Chapter 4


Friend

Hindi ko alam kung paano ko nagawang tapusin ang pagkain nang matiwasay pagkatapos sabihin ni Art 'yon. Basta ang alam ko, hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko.

“Art, bakit hindi mo na lang sila isabay papuntang school?Magkatabi lang naman ang campus ninyo," sabi ni Mr. Baltazar.

Tumingin si Art sa relo niya bago sumulyap sa amin at tumango. Nakaka-intimidate kahit na ang simpleng pagkilos lang niya. Para bang lahat ng kaniyang galaw ay perpekto at sigurado.

“Let's go," sabi ni Art at lumabas na kami ng bahay nila. "Dadaanan ko muna si Julianna sa bahay nila."

Sa driver's seat sumakay si Art at sa backseat naman kami ni Aireen. Siguro sa front seat sasakay si Julianna. Girlfriend niya kaya iyon?

Kung may girlfriend na nga siya, kawawa naman pala ang kaibigan ko. Wala na siyang chance sa crush niya.

Ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng malaki ring bahay. Bumaba si Art at nag-doorbell sa bahay na iyon. Lumabas naman ang isang babae. Nakangiti sila sa isa't-isa na akala mo ay ngayon lang sila ulit nagkita.

Maganda si Julianna. Sa kutis pa lang na porselana ay malalaman mong anak mayaman siya. Mukha siyang model at masasabi ko ring bagay nga sila ni Art.

“Hi, Aireen," bati ni Julianna sa katabi kong nag-ce-cellphone.

“Hello, ate Yanna," sagot ni Aireen.

Lumipat sa akin ang paningin ni Julianna at tumaas ang kilay niya. Walang emosyon ang mukha niya pero alam ko naman ang iniisip niya. Nagtataka siya kung sino ako sigurado 'yon.

“She's Crystal. Aireen's friend," sabi ni Art.

Ngumiti lang ako kay Julianna at gano'n din siya. Mabilis lang ang naging biyahe namin papuntang school dahil wala namang traffic. Kaya pagdating doon ay may twenty minutes pa kaming spare time.

Pagbaba namin ni Aireen sa kotse ay pansin ko na kaagad ang mga tingin ng mga estudyante. Nagtataka siguro sila kung bakit kami magkasama. Sikat si Aireen sa campus, iyon ang alam ko. Kilala ko lang siya dati sa mukha pero hindi sa pangalan.

“Sabay na tayong umakyat sa building natin," sabi niya at tumango lang ako.

Nakita ko kung paano kami sinundan ng tingin ng mga estudyante. May ibang iniirapan ako. Hindi ko alam kung anong problema nila. Masama bang sabayan ko si Aireen? O baka naman naiinggit lang sila?

Ang mga tao ngayon ay mayroon ng sariling batas na kapag hindi ka mayaman bawal kang makipagkaibigan sa mga mayayaman. Masiyado nilang minamaliit ang mga tulad namin, lahat naman ng tao ay nag-umpisa sa pagiging mahirap.

“Magkatabi lang pala ang room natin," sabi ko ng huminto kami sa tapat ng room nila.

“Really? That's good. Because from now on, we are friends."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Mas lalo niyang pinatunayan na hindi lahat ng mayayaman ay maaarte.

Ngumiti ako. “Masaya ako na magkaibigan na tayo."

“Likewise. If you have a problem and you need my help, don't hesitate to tell me, okay?"

Hindi ko naman ugaling humingi ng tulong sa iba lalo na kung kaya kong gawan ng paraan. Pero na-appreciate ko ang kabaitan ni Aireen kaya tumango ako bilang pagpayag.

"Sige. Pumasok ka na sa loob ng room mo," sabi ko.

Hinintay ko siyang makapasok sa loob bago ako bumalik sa room ko. Lumipas ang ilang oras at uwian na. Kailangan ko pang dumaan sa locker room para iwanan ang ibang libro ko doon. Sinabihan ko na rin si Lianne na mauna at hintayin na lang ako sa tapat ng gate.

Kaunti na lang ang mga estudyanteng nandito dahil nga uwian na. Kailangan ko nang magmadali dahil baka masaraduhan pa ako ng gate.

Binuksan ko ang locker ko at inilagay doon ang mga libro. Pagkatapos ay isinara ko na ito ulit.

Pero nabigla ako nang may biglang tumulak sa akin. Natumba ako at tumama ang likod ko sa locker. Tatlong babae ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko sila kilala. Pare-parehong nakataas ang mga kilay at masasama ang tingin sa akin.

“Ano bang problema n'yo?" tanong ko.

Masakit ang likod ko kaya nahihirapan akong tumayo. Kinailangan ko pang kumapit sa gilid ng locker.

Sino ba ang mga babaeng 'to? Wala naman akong utang sa kanila. At mas lalong hindi ko naman sila kaklase para magkaroon ako ng atraso sa kanila.

“Lumayo ka kay Aireen! For all we know, ginagamit mo lang siya para malandi mo si Art!" sabi ng isa.

Umiling ako. “Hindi totoo 'yan. Wala akong intensyong gamitin siya."

“Liar! Wala kang pambayad ng school bills mo kaya kumakapit sa mga mayayaman! You are such a gold digger!"

“Bakit ba kasi may mga mahihirap na nakapasok dito? Mga basura!"

Pumikit ako sandali para magpakalma. Kaya ko silang labanan pero mas mabuting huwag na lang. Hangga't maaari iniiwasan kong masangkot sa gulo dito sa school. Baka mawala sa akin ang half scholarship ko.

“Sige, iiwasan ko na lang si Aireen," sambit ko.

“That's not enough! We want you out of this school! You don't belong here, you're such a trash!"

Matapang ko silang tiningnan. Masiyado na nilang tinatapakan ang pagkatao ko. Basura? Mas basura pa nga ang ugali nila sa akin, e.

“Hindi ako aalis dito. Kung basura ang tingin ninyo sa 'kin, puwede n'yo naman akong iwasan o layuan na lang. Huwag kayong umastang langaw na sumusunod—Hmp!"

Naikuyom ko ang palad ko dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin. Kaunting tiis pa.

“You don't tell us what to do, okay? We want you out of this school!"

“Pauline!"

Napalingon kami sa dumating at nakita namin si Aireen. Masama ang tingin niya sa tatlong babae sa harapan ko. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo bago hinarap ang tatlong babae.

“Aireen, stay away from that girl. She's a gold digger. She only want to flirt with your brother—"

Nanlaki ang mga mata ko nang sampalin siya ni Aireen. Maging iyong mga babae ay hindi rin inaasahan 'yon.

“Don't you dare call her a gold digger! Yes, she's poor but her attitude is way better than your attitude! Kapag ginulo n'yo pa ulit si Crystal, hindi lang sampal ang matatanggap mo sa akin. I will make sure to kick you out of this school," mariing pambabanta ni Aireen.

Ibang Aireen ang nakikita ko ngayon. Alam kong may pagkamaldita siya pero hindi ko akalaing kaya niya ring manakit ng pisikal. Wala siya itsura niya ang pagiging mapanakit. Mukha nga siyang inosente, e. Pero tama nga siguro sila, mas kailangan mong mag-ingat sa mga taong mukhang inosente.

“Get out of my face! Now!"

Nagmamadaling lumabas ng locker room ang tatlong babae. Parang biglang nilipad ng hangin ang mga tapang nila kanina. Si Aireen lang pala ang katapat nila.

Humarap sa akin si Aireen at ipinagkrus ang kaniyang braso.

“Why did you let them do that?" she asked.

Kumunot ang noo ko. "Ang alin ba?"

Pinaikot niya ang mga mata niya at humalukipkip. “Bakit hindi mo sila nilabanan? Don't tell me takot ka sa kanila?" paglilinaw niya.

Umiling ako. “Hindi naman. Ayaw ko lang talaga."

“Why? Tell me. We're friends, right?"

“May sarili akong dahilan, Aireen. Hindi ako puwedeng masangkot sa gulo dahil madali lang nila akong mapapaalis sa school na 'to kapag nangyari 'yon," paliwanag ko.

Bumuntonghininga siya at tumango. "Now, I understand. But you don't have to worry about them anymore. Hindi ka na nila guguluhin."

Napangiti ako. "Salamat, Aireen. Pero sa susunod, huwag ka na sanang makikipag-away para sa akin. Ayaw ko lang na mapahamak ka."

"I can handle myself. Hindi naman nila ako sasaktan. They will do everything to please me because they want to be close to my brothers. Pathetic."

Natawa ako sa pagsusungit niya. Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid ko na siya sa parking lot atsaka ako dumiretso sa gate. Mukhang kanina pa naghihintay si Lianne doon.

Nakasimangot na kasi siya pagkaharap sa akin.  “Bes ang tagal mo naman," pagrereklamo niya.

“Sorry. May nangyari kasi atsaka kasama ko si Aireen kaya natagalan ako," paliwanag ko.

Tumango siya. “Hmmm, okay. Mukhang may new friend ka na. Pero huwag mo akong ipagpapalit, ha?"

Natawa ako sa kaniya. Kahit naman magkaroon ako ng maraming kaibigan, hindi ko siya ipagpapalit. Siya kaya ang kauna-kaunahang best friend ko. At para ko na rin siyang kapatid.

“Oo naman. Huwag kang umasa na iiwan kita," sabi ko at nagpara na ng jeep para makasakay na kami.

Maluwag pa sa loob ng jeep kaya magkatabi kami ni Lianne sa upuan. Agad siyang humarap sa akin at alam kong may sasabihin na naman siya.

“By the way, Crystal, nakita ko sa bulletin board kanina na magkakaroon ng singing competition sa school. Baka gusto mong sumali, magaling ka namang kumanta besides fifty thousand ang premyo."

Sumiklab ang pag asa sa sistema ko. Kailangan kong sumali doon para kapag nanalo ako ay makabayad na ako ng bills sa bahay. Sobrang nangangailangan ako ng pera ngayon kaya sasalihan ko na ang lahat ng puwede kong pagkuhaan ng pera.

“Sasali ako diyan," sabi ko.

“Support kita, bes! Sa makalawa na ang audition. Manonood ako tapos i-che-cheer kita," sabi ni Lianne.

Nakakatuwa talaga na may kaibigan akong katulad niya. 'Yong susuportahan ako sa kahit anong plano ko. Hindi ako iniiwan at pinapabayaan.

“Salamat, Lianne."

Sana nga lang talaga makapasok ako sa audition at sana manalo ako sa grand finals. Ito na lang ang tanging pag-asa ko. Sana naman suwertehin na ako dito.

Lumipas ang mga araw at audition day na. Inaamin ko, kinakabahan ako lalo pa at magagaling ang mga contestants na nandito. Lahat may talento at maibubuga. May tiwala ako sa kakayahan ko pero s'yempre hindi ko maiwasang kabahan.

“Bes, kinakabahan ako. Paano kung hindi ako makapasok?" nag-aalalang sabi ko.

Kasalukuyan kaming nakapila sa labas ng gymnasium kung saan magaganap ang audition. Maraming mga nagpapa-audition at isa na ako doon.

“Hay naku bes, kaya mo 'yan. Laban lang. Pakitaan mo sila ng galing mo!" sabi ni Lianne.

Huminga ako nang malalim at inilibot ang paningin sa mga estudyanteng nandoon. Ilang contestants na lang ay ako na ang susunod.

“Crystal!"

Napalingon kami sa sumigaw ng pangalan ko. Si Aireen pala, nakangiti habang tumatakbo palapit sa akin. Agad niya akong niyakap.

“Nalaman ko na sasali ka sa singing contest kaya nagpunta ako dito. Iwant to support you. Goodluck!" she said.

Napangiti ako. “Salamat, Aireen. Baka may klase ka pa. Ayos lang naman kung hindi ka na manood."

Agad siyang umiling. “It's a big NO. Manonood ako. Susuportahan kita. I will cheer for you!"

Nakakatuwa talaga. Mayroon akong dalawang kaibigan na handang mag-cheer sa akin. Pakiramdam ko napanatag na ang loob ko.

Pagkatapos ng napakatagal na paghihintay ay ako na ang sasalang. Pumwesto ako sa harap ng mga judges, huminga nang malalim at hinintay na tumugtog ang kanta.

Nang marinig ko ang umpisa ng kantang napili ko ay nagsimula na rin akong kumanta. Pumikit ako at dinama ang kanta. Naalala ko ang sabi ni mama noong bata pa ako. Mas nagiging maganda ang isang awitin kapag hinahaluhan mo ng puso. Dapat bawat salitang binibigkas ay may pinaghuhugutan.

“GO CRYSTAL!"

Hindi ako dumilat. Masaya ako na sinusuportahan nila ako. Pero nanatili akong nakapikit upang hindi ako kabahan. Natatakot ako na baka kapag nakita ko ang itsura ng judges ay bigla akong magkamali.

'Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang matapos na ang kanta. Nag-bow ako bago bumaba ng stage.

"Ang galing mo kanina, bes. For sure makakapasok ka sa finals," sabi ni Lianne.

Kalalabas lang namin ng gymnasium. I-po-post nila mamaya kung sino ang mga nakapasok sa finals. Sana isa ako sa mga 'yon.

“Yeah right! Advance congratulations na sa 'yo," sabi naman ni Aireen.

“Ayaw ko munang umasa. Baka kasi mabigo ako," sambit ko.

“Think positive, Crystal. You can do it," sabi ni Aireen.

Bumuntonghininga ako kasabay ng pagwaksi sa mga negatibong bagay. Hindi makakatulong 'yon sa sitwasyon ko.

Lumipas ang ilang oras at nai-post na nila sa bulletin ang mga nakapasok sa finals. Palapit pa lang kami ay kitang-kita ko na ang mga estudyante. May mga nagsasaya at mayroon namang bigo ang mukha.

“Ahm, puwedeng kayo na lang ang tumingin doon? Dito na lang ako," sabi ko ko sa kanila.

Tumingin sa akin ang dalawa kong kaibigan. “Sige.Hintayin mo na lang kami dito," sabi ni Lianne.

Tumango ako at naglakad na sila patungo sa bulletin board. Naiwan ako doon sa pwesto kong ilang metro ang layo. Malakas ang kabog ng dibdib at pinagpapawisan sa kaba.

Natanaw ko ng pabalik na sila Lianne at Aireen. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko ang bigong mukha nila. Mapait akong ngumiti.

“Hindi ako pasok? Ayos lang—"

“Congrats! You made it to the final round!" Aireen said.

Hinawakan ni Lianne ang kamay ko at niyakap ako. "Ang galing mo, Crystal! Sabi ko naman sa 'yo, kayang-kaya mo sila, e."

Tinitigan ko silang dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nila.

“Totoo ba 'yan? Baka pinagti-trip-an n'yo lang ako," nagdududang sabi ko.

“Ano ka ba! Hindi ka namin niloloko. Pasok ka talaga sa finals kaya umpisahan mo nang mag-practice. Mas i-che-cheer ka pa namin sa finals para manalo ka!" sabi ni Lianne.

"Lianne's right. We want you to win this competition but we're not pressuring you, okay? We'll support you no matter what," sabi naman ni Aireen.

Mas lalong lumakas ang loob ko sa sinabi nila. "Salamat sa inyo, ha. Huwag kayong mag-alala, kapag nanalo ako, ililibre ko kayo."

"Ayiee! Sabi mo 'yan, ah!" masayang sambit ni Lianne.

“I heard there will be a new judge for the finals. Hindi pa nila pinapakilala kung sino. Maybe, it's a surprise guest," Aireen suddenly said.

Kung may surprise judge nga sa finals, mas lalong kailangan kong galingan. Hindi ko alam kung ano ang style ng pag-ju-judge niya pero sana wala siyang pinapaburan. Maging patas lang sana ang laban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top