11th Plan

Sobrang saya namin ng malaman namin na buntis si mommy. At mag tu-two months na. Kung tama ang bilang ko, sa november siya manganganak. Next week pa kasi siya nag pa schedule ng check up. Kay Tita Claire niya ipinaalam yung condition niya, na ikinatampo ni daddy.

Pumapasok pa din ako sa Laurente para sa cheering. Madalas din na pag nakakasalubong ko si Bryle, mag iiwasan kami ng tingin. Minsan nga nauuna pa siyang mang irap sakin. Ewan ko ba dun! Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakabadtrip. Like what the fel--

Urgh! Minsan nga gusto ko ng bigla na lang hindi pumasok sa SA. Kasi nakikita ko kung paanong paglalandi ni Dianne kay Bryle, and she's really an expert ha! Nalaman ko na hindi naman talaga dapat siya ang cheerleader, nagkataon lang na ate niya ang cheerleader last school year, at nung grumaduate, sa kanya ipinasa. 

Minsan naman si Jelly at si Annie napaka weird. May time na titingin sila sakin, tapus babaling sila ng tingin sa likod ko or sa gilid ko. Tapus mag e-evil smile. Ang creepy creepy. Lalo na pag nasa sacred garden kami, bigla na lang silang magtitinginan at bubungisngis. Gaya ngayon, nag uusap sila sa mga mata at hindi ako maka-relate.

"Okay! I've had enough! Naa-out of place na ko. Minsan ang weird niyo, minsan naman ang creepy niyo."

"Wala yun Zeria..." Sabi ni Annie ng makainom siya ng water.

"Wala? Ilang beses niyo na kayang ginagawa yan."

"Eh kasi Zeria... si Br--" Naputol ang pagsasalita ni Jelly ng biglang magsisisigaw si Annie.

"Ay!! Ipis! Ipis!!" 

Kami man ay napasigaw din at napatayo dahil sa ipis na sinasabi ni Annie.

"Saan? Saan na ang ipis?!" Sigaw ni Jelly habang nagpapagpag ng damit.

"Ay... nawala!"

"Annie naman!! Ginu-good time mo lang ata kami ni Jelly eh!"

"Oy! Hindi ah! Totoo kayang may ipis."

Bumalik kami sa pwesto namin at parang bigla akong nawalan ng gana kumain.

"Sabihin na kasi natin." Bulong ni Jelly kay Annie pero narinig ko pa din. Nagpatay malisya na lang ako para hindi sila mapatigil sa pag uusap.

"Wag na no! Yaan mo nga yung mga yun ang dumiskarte. Dun natin makikita kung sino ang seryoso."

Kahit narinig ko ang pinag uusapan nila, hindi ko pa rin maintindihan dahil hindi ko talaga alam kung sino, ano, at kanino. Binaliwala ko na lang yun lahat. Kasi naman... ewan. Hindi naman siguro importante.

Iinom na sana ko ng water ng may naramdaman akong bumangga sa paa ko, pagtingin ko bola lang pala ng basketball... pero kanino naman to? Hindi siguro napansin yun nila Jelly at Annie kaya naman pinulot ko yun.

"Oh saan naman galing yan?" Tanong ni Annie ng mapansin niya yung bola na hawak ko.

"I-I don't know."

"Annie, look who's coming." Bulong. ni Jelly. 

Ako man ay tumingin sa sinasabi ni Jelly, nakita ko ang isang lalaki na akala mo nasa isang commercial dahil sa pa-slow motion niyang pagtakbo sa direksyon namin. At familiar siya sakin. Siya yung nakabangga sakin nung unang beses na pumunta ako dito sa Laurente para mag enroll. Lagi ko din siyang nakikita pag nag pa-practice kami for cheering. Ka-team din siya ni Bryle sa basketball. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan niya ay Ja--

"Jared!! Anung ginagawa mo dito?" Tanung ni Annie.

Nakatingin lang sakin si Jared. "Ah! Gumulong kasi yung bola ko dito. Kukunin ko lang sana." Sagot niya ng di nililingon si Annie.

Nakakailang yung mga titig niya. Hindi ako sanay. Pero ngayon ko lang siya napagmasdan ng mabuti... gwapo din siya. Medyo mas soft nga lang yung features niya compare kay Bryle...

"Yung bola daw.." Medyo napahiya ako sa sinabi ni Annie, kaya naman iniabot ko kaagad yung bola.

"A-ah.. e-eto oh!" Nakangiting kinuha sakin ni Jared yung bola, at hindi lang yun... sa mismong kamay ko pa siya humawak. Kaya nabitawan ko yung bola, buti na lang nasalo niya.

"Salamat!" Hindi ko alam kung napapikit si Jared, o ako lang ang napapikit. O di kaya... talagang kinindatan niya ko. "Annie, Jelly... Zeria, alis na ko. Thanks!"

Umupo na ko nung tumalikod na si Jared, patakbo siyang umalis.

"One point.." Napatingin ako kay Annie na biglang tumingin sa itaas.  Ngiti lang ang isinalubong sakin ni Jelly ng nilingon siya. Hindi ko talaga sila ma-gets.

Pagod akong umuwi sa bahay. Kasi kung noon, after ng lunch tapus na ang session namin sa mga iba't ibang routines, ngayon ay mga 3pm na kami nadi-dismiss. Akala ko nga buong summer si Dianne ang magha-handle samin, pero nagkamali ako. Kasi meron pa din kaming trainer, si Mamu Odri, isang bakla na hindi naman ganun katanda. Nasa late 20s pa lang daw siya. Rodrigo ang totoo niyang pangalan.

"How's your day, baby Z?" Salubong sakin ni mommy.

"Aww, I'm afraid that I'm no longer your baby!!"

"Zeria, you still are--"

"Hey! Mom! What's with the sad face? I'm just kidding, you know that I'm very happy kasi sa wakas magiging ate na ko."

"Hindi ka nag tatampo?"

"Why would I?"

Naging super maramdamin si mommy, kasi naglilihi pa din ata siya. Ganun din daw siya nung pinagbubuntis ako, sabi ni daddy. Pero sana daw lalaki naman. 

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi na din ako sobrang nabo-bored. Nakasanayan ko na kasi ang environment dito sa Batangas. And in all fairness ha, mas madami na kong nakikitang mga neighbors namin sa labas, may nag ja-jogging, nag ba-bike, mag nag i-skates, at may nag ba-badminton din. Minsan pag naiisipan kong maglakad lakad pumupunta ako sa park, marami ding tao dun pero karamihan mga yayas and alagas. 

"Zeria! Tara na?" Sabi sakin ni Jelly ng nakuha niya na yung gym bag niya..

"Oh sige. Lalakarin natin or papahatid tayo kay Manong Edgar?"

"Pahatid na lang tayo." Suggestion ni Annie.

"Oh right!" 

Hinintay namin na dumating si Manong Edgar at nagpahatid kami sa Mutya. Kung saan nakatira sila Bryle... pero hindi siya yung sadya namin dun no!! Hindi siya yung pupuntahan namin! Hindi talaga! Isa pa... bakit ko naman gugustuhing makita yun? Maiinis lang ako sa mayabang na yun!!

Anyway, magpupunta kami dun para maligo sa ilog. Gaya nung sinabi ko nung unang punta ko dun na gusto kong bumalik dun, hindi para kay Bryle, pero dahil sa kagustuhan kong maligo sa ilog. Isa pa, last day na kanina ng SA ng Laurente. Dahil next week, pasukan na. Kaya ilalaan ko yung one week para magbasa ng mga libro. At basahin yung mga past lessons namin noon sa Brillantes. Para kasing naalog ang utak ko sa kaka-tumbling sa school dahil sa cheering.

"Nandito na tayo!!" Bakas sa boses ni Jelly ang excitement. 

Kaya naman para siyang kidlat na bigla na lang nawala sa kotse ng makapag park si Manong Edgar.

Hindi niya na kami naihatid hanggang ilog, kasi makipot na lang ang daanan at talagang nilalakad lang yun. Ilang beses din kami halos na muntik ng madulas dahil sa mga batong natatapakan namin.

Nang sa wakas ay makarating kami dun, worth it lahat ng hirap dahil sa ilog na sasalubong samin. Gaya nung una, amaze na amaze pa din ako. May mga teenagers ang naroon at naliligo sa ilog. Buti na lang at may bakanteng cottage pa.

Nang lumapit kami sa cottage, napahinto ako ng makita ko dun si Bryle... nakatayo siya at nakasandal sa haligi ng cottage.

"Ang tagal niyo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kaya naman tinignan ko si Annie.

"E-eh... kasi, puro nga tayo babae. Buti nga pumayag siya na samahan tayo ulit." Ang bruha! Guilty-ng guilty, hindi ko naman siya tinatanong.

Dire-ditetso lang ako sa cottage at pinatong dun sa wooden table ang bag na dala dala ko. 

"Miss Zeria!" Nilingon ko ang pinang galingan ng boses na yun. Si Manong Edgar pala.

"Oh! Bakit ho?"

"Naiwanan niyo ho itong basket." Itinaas niya ang dalawang basket na dala dala niya.

"Ay! Oo nga ho pala. Buti nakita niyo, kung hindi, wala kaming kakainin." Ipinatong niya yung mga baskets sa table.

"Sige ho! Mauna na ko. Nandun lang po ako sa pinag-park-an ng kotse. Kung may kailangan po kayo, tawagin niyo lang ako."

"Sige ho. Salamat!"

"Zeria!! Annie!!" Tinignan ko si Jelly na kumakaway kaway sa may tulay na nasa ilog. "Tara na! Maligo na tayo!!" Talagang excited na excited siyang mag swimming dito sa ilog. Dahil malinis at maganda. Naka short shorts na nga siya kaagad at naka sleeveless shirt na.

"Susunod na ko! Aayusin ko lang to." Pabalik kong sigaw sa kanya. Nagsimula na kong ayusin ang mga pagkain ng biglang sumulpot si Bryle na akala mo kabute.

Nang tumingin ako kay Annie, pabalik balik ang tingin niya samin ni Bryle... para siyang di matae sa itsura niya. "Naku! Zeria... Bryle... maiwan ko muna kayong dalawa ha? Gusto ko na rin kasing maligo." Bigla na lang tumakbo si Annie paalis sa cottage namin. Narinig ko lang na bumuntong hininga si Bryle na nakasandal nanaman sa may haligi ng cottage.

Kung hindi siguro dahil sa ingay ng tawanan ng mga ibang tao na naliligo sa ilog... na-tulig na ko sa ingay ng kuliglig.

"Psst! M-malas na pahamak!" 

Tinignan ko ng masama si Bryle sa sinabi niya. Napaka wala grabe talaga ng mga lumalabas sa bibig nitong bwisit na lalaking to!!!

"Ako ba ang kinakausap mo?"

"May ibang tao pa ba dito?" Aba't!! Sumusobra na tong bwisit na to ah!!

"Oo. Marami! Bulag ka ba?"

"Pero hindi naman sila malas na laging napapahamak at pahamak sa ibang tao."

"Hoy! Ikaw ha!! Sumusobra ka na talaga. Wala ka bang ibang masabing maganda? Kung wala, tumalon ka sa ilog at magpakalunod!!"

"Alam mo... ang sungit mo!! Parang mag so-sorry lang yung tao eh!" Sorry? Gusto niyang mag sorry? Kahit sinong anghel-anghelan ang hingan niya ng sorry, eh magiging impaktita sa gaspang ng ugali niya!

"Sa lagay na yan?? Hindi sorry ang gusto mong sabihin... kundi puro pam-bu-bwisit!"

"Tss! Tulungan na nga kita diyan. Baka sa bagal mong kumilos, bukas pa makain yang mga yan!"

"Wag na! Bukas man ako matapos, makakain naman. Pero pag tumulong ka, baka makalason ka pa!"

"Di wag! Kala mo naman gusto talaga kitang tulungan! Makaalis na na nga." 

Magsasalita pa sana ko kaya lang biglang umalis ang bwisit na lalaking yun!! Kaya kahit na nakatalikod na siya inirapan ko pa din siya.

Nang matapos ako sa paglalagay ng tuna spread sa mga slice bread, sarili ko naman ang iniayos ko. Tinanggal ko ang t-shirt na suot suot ko, meron naman akong tube shirt na pangloob, medyo kita nga lang yung pusod ko, pero super fit naman siya kaya safe ipang swimming. Dahil parang wala naman akong nakitang cr dito or shower room, nagpalinga linga ako at wala din namang tao sa mga cottages na katabi namin, sinigurado kong walang makakakita sa gagawin ko.

"Clear!" Pabulong kong sinabi. Madalian kong hinubad yung leggings ko...

"Malas na pahamak!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Bryle. Nasa binti ko pa lang yung leggings. "Ta...pos..." Napaharap agad ako sa kanya dahil sa taranta. 

Natulala kami sa isa't isa. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa legs ko... dun ko na-realize na naka-panty lang ako. Nang bigla siyang napasinghap, dun lang bumalik ang kaluluwa ko kaya hinagis ko sa kanya yung t-shirt na hinubad ko kanina, sumakto yun sa mukha niya at nagmadali siyang tumalikod sakin.

"B-bastos ka!! B-bastos. Mamboboso!! Umalis ka dito! Alis!" Hinubad ko na talaga yung leggings ko at sinoot ko yung jersey short ko nung grade 8 ako na ginamit sa P.E namin na volleyball

"H-hoy! W-wag kang mag bintang! H-hindi ko naman alam eh!" Humarap siya sakin at nilapitan ako. "Isa pa, bakit ka ba diyan naghuhubad ha? Paano kung may iba pang makakita sa'yo?! Hindi ka ba talaga nag iisip?" 

"Anong karapatan mong sigawan ako? Sa halip na mag sorry ka, ikaw pa ang parang nabosohan!" Sumisigaw na din ako dahil sinigawan niya ko.

"Eh hindi ko nga alam! Meron naman kasing banyo, bakit hindi ka dun nag hubad?" Meron?? Saan?? Loko pala to! Parang sanay na sanay ako sa lugar na to.

"Malay ko bang meron? Engot ka pala eh!!"

"Eh di sana nagtanong ka!!" 

"Tumabi ka nga diyan, baklang manyakis!!!" Itinulak ko siya para makadaan ako. Dahil masyado siyang malapit sakin at nati-tense ako sa sobrang lapit niya.

"Hoy! Nakakailan ka na ah! Hindi ako bakla!!"

"Ikaw sobrang sobra ka na!!!" Nagmadali ako sa paglabas ng cottage. Hindi ko napansin yung mga tumpok tumpok ng bato kaya naman napatili at napapikit ako ng pakiramdam ko susubsob na ang mukha ko sa mga bato. "Aray!!!"

Nabigla ako ng may humigit sakin. Nasa may tiyan ko ang kaliwang braso niya, naka-embrace naman sa dibdib ko at nakapatong sa left shoulder ko yung kanang kamay niya. Nakuryente ako ng magkadikit ang likod ko at dibdib niya. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ni Bryle.  Nakikiliti din ako sa hininga niya na tumatama sa right collarbone ko.

"Kung hindi ko lang nakita yang katawan mo... iisipin ko na talagang may balat ka sa pwet dahil sa kamalasan mo." 

Bigla akong kinindatan ni Bryle ng may sumigaw.

"JIMENEZ... THREE POINTS!!" 

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top