10th Plan

Napatunganga lang ako sa nalulunod na si Jaeina. Naglapitan na din sila mommy. Dahil marunong naman lumangoy yung guy, na feeling ko si Jairon, siya na rin ang sumagip kay Jaeina.

"What did you do Arriane??" Halos pasigaw na tanong ni Tita Claire. Tinulungan nila daddy si Jairon na iakyat si Jaeina sa pool.

"N-nothing!"

"Nothing? You pushed them!"

"It's my party! S-syempre normal lang na pag merong ayaw mag swimming, ipu-push mo sila sa pool. G-ganun naman yun diba?"

"Eh hindi naman marunong lumangoy si Jaeina eh!"

"Hindi ko naman alam eh."

"You should've known better!"

"Like I care about her." Pabulong na sagot ni Rian, na hindi ata narinig ni Tita Claire.

"What?!"

"Nothing." Nilingon ni Rian si Jairon na mahinang tinatapik ang likod ni Jaeina na umuubo-ubo. Inirapan niya lang ang mga yun at nag walk-out.

"Arriane! We're not yet done!!"

"Hayaan mo na Ate Claire... ganyan talaga ang nagagawa ng selos!" Pangiti ngiti na sinabi ni mommy.

If I know nakakarelate siya nung mag girlfriend-boyfriend pa lang sila ni daddy.

Natapos ang party na kain lang ako ng kain, si Rian naman palangoy langoy lang. Yung mga nanay at tatay naman namin nag uusap usap, tapus titingin si Tita Claire kay Rian at iiling lang.

Nang magising ako at nakapag ayos na, palapit pa lang ako sa pinto may naririnig na kong malakas na boses.

"Mag pasalamat ka wala si Tita Nina niyo dun! Kung nandun siya, nakakahiya ka!!"

"I told you, wala akong kasalanan!"

"Impossible! You'll be grounded for a week! No gadgets, no t.v., no big room... wala lahat. Dun kamatutulog sa maid's quarter!!"

"B-but"

"No buts, Arriane."

Yun lang ang huling ko narinig. Nang wala nang nagsalita, lumabas na ko ng kwarto. Nakita ko lang dun si Rian na nakahalumbaba at nakasimangot.

"Do you think it's unfair?" Tanong sakin ni Rian ng makita niya kong nakatayo lang sa tapat ng room ko.

"I don't think so..." napabuntong hininga lang si Rian sa sagot ko.

"May pinag uusapan kanina si Tita Ciara and Tito Hanzen eh..."

"About?"

Sa pangalawang pagkakataon, bumuntong hininga ulit siya. "You better ask them."

"Where are they?"

"Nasa balcony..."

"Hmm, 'kay." Nagpunta agad ako sa balcony at nandun nga sila mommy and daddy.

"Good morning!" Bahagyang nagulat si mommy at daddy sa pagsulpot ko. "Mukhang seryoso yung usapan niyo ah?" Nagkatinginan sila at napabuntong hininga si daddy.

"Zeria, we have to tell you something..."

"Is it important, dad?"

"Well, I think it is, I guess."

"Then... what is it?"

"We have to... pack our things..."

"Kasi we're going to Batangas... later." Dugtong ni mommy sa sinabi ni daddy.

"What?! why?! w-what's wrong with you guys?!"

"Your dad has an urgent meeting with some managers... nagkaroon kasi ng problema yung isang ship..."

"Then? do you need me there? I mean... am I one of the managers?"

"Zeria!!" Saway ni mommy sakin.

"Pwede naman siguro tayong mag paiwan dito... o kaya naman ako lang... magpapahatid na lang ako sa mga driver. Or i-invite ko sila Tita Claire sa Batangas."

"No. You're coming with us and that's final." Mariing sabi ni daddy.

"Napaka unfair niyo talaga!! First, bigla niyo na lang sasabihin sakin na sa Batangas na tayo titira. Without my consent... hindi niyo nga naisip yung oppurtunity na mawawala sakin pag nag transfer ako sa ibang school." Hindi ko na napigilan na hindi maiyak dahil sa sama ng loob. "Second, one week vacation turn into a three days and two nights ha! Sounds funny!"

Nagulat ako sa ginawa ni mommy... in my 15 years of existence she never hurt me mentally and... physically. Pero ngayon... sinampal niya ko.

"You're a self-centered brat!"

"Ciara!" Hinawakan ni daddy si mommy sa braso, at para siyang natauhan sa ginawa niya.

"B-baby Z, look... I'm so--" Sinubukan niya kong hawakan sa braso pero umatras ako kaya natigil siya sa pagsasalita.

"Do I deserve it?" Yun lang ang sinabi ko at tinalikuran ko na sila. Nagulat pa ko dahil nakatayo sa di kalayuan si Tita Claire na parang nagulat siya sa mga pangyayari. Nag dire-diretso lang ako sa room ko.

Kinuha ko lang yung bag ko at sinimulan ko ng mag ayos ng mga gamit ko. Nang nasa kalagitnaan na ko ng pag aayos, napahawak ako sa pisngi ko na sinampal ni mommy at napahagulgol na lang ako.

Limang oras din akong hindi lumabas ng kwarto. Nang ipatawag ako kanina para mag breakfast hindi ako bumaba, ganun din nung lunch na. Kaya pinadalahan ako sa isang maid ng isang tray na puno ng pagkain. Pero hindi ko yun kinain dahil wala akong gana.

Nagawa ko pa ding makapagpaalam kila Tita Claire, Tito Jorgen, Rian, t Clarence. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Minsanang nag uusap sila mommy at daddy, madalas napapansin ko si mommy na lilingon sila sakin at magkakatinginan sila ni daddy.

Nang makarating na kami sa bahay sa Batangas, si Mameng Aida ang sumalubong sakin... siya ang nag alaga sakin simula ng pinganak ko. Siya din ang nag alaga kay mommy noon.

"Bakit ang bilis naman ng bakasyon niyo?"

I just shrugged my shoulders. Hindi ko naman kasi talaga alam. Bukod sa sinasabi nilang urgent meeting ni daddy, wala na kong alam na iba pa.

Nang makita ko si mommy sa likuran ko ay napagpasyahan kong matulog na lang. "Aakyat na po akong Mameng."

"Oh sige, papadalhan na lang kita mamaya ng meryenda."

"Salamat po.."

"May problema ba, Ciara?" Yun ang huli kong narinig na sinabi ni Mameng...

Naalimpungatan ako sa mararahang haplos ng kung sino man sa ulo ko, nang magdilat ako... si mommy pala.

"Baby..." umayos ako sa pagkakahiga ko at tumingin ako sa kanya. Wala akong makuhang sasabihin sa mga braincells ko kaya nanahimik na lang ako.

"I'm sorry... nabigla lang ako kanina." Pagpapatuloy niya. "Hindi ko gustong pagbuhatan ka ng kamay. Pero kasi..."

"Sorry din mommy... sorry. I'm being too much.. you're right, i'm a self-centered brat."

"Sweetie... no. You're not... you're very understanding. Napag usapan namin ng daddy mo na... what if sa Alabang ka na ulit tumira..." Napakunot noo ako sa sinabi ni mommy.

"Ka? Ako.. lang?"

"Kasama mo si Mameng Aida. Naisip kasi namin na sayang yung sa BU. Sayang kung di ka na dun makakapag aral. At walang magulang na hindi gustong maging honor students ang mga anak nila... lalo ka na. Malaki ang expectations sa'yo ng mga teachers mo sa BU. In-assume na nila na ikaw na ang Valedictorian."

"Mommy... okay na ko. Natanggap ko na. Isa pa, ayokong malayo sa inyo ni daddy. Wala namang problema sakin kung wala akong title. Kilala ko ang sarili ko... at makikipagsabayan pa din ako kahit alam kong hindi na ko pwedeng maging valedictorian. This is our destiny, mom. Alam kong hindi niyo rin naman ginusto ni daddy na dito na ko mag grade 9."

Niyakap ako ni mommy at hinalikan ako sa noo. Sakto namang pasok ni daddy na may hawak na tray na puno ng pagkain. Dun ko lang na-realize na gutom na gutom na ko dahil wala akong kinain kanina.

"Ang daya niyo naman. Lagi niyo na lang akong hindi sinasama sa hug niyo."

"Eh pa-late late ka laging dumadating daddy eh!" Nakanguso ni daddyng ipinatong ang tray sa may marble table ko sa may terrace.

"Halika nga dito!" Sabi ni mommy kay daddy na nakatayo sa paanan ng kama ko.

Ngumisi si daddy na akala mo may masasamang plano. "Wag naman dito Ciara.. makikita ni Zeria. Gusto ko sa mas romantic." Binato ni mommy si daddy ng unan

"Anu bang pinagsasabi mo diyan?! Lumabas ka nga ng kwarto. Naiirita naman ako sa mga ngiti mo! Lumabas ka! Labas."

Pinapanood ko lang si mommy na pinagpapalo si daddy ng unan na mukhang gulat na gulat sa mga asal ni mommy.

"Lumabas ka nga. Di ka kasali samin ni Zeria. Isa pa... ang baho baho mo. Maligo ka nga!!! Tsupi na!!" Napapailing na lang ako sa pag mu-mood change ni mommy.

"C-ciara..."

"ANO?!" Singhal ni mommy.

"Are you... preg--" Nabitawan bigla ni mommy ang hawak niyang unan.

"No!! No!! I'm not!" Nanghihinang naupo si mommy sa kama ko at umiling iling. Napabuntong hininga lang si daddy at dinaluhan si mommy.

"Ciara... bakit ba ayaw mo? Blessing yan.. pinagkaloob satin yan. Bunga yan ng pagmamahalan natin. Ayaw mo bang lumaki ang pamilya natin?" Tinignan lang ni mommy si daddy ng masama.

"Buti sana kung ikaw ang manganganak. Okay lang sakin kahit gaano karami.." Naka-pout na sinabi ni mommy.

"Kung pwede lang, sweetie. Kung pwedeng ako na lang ang manganak para hindi kita makitang nahihirapan sa panganganak. Pero nandito naman ako sa tabi mo eh.. ako ang mag aalaga sa'yo. Isa pa... tignan mo naman si Zeria, hindi ba worth it yung sakit na naramdaman mo?"

"Hmp! Oo naman no, she's worth all the pain. Basta sinabi mo yan ah? Aalagaan mo ko.."

"So... buntis ka nga?" Pati ako ay naintriga sa sagot ni mommy. Para kaming engot ni daddy na talagang inilapit ang mga mukha namin kay mommy para lang.

Pa-effect pang tumingin samin si mommy pagkatapos ang yumuko siya, tapus tumingin ulit saming dalawa ni daddy.

"Damn the anticipation." Naiinip na sabi ni daddy.

Tumingin ulit samin si mommy, this time unti unti siyang ngumiti.. "I am..." 

Kami naman ni daddy ang nagkatinginan. Hindi ko napigilan na hindi tumili. "Aaaaah!! Magiging ate na ko.." 

"YES!!! MAG KAKA-JUNIOR NA KO!!" Galak na galak na sigaw ni daddy!

Sabay kaming tumayo ni daddy at nagtatatalon sa kama ko. Para kaming nanalo ng jackpot sa lotto. Tawa lang ng tawa si mommy. Nang mapagod kami ni daddy sa kakatalon at kakasayaw, naupo kami at niyakap namin si mommy...

(c) Eilramisu

HI GUYS!!! HEHEHE! MEDYO MATAGAL ULIT BAGO AKO NAKAPAG UPDATE!

GUSTO KO SANA ULIT HUMINGI NG FAVOR. LAST NA TALAGA TO! HIHIHIH ='> PAGAWA PO ULIT AKO NG COVER.. NAGBAGO NANAMAN PO KASI NG CAST. 

SI VIKA LEVINA & ALEX PETTYFER NA PO. PLEASEEEEEE?! LAST NA TALAGA TO. TAPUS OKAY NA, DI KO NA PAPALITAN YUNG GUY! AND PWEDE PONG Eilramisu LANG ANG ILAGAY NIYO? OR by Eilramisu. BASTA GANON YUNG SA USERNAME! HEHEHE! DEMANDING.  

THANK YOU PALA KAY XerzaScarlett SA NAPAKA-CUTE NA COVER NA GINAWA NIYA. 

MWA MWA MWA! THANK YOU SA PAG SUPORTA NG HWP. GAGAWA AKO NG FS SA GAGAWA NG COVER KUNG GUSTO NIYO LANG PO NG I-FS =) ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top