pa naman namin alam ni Jelly ang pangalan niya.
Naglakad siya papuntang table niya. "Before we start our day, let's bow our head and feel the presence of God." Nag lead ng prayers si Sir Javier.
"Please take your seat!" Naupo na kami pagkasabi ni Sir.
"Oh! May mga bagong salta pala. Sino ang mga transferee?" Nagtaas kami ng kamay ni Jelly. "One, two, three, four... four transferees! Isn't it amazing?!" Sabi ni Sir Javier... at hindi siya lalaki! Gay siya. Lumingon ako para tignan pa yung dalawang transferee... pero mga mata ni Bryle ang sumalubong sakin. Kaya hindi ko na nakita yung dalawa pang transferees. "Bago ang cliche na introduction portion. Gusto ko lang sabihin na... ako ang magiging adviser niyo sa isang buong school year! Any violent reaction?"
May mga naririnig akong bulong bulungan, halatang hindi gusto yun.
"Lagot!" Mahinang sinabi ni Annie.
"Bakit? Ano bang meron sa kanya?"
"Guidance counsellor yan... terror!" Napangiwi ako sa sinabi ni Annie!
"May mga house rules ako..." Dagdag pa ni Sir Javier, may kinuha siyang mga papel sa folder niya. "Siguro naman, bukod sa mga transferees, eh familiar na kayo sa violation slip na to! Para sa mga hindi pa nakakaalam... ang lahat ng mga teacher niyo ay merong ganito. Pag meron kayong violation, syempre... may sanction. Just don't mess up with us, kids!"
Napalunok ako sa mga sinabi niya. Ang gwapo pa naman... baklang terorista pala!!
"Intiendes?!" Lahat kami napasinghap at napa tango ng bigla niyang hampasin ang table. "Good. Nagkakaintindihan naman pala tayo. Right to left! Go!!" Itinuro niya ang row namin, dahil nasa kanan kami, hindi ko na-gets yung sinabi niyang right to left. Pero nung tumayo yung nasa pinaka dulo ng row namin, na-gets ko na.
Pagkatapos niyang magpakilala, sumunod yung katabi niya, tapus si Annie.
"Good morning classmates!! I'm Annie... not Batungbakal, but Mendoza. Annie Jane Mendoza. Call me Annie, but I'm not your auntie!" Natawa ako sa mga pinagsasabi ni Annie, ang kalog din ng utak nitong babaeng to. Nang naupo siya, medyo kinakabahan akong tumayo. Damn this! Ang tagal ko ng hindi nagpapakilala sa mga ganitong first day.
Humarap ako sa mga classmates ko. "Ahm... good morning! I'm Zeria Marliss Elizalde Monteverde. You can call me Zeria. I came from Brillantes University located in Alabang, we transferred here in Batangas because of some matter related to business."
"What business, Miss Monteverde?" Tanong sakin ni Sir Javier.
"Shipping lines, Sir." Tumango tango si Sir Javier sa sagot ko.
"Are you familiar with Monteverde Shipping Lines, Inc.?" Nakagat ko ang labi ko sa tanong ni Sir Javier. Bakit niya naman natanong yun?
"Yes, Sir." Tipid kong sagot sa kanya.
"Because?" Follow up question niya.
"We owned it."
"Rich kid, huh! Why did you choose to study here in Laurente? There's a lot of prominent schools here, like Lyceum."
"I want to try new environment, to meet new people, and to experience new things."
"Well... I hope you will enjoy the new environment, the new people, and the new things." What is the problem of this teacher? Hindi ko alam kung welcome ba ko dito or hindi!
"And I hope that you will like me as your new student." Sabi ko ng nakatingin at nakangiti sa kanya, humarap na ulit ako sa mga classmates ko. "I hope all goes well." Nginitian ko sila pati na rin si Sir Javier at naupo na ko.
"Ang intense!" Mahinang sinabi ni Annie ng makaupo na ko. Sumunod namang tumayo sakin si Jelly.
"Hi teacher! Hi classmates! I'm Jillian Sandoval, aka Jelly! There's nothing special about me. And seriously, you'll find me boring! That's all, thank you!" Uupo na sana si Jelly ng biglang magsalita si Sir Javier.
"Go and tell us more about yourself, Miss Sandoval."
"There's nothing more about me, Sir. That's all I can say, and that's all I wanna say." Naupo na si Jelly. Tameme lang si Sir. Ano kayang problema nitong baklang teacher na 'to. Parang may gusto siyang i-point out samin. Parang may gusto siyang palabasin.
Natapos ang introduction ng iba na pangalan lang nila ang sinasabi nila, since dito na talaga sila nag aaral. Hindi ko magawang lumingon sa likuran ko, dahil feeling ko talaga nakatingin sakin si Bryle. Para kong may mata sa likod na nakikipag eye to eye contact sa kanya. Na meet ko na din yung ibang teacher na sumunod sa klase ni Sir Javier, apat na subject bago mag lunch break at puro introduction lang ang nagyari. Dahil hindi ko kayang hindi lingunin si Bryle, lumilingon pa rin ako, pag nakita ko siyang nakatingin sakin, bigla ko lang iiiwas ang tingin at biglang iirap sa kawalan.
Biglang nagtayuan ang iba nang mag bell, yung iba naman nag sisigawan pa.
"Tara na, lunch!" Sabi ni Annie.
"Grabe! Sumakit ang pwet ko dun ah!" Sabi ni Jelly na nag iinat inat.
"At grabe din si Sir Javier... naku!" Dagdag ni Annie.
"Wag niyo na lang intindihin si Sir, ganon lang talaga yun pag may mga transferees. Lalo na... magaganda." Nagulat ako ng biglang nagsalita si Bryle at tumingin siya sakin bago siya lumabas ng room.
Biglang dumaan sa harapan namin si Dianne na halos patakbo na siya. "Bryle!! Wait for me! Sabay na tayong mag lunch!" Sigaw niya na dinig ata ng buong campus.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top