Chapter 8
✨
Disappointed
Bumalik ako sa school at dahil wala ng oras para kumain ay dumiretso na ako sa room. Umupo ako sa upuan ko at nilingon ako ni Lianne nang may pagtataka sa mukha.
“Ayos ka lang, Crystal?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo naman."
Bumuntonghininga ako. Ayaw ko nang sabihin pa kay Lianne ang nangyari sa pag-uusap namin ni Julianna. Baka kung ano pang gawin niya.
Dumating na ang teacher namin kaya hindi na nakapagtanong pa si Lianne. Sinubukan kong mag-focus sa discussion pero mas lalo lang akong nalilito ngayon. Kung kailan naman malapit na ang exam, 'tsaka pa ako nagkakaganito.
“Crystal! Huy, bes! Nabingi ka na ba?"
Nilingon ko si Lianne nang alugin niya ang balikat ko. Kasalukuyan kaming nag-aabang ng jeep ngayon pauwi. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko napansin na kinakausap niya pala ako.
“H-Ha? Sorry. Ano bang sinasabi mo?" tanong ko.
Pinanliitan niya ako nga mga mata. “Ang sabi ko, nakita ko kanina sa college campus na bukas na pala ang Night Ball nila."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Anong gagawin ko?"
“You know, baka gusto mong magpunta tayo doon."
“At paano naman tayo pupunta doon? Hindi tayo imbitado," sabi ko.
Ngumisi siya at tumingin sa akin na parang may binabalak. Mukhang may naisip na siyang plano at sa tingin ko, hindi 'yon maganda.
“Alam mo ba ang tungkol sa gate crashing? 'Yon ang paraan para makapasok tayo sa campus nila," bulong niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gate crashing? Sabi ko na nga ba, hindi maganda ang nasa isip ni Lianne. Paniguradong kapag nahuli kami, suspension ang parusa sa amin no'n!
“Nababaliw ka na ba? Baka mahuli tayo. Kanina nga muntik na tayong mahuli. Tapos gusto mo pang ulitin?"
“Mabilis lang naman tayo doon, e. Hindi tayo mahuhuli kasi masquerade party naman 'yon. Sisilip lang tayo, promise."
Tinitigan ko siya. Nagpapaawa siya sa akin para lang pumayag ako. Hindi talaga ako sigurado sa plano niya pero kung hindi ako papayag, for sure, gagawin niya 'yon mag-isa. Ayaw ko namang iwan siya.
Bumuntonghininga ako. "Sige na nga. Pasalamat ka talaga malakas ka sa akin. Basta kapag nahuli tayo, lagot ka sa akin."
Napatalon siya sa sobrang saya at niyakap ako. “Thank you, bes! Don't worry, sagot kita kapag nahuli tayo. Sa bahay na tayo mag-ayos bago dumiretso sa party, okay?"
Napakunot naman ang noo ko. "Akala ko ba sisilip lang? Bakit mag-aayos pa?"
“Ano ka ba naman, Crystal! Gusto mo bang magpunta doon ng haggard ang face? Edi mas lalo nila tayong pinaghinalaan niyan."
Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan ko na siya.
Kinabukasan, pumasok na muna kami sa klase namin bago ako sumama kay Lianne sa bahay nila. Hindi naman ako magaling sa makeup kaya siya na ang nag-ayos sa akin.
“Bes, huwag mong kapalan ang make up ko, ha?" sabi ko kay Lianne.
Tumango siya. “Sure, ako na ang bahala," sagot niya at inumpisahan na akong lagyan ng makeup.
Tapos na niyang ayusin ang buhok ko. Half-ponytail ito at nakakulot ang laylayan. Ilang minuto niya akong inayusan hanggang sa tuluyan na siyang matapos.
Humarap ako sa salamin at natigilan.
“Ako ba talaga 'to?" wala sa sariling tanong ko.
Natawa naman si Lianne. “Oo bes, ikaw 'yan. Ang ganda mo talaga! Actually, parang may kamukha ka."
Nilingon ko siya at napakunot ang noo. “Kamukha? Sino naman?" tanong ko.
“Ewan ko kung ako lang, pero kamukha mo 'yong babaeng kausap mo noong nagpunta tayo doon sa college campus. May hawig kayong dalawa pero ngayong nakaayos ka ay magkamukha na talaga kayo."
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang hirap namang isipin na magkamukha talaga kami ni Julianna. Baka niloloko lang ako nitong si Lianne.
Umiling ako. "Imposible. Guni-guni mo lang 'yon."
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. "Okay, bahala ka. Isuot mo na 'yong gown. Tatapusin ko pa ang makeup ko."
Natigilan ako nang may maalala. Alanganin akong ngumiti kay Lianne kaya kumunot ang noo niya.
"Ano kasi, wala akong gown na nahanap. Puro dress lang ang damit ko sa bahay—"
“Don't worry, ako na ang naghanap ng gown mo. Alam ko namang hindi mo gugustuhing gumastos para dito. Nandoon na sa walk-in closet ang gown," sabi ni Lianne at isinenyas niya ang closet niya.
Tumango ako. “Salamat, Lianne. Sabagay, sa 'yo naman idea 'to kaya dapat lang na ikaw mag-provide ng kailangan ko."
Tumawa siya. "Oo nga naman. Sige na, punta na do'n!"
Pumasok ako sa walk in closet niya at tumambad sa akin ang isang pulang tube gown. Napaka-sexy ng disenyo nito. Mababa ang hiwa sa may dibdib at gano'n din ang slit sa laylayan ng gown.
Ang ganda. At hindi ko maisip na ako ang magsusuot nito.
Ingat na ingat ako habang sinusuot ang gown. Takot na baka masira ko ito. At nang matagumpay ko itong naisuot ay lumabas ako ng closet para itanong kung nasaan ang isusuot kong sandals.
Nakabihis na rin si Lianne. Kulay black off shoulder gown naman ang suot niya. Ang ganda niya talaga kahit kailan.
“OMG! You look so fabulous, Crystal!" sabi ni Lianne.
Napangiti ako. "Thank you. Ang ganda mo rin, Lianne."
May kinuha siyang box sa ilalim ng kama at na g makita ko kung ano 'yon ay nanlaki ang mga mata ko. Iyon ang killer high heels na tinatawag nila. Sasakit ang paa ko nito panigurado.
Ngumiwi ako. “Hindi ba puwedeng flat shoes na lang ang isuot ko?" tanong ko.
“Sorry pero hindi puwede. May slit ang gown mo kaya heels ang dapat mong isuot. Kaya mo 'yan, promise."
Napabuntonghininga na lang ako. Sana nga kayanin ko. Sana hindi ako madapa para hindi ako mapahiya.
Nag-taxi kami papunta sa campus. Todo kapit ako kay Lianne para lang hindi ako madapa. Suot na namin ang maskara na natatakpan ang kalahating mukha. Nang malingat ang bantay ay agad kaming sumalisi. Madilim na kaya hindi kami agad mapapansin.
“Bes, ang daming tao. Baka may makakita sa atin," bulong ko sa kaniya pagkapasok namin sa campus.
Narinig ko ang pagtawa niya. "S'yempre makikita talaga nila tayo. Pero dahil may suot tayong mask, hindi nila tayo makikilala. Gusto mo bang makita si Art?"
Kumunot ang noo ko. "At bakit ako ang tinatanong mo? 'Di ba ikaw ang may gustong makita siya?"
"Crystal naman. S'yempre hindi lang si Art ang ipinunta ko dito. Actually, mayroon akong ka-meetup ngayon. Engineering student siya. Hinihintay niya na ako doon sa tagpuan namin," sabi niya.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Lianne. Ibang klase talaga itong kaibigan ko. Hindi man lang sinabi na may ka-meetup pala siya. Sana hindi na lang ako sumama.
"Uuwi na lang ako tutal may katagpo ka naman pala—"
"Huwag naman, Crystal. Ang mabuti pa, i-enjoy mo na rin ang party. Huwag ka lang kikilos ng kahinahinala para hindi ka mapansin. Sige na, maghiwalay na muna tayo."
Nataranta ako nang bigla siyang maglakad palayo.
"Lianne!" pabulong kong tawag pero hindi na niya ako nilingon.
Nakakaloka talaga siya. Tama bang iwan ako dito? Palibhasa may engineering student pala siyang kausap! Paano naman ako? Aish!
Wala akong choice kundi ang maglakad-lakad na lang. Ang gaganda ng mga gown ng mga babae ngayon dito. Halatang puro may kaya sa buhay.
Natanaw ko ang buffet table sa kabilang side kaya bigla akong nagutom. Mabuti pa, kakain na lang ako.
Dumaan ako sa gilid para makatawid sa gitna at nakita ko ang mga nagsasayawang estudyante sa dance floor. Puro magkasintahan ang mga nandoon dahil mabagal ang kantang tumutugtog.
Pagkarating sa buffet table ay agad akong kumuha ng plato. Magsasandok palang sana ako ng pagkain nang biglang tumigil ang tugtog. Kasunod no'n ay ang pagtunog ng microphone hudyat na may magsasalita.
“Announcement! May nag-report sa amin na may mga high school students ang nandito ngayon sa party without invitations. In short nang-gate crash sila. There eight students na nandito ngayon. Kindly bring them to the guidance office kapag nahuli ninyo sila."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Eight students? Ibig sabihin hindi lang kami ni Lianne ang nakaisip na mang-gate crash? Pero ayos na rin 'yon, atleast may iba pa silang pagtutuunan ng pansin.
Dahandahan kong ibinalik ang platong kinuha ko bago ako pasimpleng umalis. Kalmado akong naglakad para hindi nila ako mahalata. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing may sumusulyap sa akin. Hindi naman siguro nila alam na high school student ako.
Pero mukhang minamalas nga ako ngayon. Dahil biglang may nakatapak sa laylayan ng gown ko kaya muntik na akong masubsob. Mabuti na lang ay tumama ako sa dibdib ng isang lalaki.
Tiningala ko siya. Pamilyar sa akin ang mga mata niya pati ang labi niya.
Lalayo na sana ako pero agad niyang ipinulupot sa beywang ko ang braso niya at mas inilapit ako sa kaniyang katawan. Hindi ako nakapalag. Maging ang paghinga ay hindi ko rin magawa.
“Breathe, Crystal. It's me."
Nanindig ang balahibo ko sa pagbulong niya. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Art itong lalaking nakayakap sa akin ngayon. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil siya ang nakahuli sa akin.
“Art, si Yanna ba 'yang kayakap mo?" tanong ng isang lalaki.
Dahil sa kaba ay mas lalo akong yumuko. Samantalang hindi naman sumagot si Art.
“May mga high school students daw dito. Have you seen one? For sure, isa ka sa mga ipinunta nila dito," tumatawang sabi pa ng lalaki.
Pumikit ako nang mariin. Bakit ba ang tagal umalis ng lalaking 'to? Balak niya bang makipagkuwentuhan muna kay Art?
Naramdaman ko ang pag-iling ni Art. "No, I haven't seen them. Kung ako nga ang ipinunta nila dito, for sure may makikita ako kahit isa sa kanila."
May nakita na nga siya. Ako. Pero hindi naman siya ang ipinunta ko dito. Sinamahan ko lang si Lianne.
"Okay. Maghahanap na muna ako," rinig kong sabi ng lalaki.
'Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang umalis na siya. Pero muling bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan ni Art ang kamay ko.
“Let's go," he said.
Hinila niya ako papunta sa pinakadulong parte ng venue. May mga pangdalawahang mesa dito pero wala namang ibang estudyante.
“Stay here. Your heart is beating fast. I'll get you some water. Huwag kang aalis," bilin niya bago umalis.
Napahawak ako sa dibdib ko. Tama siya, sobrang bilis ng tibok nito. Pero hindi naman ako nahihirapang huminga. Siguro, iba ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang puso ko.
Kung ano man 'yon, ayaw ko nang alamin. Nakakatakot malaman.
Bigla kong naalala si Lianne. Sana naman hindi siya nahuli. Nasaan na kaya siya? Hanapin ko na lang kaya siya? Kinakabahan talaga ako. Bahala na nga.
✨
Art Francis
I was right. Siya ang babaeng nakita kong pumasok sa campus kanina. Kahit naka-maskara siya, nakilala ko ang mga mata niya kaya naman sinundan ko na siya.
Alam kong puwede silang mapahamak kapag nahuli silang nandito sa loob ng campus. Ano na naman ba kasing naisip nilang magkaibigan at pumunta ulit sila dito?
I could feel her body tensed when she bumped with me.
"Breathe, Crystal. It's me," I told her.
I suddenly want to protect her. That's why I didn't tell the student council that I caught her. Hindi ko siya kayang isumbong. Alam ko namang napilitan lang siyang sumama dito.
Habang kayakap ko siya kanina, ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Hindi 'yon maganda sa kondisyon niya kaya naman iniwan ko na muna siya para kumuha ng inumin.
Pabalik na sana ako sa kung saan ko iniwan si Crystal nang makasalubong ko si Bethany.
“Art, where's Yanna?" she asked then she glanced to the bottled water on my hand.
“She can't come tonight. She had an urgent dinner with her family," I told her.
If Julianna is here tonight, for sure she will be the Face of the Night again.
“Oh, I thought she is the girl you are dancing with earlier. Kamukha niya kasi."
Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Bethany. Noong una kong nakita si Crystal, kahawig niya talaga si Julianna. Pero magkaiba sila sa mga mata.
Crystal's eyes are brownish while Yanna's eyes are pure black.
“Nahuli na ang isa sa mga nang-gate crash dito sa campus. Buti nga sa kaniya. Hindi kasi marunong sumunod sa rules."
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang dalawang student council na nag-uusap. Agad akong nagpunta sa mesa kung saan ki iniwan si Crystal pero wala na siya doon.
Damn it, Crystal! Bakit ba napakapasaway mo?
Agad ko siyang hinanap. Kung talagang nahuli siya, malamang nasa guidance office na siya ngayon. I went to the office and knocked three times before entering the room. Nandoon siya, nakaupo sa harap ng guidance counselor.
“Mr. Baltazar, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong sa akin ng guidance counselor.
I looked at Crystal but she didn't even glance at me. I took a deep breath before I approached her. And that's when I realized that she's crying.
"She's not a gate crasher. She's with me," I told the guidance counselor.
Napalingon sa akin si Crystal at bahagyang nakakunot ang noo niya. Hindi rin makapaniwala ang guidance counselor sa sinabi ko.
“Really? Mr. Baltazar, hindi mo ba alam na labag sa school policies ang ginawa mo?" tanong nito.
“I know the school policies, ma'am. I'm sorry. I just... I just want her to be my date," I said.
Seriously, Art? Iyon lang talaga ang naisip mong palusot? Bakit ba hindi ka mag-isip nang maganda. Nababaliw na yata ako.
Napailing-iling ang guidance counselor bago nagsulat. "Okay, since sinabi mo na kasama mo siya, hindi ko siya isasama sa mga nang-gate crashed dito sa party. Huwag n'yo na ulit itong uulitin."
I nodded. "Yes, ma'am. Thank you."
Pinatayo ko na si Crystal at hinila siya palabas ng guidance office. Naglakad kami papunta sa parking lot at hindi pa rin siya nagsasalita.
"I told you to stay where I left you. Bakit ka ba umalis? Paano kung hindi kita inabutan?" tanong ko sa kaniya.
Tumingala siya sa akin. “Bakit ba palagi mo akong tinutulungan?"
Sinubukan kong magsalita pero wala rin naman akong maisagot. Bakit ko nga ba siya tinutulungan? Kung mahuli man siya, wala na dapat sa akin 'yon. Bakit idinawit ko pa ang sarili ko sa problema niya?
I sighed. "I don't know. I just want to help you. Hindi ka kasi marunong mag-ingat."
Something flashed in her eyes but it quickly disappear. For a moment, she looks disappointed. But why?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top